All Chapters of The Hidden Child of Carolina (Filipino Story) : Chapter 21 - Chapter 30
176 Chapters
Kabanata 20
Kabanata 20 Hindi na muli nagparamdam si Yohan. Hindi ko na dapat poproblemahin iyon pero hindi ko akalain na iniisip ko hanggang sa pagbalik ko sa trabaho. Kinagat ko ang labi ko at mas lalong nawalan ng gana nang nakita ko na hindi na siya kumakain sa restaurant na ito.“Okay ka lang?” tanong ni Jane sa akin. “Simula nang bumalik ka, kakaiba ka na. May nangyari ba?”Umiling ako at saka nagpunas na sa mga lamesa. “Okay lang ako.”Bumuntonghininga siya. “Alam mo ba na araw-araw si Sir Jude dito? Nagbabaka sakali yata na papasok ka,” aniya. “Mukhang may tama na rin yata si Sir Jude sa iyo. Ang haba ng hair mo.”Iyon na naman ang problema ko. Kapag nakaharap ko ulit si Sir. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Pasekreto akong naghahanap ng ibang trabaho. Kung tatanggihan ko siya, hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya pagkatapos. Mas mabuti nang
Read more
Kabanata 21
Kabanata 21  Mabuti na lang at may dala akong extra damit sa tote bag ko. Hindi ko inaasahan ito kaya hindi ko alam kung babagay ba ang suot ko sa restaurant na pupuntahan namin.“Hindi ba—”“You’re good.” He chuckled. “Kakain lang tayo.”Nakahinga ako nang maluwag. Naiilang pa ako na sumakay sa kotse niya dahil pinagtitinginan kami ng ibang katrabaho ko na sobrang lapad ng ngiti. Napailing na lamang ako at mas lalong namula nang hinawakan ni Sir Jude ang pisngi ko at iginiya sa loob ng kanyang kotse.Masyado itong nakakailang dahil boss ko siya at waitress ako ng restaurant niya. Kailangan ko munang tiisin ito. Hindi ko siya pinapaasa o ano. Gusto ko lang linawin sa kanya ang lahat. Sana may oras kapag nasa restaurant na kami.“You’re so beautiful, Carolina,” ani ni Sir nang nasa kotse na kami. “Hindi ko akalain na may anak ka na.”
Read more
Kabanata 22
Kabanata 22  Tahimik ako habang si Sir ay panay ang kuwento tungkol sa mga bagay-bagay. Naiilang ako dahil na rin sa nakatitig si Yohan sa akin. Ni hindi na niya pinapansin ang ka-date niya dahil nasa akin na lang ang tingin niya.“You are not from here?” he asked.Tumango ako. Medyo kinabahan ako. Kilala niya siguro ang magulang ko pero hindi niya siguro alam na ako ang anak ng dalawang iyon. Huminga ako nang malalim. Nagdadalawang-isip ako kung ano ang isasagot ko, pero hindi naman puwedeng gumawa ako ng storya.“H-Hindi, uh…Lumipat ako rito f-four years ago.” Lumunok ako at hindi na siya matignan.“How old is your daughter then? You’re twenty two, right?”Tumango ako. “Magfo-four na siya.”Akmang magtatanong pa sana siya ngunit natigil lang nang biglang dumating ang waiter. Mabuti na lamang at dumating siya dahil hindi ako kumportable. Baka mawa
Read more
Kabanata 23
Kabanata 23  “Talagang pinormahan ka na talaga ni, Sir, no?”Umawang ang labi ko at hindi magawang magsalita. Matapos ang araw na iyon ay naging usapan na ako sa mga katrabaho ko kinabukasan. Hindi maiwala ang kaba ko lalo na’t curious sila. Hindi naman ako pumayag na pormahan niya ako o ligawan. Akala ko rin ay lunch lang, hindi ko alam na may pa-bulaklak din pala.Siguro nasa isip ni Sir Jude ay pumayag ako pero hindi. Gusto kong linawin iyon sa kanya ngunit nauungasan lang ako ng kaba. Idagdag pa na naroon si Yohan.Hindi ko maintindihan si Yohan. Bakit siya gano’n makatingin? May kasama siyang ibang babae. Hindi siya nagparamdam sa akin pagkatapos niya akong dalhin sa kotse niya para mag-usap. Tapos makikita ko na lang siya na makita ulit ang babaeng kasama niya noong nakita ko siya sa labas ng restaurant. Tinawag pa siya na “Darling” kaya mas lalo lamang akong nadismaya.“Nap
Read more
Kabanata 24
Kabanata 24  Hindi nawala sa isip ko si Yohan. Hanggang sa bahay ay naiisip ko siya at ang kanyang mga pinagsasabi. Sobra akong nagulat nang nalaman niya ang buo kong pangalan. Tinulungan pa ako ni Trixie na mag-fabricate. Pero sa huli, ang lalaki lang pala na iyon ang makakaalam.“Mommy, are you okay? You look sad!” Lumapit ang anak ko sa akin at saka umupo sa tabi ko. “I am here, Mommy!”Ngumuso ako at saka niyakap ang anak.“I am not sad,” sambit ko sabay kurot sa kanyang pisngi. “Pagod lang ako sa work.”“But you brought a bunch of flowers, Mommy,” malambing na sambit ulit ni Felecity. “May nagbigay ba ng gift sa iyo?”Bumuntonghininga ako. “Binigay lang ng boss ko, anak.”Mas napunta sa akin ang atensyon ng anak ko. “The chocolate guy?” she gasped. “He wants to be your boyfriend?”Hindi ako
Read more
Kabanata 25
Kabanata 25  “Waitress?”Kurap na kurap na tanong sa akin ng babae nang nag-inquire ako. Interesado naman akong tumango.“I have an experience po—”“Ayaw mo mag-modeling?” putol niya sa akin.Kumunot ang noo ko. “Po?”Pinasadahan niya ako ng tingin. Nakatayo ako sa harap ng desk habang ang anak ko ay nakaupo sa sofa. The lady looks nice. Hindi niya naman pinagbawalan ang anak ko.“Maganda ka, matangkad. Actually, kayo ng anak mo. We are actually looking for a model right now kaya katakang-taka na waitress ang hinahanap mo. Malaki ang sahod ng model dito lalo na sa new clothing products ng Valdez group of companies,” paliwanag niya.Huminga ako ng malalim. Kung magmo-model ako, makikilala ako ng lahat at mas makilala ako ni Mommy at Daddy.“P-Pasensya na po pero waitress po ang gusto ko sanang -inquire,” pagpilit ko.
Read more
Kabanata 26
Kabanata 26  Mabilis ang naging hakbang ko hanggang sa nakalabas kami ng building. Bilis na bilis pa rin ang pagtibok ng puso lalo na’t alam ko na nakasunod lang sa amin si Yohan. Minsan ay nalalayo siya sa amin dahil hinaharangan siya ng mga kapareho niyang business man upang sana ay makipag-usap.Masayang-masaya ang anak ko. Hindi ko maitindihan kung bakit magaan ang loob niya kay Yohan.“Mommy, siya po yata iyong guy na kausap ko sa phone. Pareho po sila ng voice,” nakatingalang sambit ni Felecity sa akin habang kami ay nag-aantay ng masasakyan.Sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Yohan. Siya lang mag-isa at wala ang mga alipores niya. Wala rin siyang babae. Nasaan na kaya iyon? Tapos na ba sila no’n?“Hi po!” si Felecity.“Saan kayo kakain?” tanong ni Yohan pero nasa akin ang tingin.Napalunok ako at pilit na hindi siya tingnan.“Sa Jollibee po
Read more
Kabanata 27
Kabanata 27  4 years ago Ako si Fiona Carolina Mendez. Sinisimba ng mga kalalakihan at kinaiinggitan ng mga kababaihan. I am the only daughter of both politicians. “Trixie! Come on! It would be so much fun!” I giggled.Kinukumbinsi ko ang tanging kaibigan ko na sumama sa party. I am invited and I am free to invite another one. Pero ang KJ ng best friend ko. “No! Sorry, Fiona. You know, may thesis pa kami. Tatapusin pa naman.”Sumimangot ako. “But there’s a hot guys on the party later!” Inayos ko ang tube ko. “I can’t miss that one!”“Then go!” Umirap siya sa akin. “Just don’t get drunk, Fiona!”Bumuntonghininga ako. Hindi ko na talaga siya makombinse. I just waved my hands on her bago ako lumabas ng kwarto niya. Kung ayaw
Read more
Kabanata 28
Kabanata 28  Tahimik lang ako habang masayang nag-uusap ng anak ko at si Yohan. Hindi ko rin siya matignan dahil sa bagong attire niya ngayon. He reminds me of Miguel and it irritates me. Kailangan ba talaga niyang mag-hood? O sadyang coincidence lang.Halos hindi ko na nga kingatan yong fried chicken sa harap ko. Marami akong katanungan. Yong sinabi ni Trixie sa akin na hinahanap ako ni Miguel. Meaning, nakita na niya si Miguel.“Um, what’s your name?” tanong ni Felecity kay Yohan.Nanatili lang akong nakayuko, tahimik na nakikinig sa kanila.“You can call me, Tito Yohan.”“Tito, Yohan. I am Felecity Chanel. I am three years old,” magalang na sambit ni Felecity. “And right beside me is my Mommy Carolina…”Kinagat ko ang labi ko.“Thank you for saving us kanina po. Ayaw ko po kasi na ma-sad na si Mommy!”“I don&rsquo
Read more
Kabanata 29
Kabanata 29  Sa sumusunod na araw ay mas lalo pa akong na-pressure na maghanap ng trabaho. Tumawag kasi si Jane sa akin and she said na kailan ba ako babalik dahil hinahanap na ako ni Sir. Hindi ko naman siya masagot-sagot dahil wala akong tamang rason para lumiban.“Mommy, dito na lang ako,” sambit agad ni Felecity nang napansin niya na nakatingin ako sa kanya. “Maglalaro na lang ako ng toys!”“Okay lang ba? Babalik naman agad ako, anak.” I assured him.“Yes, Mommy!” I sighed. Siguro gagawa na lang ako ng resignation letter kapag may bago na akong trabaho. Sa ngayon, kailangan ko muna maghanap para naman may maipundar pa ako na pera at siguro hindi na rin siguro kami masyado lalabas ni Felecity. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa amin kapag nahanap kami ni Mom and Dad. Hindi naman iyon mahirap sa kanila dahil marami silang mga alipores.**“Wait
Read more
PREV
123456
...
18
DMCA.com Protection Status