All Chapters of CONCHA SERIES 1: SET-UP LOVE STORY: Chapter 11 - Chapter 20
128 Chapters
CHAPTER 10
Dahan-dahang nagmulat ng mata si Thalia, puro puti ang kanyang nakikita. Naisip tuloy niya kung na-food posion ba siya sa kinain at naging sanhi ito ng kamatayan niya? Para kasing nasa langit siya. Mali si Claire, na food poison siya talaga. “Oh my gosh, thank God you’re awake now!” natataranta ngunit ramdam naman ang tuwa sa boses nito nang makitang nagkamalay na si Thalia. Lumapit si Claire sa kaibigan at kinumusta ang pakiramdam nito. Actually, wala naman siyang masamang nararamdaman sa katawan bukod sa nasuka siya kanina at nahilo sa restaurant. Sinabi din ng kaibigan na dinala siya nito sa ospital. Hindi naman masabi ni Claire why Thalia fell unconscious kanina, wala pa kasi ang result ng test na ginawa kanina sa kanya. Sabi ng nurse wait for an hour daw. Bumukas ang pinto ng silid at nakita nilang pumasok ang isang may edad na babae at nakasuot ito ng kasuotang pang-doktor. “Ms. Thalia, congratulations,” nakangiting sabi ng doktora. “Salamat po doktora, buti na lamang po at
Read more
CHAPTER 11
Hindi malaman ni Thalia kung ano ang isasagot sa tanong ng lola niya. Nahihiya siya dito kunng sabihin ang totoo. Matatanggap kaya nila? Nanatiling tahimik naman ang mag-asawa at si Claire. Nakatingin lang kay Thalia at tinatantiya kung kaya ba ng dalaga na magsabi sa lola nito ng balita. “Lola, huwag po kayong mabibigla at magagalit sa akin. Ipangako niyo po muna at wala dapat bawian.” Kinakabahang sabi ni Thalia. “Hay naku apo, pinapakaba mo naman ako. Pero sige na, hindi ako mabibigla at magagalit.” Agad namang sabi ng lola niya. “Eh kasi lola kaya po ako na-ospital dahil nagsuka po ako at nawalan ng malay, “ panimulang sabi niya. “Ha! Eh jusko apo, napaano ka daw?” nag-aalalang sabi nito. “Buntis po ako lola.” Deretsong sagot ni Thalia. Kahit na kinakabahan ay nagawa niya itong sabihin ng deretso. “Ah mabuti naman at buntis ka lang pala,” agad na sabi ng lola niya. Ngunit nang maisip ang nadinig na sagot ng apo ay lumaki ang mata nito at napatindig na nakalagay ang dalawang
Read more
CHAPTER 12
Hindi muna pumasok si Thalia sa eskwelahan dahil naka-schedule siya ngayon na magpa-check up sa OB Gyne na nirekomenda ng mga magulang ni Earl. Nagfile na lamang siya ng leave. “Thalia, apo kumain ka ng marami ha. Hindi na lang ikaw ang iisipin mo ngayon kung hindi pati na rin ang nasa sinapupunan mo,” malambing na paalala ng lola ng niya. “Opo lola, salamat po,” nakangiting sagot niya sa kanyang lola. Ang sarap ng nasa harapan niya ngayon. Nilutuan siya ng lola niya ng sinangag at saka longganisang lukban. Maganang kumakain si Thalia nang dumating si Earl para sunduin siya papuntang OB. Ang binata na pala ang sasama sa kanya pagpunta kay Dra. Helen Avelino. Noong nagtext ang mommy nito kagabi at sinabi yun ay medyo kinabahan siya. Ngayon lang kasi niya makakasama ang binata na silang dalawa lang. “Earl, hijo halika sumabay ka na sa aming kumain,” paanyaya ng lola ni Thalia. “Oo sumabay ka na sa amin, huwag ka na ding mahiya, nabuntis mo na nga ang apo ko eh,” pabiro ngunit ramda
Read more
CHAPTER 13
After one week ay ikinasal sa civil ang dalawa ni Thalia at Earl. Masaya naman ang mga magulang ni Earl at ang lolo at lola ni Thalia. Maliit lamang na selebrasyon ang ginawa pagkatapos ng civil ceremony. Nakilala ni Thalia ang mga kamag-anak ng asawa at mga pinsan nito. Gayundin naman si Earl sa pamilya ni Thalia. Niregaluhan sila ng 3 days vacation sa Palawan ng isa sa Uncle ni Earl para daw sa kanilang honeymoon. Magiliw naman itong tinanggap ng dalawa. Kaya naman kinabukasan ay lumipad ang sila papuntang Palawan. Habang nasa private plane ay hindi naman maiwasan ni Thalia na maalala ang nangyari kahapon sa kanilang kasal. Nasang sabihin ng Mayor na mag-asawa na sila ay may bahagi sa puso niya natuwa hindi lamang dahil sa pinanagutan siya nito kundi masasabi niyang sa kanya na si Earl. Basta ang hirap ipaliwanag ng saya na nararamdaman niya. Nang magdampi ang labi nila pagkatapos sabihin ng Mayor yun ay halos parang hihimatayin siya sa kaba at kilig. Inaamin naman niya sa saril
Read more
CHAPTER 14
Matapos ayusin ng mag-asawa ang kanilang mga gamit ay bumaba na sila upang kumain. Hindi naman maiwasan ni Thalia na patuloy na mapahanga sa ganda ng kanilang hotel na tinutuluyan. Habang naglalakad sila ay naramdaman naman niya na hinawakan ni Earl ang kanyang kanang kamay. Tiningnan niya ito ngunit nakatuon ang pansin nito sa harap. Biglang uminit ang pisngi niyan, aaminin niya na kinilig siya sa ginawa ng kanyang asawa. “This way ma’am and sir,” narinig niyang gabay sa kanila ng isang babae marahil ay staff ng hotel. Dinala sila sa pandalawahang mesa. Binigay din sa kanila ang menu. Napansin naman ni Earl na medyo namumula ang pisngi ng asawa niya. Napangiti siya kasi mas lalo itong gumanda. “Do you feel hot?” tanong niya sa asawa. “Ha?” manghang tanong nito pabalik sa kanya. “Ang pula ng pisngi mo Thalia,” nakangising sagot ni Earl pabalik sa asawa. “Ah eh..oo medyo naiinitan ako,” nabubulol na sabi ni Thalia. Kinabahan siya baka kasi mabuko na nag-blushed siya nung ini-hol
Read more
CHAPTER 15
Hindi malaman ni Thalia ang gagawin nang mag-umpisa na si Earl na tanggalin ang nakatapis nitong tuwalya. Napaka talaga nitong lalaki na ito, sa harap pa talaga niya magbibihis. Napapikit siya nang tuluyan nang matanggal ng asawa ang tuwalya nito. Unti-unti siyang nagmulat ng mata nang makarinig siya siya ng tawa mula rito. Nakasuot na ito ng white tshirt ngunit naka-boxer lang. “Hahaha, ang matatakutin naman ng misis ko. Natatakot ka bang matuklaw Thalia?” pilyong biro ni Earl sa asawa. Namula ng husto ang pisngi niya sa tinuran ng asawa. Kung puwede lang lumubog siya sa kama ngayon okey lang sa kanya. Hiyang-hiya siya sa asawa. “Nakakainis ka, ang bastos kaya na magbihis ang isang lalaki sa harap ng babae!” naiinis na sabi niya sa asawa, pilit na tinatakpan ang hiyang nararamdaman. “Grabe naman si ma’am, nagbihis ako at hindi naghubad. Ang bastos yung naghubad,” laban ni Earl sa asawa na hindi nawawala ang pilyong ngiti. “Kahit na, babae pa rin ako dapat di mo ginawa yun,” ayaw
Read more
CHAPTER 16
Kinakabahan si Thalia habang siya ay naliligo sa loob ng CR. Iniisip niya kasi na ito ang unang gabi nila sa Palawan at ibig sabihin ito ang unang gabi ng honeymoon nila. Ibig bang sabihin noon ay gagawin na naming yun. Hayst Thalia ngayon ka pa talaga nag-isip niyan ay buntis ka na nga. Ang tanging naisaisip ng dalaga. Lalo pang nadagdagdan ang kaba niya nang makita ang pinabaong pantulog sa kanya ni Claire. Isang terno ng sexy na pantulog. Nakasuot siya ngayon ng maikling silk an short at spaghetti strap na silk top. Halos hindi siya humihinga habang lumalabas siya ng CR. Naghahalo ang emosyon na kanyang nararamdaman. Nakita niyang naka-upo sa sofa si Earl at nakatuon ang tingin sa laptop, ngunit nang maramdaman ang kanyang paglabas ng CR ay tumingin sa kanya. Tila nanuyo ang lalamunan ni Earl nang makitang lumabas ang kanyang asawa sa CR. Napakaseksi kasi nito sa suot nitong pantulog. Kitang-kita niya ang bilugan at makinis nitong legs, damn his weaknes. Bato ang lalaking hindi
Read more
CHAPTER 17
Nagising si Thalia dahil sa mainit na sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. She was about to get up pero natigilan siya nang mapansin niya ang brasong nakayakap sa kaniyang baywang. Si Earl, mukhang mahimbing pa ang tulog nito. Nakitang niya ala-sais pa lang ng umaga. Sanay talaga siyang gumising nang maaga kahit puyat pa man siya o pagod. Naalala niya ang mainit na nangyari sa kanila kagabi. Oh my, talagang nag-honeymoon sila. Natural Thalia kakasal niyo lang eh, so siyempre honeymoon kasunod. Tanging nasabi na lamang niya sa isip. Sa totoo lang noong una ayaw niya sana na maulit ang nangyari sa kanila noong sa Batangas, kaya lang traydor ang katawan niya. Napakarupok. Lumalapit pa lang si Earl ay nawawala na siya agad sa huwisyo. Gayunpaman, natutuwa siya sa suhestiyon ni Earl na bigyan ng chance ang kasal nila. Gusto niya yun dahil ang nais niya ay lumaki ang anak nila na may kompletong pamilya. Lumaki lamang siya sa mga lolo at lola niya kaya naman ayaw niyang mangyari
Read more
CHAPTER 18
Nasa likod ni Thalia ang kamay ni Earl habang naglalakad sila palabas ng domestic airport. Kahit itanggi niya sa sarili ay talaga namang natutuwa ang puso niya sa kilos na ito ng asawa. Sinundo sila ng family driver nina Earl gamit ang mamahaling sasakyang ng mga Concha. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin siya sa pagbabagong ito sa buhay niya. Mula sa isang simpleng guro na sumasakay lamang sa tricycle at jeep upang pumasok sa trabaho, ngayon ay sa mamahaling sasakyan na siya nakasakay at may driver pa. “Ate Thalia welcome home,” maligaya at masiglang bati ni Claire sa kanya nang makarating sila sa mansiyon ng mga ito. Sinabayan pa ito ng yakap ng dalaga. “Thank you Claire,” she genuinely smiled and hugged her back. She’s lucky Claire is not just her friend now, she’s her sister-in-law now and she’s truly happy about that. “Ehem, wala bang welcome hug si Kuya princess?” malambing at kunyaring nagtatampo na sabi naman ni Earl sa kapatid. “Of course kuya love na love kaya kita,”
Read more
CHAPTER 19
Maagang pumasok sina Earl at Thalia sa kani-kanilang trabaho. Si Thalia ay inihatid muna ni Earl sa school bago siya tumuloy sa kompanya niya. Malalim ang iniisip niya ngayon. Sino kaya ang Kent na kausap ng asawa niya? Hindi naman niya ito tinanong kagabi dahil sa parang naumid ang dila niya at natakot siya sa magiging sagot nito. Hindi ka mahirap magustuhan Kent. Hindi ka mahirap magustuhan Kent. Hindi ka mahirap magustuhan Kent. “Damn it! Sana hindi ko na lang inisip na maaaring iba naman siya kay Caroline.” Mahinang sambit ni Earl sa sarili. “Tsk pareho lang din naman pala sila, siguro napilitan din siya sa sitwasyon naming,” dagdag pa niya. Napakuyom ang kamay niya dahil pakiramdam niya sa ikalawang pagkakataon ay naloko na naman siya. Naalala naman niya na sinabi ni Thalia na wala naman siyang nagugustuhan. Naisip niya na, what if kausapin niya ang asawa at itanong ang tungkol dito. Nasa malalim na pag-iisip si Earl nang bumukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok ang
Read more
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status