All Chapters of Heiress of Fire: Chapter 61 - Chapter 70
75 Chapters
Chapter 61
Dapat ay paalis na si Gregor sa condo ni Olive pero nararamdaman pa niya ang pangangailangan.  Alam din niyang hindi pa niya naibigay ang kasiyahan kay Olive dahil sa pagmamadali niya kaninang angkinin ito.  Dalawang taon.  Dalawang taon naipon ang pagpipigil niya na hindi niya nakayanang pigilan kanina.  Kung hindi niya ito aangkinin kaagad ay mapapahiya siya.  Madilim ang silid nito pero may kaunting sinag ng ilaw siyang natatanaw na nanggagaling sa telepono nitong kanina pa tumutunog sa sala.  Bukas din ang malamlam na ilaw sa komedor.  Pinuntahan niya ang telepono at sasagutin sana pero tumigil na ang pag-ring.  Si Calvin ang tumatawag na ikinainit na naman ng ulo niya.Binuksan niya ang ilaw sa sala at tumambad sa kanya ang magarang mga kagamitan doon.  Kumpara sa dating condo nito, doble ang laki nito ngayon na may isa pang silid bukod sa tinutulugan ni Olive ngayon.  Alam niyang wala namang tao roon dahil hindi
Read more
Chapter 62
Nagbibihis pa lang si Gregor nang lumabas siya sa banyo pagkaligo.  Ngumiti ito nang makitang nakatapis lang siya ng twalyang puti at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya sa pagmamadali."You're so sexy..." Sinalubong siya nito at agad iniyakap ang mga braso sa katawan niya."Alas syete na, Gregor...""So?  I am the boss in my own company.  Ikaw rin naman ah...""Pero marami akong meeting ngayon.  Dadating din si Anthony para makita ang blueprint na dala mo kahapon.""Isang buwang wala si Carter..." Napalingon siya sa binata at kumunot ang noo.  "So?" "Puwede akong magpabalik-balik dito.  Kahit sa opisina mo..." suhestyon nito na sinusuklay ang buhok niya ng daliri nito.  Napagtanto niya na dahil akala nitong may relasyon sila ni Carter, si Carter ang nagpupunta sa condo niya para makaulayaw sa kama. Hindi niya gustong itama ang akusasyon nito dahil pantapal niya
Read more
Chapter 63
Maagang nagising si Gregor kinabukasan.  Balak niyang puntahan kaagad si Olive dahil magdamag din halos siyang hindi nakatulog.  Tinatawagan niya ito pero hindi ito sumasagot.Wala pa si Olive pagdating niya sa opisina ng Falcon Corp.  Si Anthony ang sumunod na hinanap niya.  Katatapos lang nitong ubusin ang kape habang kausap nito ang sekretarya nito."Have a seat, Gregor," utos nito.  Pinaalis na nito ang sekretarya pagkaupo niya.  "Maaga ka yata?" "Idi-discuss ko sana kay Olive 'yung na-approve na plano."  Tumingin siya sa orasan na tila naiinip.  Alas nueve y media na pero wala pa rin si Olive."She's not coming today. May inaasikaso siya sa hacienda ngayon.  Tayo na lang ang mag-discuss tutal dapat ay kagabi pa tayo dapat nag-usap.""Sure... Pero, kumusta si Olive?  May problema ba kaya hindi siya nakapasok?""May kaunting problema... But she can manage... Don't worry about her," s
Read more
Chapter 64
Kausap ni Gregor si Lovi sa opisina niya para ipaalam na nakahanap na siya ng bagong apartment na mas malapit sa opisina.  Nagulat naman ang dalaga sa bigla niyang desisyon.  Pero desidido na talaga siya na ipagtapat kay Olivia na ginamit lang niya si Lovi para panangga sa pride niya.  "Bakit ikaw ang lilipat?  Ako na lang ang aalis do'n.  E kung may papalit nga sana sa 'kin bilang sekretarya mo uuwi na 'ko sa 'min eh.""No, please... This isn't about you.""E bakit nga...""I'm into a serious relationship now.  Actually, siya rin ang dahilan kung bakit ako umalis pansamantala sa dito sa Puerto Princesa," paliwanag niya.  "Pero nagkabalikan din kami.""Uy sino?  Hindi mo man lang ipinakilala sa 'kin.  Alam niya na magkasama tayo sa bahay?""Apparently... yes..." alanganin niyang sagot.  "She's not comfortable that we are under one roof.""Ay oo nga naman.  Pero pwede naman a
Read more
Chapter 65
Naka-pajama na si Olive at patulog na nang dumating si Gregor."Sabi ko naman, Gregor, bukas ka na pumunta dito," aniya dahil gabi na.  Ayaw niyang hatinggabi ito uuwi dahil kahit paano'y natatakot siyang may makasalubong itong masasamang tao sa daan.   "I want to be with you..."  Agad nitong ipinulupot ang braso sa katawan niya na nawalan na siya nang lakas na tumanggi.  "Nagwo-worry lang ako na lagi kang hatinggabi kung umuwi.  Marami na ang masasamang loob ngayon.""Masasaktan ka ba kapag nawala ako?" nakangiti nitong tanong."Huwag  ka ngang magsalita nang ganyan.""E di dito mo ako patulugin," suhestyon nito na hindi napapalis ang ngiti.  Gusto rin naman niyang makasama ito sa magdamag.  Ang sabi ni Anthony ay wala naman daw itong relasyon at si Lovi na gusto niya nang paniwalaan.  Siguro nga ay ganoon lang ito kabait sa empleyado nito.  Isa pa, malaki ang bahay nito para
Read more
Chapter 66
Tumatawag si Gregor kay Olivia pero hindi sinasagot ng kasintahan ang mga tawag niya.  Nang tumawag siya kay Marcie ay nasa Dumaran daw ito.Sigurado siyang may emergency na naman.  At dahil wala na siyang ibang makakausap, pinuntahan niya si Anthony para itanong ang pinsan nito.  May meeting na itong naghihintay sa conference room nang dumating siya."Sandali lang 'to, Anthony.  I just need to ask few questions about Olivia.  Is it true that she has a child?" "Gregor, hindi ba dapat ay si Olivia ang tinatanong mo?""I can't talk to her.  Please answer my question.  May naririnig akong balita pero gusto kong marinig sa 'yo ang totoo.""I'm sorry, Gregor, but I am not in the positin to answer your question.  Pagbalik ni Olivia ay mag-usap kayo nang maayos.""So, it is true, huh!" pag-analisa niya.  "I didn't say it is true.  Mali-late na 'ko sa meeting.  Tatawag ako
Read more
Chapter 67
"It's okay, Anthony," wika ni Olive sa pinsan nang tumawag ito para sabihin na alam na ni Gregor na may anak siya.  He knew that that child was his too.  Ngayon ay hindi niya alam kung paano haharapin ang kasintahan dahil hindi siya nagkusang magtapat dito.Alas sais ng umaga nang puntahan niya ang apartment ni Gregor na ngayon lang niya narating sa kauna-unahang pagkakataon.  Nag doorbell siya na kaagad namang pinagbuksan ng katulong.  "Sino ho sila?""Hmmm... Olivia Montañez ho... Kasintahan ni Gregor.  Nariyan ho ba siya?" alanganin niyang tugon.  "Tulog pa ho si Sir Gregor.""Anong oras ho ba siya nagigising?" tanong niya dahil tanghali na.  "Susubukan ko hong katukin," wika ng katulong na umalis sandali sa harap niya.  Pagbalik nito'y sinabi nitong pumasok na siya dahil kagigising lang ni Gregor.Pumasok siya sa gate at sa kabahayan.  Tila isang townhouse ang b
Read more
Chapter 68
Nang dumating si Gregor sa condo niya ay seryoso pa rin ang mukha nito.  Hindi niya alam kung paano itatama ang iniisip nito na ang gusto lang niya ay itago ang relasyon nila.  Hindi rin niya alam kung bakit umabot sila sa gano'n gayung pareho naman nilang mahal ang isa't isa. "N-nakahanda na ang chopper..." mahina niyang wika dahil hindi naman tumitingin si Gregor sa kanya.  Sumunod naman ito sa kanya hanggang makasakay sila sa chopper.  Kinakabahan din siya sa pagkikita ng mag-ama.  Ang nasa mansyon lang ngayon ay ang Auntie Margarita at Uncle Antonio niya.  Paglapag sa Dumaran ng chopper ay tumuloy sila sa mansyon.  Sinalubong sila ni Margarita sa hardin.  Ipinakilala niya si Gregor sa tiyahin. "Si... Gregor ho, Auntie... Siya ho ang ama ni Romano..." "Magandang araw ho," bati ni Gregor na kinamayan ang Auntie Margarita niya.  "Magandang araw din, iho.  Pumasok kayo.  Ipaghahanda ko kay
Read more
Chapter 69
Karga ni Gregor ang anak nang sumakay sila sa chopper pabalik sa Puerto Princesa.  Hindi naman na nangilala ang anak sa kanya.  Tahimik lang si Olive na nasa tabi niya hanggang makabalik sila sa condominium nito.  Kinabukasan pa pupunta ang yaya sa condo na isasabay na lang ni Anthony sa umaga."So, what now?  What would be our arrangement with Romano?" tanong niya kay Olivia."You can visit him anytime you want, Gregor," mahina nitong sagot.  Sa lahat ng galit na ipinakita niya ay hindi ito nagpakita ng panlalaban o paninisi sa kanya.  Pero hindi niya alam kung paano aayusin ang relasyon nila ngayon matapos nitong hindi magtiwala at maniwala sa kakayanan niya.Siguro nga ay may pinagdadaanan ito noong buntis ito kay Romano.  Pero ilang beses din niyang ipinilit ang sarili niya noon na paulit-ulit tinanggihan ni Olivia."I will stay overnight.""Hindi ka pwede dito matulog," agad nitong tanggi sa suhestyon niya.
Read more
Chapter 70
Walang nagawa si Olivia nang doon magpasyang matulog ni Gregor.  Naibsan naman na ang mga tanong at takot sa dibdib niya.  Pero kahit nagkaayos na sila at nakapagpaliwanag na siya, parang hindi buo ang nakikita niyang pagtanggap ni Gregor sa kanya.  Tila may pader pa rin sa pagitan nila na hindi niya maipaliwanag.  Tulad kanina, niyakap siya nito matapos niyang umiyak.  Pero pagkatapos no'n ay hindi na nasundan.  At napansin din niyang tila malalim ang iniisip nito."Tulog na si Romano, magpahinga ka na rin sa silid," wika nito nang matapos nitong dalhin ang bata sa kwarto.  Umupo ito sa sofa at naghanap ng mapapanood sa cable TV.  Napilitan siyang sundin ang sinabi nito dahil wala na itong ibang sinabi.  Nang lumabas siya para magtungo sa kusina matapos ang kalahating oras ay nakapikit na itong nakalalapat ang paa sa center table. Paggising niya sa umaga ay may naaamoy siyang niluluto sa kusina.  Alas sais pa lan
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status