บททั้งหมดของ Lover ko si Bespren: บทที่ 151 - บทที่ 160
174
Chapter One Hundred Fifty-One
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Silver. Sabi niya kasi ay okay lang na hindi niya kasama si Hannah dahil tiyak naman niyang maligaya ito sa piling ni GB ngunit nagkaroon siya ng pagkakataon na makapiling si Hannah. Pawawalan pa ba niya ang pagkakataon na makasama ito habambuhay? No.Ngunit, hindi naman maaaring hindi siya kumilos para alamin kung sino nga ba si Blue. Ibig din naman niyang maging ligtas talaga si Hannah kaya kinailangan niya itong ilayo. Gayunman, hindi ibig sabihin nu'n hahayaan pa niya itong bumalik sa dating buhay. "Wala ka bang balak na bumalik ng Manila?" Tanong sa kanya ni Hannah. Ang ibig niya sana ay itrato na isang tunay na reyna si Hannah. Kung maaari lang ay ayaw niyang kumilos ito. Ibig niyang matiyak na okay ito at ang ipinagbubuntis nito. Hindi man niya nagawang madamayan ng una si Hannah sa unang magiging anak sana nito kay GB, alam niya kung gaano kasakit ang pinagdaanan nito kaya
Read More
Chapter Hundred Fifty-Two lover 
"BAKIT hindi na lang natin totohanin ang pagpapanggap?" Kung may kakayahan lamang siyang makapagbato ng palakol sa pamamagitan ng matalim na tingin, tumimbuwang na sana itong parang lata. Ngiting-ngiting ito sa kanya na parang gusto siyang akitin kaya tumalim ng husto ang tingin niya rito. Parang gusto niya itong sakalin. Ngunit, hindi maaari. May plano siyang gawin kaya kailangan ay manatili ito sa kanyang condo hanggang sa dumating si Gray. Naniniwala talaga ang pinsan niya na in-love na siya kaya kailangan ay may maipakilala siya ritong babae na nagpapatibok sa kanyang puso. Hindi nito dapat na mahalata na ang asawa pa rin nito ang itinitibok ng kanyang puso. Mahirap na siyempreng magkaideya ito na buhay pa si Hannah. Kaya’t kailangan niya itong iligaw ng husto para maging okay ang kanyang pagpapanggap bilang mabuting pinsa
Read More
Chapter Hundred Fifty-Three 
TYPE ni Regine si Silver pero hindi naman siya ang tipo na ipagpipilitan ang sarili sa lalaking hindi naman siya gusto. Hindi siya bale, ano. Saka tama naman ito eh, mukha siyang pera at iyon ang importante sa kanya. Sa gagawin niya ay maaari siyang kumita ng dalawang daang libong piso. Oh God, kahit na magpa-tumbling-tumbling siya maghapon ay hindi niya iyon kikitain. Kaya, kailangan na niyang sunggaban ang oportunidad na iyon. Medyo natigilan lang siya nang marinig niya ang pinaplanong gawin ni Silver. "Kaya mo namang gawin ang ipinagagawa ko sa'yo, hindi ba?" Marahang tanong nito na para bang hindi maniniwala sa kanya kung sasagot siya ng hindi. Kaya naman nakataas pa ang kilay nito habang hinihintay ang kanyang isasagot. "Para mo na ring tinraydor ang pinsan mo," hindi niya napigilang sabihin pero bigla siyang natigilan. Ano bang pakialam niya sa pinsan ni Silver? Natatawa niyang tanong sa sarili. Sa oportunidad na kumakatok sa
Read More
Chapter Hundred Fifty-Four 
DAHIL sa ayaw muna maisip ni Gray si Hannah, pinaunlakan niya ang imbitasyon ni Silver na pumunta siya sa condo ito para maipakilala nito ang girlfriend. "Gray," wika niya sa babaeng parang tuko na nakakapit sa kanyang pinsan. Para tuloy gusto niyang mangiti dahil parang ayaw na nitong pawalan pa ang kanyang pinsan kung makayakap ito. Hindi tuloy niya napigilang tingnan ng may panunudyo si Silver. At nang makita nitong nakatingin siya ay para pang sinadya nito na ipulupot ang kamay sa baywang ng babae. “Regine,” wika naman ng babae na naunang maglahad ng kamay sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ang kamay nito. Siyempre hindi naman niya puwedeng tanggihan iyon dahil mapapahiya ito. Saka ayaw din naman niyang sumama ang loob sa kanya ni Silver. “Nice meeting you,”wika niyang nawala na ang ngiti dahil sa pinisil nito ang kanyang kamay pagkaraan. Bigla kasi niyang naalala
Read More
Chapter Hundred Fifty-Five 
MAHAL na mahal man ni Gray si Hannah hanggang ngayon, pakiwari ni Silver ay hindi siya dapat ma-guilty sa paghihirap na nararamdaman ni Gray. Kahit naman hindi nito sabihin, alam niyang iyon ang nararamdaman ng kanyang pinsan. Saka, kung nasasaktan man ito ngayon, hindi niya kasalanan iyon. Si Hannah mismo ang may gusto na lumayo na muna kay Gray. Muna? Mariin pa niyang tanong sa sarili. Ang gusto rin naman kasi ni Hannah ay malaman ni Gray na buhay siya kapag nahuli na si Blue. Ngunit, gumagawa nga ba ng paraan para malaman kung sino si Blue?Napangisi siya sa kaisipan na iyon. Siya kasi ay hindi na interesado kay Blue. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay nasa piling niya si Hannah. Ang kailangan lang niyang gawin ay protektahan ito sa anumang kapahamakan.Kahit pa kay Gray. Maaari ngang nagmamahalan ang mga ito pero tulad nga ng sinabi ni Hannah, hindi ito magiging ligtas at si Gray kung magkasama ang mga ito. Tiyak kasing lahat din ng paraa
Read More
Chapter Hundred Fifty-Six 
EWAN ni Gray kung bakit parang may ibig sabihin ang tanong ni Silver sa kanyang Sigurado ka bang hindi mo alam kung gaano ako kademonyo?Bigla tuloy niyang naalala na noong mga bata sila ay gusto nito palaging nakukuha ang gusto. Kahit na mayroong nagmamay-ari sa anumang bagay na magustuhan nito, pipilitin pa rin nitong agawin. Kaya madalas umiiyak si Blue dito. May pagkakataon na ipinagtatanggol niya si Blue kaya naman kinukuha niya kay Silver ang mga bagay na dapat naman talagang para kay Blue. Alam niyang nagagalit din sa kanya si Silver pero wala na lamang itong magawa kundi titigan siya ng masama. Para kasi rito, siya ang pinsan nitong hinding-hindi nito aawayin."Naging mabait ka na naman, hindi ba?" Tanong niya rito pero parang gusto niyang magduda habang pinagmamasdan niya ito. Para kasing may itinatago it
Read More
Chapter Hundred Fifty-Seven  
"KAMUSTA na kaya ang Daddy mo," marahang tanong ni Hannah sa tiyan niyang maumbok na. Lagpas limang buwan na rin naman kasi iyon kaya ang lungkot lungkot na niya. Ilang buwan na rin kasi niyang hindi nakikita at nakakasama si GB. Kaya, miss na miss na niya ito. Kung hindi lang niya inaalala na maaapektuhan ang kanyang dinadalaý siguradong wala siyang ibang gagawin kundi ang umiyak. Ito ang pinakamatagal na panahon na nagkahiwalay sila ni GB kaya ang bigat-bigat sa pakiramdam. Parang may bakal ngang nakadagan sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Gayunman, kailangan niyang huminga nang maayos dahil siya rin naman ang nagdesisyon na lumayo rito. Kahit mahal na mahal niya ang kanyang asawa, kailangan niyang magsakripisyo para sa kaligtasan nito. Alam kasi niyang hindi titigil si Blue hanggang sa hindi siya nito nakukuha. Kaysa naman gumamit pa i
Read More
Chapter Hundred Fifty-Eight 
SI GB ay may ka-sex na iba? Ang una siyempre niyang impresyon ay nasaktan siya. Talaga naman kasing iyon ang dapat niyang maramdaman dahil siya itong asawa pero may iba na itong kinakalantari. Hindi pala dahil kitang-kita sa video na ang babae lamang ang nagtatrabaho. At dahil nakamasid siyang maigi ay alam niyang natutulog si Gray dahil wala naman itong karea-reaksyon. Iyon ang rason kung bakit anggulo lang ng babae ang nakikita. Kaya, parang ibig niyang humagalpak sa kakatawa. Minsan na siyang nagduda sa katapatan ni Gray at hindi na niya uulitin pa iyon.Kung ang ibang lalaki ay madaling makapagmu-move on kapag nawala na ang kanilang partner. Alam niyang hindi iyon basta-basta magagawa  ni Gray lalo na't ilang dekada sila naging mag-bestfriends nito bago naging m
Read More
Chapter Hundred Fifty-Nine 
HINDI man alam ni Gray kung saan siya naroroon ngayon, hindi siya nakaramdam ng takot. Kahit pa madilim ang paligid ay hindi siya nangambang baka bigla na lamang may nilalang na sumulpot sa kanyang harapan at kukunin siya para madala sa kaharian nito. Bigla tuloy niyang naalala ang kanyang asawa. Sabi niya sa sarili, tatanggapin lang niya na wala na ito sa kanyang buhay kung magpapakita ito sa kanyang panaginip at sasabihin ngang wala na ito. "Damuho kang lalaki ka," wika ng boses na kilalang-kilala niya, kahit ilang taon na niyang di naririnig. "Lola Salome…" nasisiyahan niyang sabi dito. Ang plano niya ay yakapin ito pero bigla siyang nitong sinampal. Ang ipinagtataka lang niya, hindi naman lumapat sa kanyang mukha ang palad nito pero hindi pa rin niya naiwasan ang makaramdam ng sakit. Natigilan tuloy siya. Para kasing nayanig ang buo niyang pagkatao."Huwag na huwag mong sasaktan ang apo ko kundi'y ako ang iyong ma
Read More
Chapter One Hundred Sixty 
NAPABALIKWAS nang bangon si Hannah nang biglang bumukas ang pinto. Agad nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Silver. Nakaramdam siya kasi ng takot lalo na’t alam niyang in-lock niya kanyang pinto. Hindi nga lang niya naikabit ang double lock.“Anong ginagawa mo rito?” nagpa-panic niyang tanong saka niya mabilis na ibinalot sa kanyang sarili ang kumot. Ang bilis-bilis ngayon ng tibok ng kanyang puso. Ngunit, alam niyang hindi iyon dahil sa pag-ibig kundi sa matinding kaba. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isipan ay ang pinagdaanan ni Nicole sa kamay ni Blue at ang ginawa ni Blue sa kapatid nitong si Abi. Kahit naman ang alam lang niya ay kinidnap ni Blue si Abi, tiyak niyang ginawan din ito ng kahalayan sa nakababatang kapatid ni Nicole. Kahit naman ang alam niya'y magkaibang tao sina Silver at Blue, hindi pa rin siya nakasisigurado kung anong kayang gawin ni Silver. After all, iisang dugo lang naman ang nananalaytay sa
Read More
ก่อนหน้า
1
...
131415161718
DMCA.com Protection Status