All Chapters of Lover ko si Bespren: Chapter 131 - Chapter 140
174 Chapters
Chapter One Hundred Thirty-One  
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Nicole. Nagi-guilty din kasi siya sa pagkakasinghal niya kay Gelli. Alam niyang hindi tama ang kanyang ginawa. Saka, tama ang sinabi ni Mimi. Ibig lang ni Gelli na mapagaan ang kanyang loob. Nagawa naman nito kaya lang na-miss niya ng husto si Kat-Kat kaya nasinghalan niya si Gelli. Hay, alam niyang maling-mali ang kanyang ginawa pero hindi pa rin niya makuhang mag-sorry kay Gelli. Siguro ay talagang gusto niyang maipakita sa kanyang mga kapatid ang kanyang bad side. Kung hindi niya kasi gagawin iyon, palagi na lang siyang lalabas na talunan. Gaya ng ipinaramdam ng kanyang pamilya. May sinisisi siyang ibang tao, pero, siya naman ang sinisisi nina Mimi, at ng kanyang ina. Ewan lang niya kung anong iniisip ni Gelli. Basta nang dumating ang kanyang ama, nagawa pa siya nitong sampalin. Siya kasi ang sinisisi nito sa nangyari. 
Read more
Chapter One Hundred Thirty-Two  
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Nicole. “Gelli…?”Agad naman itong lumapit sa kanya pero hindi makatingin ng tuwid sa kanya. May palagay siyang kaya ganoon ay masama pa rin ang loob nito sa kanya. Kaya kahit na ibig niyang magpakatatag ay biglang lumambot ang kanyang puso. Hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito nang mahigpit na mahigpit. “Patawarin mo si Ate sa nakawa ko nu’ng isang araw,” wika niya. “Naiintindihan ko naman po. Mas mahal kasi ninyo si Kat-Kat.”Buong panggilalas siyang napatingin dito. Nanlaki pa ang kanyang mga mata. Talaga kasing hindi niya akalain na maiisip nito ang mga salitang iyon. Lahat ng mga kapatid niya ay mahal
Read more
Chapter One Hundred Thirty-Three  
NATUTOP ni Mimi ang kanyang dibdib, sa tapat ng kanyang puso. “Änong nangyayari saýo?” nagtatakang tanong ni Alfred. Ilang beses muna siyang kumurap-kurap bago niya sinagot ang kasintahan. “Bigla kasi akong kinabahan.”Hindi agad ito kumibo. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Marahil ay napapantastikuhan ito sa kanyang kinikilos. Bahagya lang siyang natigilan dahil hindi niya tiyak kung ano bang tumatakbo sa isip ni Alfred. Oo nga mahal siya nit, ramdam naman niya iyon. Kaya nga lang, hindi pa rin siya umaasa na sila na talaga ang magkakatuluyan. Ang buhay ng tao ay walang kasiguraduhan kaya hindi nga natin alam kung ano ang maaaring mangyari bukas. Saka, sa da
Read more
Chapter One Hundred Thirty-Four  
“HOW do I look?”“Kahit papaano, mukha kang tao,” sarkastikong sabi ni Abi kay Blue. Kung ini-expect nitong pupuruhin niya ito, nagkakamali ito. Mula sa pagkakatitig nito sa salamin ay hinarap siya nito. Wariý hindi na ito nasisiyahang titigan lang siya buhat sa salamin. “Ano pala ang tunay kong hitsura?” kunwaý nagtataka nitong tanong sa kanya.Mariin ang sagot niya rito. “Demonyo.”Sa halip na magalit ito sa kanyang sinabi ay ang lakas nang tawa nito. Siguro ay hindi nito sineryoso ang kanyang sinabi. O maaaring tanggap na rin naman nito sa sarili kung ano bang uri ng pagkatao mayroon ito. “Han
Read more
Chapter One Hundred Thirty-Five  
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Hannah. Ewan niya kung  tama nga ba ang ginawa niyang pagsama kay Nicole sa labas. Tapos hindi pa siya nagsabi kay GB at sinadya pa niyang iwan ang kanyang cellphone. Hiling lang niya, sana hindi siya nagkamaling magtiwala gayung alam naman niya na malaki ang galit nito sa kanya. Bakit nga ba ito nagagalit sa kanya?Una ay dahil sa napahamak ang pamilya nito dahil sa kanyang stalker. Kahit marami ang nagsasabi na nasali ito dahil sa nakita ni Blue na magagamit nito si Nicole para mapaghiwalay sila ni GB at dahil sa hindi ito nagtagumpay, “Bakit kailangan dito pa tayo magkita?” tanong niya kay Nicole nang iba na nito sa harapan niya ang in-order na Cappuccino. Matamis na ngiti muna ang ibinigay
Read more
Chapter One Hundred Thirty-Six  
KAHIT na panay ang hagod ni Alfred sa kanyang likod, hindi magawa ni Mimi na patigilin ang kanyang luha. Napanood kasi niya ang sex video ng kanyang Ate Abi kaya durog na durog ang kanyang puso. Kung nakakamatay lang ang mura, kanina pa sana tumimbuwang si Blue kung saan man ito naroroon ngayon dahil talagang hindi niya mapigilan ang sariling pagmumurahin ito. Sobra tuloy niyang pinagsisihan na minsan ay nagawa niya itong hangaan at mahalin. Mabuti na lang talaga at madali niyang napansin na may kung ano sa ugali nito na dapat niyang katakutan. Dahil doon ay nagawa niyang pigilin ang sariling palalimin pa ang nararamdaman niya rito. Hindi man ito ang lalaking kasiping ng kanyang Ate Nicole, alam niyang si Blue pa rin ang may kagagawan nu’n lalo na’t hindi lang isang video na may iba’t ibang lalaki ang pinakalap nito. Kaya, ngayon p
Read more
Chapter One Hundred Thirty-Seven  
EWAN ni Abi kung bakit pag-alis ni Blue ay bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niyaý may malamig na hangin na yumakap sa kanya kahit nakasarado naman ang bintana. Pagkatapos noon ay nakarinig siya ng dalawang magkakasunod na katok na parang hirap na hirap. Napakunot noo tuloy siya. Si Blue ba ang nasa likod ng pintuan?Hindi, mariing sabi ng isang bahagi ng kanyang isip. Kung si Blue kasi ang nasa likod noon ay sigurado siyang hindi na nito kakailanganin pang kumatok. Tiyak niyang may susi naman itong sarili kaya mas kinabahan siya lalo na nu’ng muling umulit ang pagkatok. Maririin pa ang pagkatok nito na parang bumibingi sa kanya. Parang ayaw niyang lumapit sa pintuan dahil nangangamba siyang baka isa o ilang mga lalaki na naman ang nasa likod ng pintuan na iyon. Kaya lang, kahit na tumatang
Read more
Chapter One Hundred Thirty-Eight  
“SHE’s dead!”Parang may bombang sumabog sa pandinig ni Gray nang ipaulit niya sa isang opisyal ang sinabi nito. Talaga kasing tumatanggi ang utak niyang tanggapin ang sinasabi nitong wala na si Hannah – ang kanyang asawa’t bestfriend. Kahit nawawala si Hannah, hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga salitang iyon. Ang inaasahan lang niya ay nilinlang at nakidnap ito.Hindi nga siya nagkamali sa una niyang hinala na si Nicole ang may kagagawan kung bakit nawawala ang kanyang misis. May nakapagsabi na magkasama ang mga itong pumasok sa isang coffeeshop at magkasama ring sumakay sa isang kotse. Napakunot lang ang noo niya dahil pareho namang hindi marunong magmaneho sina Nicole at Hannah. Wala ring parehong sasakyan. Nagrenta sila ng sasakyan? Naguguluhan pa ring tanong niya. 
Read more
Chapter One Hundred Thirty-Nine 
PARA kay Abi, talagang mahirap tanggapin na patay na ang kanyang Ate Nicole. Paano naman kasi niya magagawang tanggapin iyon kung pinuntahan pa siya nito sa kinaroroonan niya para samahan siyang makatakas. Bigla tuloy niyang naalala pa ang pangyayari nu'ng araw na iyon. "Ma'm, gising na," wika ng boses na hindi naman niya kilala. Bigla tuloy siyang napapitlag. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isip ay baka isa na naman ang lalaking ito sa gagamit sa kanyang katawan. Kaya nang maalimpungatan siya ay bigla siyang humagulgol. Nagmakaawa pa siya rito na huwag na siyang saktan at gamitin. "Naku po, hindi ko po gagawin sa inyo 'yan," wika nito sa mahinahong tinig. Kitang-kita rin niya ang awa sa mga mata nito. Marahil, may ideya na ito kung anong nangyari sa kanya. 
Read more
Chapter One Hundred Forty 
NGAYON ang 'libing' ni Hannah pero hindi makuhang tumayo ni Gray. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya tanggap ang nangyari at tiyak niyang hindi niya kailanman matatanggap. Malakas talaga ang kutob niyang ang bangkay na iyon ay hindi ang kanyang asawa. Sa tagal ng pinagsamahan nila ni Hannah kilalang-kilala niya ito. Kahit pa sabihing tustang-tusta ang bangkay na naroroon, sigurado pa rin siya sa kanyang nararamdaman. Iyon nga lang, may DNA na makapagpapatunay na si Hannah nga ang bangkay.Dahil sa hindi naman nasusunog ang ngipin ng biktima sa aksidente ay mabilis nilang nalaman kung sino sina Nicole at Hannah. Gayunpaman ay parang hirap pa rin siyang tanggapin na si Hannah nga ang isa. Gusto pa nga niyang makipagtalo sa mga imbestigador. Parehong hindi marunong magmaneho sina Hannah at Nicole kaya malaki ang posibilidad na may iba
Read more
PREV
1
...
1213141516
...
18
DMCA.com Protection Status