Catharyn's POV PAGKARATING namin sa kanyang kompanya ay tila ba nalula ako sa sobrang taas ng building ng kanyang kompanya. Tila ba nasa isa akong pelikula dahil sa laki at ganda! Kita ko ang paningin ng nakararami sa amin. Marahil ay dahil kay Xannon kaya gano'n. "Good morning Mr. Altamero," magiliw na bati ng babae na nakasuot ng uniporme. "Magandang umaga po sir," muling turan ng isa nanamang babae. Hindi manlang nag-abala si Xannon na bigyang pansin ang mga taong bumabati sa 'kanya. Kita ko ang pagkadisgusto sa mga mata ng karamihan sa 'kin. Kung nakakamatay nga lang sana ang tingin kanina pa ako patay. "Don't mind them, just focus on me," wika ni Xannon. Makikita mo ang panginginig ng kanyang mga empleyado at ang pagmamadali ng mga ito. Pumasok kami sa elevator na kulay gold. "This elevator is made only for me," walang emosyon
Magbasa pa