All Chapters of Heiress of Fire: Chapter 51 - Chapter 60
75 Chapters
Chapter 51
Kanina pa hindi mapakali si Olivia sa opisina niya matapos sabihin ni Anthony na pupunta sila ni Gregor sa Falcon Hotel.  That was ten minutes ago.  Anytime ay dadating si Gregor sa opisina niya."May I have a minute with you?"  Inangat niya ang tingin at nakitang pumasok si Carter.  "Of course."  Inayos niya ang upo para kausapin ito."Gustong i-discuss ng team ang schedule ng repair sa elevator 8.  We will present new set of proposal.  Kasama na doon ang monthly maintenance ng lahat ng elevator dito sa building.""Ngayon?  May inuutos sa akin si Anthony.""I can't discuss it with Anthony right now, ilang araw na kaming naghihintay sa kanya.""Sige, mamaya pagbalik ko.""Aalis ka?" "We will be visiting San Luis Branch.  Pag-aaralan na ang expansion sa lahat ng branches ng Falcon Hotel.""Kasama mo si Anthony?" "No.  Si Mr. Angeles ang kasama k
Read more
Chapter 52
"Kumusta ang meeting mo sa mga Falcon, Gregor?" tanong ni Adrian nang makabalik siya sa opisina."Okay naman.  Binisita namin ni Olive 'yung casino sa Falcon Hotel.  It wasn't bad, but we can do better," kaswal niyang sagot."Kayong dalawa lang?" nakangising tanong pa ng kaibigan.  "Walang ibang kasama?" "Kami lang nga...""How does it feel?" "Ang alin?" "Maang-maangan ka pa talaga ha," natatawang wika ni Adrian.  "Sige, how does it feel to see Anthony again after a long time?"Humalakhak siya sa biro nito saka napailing."Olive and I have separate lives.  Matagal na 'yung nangyari sa 'min.""Bakit parang hindi ako naniniwala?" hirit pa nito."Ikaw pala ang hindi pa nakaka-move on eh.  Siyanga pala, niyaya kong mag-lunch si Lovi.  Sama ka?""No. Marami akong trabaho sa opisina ko.""Oh, c'mon... Paano mo magugustuhan 'yung tao kung lagi mong iiwasa
Read more
Chapter 53
Pagdating mg Lunes ay kinailangan niya ulit tawagan si Gregor para makahingi ng appointment.  Nakausap naman niya ang sekretarya at sinabing sa hapon pa ang pasok ng binata dahil kararating lang nito galing sa Maynila.  Muli niyang pinag-aralan ang design plan ng casino sa San Sebastian branch.  Sa tagal niyang katrabaho si Anthony at ang mga engineers ng kumpanya, kahit paano'y dumami na ang kaalaman niya.  May mga pointers na ring ibinigay si Anthony sa kanya kung ano ang dapat ipabago.Nang kumatok ang sekretarya ay alam niyang si Gregor na iyon.  Inayos niya ang pagkakaupo at tinanggal ang bara sa lalamunan.  Hindi siya puwedeng mataranta dahil lang mag-isa niyang haharapin ang dating kasintahan."Good afternoon, Miss Montañez," pormal na bati nito.  Ngumiti siya pero nanatiling pormal si Gregor."Please have a sit, Mr Angeles.""May problema ba sa design na ginawa ng team ko?" "May mga gusto lang
Read more
Chapter 54
"Gregor, nakita mo ba na naka-post for bidding ulit ang construction ng Falcon Hotel and Casino sa San Sebastian?" tanong ni Adrian sa kanya makalipas ang ilang araw.  "Kailan pa?""Kahapon pa.  We already lost it," naiiling na wika ni Adrian.  Alam niyang malaki ang panghihinayang nito.  Bumigat lalo ang pakiramdam niya na hindi nawala nang ilang araw.  Nag-iwan siya ng mensahe kay Anthony noong araw na nanggaling siya sa Falcon Corp. pero hindi naman ito nag-reply.  Ngayon ay mapipilitan siyang puntahan na ito sa opisina."If you don't want to do this, it's fine, Gregor," ani Adrian nang makitang nagliligpit siya ng gamit sa mesa.  "Pasensya ka na kung napilit ka naming bumalik dito sa Puerto Princesa para d'yan.""Ako ang dapat humingi ng paumanhin," wika naman niya na nakayuko.  "Dapat ay hindi ako umalis dahil ako ang General Manager dito.  Susubukan kong mabawi ang project kay Anthony."Ma
Read more
Chapter 55
"So, what do you think?" tanong ni Anthony sa kanya matapos niyang i-present ang mga kumpanyang nagpasa ng application sa naka-post na bidding para sa construction ng Falcon Casino.   Nakatingin siya sa labas ng building dahil salamin ang palibot ng conference room.  Hawak niya ang isang kopita ng alak na dinadala sa labi habang kinakalma niya ang isip.   "Gusto kong ibalik sa kanila ang project.  Kung husay lang ang pag-uusapan ay nakuha naman nila ang boto ko." "Tawagan mo na," utos naman ni Anthony.  "Pinakaba mo lang naman si Gregor at ipinakita mo na mas kawalan ka sa kanya kaysa kawalan siya sa 'yo." "Hindi ko na kailangang patunayan 'yan, Anthony.  What for?  Para sa ego ko?" "So, ano ang plano mo?"  "Gusto kong hiramin si Calvin para siyang maging assistant ko sa project na 'to.  Magaling din ang staff mo na 'yon, hindi ba?"  "Kasama ko siya sa team ngayon para sa planni
Read more
Chapter 56
"Nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano, Gregor.  Kung may relasyon si Olive at Carter, bakit hindi sila ikinasal?  Dalawang taon na ang dumaan, hindi ba?" opinyon ni Adrian nang pumasok ito sa opisina niya.  Naikwento niya ang naging pag-uusap nila ni Olive."Hindi ko rin alam.  Pero sa nakikita kong lungkot sa mukha niya kahapon nang sinabi ni Carter na aalis muna siya para makapag-isip, hindi ko maipaliwanag.  Kahit pa hindi sila ikinasal, dalawang taon silang magkasama, tiyak na nahulog na rin ang loob ni Olive sa kanya.""Ano'ng plano mo ngayon, aalis ka na naman?  Alalahanin mo, maswerte na lang tayo dahil sa atin ulit ibinigay ang project."Marahan siyang umiling.  Hindi niya na puwedeng gawin ang ginawa niya two years ago.  Tiyak niyang hindi na rin papayag si Adrian.  At tiyak niyang hindi na rin siya pagbibigyan pa ng Falcon Corp. kung ang pagbabasehan ay ang kawalang g
Read more
Chapter 57
Maaga pa lang ay nasa opisina na ni Olive si Gregor.  Dala niya ang blueprint na una nilang na-i-present.  Dapat ay kasama niya ang buong team pero wala naman silang appointment kaya't mag-isa muna siyang nagpunta doon.  Isa pa, mula nang makasama niya ito sa dinner kagabi ay tumindi na naman ang kagustuhan niyang mapalapit dito.  Wala rin ang Carter na pinagseselosan niya."Wala ka ngang appointment, sir, ang kulit mo talaga," nakangiting wika ng sekretarya nito.  May dala siyang kape at sliced cake para kay Marcie para pansuhol."May kausap ba siya sa loob?" "Wala naman.  Pero mapapagalitan ako kapag pinapasok kita dahil hindi naman niya aprobado.""Sige, kunyari pumunta ka ulit sa comfort room tapos dederetso ako sa opisina niya.  Sige na, please... Five minutes lang ako doon..." pakiusap pa niya kay Marcie."Bakit ba ang hirap mong tanggihan, sir?"  Tumawa ito bago pumayag sa drama niya.Nang
Read more
Chapter 58
Pumasok si Olive sa opisina ni Anthony dala ang shoulder bag at susi ng kotse."Pauwi ka na?  Alas singko pa lang," wika ni Anthony na tumingin sa orasan."Uuwi ka ba sa Dumaran ngayon?""Yes.  Why?""Ihahatid ko si Romano doon.  Uuwi na lang ako doon tatlong beses sa isang linggo.""May problema ba?" "Wala naman.  Nasabi ko naman na sa 'yo kung bakit, hindi ba?""Okay... We will leave at seven.  Sabihin ko kay Norman na sa helipad ng Tower 1 na lang lumapag.""Thank you," aniya kay Anthony saka muling lumabas sa opisina nito para umuwi sa condo niya.Pagdating sa condo ay nakangiti ang anak nang makita siya.  Agad niya itong kinarga at sinabihan ang yaya na mag-empake dahil babalik ang mga ito sa Dumaran.Umupo siya sa carpeted floor at ibinaba ang anak.  Naglakakad na ito.   Romano got her eyes, kaya tama lang na ipinangalan niya ito sa Lolo niya.  She got her e
Read more
Chapter 59
"Natapos mo kaagad?" tanong ni Adrian sa kanya nang makitang nakalatag na ang bagong blueprint na ipi-present niya kay Olivia. "Minamadali na ni Anthony," sagot niya habang sinisipat pa ang blueprint kung may nakaligtaan pa ba siyang ilagay."Minamadali ni Anthony o nagmamadali kang makabalik kay Olivia?"Malapad na ngiti ang isinagot niya na isinuot ang coat at inayos ang necktie.  Tinawagan niya kanina ang sekretarya ni Olive at ang sabi nito ay walang meeting ang dating kasintahan pagdating ng alas kwatro ng hapon."Goodluck," wika ni Adrian na tinapik siya sa balikat.  Alam niyang dalawa ang ibig nitong sabihin.Pagdating niya sa opisina ni Olive ay kausap daw nito ang isang engineer kaya't naghintay pa siya nang ilang sandali."Ba't ang tagal naman yata?" tanong niya kay Marcie."Naku, makulit kasi 'yung Calvin na 'yon.  Baka dume
Read more
Chapter 60
Nanginginig ang kamay ni Olive nang isara niya ang pinto ng pickup ni Gregor at sumamdal sa leather seat.  Lasing na siya dahil marami din siyang nainom.  At dahil doon ay hindi niya kayang kontrolin ang sarili.  Nagpapatangay na naman siya sa damdamin niya kay Gregor na kanina lang ay ipinamukha nitong malandi siyang babae."Where do you live now?" mahinang tanong ni Gregor."Sa Tower One," sagot niya.  Nang umandar ang sasakyan palayo roon ay ipinikit niya ang mata.  Kung saang banda na siya nakatulog ay hindi niya alam.  Halik ni Gregor ang nagpagising sa kanya na akala niya'y nananaginip pa siya.    Bago naman siya matangay ay tumunog ang telepono nito."A-answer the phone..." utos niya nang balak pa nitong halikan ang leeg niya.  Kinuha naman ni Gregor ang telepono at sinagot."Pauwi na 'ko... Yes, I have my keys.  Puwede ka nang matulog," sagot nito sa kausap na sa palagay niya'y si Lovi. &nb
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status