Lahat ng Kabanata ng Ang Talaarawan ni Corazon: Kabanata 31 - Kabanata 40
40 Kabanata
CAPITULO TREINTA
Napatigil lamang kami sa pagtakbo nang makalabas na kami sa hukuman, may tatlo pang guardia civil na nakabantay dito ngunit agad silang binaril ng aking tagapagligtas. Walang sinuman sa kanila ang nakaligtas dahil sa ulo nila mismo nakabaon ang bala. Kinalas niya ang lubid sa kabayo na nakatali sa kahoy.Wala siyang pagaalinlangang isakay ako sa kabayp bago siya sumunod. Nasa likuran ko siya kaya hindi ko kita ang kaniyang mukha. Dahil gulat pa din ako sa nangyari kanikanina lamang, wala akong lakas para manlaban kung sino man ito. Wala na akong pake kung saan niya ako dadalhin.Dahil sa pagputok ng kaniyang baril sa aming paglabas, ang mga taong naglalakad lamang ng payapa sa Calle Verde ay nagsitakbuhan at naghahanap ng matataguan. Sinimulan niya nang patakbuhin ang kabayo nang marinig ko ang galit at malakas na pagsigaw ng isang lala
Magbasa pa
CAPITULO TREINTA Y UNO
Tumigil ang kalesa sa harapan ng tarangkahan ng hacienda. Unang lumabas ang heneral at naglahad ng kamay para alalayan akong bumaba. Kumunot ang aking noo at nilagpasan siya. Narinig ko ang mahina niyang tawa na natatabunan ng pagpalatak ng sapatos ng kabayo paalis. Naglakad ako ng diretso hanggang sa nakasaradong tarangkahan, ngunit napansin kong nakakandado ito mula sa loob.Nakatalikod ako sa heneral nang nagsalita siya."Ikaw na nga itong aking iniligtas sa kapahamakan, ikaw pa ang may ganang magsungit," anito, "desagradecida!" dagdag niyang pabulong na sigaw."Narinig ko iyon! Ngunit hindi ko naman hiningi ang iyong tulong, ikaw ang kusang tumulong sa akin heneral. Marahil alam mo na nga noon pa ang tungkol sa aking pagpapanggap, ang alam ko'y iyong ama ang nag-utos na dakpin ako,
Magbasa pa
CAPITULO TREINTA Y DOS
Iminulat ko ang aking mga mata nang may gumising sa aking pagtulog. Unang nakita ko ang mukha ni Manuelo na parang nagmamadali."Bumangon ka na diyan Corazon, malapit na ang mga guardia civil," anito.At sa mga salitang iyon ay dali-dali akong bumangon sa aking hinihigaan at agad na kinuha ang talukbong na kaniyang inabot sa akin. Naalala kong ito pala ang aking suot kanina noong papunta ako dito kasama ang heneral."Nasaan nang heneral?"Hindi niya ako sinagot subalit hinila niya lamang ako palabas ng silid. Nakita ko rin ang aking lola na natatarantang umutos na maghanda ng kabayo at mga maaaring dadalhin."Hija, masakit man sa aking kaloobang lisanin mo muli ang lugar na ito, ngun
Magbasa pa
CAPITULO TREINTA Y TRES
Ang unang biyahe ng araw ang aming kinuha papuntang Mindoro. Nasa aming mga sariling silid na kami nang nagsimulang umandar ang barko. Maliit lamang ang kuwarto na aming kinuha para makatipid kami sa pamasahe dahil hindi namin alam kung gaano kalayo ang aming pupuntahan.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid, may maliit na higaan na sakto lamang para sa isang tao, meron ding dalawang upuan, at isang parisukat na lamesang nakakabit sa dingding ng barko. Nakapatong na sa lamesa ang aking supot na mayroong mga damit habang nakaupo ako sa upuan.Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman sa mga oras na ito. Dapat ba akong masiyahan dahil makikita ko na ang aking mga magulang? O dapat ba akong matakot sa posibilidad na madadala ko doon ang mga taong papahamak sa kanila?Yumu
Magbasa pa
CAPITULO TREINTA Y CUATRO
Kinabukasan, nang makadaong na ang barko sa pier ay agad kaming nagtanong-tanong kung saan matatagpuan ang Esperanza, San Teodoro. May mga nagturo sa amin kung ano ang sasakyan patungong Esperanza. Lumapit kami sa karitong may nakatali na tamaraw. Hinahanap-hanap ko ang may-ari nito sa mga taong naglalakad sa mercado papunta dito."Binibini, dumito ka lang muna at hahanapin ko sa loob ng mercado ang may-ari nito," bilin ni Manuelo bago siya umalis.Hinihimas himas ko ang ulo ng tamaraw hanggang sa katawan nito."Kay ganda naman ng iyong balahibo," bulong ko nito."Iyan nga ang sabi ko kay itay," rinig kong sabi ng isang batang babe.Napatingin ako sa paligid at sa ilalim ng kariton,
Magbasa pa
CAPITULO TREINTA Y CINCO
Dalawang araw simula noong nakita ko muli ang aking inay. Dalawang araw na ang lumipas nang inilibing namin ang kaniyang bangkay. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya nilang kunin ang buhay ng aking inay. Hindi ako makapaniwala na ang lahat ng Ito ay dahil lamang sa isang talaarawan. Ang talaarawang kinuha nila nang dakpon ako.Naalala ko pa noong nakita namin ang kaniyang katawan na nakahandusay sa sahig. Napansin ni Manuelo na nakakuyom ang kamay ng aking ina kaya binuksan niya ito at may iniluwang isang pirasong papel na naka lukot at punit-punit na.Nakita kong dahan-dahan niya itong binuksan at basahin ang kung ano man ang nakasulat. Hindi niya sinabi kung ano ang nabasa niya ngunit ibinigay niya sa akin ito.devuélvanos el diario
Magbasa pa
CAPITULO TREINTA Y SEIS
Nagising na lamang ako na wala na si Manuelo. Ang wika ni Ka Tiago ay may pinuntahan raw na importante. Ito na ba ang ibig niyang sabihing plano? Ang iwan ako rito? Paano kung bumalik muli ang mga tauhan ng kaniyang ama. Nasagi sa aking isipan na kaya ko rin namang ipagtanggol ang aking sarili at si Ka Tiago dahil maayos din naman ang aking pag-eensayo sa loob ng kampo.Sinikap kong tumulong sa gawaing bahay para hindi ako mainip at para na rin hindi mapagod si Ka Tiago. Nagwalis ako sa loob at sa labas ng bahay, naghugas ng pinagkainan at mga gamit sa pagluluto, at diniligan ko ang mga halaman na nasa hardin. Nagsiyesta muna ako ng ilang oras at nang magdakong hapon na ay lumabas ako para bigyan ng tubig ang kanilang alagang tamaraw na pinangalanan pala ni Crescentia na Taraw. Pinagmamasdan ko ang kanilang alaga habang nag-iisip ako ng mga maaaring gawin kapag nahanap na ang itay. Maram
Magbasa pa
CAPITULO TREINTA Y SIETE
Natigilan ako sa kaniyang sinabi ngunit napansin kong parang wala lamang para sa kaniya. Nagpatuloy lamang siya sa pagkain at parang batang nasasarapan sa kinakain dahil lagi siyang nakangiti."Huwag kang mag-aalala binibini, hindi kita minamadali. Gusto ko lamang malaman mo ang aking nararamdaman," anito habang nakatingin sa pagkain."K-kailan pa?" nauutal kong tanong sa kaniya.Natigilan siya dahil sa aking tanong at napatulala sandali bago tumingin sa aking mga mata."Hindi ko rin alam, ngunit simula noong nawala ka sa aking paningin ay lagi kitang hinahanap," anito habang seryosong nakatingin sa akin.Pakiramdam ko ay nanghihingi siya ng pahintulot sa akin. Pinalibutan kami ng ka
Magbasa pa
CAPITULO TREINTA Y OCHO
"Mahal na mahal ko ang iyong ina simula pa noong nakilala ko siya bago kami naging magkatipan. Ngunit mas pinili niya ang bastardo mong ama, at iniwan niya akong bigong-bigo kaya nabulag ako sa galit. Dahil dito pinakasalan ko kaagad si Clariza, ang ina ni Takio. At makalipas ng apat na buwan ay nalaman naming nagdadalang  tao si Clariza. At sa sandaling iyon ay biglang naglaho ang aking pagkamuhi sa iyong ina at iyong ama. Ngunit hindi ito nagtagal dahil namatay sa ikalawang panganganak si Clariza, kasama ang aming ikalawang anak. Ako ay muling nagalit sa iyong mga magulang kaya nang malaman kong doon sa hacienda ng asawa ng aking kapatid nagtatrabaho ang iyong ama ay sinabihan ko sila na maging malupit dito."Mapait na ikinuwento ni heneral Eusebio ang kaniyang panig. Pagkatapos kaming kumain ng almusal ay ipinatawag niya ako sa kaniyang opisina. Hindi sumangayon dito si heneral n
Magbasa pa
EL FINAL
~Filipinas 1888~"Binibini, ikaw po ay pinapatawag na ng doña. Nasa salas po siya kasama ang mga panauhin," wika ni Isabel sa akin."Salamat Isabel, lalabas na ako kapag tapos na ako sa pagsusuklay." "Masusunod po binibini," mahinang isinara ni Isabel ang pintuan nang makalabas na siya.Kanina pa ako nakaharap sa salamin at nagsusuklay sa mahaba kong buhok. Ilang taong na ang nakalipas nang pinutol ko ito upang magpanggap na lalaki. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari noon dahil sa aking pagkapilyo. Kung sana ay nakinig lamang ako. Ngunit alam kong wala na akong magagawa pa, hindi na maibabalik ng aking paghihinayang ang aking mga magulang. Hindi ko na sila maki
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status