Nagpanggap akong walang narinig sa usapan nila kanina sa labas. Abala kaming lahat sa trabaho. Busy naman si Cerra sa pagtuturo kay Yohann Min. Nasa kusina naman sina Greggy at Amay. Nagpatuloy ang paglabas-masok ko sa pizza parlor. Kada may nagpapadeliver ay palitan naming pinupuntahan ni kuya Roger ang address. This time, ako naman ang aalis dala ang limang box ng pizza.
Nakita kong nakasandal na nakapikit si Yohann Min sa punong-kahoy sa tabi ng motor na gagamitin ko. Hindi na ako nag-atubiling kausapin siya at nagpatuloy sa paglalagay ng mga box sa likod ng motor. Gising na siya nang subukan kong lingunin.
“Wala na bang pinapagawa si Cerra sa’yo?”
“Hinihintay kita”
“May idideliver ako.” nilingon ko siya. Umayos na siya ng tayo. “Bakit?”
Murder case...Hindi ko alam kung paniniwalaan k
Warning: Sexual Assault YOHANN's POV (Year,2003) Isang malutong na sampal ang narinig ko pagkapasok pa lang ng bahay galing sa ekwela. Napanood ko kung paano na naman niya sinasaktan si mama. Tuloy, nabitawan ko ang bag ko at naestatwa. Hinatak niya si mama palapit sa kanya. Sinampal na naman niya ito sa pisngi dahilan para mapalangoy ito sa sahig. Sa sobrang galit, pumagitan ako at itinulak ang lalaking ito palayo. Umaalingawngaw ang hikbi ni mama habang sinusubukan ko siyang patahanin. Palagi na lang niyang ginagawa ito sa tuwing lasing siya. Buong galit kong tiningala ang lalaking hindi kailanman naging mabuting ama at asawa. Hinihingal ako sa sobrang pagpipigil. Nandidilim ang mga mata kong tinitigan siya. Alam kong manghihingi na naman siya ng pera kay mama. Sa murang edad, mulat na ako sa katotohanang may nangyayaring pang-aabuso sa bahay. Pero takot kaming magsalita.
RUI's POV Isang linggo na ang dumaan matapos mangyari ang gabing iyon kasama si Yohann Min. Hindi na rin namin pa napag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanya. Dahil ba sa ulan? Dahil ba sa akin? Halatang ayaw niyang pag-usapan namin iyon. Hinayaan ko na lang din. Sino ba naman ako para magtanong? Baka magalit lang siya. Peronag-aalalaako. Nag-iba na rin ang ihip ng hangin sa aming dalawa. Masyado na siyang malayo at iwas. Di kaya nahihiya lang siya? Friday ngayon kaya maraming customers. Halos kaming lahat ay hindi na magkaimikan dahil sa mabilisang pagtatrabaho. May pagkakataong magkakasalubong kaming dalawa pero siya na ngayon ang unang mag-iiwas. May oras na magkakalingunan kami pero sinusubukan niyang ilagpas ang paningin sa akin kahit alam kong sa akin naman talaga siya nakatingin. Bakit hindi na lang kaya niya ako kausapin? Tsk. Ilang minuto lang akong mananatili tapos aalis na naman para magdeliver.
“Ikaw na naman?” may halong inis sa tono ng boses ni Marky. Nakatingala pa rin ako kay Yohann. Sinubukan kong kumalas pero mas humigpit lang ang paghawak niya sa aking braso. Nasasaktan ako. “Leave”malamigniyangsambit.NasakayMarkyparinangtingin. “Bro,kinakausapkopasiRui” “Leave”ulitniya. “R-Rui” may pagmamakaawa na sa kanyang boses. Nakagat ko ang labi at umiling. Ayoko. Ayoko na Marky. Tapos na tayo. “Leave” sa pangatlong beses ay mas ramdam ko na ang tensyong namamagitan. Maski ako ay kinakabahan na sa posibleng mangyari kung hindi pa rin siya aalis. Ayoko nang maulit ang nangyari sa dalawa. “Marky umalis ka na” matigas kong sabi. Nanlumo siya pero nag-iwas na ako ng tingin at napapikit. Narinig ko pang suminghap ng hangin si Marky bago unti-unting lumalayo ang yabag ng kanyang mga paa. “Bitiw,Yohann”&
“Uy teka, sandali!” sunod ko sa kanya. Nagpatuloy lang siya. Nagmamadali kong pinantayan ang kanyang paglalakad. May kung anong parte sa sarili ko ang natuwa pero hindi ko pa rin siya maintindihan. Ilang araw niya akong iniwasan sa trabaho pero heto siya't nagboluntaryo pang samahan ako dito. Itinikom ko na lang ang bibig at nagbaba ng tingin sa kamay niyang hawak ang handle ng maleta ko. Sa isang kamay naman ay hawak niya ang kanyang maleta. Naglakad kami nang ganoon ang kanyang estado. Babawiin ko sana iyong akin pero binawi ko ang kamay at tiningala siya. “Watch your steps, Rui” nag-abot ang kanyang kilay nang hindi ako nililingon. “You’re staring too much” Siniringan ko siya bago sumunod. Late ko nang napansin kung gaano kalaki at kaganda ang airport na ito. Malayong-malayo sa Pilipinas. Pakurba ang ceiling ng Charles de Gaulle at kulay pula naman ang carpet na dinaraanan namin ngayon. Napanganga ako sa sobrang pagkamangha. Kahit madaming tao, hindi
Mahirap paniwalaan ang nakikita ko ngayon sa salamin. Ako ba talaga ito? Kanina pa ata ako nakatunganga sa sariling repleksyon sa salamin habang inaayusan ako ng buhok ng parlorista. Halos maubos ang buong umaga namin kanina sa pamimili ng susuotin. Bagay na minsan ko lang gawin ay iyong artehan ang sarili ko. Pumayag akong sumama dahil interesado ako sa buhay na meron siya. Interesado ako sa mga taong nakapalibot sa kanya. May ini-spray ulit iyong babaeng parlorista sa buo kong buhok at mukha. Mula sa salamin nasalubong ko ang magandang ngiti niya. Ngumiti ako. Isinenyas niyang tumayo na ako. Halos hindi ko makilala ang sarili sa salamin dahil sa make up. At isa pa, hapit na hapit sa katawan ko ang itim na dress na napili ko kanina. Magkanonamankayalahatito? Napalinga-linga ako sa paligid at nagtaka nang hindi makita si Yohann Min. Saan naman kaya nagpunta ang isang iyon? Sinagot niya lahat ng gastos ko mula damit at sa mg
Nakakailang dahil naaagaw ko ang atensyon ng iba sa tuwing madaraanan ko sila. Yumuko ako habang mas binibilisan pa ang paglalakad. Mabuti na lang at may nakasalubong akong waiter. Agad akong nagtanong kung saang banda ang cr. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanya pagkatapos. Hindi pa man ako nakakaabot sa pasilyo papuntang cr nang mahagip sa aking tenga ang pag-uusap ng mga matatanda. Kung hindi ako nagkakamali, narinig kong binanggit nila sa usapan ang pangalan ni Yohann Min. Kumuha ako ng isang wine glass sa waiter na dumaan. Umatras ako at nagtago malapit sa grupo ng mga matatanda. Alam kong hindi tama ang gagawin ko pero gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila. “He’sthesonofthatcrazywoman” Natigil ako sa pagsimsim ng wine. Wala sa sarili ko silang nilingon at nakita ang umiigting sa galit na babae. Mataba at may katandaan na ito. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit niya kay Yohann. P
Kusang huminto ang aking mga paa sa sinabi niya. Nilingon ko siya ulit at pinanliitan ng mata. Nasasabi mo lang ba ito dahil nakainom ka? “R-Rui...” “Tara. Gagamutin ko ‘yang sugat mo.” Tinalikuran ko siya at tumuloy sa paglalakad. Abala ako sa paghahalungkat ng bag nang pumasok siya rito sa loob ng aming kwarto. Binalewala ko siya kahit pa naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko. “Do’nkasakamamo”utoskonanghinditumitingin.Sumunodnamansiyaagad. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya hinarap. Nakaupo siya sa kama niya paharap sa akin. Nilagyan ko muna ng betadine ang bulak bago iyon seryosong idinampi sa mga sugat niya. Una sa gilid ng kanyang kilay. Nakatayo ako kaya bahagya akong nag-squat para mapantayan ang mukha niya. Nakakunot pa rin ang mukha ko habang dinahandahan ang ginagawa. “Youdon’tbelieveme.”mahinangusal&nb
“Umuwi na tayo” Pagkasabi ko no’n tsaka pa lang siya dumilat. Nangiti ako matapos masalubong ang kumikislap niyang mata. Ibinaba ko ang dalawang kamay niya sa pisngi ko at pinsil ang mga ito. Nakangiti akong yumuko. Napapikitakomataposmaramdamanangpaghalikniyasaakingnoo. “Let’sgohome”Tumangoakosamahinangbulongniya. Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pababa na kami nang magkahawak ang mga kamay. May pagkakataong sabay kaming magkakalingunan at ngingiti sa isa’t isa. “Ayos ka lang, Yohann? Ang lamig ng kamay mo.” sabay pisil ko sa palad niyang hawak ko. Nilingon niya ako na nakangiti kaya nanghinala ako. Hindi pa ganito kalamig ang mga kamay niya kanina. “Yohann?” “I’mfine,Rui” Pinamiluganakongmata. “Yohann!” sigaw ko nang bigla na lang siyang matumba, hindi pa man kami tul