Lahat ng Kabanata ng Ang Talaarawan ni Corazon: Kabanata 21 - Kabanata 30
40 Kabanata
CAPITULO VIENTE
Bukas na ang ikasampung araw ng aking pagsasanay, ang sabi nila'y magkakaroon daw kami ng pagsusulit kinabukasan kung kaya't dapat kami maghanda.Maaga kaming bumangon ngayon kagaya ng sa mga nakaraang araw. Dapat raw muna namin gawin ang pangaraw-araw na ensayo bago kami sumabak sa pagsusulit na mangyayari mamayang hapon.Mag-aala una na nang matapos kaming magtanghalian, at sa ala una y media ay nagbigay pugay kami sa bandila ng Espanya. Tahimik at seryosong seryoso ang lahat dahil magsisimula na ang aming pagsusulit.Maraming mga opisyales ang dumayo. Nagsimula na kaming magmartsa patungo sa aming mga pwesto. At nang biglang putok ng mga baril, walang sinuman ang yumuko o nagtakip ng tenga, dahil ito na ang hudyat ng pagsisimula ng pasulit.
Magbasa pa
CAPITULO VIENTEUNO
Unti-unti akong napadilat at napagtanto kong nasa loob na ako ng pagamutan.Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi, ngunit ang natatandaan ko lamang ay ang aking pagkawalan ng malay at ang kamay na humila sa akin.Mahina akong bumangon at nang maalala ko ang asking suot kagabi, minadali kong sinuri ang asking sarili.Suot ko pa naman ang aking panloob ngunit hindi ko damit ang suot ko ngayon.May biglang pumasok na babaeng doktor."Estas despierta," (Gising ka na pala) sabi niya.Alam kong nasa loob pa rin ako ng kampo, ngunit alam ko ring hindi siya ang doktor dito."Nasaan po si
Magbasa pa
CAPITULO VIENTEDOS
Nagsimula na akong nagayos sa mga libro na nasa salansanan. Malapit na akong matapos nang marinig kong humagok ang heneral sa loob ng kanyang kuwarto.Hindi pa rin ako makapaniwala sa kaniyang sinabi noong nakaraang araw na dito niya ako patutulugin at sa mismong kuwarto niya pa.Nahihibang ba siya, bakit ako matutulog sa kuwarto niya meron naman akong mapapahingahan.Pumasok sa isipan ko ang aming pag-uusap noon."Sa aking kuwarto," seryoso niyang sabi."P-po? Anong ibig niyo pong sabihin?" Sa k-kuwarto niyo po mismo?!" Natataranta kong tugon sa kanya.Wala siyang imik&nbs
Magbasa pa
CAPITULO VIENTITRES
"Paco, kunin mo yong mga sulat na nasa oficina postal, " utos ng heneral."Paco, dalhin mo ito sa opisina ng Tinyente Koronel,""Paco, ipagbili mo ito sa mga tauhan na nasa cusina,""Paco,...""Paco,...""PACO!""ANO NA NAMAN BANG IUUTOS MO HENERAL?!" sigaw ko nang pabalik sa kaniya na ikinagulat niya.Lumaki parehas ang aming mga mata at bahagyang natahimik ang loob ng opisina.Tumikhim muna ako bago magsalita.
Magbasa pa
CAPITULO VIENTICUATRO
Lumapit siya sa akin at inilapag ang baso sa lamesa na nasa harapan ko."Narito na po ang iyong tubig ginoo," aniya.Napairap ako sa kaniyang sinabi at bahagyang tumawa."Pambihira ka naman Manuelo, parang hindi tayo magkaibigan," biro ko sa kaniya, "Umupo ka at matagal tagal na rin tayong hindi nagkita."Umupo na man siya sa upuan na nasa aking tapat. Lumingon lingon muna siya sa paligid at tumikhim."May nalaman ako tungkol sa kung nasaan ang iyong mga magulang. Ngunit nang puntahan ko iyon ay wala na sila. Isa pa ay may mga kasamahan rin akong tumutulong sa paghahanap sa kanila."Mainam akong naakikikinig sa kaniyang sinasabi ngu
Magbasa pa
CAPITULO VIENTECINCO
Nagsimula nang nagdagsaan ang mga taong kakilala at mga kaibigan ng abuelo. Hindi ko inaasahan na marami-rami rin ang mga dumating, sumala sa mga trabahador at mga kassyoso sa negosyo. Inutusan ako ng aking lola na huwag makihalubilo sa mga bisita kahit na kakilala ito ng aking abuelo. Para narin hindi mas maging komplikado ang lahat kapag bumalik na kami sa dati.May ilang mga taong lumapit sa akin at nagtanong kung ano ang aking kaugnayan sa mga Luviano, at ang sinabi ko ay isinama lamang ako ng heneral at hindi ako pamilyar sa kanila. Mabuti naman at walang nagpupumilit at nagtatagal kumausap sa akin, hindi kasi ako sanay sa mga pagtitipon gaya nito maliban sa simbahan.Napatingin ako sa mga bisita para mahanap ang heneral. Agad ko siyang namataan na may kausap na matandang lalaki. Nakasuot ito ng puting barong tagalog at may hawak h
Magbasa pa
CAPITULO VEINTISEIS
Nang makausap ko ang aking lola kagabi at sabihin sa kaniya ang aking desisyon, nagulat siya dahil nagbago ang aking isip. Ipinagtapat ko sa kaniya ang tungkol sa aming pag-uusap ni Manuelo sa hardin. Ngunit hindi pa rin siya naniniwala na walang ibang intensiyon si Manuelo kundi ang tulungan ako.Nahirapan akong makausap ang heneral dahil maraming tao ang laging umaaligid sa kaniya. Napagpasyahan namin na dumito muna hanggang bukas para sa libing ng aking abuelo. Sinabihan ako na manatili lamang sa silid na ibinigay ng aking lola sa akin, na siyang mismo ang silid ng aking inay, kapag nagsimula nang dumagsa ang mga tao.Kumpara kahapon, mas dumami nga ang mga bisita ngayon. Ako ay pinahintulutan lamang na lumabas kapag oras ng kumain at oras ng magrosaryo. Sa mga oras na iyon ay hindi ako pwedeng kumausap kanino man, maliban na lang sa
Magbasa pa
CAPITULO VEINTISIETE
"Sino ka para dayaan ang hukbo ng Espanya? Sino ka para pagtaksilan ako?!"Sa ngayon ay bigla nang lumakas ang kaniyang boses. Susunggaban na niya sana ang aking braso muli nang narinig namin pareho ang pagbukas ng pintuan sa kusina.Natatakot akong tumingin sa kaniya nang bigla niyang hinablot ang aking kamay at nagtungo kami sa likod ng kahoy. Tumingkayad kami pareho, ako sa kaniyang harapan at siya naman ang sumandal sa kahoy. Inilagay niya ang kaniyang kabilang palad sa aking bibig para takpan ito at sumisilip silip siya sa mga lumabas."Saan na ba ang batang heneral na iyon?" Narinig kong tanong ng isang lalaki."Aba'y malay ko, ang sabi niya lamang kanina ay lilibutin niya lamang ang hardin para masiguradong wala ngang nakapasok
Magbasa pa
CAPITULO VEINTIOCHO
Marahan ang pagikot ng gulong ng kalesang sinasakyan ko pabalik sa kampo. Napasilip ako sa labas ng bintana at kitang kita ang mapayapa at tahimik na paligid. Ang malamig na simoy ng hangin ay mahinang tumama sa aking mukha. Malumanay ang paghalik ng haring araw sa aking balat habang ito ay papalubog na parang namamaalam.Para akong nabunutan ng tinik nang napag-usapan na namin ng heneral ang tungkol sa aking sikreto. Hindi ko alam kung bakit malaki ang aking tiwala nang nangako siyang hindi niya ibubunyag kahit kanino ang aking sikreto.Napasinghap ako ng maalala kong hindi ko natanong sa kaniya ang tungkol sa pagligtas niya sa akin noong nalunod ako sa lawa. Hindi na man siguro mahalaga pang buksan ang tungkol doon sapagkat sigurado akong siya ang nagligtas sa akin noon. Dahil kung hindi, bakit mas humigpit pa siya sa akin nang s
Magbasa pa
CAPITULO VEITINUEVE
Nakalinya kaming lahat ng matuwid  sa ilalim ng araw. Ang Koronel ay nagiinspeksiyon sa amin kasama na ang Komandante na sumusunod sa kaniyang likuran. Nasa harapan ng kanilang mga pulutong ang mga primera, at kasama na dito si Marcos. Kung may pagkukulang man ang kahit isa sa amin ay ang primera ang kanilang pinaparusahan. Nang makapunta na ang Koronel at Komandante sa aming harapan ay nakaramdam ako ng kaba at takot. Hindi pa nga umaabot ng isang minuto ay biglang pinagsisigaw na ng Komandante ang aming primera na si Marcos. Alam ko namang magkapatid sila, ngunit bakit parang sinasadya niyang pahirapan ito? Ganiyan ba kalaki ang galit niya kay Marcos? Pinatakbo siya ng limangpung ikot sa loob ng kampo. Nang sinimulan niya na ito, nahagip ko ang
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status