All Chapters of Castiello: Chapter 21 - Chapter 30
59 Chapters
Chapter Twenty one
Alice's Point of View  Ilang araw na rin ang nakalipas simula no'ng naihatid na sa hantungan sila Mama Grace at Kuya Jake. Nakaharap ako sa lapida nila ngayon at dumadalaw. Nag-dala rin ako ng bulaklak para sa kanila. Sa tuwing naaalala ko sila, naaalala ko rin ang pagkamatay nila.  I really missed them. Miss na miss ko ang lahat ng mga taong nawala sa akin. Napangiti na lang ako ng mapait ng may sumagi na tanong sa isipan ko. Sino pa kaya ang taong mawawala sa akin?  Sa totoo lang, I was planning to take a revenge. Pero wala namang magagawa 'yon. Salamat na lang sa pakikitungo sa akin ng Daddy ko at ni Aedis. At bago rin matapos ang usapan namin ni Sandra may sinabi s'yang bagay sa akin. “ By the way, bago ako umalis. Let me say you think one thing. Revenge will do nothing. Hayaan mo ang pagkakataon at batas ang maningil sa mga kasalanan nila,”
Read more
Chapter Twenty two
Alice's Point of ViewNapansin kong hindi inilapag ni Liam ang cake na bitbit n'ya kanina. Siguro ay sosolohin n'ya ito since strawberry cake ang paborito n'ya. Akmang may kamay na dadapo sa nakakahon pang cake na dala ko ngunit pinigilan ko ito.It was Sandra.“ This is mine. You should buy yours,” wika ko. Napatingin naman ang dalawa n'yang katabing reaper sa aming dalawa kung titignan ang posisyon namin sa malayo. Mukang naglalaro kami ng ' maiba’y taya, ’ kaya agad ko namang ini-alis ang kamay ko. Pumasok naman si Aedis sa sala. Bitbit n'ya ang plato at kutsara samantalang dala naman ng maid ang mga baso ng juice na nakalagay sa isang malapad na tray.“ Meryenda na,” wika ni Aedis at inilapag ang plato at tinidor sa coffee table, gano'n din ang ginawa ng maid bago ito nagpaalam at lumabas.
Read more
Chapter Twenty three
Alice's Point of View “ Ate Alice! I will go outside with Kuya Aedis. Gusto mo bang sumama ulit? ” tanong ni Liam habang kumakain kami ng umagahan sa dining room. Napansin kong hindi umuwi si Dad, siguro ay busy ito. At ang hinala ko ay busy ito sa pagpapatakbo ng kaniyang Organisasyon. Wala rin kase dito sila Sandra at sila Alex. Kaya kami lang dalawa ngayon ni Liam ang magkasabay kumain. Ilang araw pa lang nang bumalik ang alaala ko at napapalapit na agad ako sa bunso kong kapatid. And I hope magtuloy-tuloy lang ang mga pangyayaring ito na walang panganib na lumalapit sa amin.Nakarinig naman ako ng mga yabag sa sahig. At patungo 'yon dito kung nasaan kami ni Liam ngayon. Nilingon ko naman ang mga yabag na 'yon at nakita si Aedis na may dalang pandesal. “ Liam, may dala ulit akong pandesal. You want?” tanong nito sa kaniya bago umupo sa tapat ko katabi ni Liam. Napa-isip ako kung dala ba nito ang cellphon
Read more
Chapter Twenty four
   Alice's Point of View   “ Hey, Aedis. Do you like someone or do you have a crush? ” tanong ko at nilingon naman n'ya ako na magkasalubong ang kilay.   “ Yes, why? Nagseselos ka na ba at gusto mo na bang masabunutan ang babaeng nagugustuhan ko? ” nakangisi nitong tanong. Ngumiti naman ako sa kaniya.   “ No, interesado lang ako sa babaeng natitipuan mo. Is she beautiful? ” tanong ko at inilapag ang cellphone ko sa gilid ko. Napatingin naman sya sa katulong na nagliligpit ng mga pinagkainan. Inintay n'ya munang umalis ito bago ako nilingon.   “ Yes, she is. Unfortunately, mas maganda pa s'ya sa 'yo,” wika nito. Pero hindi naman ako naapektuhan sa sinabi n'ya. Natural lang na ipagyabang n'ya ang babaeng gusto n'ya
Read more
Chapter Twenty five
 Sandra's Point of View“Another transaction?” nakataas kilay kong tanong kay Vyle. Ngunit derederetso lang ang paglakad nito papasok sa driver seat, ako naman ay umupo sa passenger seat. Bakit ba kase ito ang nakasama ko? Ang dami-dami namang iba. Ni-hindi man lang n'ya sagutin ang tanong ko.Agad naman s'yang nag maneho ng tahimik. Napangiti naman ako at saka nagtanong. “ Still angry? Ilang araw na ang nakakalipas nang sinagutan ka ng isang Castiello. Hanggang ngayon, nagtitiim bagang ka pa rin. Malakas ba ang impact ng sinabi n'ya sa'yo? ” Napahinto s'ya sa pagmamaneho at tinignan ako ng masama. Nakipagtitigan naman ako.“ Did Maximilian Castiello trust her daughter? ” taas kilay nitong tanong saka sumeryoso ang muka bago ibinaling ang paningin sa manibela habang nilalaro ito ng daliri n'ya na animo'y naghihintay sa sagot ko.
Read more
Chapter Twenty six
Sandra's Point of View  Nakasakay kami sa kotse ngayon. Nasa passenger seat ako at nasa likod ko naman ang lalaking si Lance. I thought Vyle will kill this person. Ngunit hindi pala.  “ Bakit pa nga pala ako sumama sa'yo eh kaya mo namang pala mag-isa. ” Akala ko rin ay mapanganib at  armado ang  pupuntahan namin. Hindi pala, sa halip ay isang lalaki lang na bumabatak ng droga sa bahay n'ya.   Napalingon naman ako sa likod kung saan nakatali ng mahigpit ang kamay ni Lance at nakabusal ang bibig. Ngumiti naman ako sa kaniya. “ So? Magkano ang ibinigay sa'yong pera para Manahimik at magtago ka? And did you think na hindi ka namin mahahanap? Iba yata kumilos ang Castiello, ” wika ko sa kaniya bago inalis ang tela na nakabusal sa bibig n'ya. Binigyan naman n'ya ako ng masamang tingin. &
Read more
Chapter Twenty seven
Alice's Point of ViewPababa ako ng hagdan nang nakasalubong ko si Alex na may suot na seryosong muka.  Napa-angat naman ang paningin n'ya sa akin kaya napatanong ako.“ Why are you staring at me? ” Nakatingin lang s'ya sa akin at para bang sinusuri ang muka at suot ko. Wala namang problema sa suot ko since na naka- leggings lang ako at naka-plain na white t-shirt at bukod sa maliit na shoulder bag na nakasukbit sa akin. Nakalagay lang naman dito ang cellphone at wallet ko. At isa pa nagdadali-dali rin ako. Nakaharang kase s'ya sa daanan ko.“ Where are you going?” tanong nito.“ May pupuntahan lang akong mahalagang lugar,” sagot ko sa kaniya ngunit hindi s'ya naging sangayon sa naging sagot ko.“ Saang lugar? Cemetery?”“ Tumabi ka nga, Alex. Medyo may kalayuan ang pupuntahan ko,” may halong inis na wika ko.
Read more
Chapter Twenty eight
Alice's Point of View“ Manong, dito lang po, ” wika ko at ini-abot ang bayad sa kaniya bago bumaba. Nang makababa ako ay naglakad ako at pumasok sa may kaliitan na daan. Ngayon lang siguro ulit ako dumaan kaya medyo naliliitan ako. Kasya naman kase dito ang dalawang magkasalubong na tao.Napahinto ako ng saglit at nilingon ang likuran ko. I think someone was following me. Pero binalewala ko lang 'yon dahil hindi naman ako sure. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa pinto ng bahay. Ang bahay kung saan ako tumira at napamahal sa isang pamilya. Nakakalungkot lang isipin na ang dating bukas na pinto ng bahay ay ngayon ay sarado na at walang tao. Tahimik rin dahil walang sumisigaw na 'Juliet, bumili ka muna kay Aling Bebang!' Napangiti naman ako ng mapait bago pumasok at sinusian ang pintu
Read more
Chapter Twenty nine
Alice's Point of ViewPagbalik ko sa bahay ay agad akong dumeretso ng kuwarto at inilapag ang maliit na paper bag sa kama. Itinaktak ko ang laman nito. Puro pabango lang naman at pulbo. Kinuha ko lang kase nanghihinayang ako. Ang mahal pa naman ng Victoria's secret, sayang rin kung hindi ko gagamitin. Inilapag ko lang 'yon sa tabi ng lampshade. Para sa oras na hanapin ko at gamitin ay hindi ako mahihirapang makita ito.Pabagsak ko namang inihiga ang sarili ko bago ipikit ang mata. Dahil sa ka-boringan ay tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Saktong patungo naman sa puwesto ko si Liam na may dalang kahon. At hindi ko na kailangan pang alamin 'yon dahil alam ko naman na strawberry cake ang laman no'n. Dahil na rin sa kulay pink na takip ng box nito.“ Nagdala ako ng ng meryenda, Ate Alice,” Saka n'ya ini-angat ang  bitbit n'ya habang may suot na ngiti sa labi. Bonding time? Why not? Minsan ko l
Read more
Chapter Thirty
Alice's Point of ViewPagkalabas ko ng cr ay bumungad naman si Sandra sa akin na ikina-kunot ng noo ko. Nakatayo ito sa gilid ng kama bago nagpunta ng lampshade at inamoy-amoy ang pabango doon.“ This smells good. Marunong ka pala pumili ng maganda at mababangong bagay,” nakangisi nitong wika.“ Bakit wala ka man lang na lipstick or lipgloss sa kuwarto mo. At pansin ko hindi mo rin ginagamit 'yong mga dress sa cabinet mo.” Napataas naman ang kilay ko sa mga sinasabi n'ya. Nakiki-alam na naman 'tong babaeng 'to ng ibang may buhay.“ I can give you my lipstick if you want. 'Yong gamit ko ngayon na red lipstick, do you want? ” Naka-angat kilay nitong tanong sa akin.“ No, hindi ko kailangan ng lipstick mo. So, sa'yo na lang 'yan,” sabi ko sa kaniya at lumapit. Kinuha ko naman ang pabango ko sa kamay n'ya at ibinalik 'yon sa dati
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status