All Chapters of Lover ko si Bespren: Chapter 71 - Chapter 80
174 Chapters
Chapter Seventy One 
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Gray. Gusto na sana niyang pumasok sa kuwarto para makita si Hannah pero alam niyang gising pa ito kaya pinili na lang muna niyang mag-stay sa labas ng kanilang bahay. Ayaw din naman niyang nasa loob lang siya ng bakuran dahil alam niyang kapag nakita siya ng kanyang lolo ay pagagalitan lamang siya nito.Ilang beses na kasi siya nitong sinabihan na sa halip na umiwas siya, kailangan ay ayusin niya ang relasyon nila ni Hannah. Well, iyon din naman ang gusto niyang mangyari dahil miss na miss na niya ang kanyang asawa. Kahit nga noong mag-bestfriends  pa lang sila ni Hannah ay hindi pa nangyari na tumagal ng ilang linggo ang kanilang tampuhan. Tampuhan? Gilalas niyang tanong sa sarili. Alam naman kasi niyang hindi naman tampuhan lang ang nangyari sa kanila. M
Read more
Chapter Seven Two 
MAHAL ko nga ba si Gray? Tanong ni Nicole sa kanyang sarili. Gusto niyang sabihing ‘hindi’ pero damang-dama niya ang pagdurugo ng puso niya nang mga sandaling iyon. Para kasi iyong nilalamutak sa sobrang sakit. Paano ba naman kasi naghahalikan ngayon sina Gray at Hannah sa kanyang harapan. Kahit alam niya kasing imposible, sinubukan niya kaninang i-seduce si Gray. Ngunit, sa umpisa pa lang ay hindi na siya nakasisiguro kung tatalab ba dahil alam naman niyang mahal na mahal ni Gray si Hannah. Kahit nu’ng panahong pinatulan siya ni Gray, alam niyang si Hannah ang mahal nito. Kaya nga, talagang nag-concentrate siya para akitin ng husto si Grayson Brian Lee. Ngunit bigo siya dahil, nang gabing may nangyari sa kanila, tinapos na rin nito ang ugnayan nila. Gusto man niyang magalit, hindi niya magawa dahil wala naman itong ipinangako sa k
Read more
Chapter Seventy Three 
"HANNAH…" ani Gray na bahagya pang humihingal. Napakainit naman kasi ng halik na ibinigay sa kanya ni Hannah at hindi niya nagawang pigilan ang sarili. Miss na miss na niya ang labi nito kaya buong alab na halik din ang ibinigay nito sa kanya. Humihingal din ito ng tanungin siya nito ng, "Totoo ba?" Wika nitong parang maiiyak pa. Kumunot ang noo niya sa tanong nito. Ngunit nang maisip niyang si Nicole ang tinutukoy nito, malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan.  "Wala kaming relasyon ni Nicole. Hindi kita pagtataksilan at hindi ko kaya," mariin niyang sabi. Totoo naman kasi iyon. Nu'ng panahon ngang mag-bespren pa lang sila, kahit kailan ay hindi niya ito ipinagpapalit. Kapag kailangan siya ni Hannah, agad niya nitong pinupuntahan kahit na mayroon siyang date. 
Read more
Chapter Seventy Four 
MASARAP matulog, ito ang napagtanto ni Hannah habang nakaunan siya sa braso ni GB at mahigpit itong nakayakap sa kanya. Hindi tuloy niya napigilan ang mangiti dahil talaga lang na tama na ang desisyon niya na makipag-ayos dito. Talaga lang kasi pinahihirapan lamang niya ang kanyang sarili nu'ng panahon na tinitikis niya ito. Ngunit, habang iniiwasan niya ito’y siya rin naman ang higit na nahihirapan at nasasaktan. Naitanong niya tuloy ang sarili, bakit ba kailangan niyang gawin iyon?Napabuntunghininga siya nang makahagilap siya ng sagot sa kanyang katanungan. Bukod kasi sa may gusto siyang mapagbalingan ng sakit na kanyang nararamdaman, natatakot din siyang baka mawala si GB sa kanyang buhay. Mabuti na nga lang at agad niyang napagtanto na mas mawawala ito sa kanyang kung patuloy siyang mag-iinarte.&n
Read more
Chapter Seventy Five
"SISIRAIN ko ang pagsasama nina Hannah at Gray?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nicole sa lalaking kilala niya sa pangalang Blue. Kitang-kita kasi sa mga mata nito ang determinasyon na mangyari ang sinasabi nito. Napalunok tuloy siya. Mayroon kasi siyang takot na naramdaman ng mga sandaling iyon. Kitang-kita sa mukha nito na may masama itong hangarin sa mag asawa. Hindi niya tuloy maibulalas ang kanyang pagtanggi. Kahit naman kasi malaki ang husto niya kay Gray, hindi pa rin niya gugustuhing maghiwalay ang mag-asawa. Una, hindi naman siya ganoon kasama. Pangalawa, hindi rin naman niya kayang panindigan ang damdamin niya kay Gray. Maaaring mahal niya ito ngayon ngunit tiyak niyang darating din ang sandali na pagsasawaan niya ito.Hindi naman kasi talaga siya marunong magmahal dahil hindi siya nakakuha ng pagmamahal buhat sa kanyang mga magulang na walang ginawa kundi mag-away. Hindi nga niya malaman kung bakit nagpakasal ang mga ito at nag-anak pa ng
Read more
Chapter Seventy Six  (SPG)
HINDI man si Hannah ang kaulayaw niya nang sandaling iyon pero wala naman siyang ibang nasa isip kundi ito. Dahilan kaya agad siyang nilabasan. Ang magandang mukha kasi ni Hannah ang naisipa niya. Nabulabog lang ang kanyang pag-i-imagine nang marinig niyang paghagulgol ni Nicole."Ang arte mo, putcha ka talaga!" wika niya sa kasiping. " Kung makaiyak ka akala mo virgin ka pa. Saka bakit ngumangawa ka pa, eh, kaya naman tayo nagpunta dito para mag-sex."Hindi ito kumibo. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Siya naman ay napangisi. Hindi naman kasi siya nakakaramdam ng awa rito. Wala sa bokabularyo niya ang maawa. Wala siyang ibang gusto kundi makaramdam ng kasiyahan. Ang makapagpapasaya sa kanya ay ang makaraos sa makamundong pagnanasa. At naiintindihan din niya kung bakit ganoon na lan
Read more
Chapter Seventy Seven
"MABUTI naman at nagkaayos na kayong mag-asawa," masayang sabi ni Lolo Luciano nang sabay silang bumaba ni GB para mag-almusal. Maging si Nurse Samantha ay nagulat pero makaraan lang ang ilang sandali ay napangiti rin. Wari'y nasiyahan sa pagkakayos nila ni GB.  Magaang-magaan na ang pakiramdam ni Hannah nang umagang iyon dahil okay na sila ni GB. Kaya, pakiramdam niya'y maliwanag na maliwanag na ang mundo. Ngunit, hindi naman ibig sabihin nu'n ay agad na niyang kinalimutan ang nawalang anak dahil alam niyang hindi mangyayari iyon.  Kahit pa dumaan ang ilang taon ay mananatili pa rin sa kanyang alaala na may anak siyang nawala ngunit kailangan din niyang mag-move on. Sila ni GB para mas maging okay ang kanilang pagsasama.  Ngunit sa ngayon, hindi muna sila magku-concentrate sa pag-aanak at ito ay sinang-ayunan ni GB. Ang ibig sabihin nito, gagamit muna siya ng pang-control para hindi magbunga ang kanilang mga pagtatalik. Saka talagang na-miss d
Read more
Chapter Seventy Eight 
WALA pa ring nagagawang aksyon si Nicole sa iniuutos ni Blue. Talaga naman kasing hindi niya gustong manira nang relasyon lalo na kung nagmamahalan ang mga ito. Ibig tuloy niyang magsisi na tinukso pa niya si Gray nang gabing iyon. Tiyak kasing iyon ang dahilan kung bakit naisip ni Blue ang ganoong kademonyohan. "Ate, aalis ako," wika ni Mimi. Ang pangatlo sa kanila. Matamis na matamis ang ngiti nito sa kanya na parang nakikiusap na kanya na huwag niya itong tanggihan. Bigla niyang naisip ang banta ni Blue kaya bumuka ang bibig niya para sabihing huwag itong umalis, kaya lang, nagbago ang isip niya. Hindi naman kasi pwedeng magpapadala na lang siya lagi sa takot. Hindi dapat tumigil sa pag-inog ang kanilang mundo kaya ang nagawa niyang sabihin pagkaraan ay, "Mag-iingat ka." Ah, kung pwede nga lang niyang awatin ang kapatid sa pag-alis, ginawa na sana niya. Ngunit, may sarili itong utak at kaya ng magdesisyon para sa sarili kaya ang magagawa na lamang niya ay
Read more
Chapter Seventy Nine 
ALAS Nueve pasado na kaya hindi na mapakali si Nicole. Para tuloy gusto niyang sisihin ang kanyang sarili kung bakit hindi niya pinigilan si Mimi na umalis gayung alam na alam naman niyang may nagbabanta sa kanyang mga kapatid."May apat ka pang kapatid na babae, hindi ba? Kaya, bibigyan kita ng isang linggo para magawa mo ang pinagagawa ko sa'yo. Kung ayaw mong isa sa kanila ang mapahamak.”Hindi tuloy niya napigilang yakapin ang kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Para kasi siyang biglang gininaw na hindi niya maintindihan. "Tang na! Nahihilo na ako sa ginagawa mo, daig mo pa ang trumpo kung makaikot ka!"  Buwisit na buwisit na sabi ng kanyang ina na walang ginawa kundi lumagok ng lapad. "Ano bang problema mo?"Alam niyang hindi nagbibiro an
Read more
Chapter Eighty
"HAYOP ka, Blue,” hindi napigilang ibulalas ni Nicole. Impit na impit lang ang pagsasalita niya iyon dahil ayaw niyang marinig ni Mimi ang pag-uusap nila ni Blue. Marahang tawa ang pinawalan nito. "Alam na alam ko siyempre 'yan. Kaya nga nandito ako. Gusto ko kasing idikdik sa utak mo ang pagiging hayop ko."Sabi ni Blue kay Mimi ay gusto nitong makausap muna siya kaya naman dagling nag-excuse sa kanila ang kapatid para mapagbigyan ang lalaki. Napakalambing pa ng tonong ginamit nito para mapasunod agad si Mimi. Saka, sabi ni Mimi ay maghahanda rin ito ng kape at biscuit para sa kanilang tatlo.Kape at biscuit? Mangha niyang ulit sa kanyang sarili nang maisip niyang ang mga iyon ang kadalasang kinakain sa patay. Nakaramdam siya ng kilabot pero nais niyang iwaksi ang nararamdaman. Kailangan talaga niyang maging matapang. Alam niyang mas tatakutin siya ni Blue kapag nakikita na nitong talagang naduduwag siya. "Hindi ko nakakalimutan ang ipi
Read more
PREV
1
...
678910
...
18
DMCA.com Protection Status