All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 71 - Chapter 80
1942 Chapters
Kabanata 71
Tumango si Charles at kumaway kina Emma at Shermaine. "Sa palagay ko ang Assex Constructions ay hindi angkop para sa Waylon Realty, pwede na kayong umalis ngayon."Sinabi ni Emma, ​​"Wala ka ba sasabihing, Dorothy? Kahit na hindi ka na empleyado ng Assex Constructions, bahagi ka pa rin ng mga Assex. Tulungan mo ako, babayaran kita ng sampung milyong dolyar kung makukuha natin ang deal."Ibinaba ni Dorothy ang kanyang ulo at nagpatuloy na kumain. Tinatamad siyang tumingin sa kanya dahil sa nakakabagabag na kokote ng babaeng iyon.Saway ni Charles, “Umalis na kayo rito! Sa palagay niyo ba makukuha niyo lang ang anumang bagay sa Waylon Realty sa koneksyon niyo lang?"Parehong pinalayas ang mga kababaihan sa villa.Sinara ang pintuan sa likuran nila.Inis na inis si Emma at napuno ng galit ang kanyang mga mata.May malungkot ngunit mapanghinayang na ekspresyon sa mukha ni Sharmaine. Kung nandiyan si Charles para tulungan si Dorothy, hindi siya mag-aalalang mawawala ang kanyang posis
Read more
Kabanata 72
Matapos ang hapunan, umalis sina Alex at Dorothy sa Maple Villa dahil kinailangan ni Alex na tulungan si Brittany para makakuha ng isang hundred-year-old na ginseng.Habang nasa biyahe, kumilos si Dorothy na parang isang mausisang sanggol.“Paano mo nakilala si Charles?”“Paanong nakatira ka sa Maple Villa?”“Pareho kayong sobra malapit sa isa’t isa!”"At, anong meron sa kotseng ito..."Nakangiting tanong ni Alex, "Sa totoo lang ay wala akong ideya kung paano kita sasagutin at binato mo ako ang maraming tanong sa isang bagsak. Sa katunayan, dahil ito kay Zoey. Nang kumakain si Zoey ng mountain hawthorn at bumara ito sa kanyang lalamunan, nandoon ako para tumulong at ilabas iyon."Nakasimangot na tanong ni Dorothy, "Iyon lang ba? At binigyan ka niya ng napakalaking villa bilang kapalit?"Sinabi ni Alex, “Uhmm... pansamantala lamang kaming naninirahan doon. Alam niyang wala kaming tirahan noong pinalayas ako ng iyong ina, kaya't hiniling niya sa amin na lumipat na doon."Walang
Read more
Kabanata 73
Ngumiti si Alex at sinabi, "Magtiyaga ka, siguradong na tutulungan kitang mabawi ang 10% share ng kumpanya at ang posisyon ng general manager."Sinabi ni Dorothy habang nagningning ang mga mata niya, "Hindi ko kailangan ang mga bagay na iyon. Kailangan ko lang makuha ang subsidiary company sa City South.""Sige!"Nang makita si Alex na nagtataglay ng talino at kumpiyansa sa paghawak ng mga bagay, unti-unting nawala ang kadilimang tumagal sa loob ni Dorothy nang halos kalahating taon.Naisip niyang dahil sa wakas ay nagising na si Brittany sa coma.Mabilis silang nakarating sa Assex Manor.Gayunpaman, tila mali ang kanilang paghusga.Hindi pumunta sina Anderson at Emma para humingi humingi ng tawad nang buong puso. Pagdating nina Dorothy at Alex sa entrance, naririnig nila ang mayabang na tinig ni Anderson. "Hoy Claire, dapat alam mong mula nang mamatay si Henry, komportable ang buhay ninyong mag-iina sa ganitong villa kasama ang isang katulong dahil sa kabutihang loob ng mga Ass
Read more
Kabanata 74
Sa sandaling marinig ni Madame Joanne ang panunuya niya, naisip niyang magmadalli pra pumunta doon at patayin si Alex gamit ang kanyang tungkod.Subalit, nakataya dito ang kabuhayan ng pamilya Assex. Kung kaya, agad niyang sinama ang kanyang panganay na anak na si Benny para pumunta kina Claire.Sa wakas ay nakarating sila sa manor pagkalipas ng dalawampung minuto.Pagpasok pa lang ni Madame Joanne sa bahay, umiyak si Emma at nagreklamo, “Lola, pinapahirapan kami ni Dorothy at ng kanyang basurang asawa! Naiinggit sila sa kaunlaran ng ating pamilya at gusto itong sirain! Hindi lang ako sinampal ng bastardong iyon pati si Dad din! Napakabagsik niya!"Nang matapos magreklamo si Emma, sinampal siya ulit ni Alex sa kanyang magandang mukha bago pa magbigay ng anumang opinyon si Madame Joanne."Emma Assex, walang karapatan ang isang babaeng kagaya mo na insultuhin ako, si Alex Rockefeller," walang pakialam na sinabi ni Alex matapos na sampalin si Emma. ​​"Pwede akong sermunan ng ina at a
Read more
Kabanata 75
"Ano? Gusto mo ng 100% shares? No way, 70% ang maximum.”"Deal.""Ikaw…?"Nakangiting sinabi ni Alex, “Lola, ipapakita sa iyo ang kontrata sa Waylon Realty bukas ng tanghali. Pakiihanda rin ang equity contract ng subsidiary company sa City South din. Deal ito. Paalam, Lola. Hindi kita ihahatid."Pagkaalis sa villa, malakas na humagulgol si Madame Joanne habang hinahampas ang dibdib niya at pumapadyak. “Walang hiya! Napaka walang hiya niya! Anong nagawa ng mga Assex para maranasan ito!"Samantala, sa loob ng villa, nakakunot na tanong ni Madame Claire, “Nababaliw ka ba, Dorothy? Paano mo maikukumpara ang 70% shares ng subsidiary company sa City South at ang 10% share sa Assex Constructions? Ang laki ng pagkakaiba. At saka, mas mahalaga ang posisyon ng general manager sa headquarters. Nawawala sa iyo ang grand prize habang kinukuha mo ang maliit na bagay.”Umiling si Dorothy at sinabi, "Mom, hindi madaling maging general manager sa headquarter. May CEO at deputy CEO, puppet lang a
Read more
Kabanata 76
Binaba ni Alex ang makinis at malambot na mga paa ni Claire at sinabi, “May kailangan akong sagutin na tawag.”Sumigaw si Claire, “Bakit nagmamadali ka? Tawag lang naman ‘yan! Hindi pa tapos ‘yong isang paa! At saka, ang galing-galing mong magmasahe.”Tumalikod si Alex nang may naiinis na itsura. “Maghuhugas muna ako ng paa.”Sa sandaling sagutin niya ang tawag, nagtanong si Cheryl, “Alex, nakuha mo na ba ang hundred-year-old ginseng?”Napabuntong-hininga si Alex at sumagot, “Isa talaga ‘yong pambihirang bagay. Hindi ako makakita no’n kahit na maghanap ako sa maraming lugar.”Nakangiting sinabi ni Cheryl, “Sabi na, eh. May nakuha akong isa para sa ‘yo.”“Oh! Seryoso ba?”“Oo, nagkataon na nakita ko ‘to at agad na binili.”“Nasaan ka na ngayon? Pupunta ako.”“Sige, ipapadala ko sa ‘yo ‘yong address.”Pagkatapos ng tawag ni Alex, nakita niya si Claire na may isang paa na nakapatong sa mesa, pinapahiwatig na gusto siya nitong magpatuloy sa masahe. Agad na sinabi ni Alex, “Dorothy, nay, ka
Read more
Kabanata 77
“Ahhh--”Dahil sa gulat, napasigaw si Cheryl at nakalimutan pang iwasan ang pamalo.Agad na niyakap ni Alex si Cheryl at tiniis ang atake gamit ang kaniyang likuran. Halos sa isang iglap ay naramdaman niya ang malakas na hampas sa likod niya.Bang! Bang! Bang!Tatlong magkakasunod na hampas ang tumama.Hindi lang isang lalaki ang sumubok na atakihin sila ngunit pati na rin ang dalawang lalaki, nang buong lakas.Nang walang pag-aatubili, nagpatuloy silang hampasin siya gamit ang mga kahoy na pamalo.Sa wakas ay nagising na si Cheryl at napagtanto na pinoprotektahan siya ni Alex, habang siya naman ang magtitiis sa mga atake. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at bumubuhos ang mga luha mula sa kaniyang mga mata noong marinig niya ang malalakas na tunog ng paghampas ng mga pamalo sa likod ni Alex. Gayunpaman, noong tumingala siya, nakita niya ang kalmado at determinadong itsura sa mga mata ni Alex.Sa sandaling ‘yon, ang imahe ng mukha ni Alex ay tumatak sa kaniyang isipan.Snap!Ang isa s
Read more
Kabanata 78
Ang pinuno ay may matigas na ulo.Tumingin siya nang masama kay Alex at tumangging magsalita.Pinitik ni Alex ang kaniyang daliri. “Sige. Tingnan natin kung gaano katigas ang ulo mo. Kung kaya mong magtagal ng isang minuto, pakakawalan ko na kayo.”Nang mapuno ng pagtataka ang mga mata ng pinuno, tinulak ni Alex ang kaniyang daliri sa kilay nito.Ito ay mayroong isang kakaibang aura.Sa sumunod na segundo, ang pinuno ay napangiwi sa takot at pinagpawisan nang matindi.Isang nakasisindak na sigaw ang lumabas mula sa kaniyang lalamunan, na para bang nakatapat na niya ang pinakamalalang paghihirap at dalamhati ng kaniyang buhay.Noong masaksihan ni Cheryl ang ganoong eksena, siya ay natuliro at hindi nagawang maintindihan ang sitwasyon.Hindi man lang sa isang minuto—tatlong segundo lang—ang pinuno ay napabagsak sa lupa at sumuko. “Magsasalita na ako! Ahhh! Sasabihin ko ang kahit ano! Nagmamakaawa ako sa ‘yo, itigil mo na! Pakiusap ‘wag mo akong patayin!”Nanlaki ang mga mata ni Cheryl sa
Read more
Kabanata 79
“Alex, sa tingin mo ba ay makukuha natin ang shares ng subsidiary company sa City South nang walang sagabal?” Ang puso ni Dorothy ay puno ng nakakatakot na pananabik.Habang tinatapik ang briefcase, na dala-dala niya, sinabi ni Alex, “‘Wag kang mag-alala, nangangako ako.”Ang kontrata na pinirmahan ni Waylon Realty kanina ay nakalagay sa loob ng briefcase.Ngumisi hanggang tainga si Dorothy habang ang maganda niyang mga mata ay nakabukas nang bahagya.Sa sandaling ‘yon, si Alex ay bahagyang natuliro.Dahil, matagal na simula noong maglabas si Dorothy ng ganoong masayang pagtawa sa harap niya.Bigla siyang lumapit. Pagkatapos umabot upang hawakan ang kamay ni Dorothy, sinabi niya, “Dorothy, salamat sa lahat ng suporta mo nitong mga nakaraan. Mula sa araw na ‘to, hinding-hindi na kita bibigyan ng mabigat na responsibilidad nang mag-isa. Tutulungan kitang buhatin ‘to para hindi ka na maghirap pa.”Noong maramdaman ni Dorothy ang katapatan sa hawak ni Alex, napuno siya ng lungkot at ninais
Read more
Kabanata 80
“.....”Natawa rin si Benny. “Dorothy, sa tingin mo ba talaga na ang Assex Construction ay maglilipat ng 70% ng subsidiary company shares sa City South sa ‘yo? Masyado kang mangmang. Umasa ka lang.”“Ano?” Napahiyaw sa gulat si Dorothy, “Peke ang kontrata na ‘to?”Tumawa si Madame Joanne na parang isang manok. “Siyempre, peke ‘yan. Hindi kailangan ng Pamilya Assex ng mga taong walang utang na loob tulad mo. Dorothy, masyado kang ambisyosa. Ang lakas naman ng loob mo na sakupin ang subsidiary company sa City South? Ano’ng kwalipikasyon ang mayroon ka? Sino’ng nagbigay sa ‘yo ng lakas ng loob na gawin ‘yon? Ang basura na ‘tong nakatayo sa tabi mo? Mula ngayon, ang linya ng pamilya mo ay hindi na bahagi ng mga Assex. Tanggal ka na sa Pamilya Assex.”“Ano? Lola, paano mo nagawang sirain ang pangako mo?” Si Dorothy ay malapit nang umiyak.Sinabi ni Madame Joanne, “Bakit ko tutuparin ang pangako ko kapag pinapangalagaan ang walang hiya at masasamang taong tulad mo? Hindi ka karapat-dapat na
Read more
PREV
1
...
678910
...
195
DMCA.com Protection Status