Lahat ng Kabanata ng Body Shot: Kabanata 81 - Kabanata 90
146 Kabanata
Chapter 81
 “Lola Cedes, nagkahiwalay po pala ang parents ni Richard noon?” Tanong ko kay Lola, pareho na kaming nakahiga ngayon at sinasamahan siyang manood ng paborito niyang teleserye.“Nakwento na niya sa iyo?”“Opo.”“Isa iyan sa mga bagay na ayaw na sanang balikan ng apo ko. Kahit nagpapakita na malakas iyong lalaki na iyon, alam ko na pinagsisisihan niya pa rin ang naging desisyon niya na hindi sumama sa mga magulang niya dati. Alam ko na nasasaktan pa rin ang apo ko tuwing maaalala iyon.”“Nararamdaman ko nga po ang bigat na dinadala niya kanian noong nagkwekwento siya sa akin Lola.”“Ayun na nga, mararamdaman mo lang pero hindi niya direktang sasabihin sa iyo na nasasaktan na pala siya. Pilit niyang pinapakita sa mga tao na masayahin siyang tao na akala mo ay walang pinoproblema sa buhay, gusto niyang ipakita na malakas siya at walang problemang hindi niya kayang solusyuna
Magbasa pa
Chapter 82
 Bumabyahe na kami pabalik ng Manila. Maaga kaming umalis ng Batangas dahil may meeting pa si Richard with the TV executives nang after lunch. Kaya naman kahit alas sais pa lang ng umaga ay nasa kalsada na kami.Naalala ko pa naging paalaman naming kanina ni Lola Cedes. Halos ayaw niya kaming paalisin, kung pwede lang daw ay doon na lang kami sa kanya. Nagbiro pa nga siya kay Richard na ito na lang daw ang umalis at iwanan na lang muna ako roon. Syempre tigas sa pag iling ang boyfriend ko.Hindi ko na napigilan ang pagngiti nang mapabaling ako sa katabi ko at makita ko ang hindi mapuknat na ngiti sa mga labi niya.“Saya natin ngayon ah. Baka mapunit na iyang bibig mo.” Pansin ko sa kanya.Lumingon naman siya sa akin. “Ano nga iyon, Babe?”“Ang sabi ko ay baka mapunit na iyang bibig mo sa tindi ng pagkakangiti mo riyan.”“Masama ba na maging masaya?” Inabot niya pa ang is akong kama
Magbasa pa
Chapter 83
 “Babe.” Tawag ni Richard sa atensyon ko. Katatapos lang naming kumain ng lunch at ngayon ay nagpe-prepare na kaming umalis. Siya ay papunta sa meeting with the TV executives, ako naman ay ihahatid niya sa bahay namin. Nakatanggap ako ng text kanina galing kay Dad, uuwi daw siya mamaya kaya kinakailangan ko na ring umuwi. Hindi nga lang ako sigurado kung hanggang kailan si Dad sa bahay namin, baka mamaya lang ay umalis din siya agad.“Sunduin kita after the meeting?”“I will text you. Hindi ako sigurado kung anong oras uli aalis si Dad mamaya. Alam mo naman na hindi niya pa alam ang tungkol sa atin.” Pagkatapos kong magsalita ay napansin ko na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng boyfriend ko. At mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon.Lumapit ako sa kanya na kasalukuyang nagsusuot ng kanyang polo shirt at niyakap siya mula sa likuran. “If ever may chance mamaya, I will talk to him. I&rsquo
Magbasa pa
Chapter 84
 Pagdating sa bahay ay wala pa si Daddy na ipinagtaka ko. Ang sabi niya kanina sa akin noong tumawag siya ay on the way na raw siya sa bahay namin kaya nga pinagmadali ko na si Richard sa pag alis sa bahay niya. Habang nagmamaneho ay todo paalala pa siya sa akin kung talaga bang seryoso ako na gusto kong kausapin si Daddy. Na talaga bang buo na ang loob ko na magsabi ng tungkol sa relasyon namin. Pero mahigpit niya ring ipinaalala sa akin na ang relasyon lang naming dalawa ang ipagtapat ko sa tatay ko, ang tungkol daw sa kalagayan ko sa ngayon ay ilihim ko muna. Dapat daw ay sabay kaming haharap sa Daddy ko para magsabi na buntis na ako ngayon. Iyon daw ang tamang gawin bilang respeto, at buong puso niya raw na tatanggapin ang lahat ng gagawin o sasabihin sa kanya ni Dad. Deserve niya raw ano pa man iyon, at inaasahan na rin naman raw niya ang galit ni Dad kung saka sakali. Nakahanda raw siyang harapin ang kahit na ano huwag lang ang mahiwalay sa akin.Hindi ko a
Magbasa pa
Chapter 85
 Nandito ako ngayon sa TV station dahil nga may meeting ako with my boss, mga top executive ng company. Kasalukuyan naming pinag uusapan ang posibleng extension ng program namin dahil maganda ang feedback ng mga televiewers. Noong unang lingo pa lang ay napakataas na ng ratings nito at hanggang ngayon ay pumapalo pa rin ito sa ratings. Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood, kinagat nila ang istorya maging ang mga artista. Bakit ba hindi, ang mga bida lang naman ng teleserye namin ay ang isa sa pinakasikat na loveteam sa bansa.Alam ko na matinding pressure ang nakaatang sa balikat ko noong tinanggap ko ang proyektong ito dahil sa libo libong fans na nakabantay sa gawa ko. Kahit mahirap ay wala naman akong pinagsisisihan lalo pa at ito ang naging dahilan para muli kong makita ang babaeng makakapagpabago sa takbo ng buhay ko. Kaya naman malaki ang utang na loob ko sa programang ito, dahil dito natupad ang pangarap ko. Ang pangarap na magkaroon ng kumpletong
Magbasa pa
Chapter 86
 “Babe, stop crying please.” Pagpapatahan ko kay Stacy. Ngayon ay nasa kotse ko na siya at papunta na kami sa ospital kung saan naroon raw ang Daddy niya. Pagdating ko sa bahay nila para sunduin siya ay hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na makababa pa ng sasakyan ko. Nasa gate na siya at mukha talagang naghihintay na sa akin dahil the moment na maiparada ko ang kotse sa gilid ng bahay nila ay agad siyang sumakay roon. Ni hindi nga man lang niya nasagot ang pagbati ko sa kanya bagkus ay mas lalo pa siyang napaiyak pagkapasok na pagkapasok niya sa kotse.“Si Daddy kasi, nag aalala ako sa kanya. Baka kung napaano na siya.”“Tahan na please. Ang sabi mo naman ay hindi naman boses nagpa panic ang tumawag sa iyo kanina.”“Richard, iyon ang girlfriend ni Daddy!”“Exactly Babe, kung malala ang condition ng Daddy mo ay sigurado ako na nagpapanic kanina iyong girlfriend niya. At sigurado ako
Magbasa pa
Chapter 87
 “Dad!”Pagbukas pa lang ni Richard ng pintuan ng hospital room ni Daddy ay mabilis na akong lumapit sa kanya. Hindi ko alintana ang babaeng kinaiinisan ko na nakita kong nakaupo sa gilid ng kama kaya doon ako pumwesto sa kabila noon. Hindi na ako nagpaalam, basta umupo ako sa gilid ng kama ni Daddy at hinawakan ang kamay niya. Napansin ko ang nakakabit na dextrose sa kanya kaya lalo lang akong kinabahan tungkol sa kalagayan niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at napansin lalo ang pamumutla ng tatay ko.“Stacy, anak.” Sagot ni Daddy sa akin, mukhang inaasahan naman niya ang pagdating ko dahil hindi na siya nagulat sa biglaan kong pagpasok. Agad akong yumakap sa kanya. Bakit ganito na ngayon ang hitsura ni Dad? Masyado ba akong nabulag sa sama ng loob ko sa kanya kung kaya’t hindi ko man lang napapansin na parang namamayat siya. Natatalo ba ako ng pangungulila ko sa kanya kung kaya’t sa tuwing magkikita kami ay hindi ko nap
Magbasa pa
Chapter 88
 “Napaano po ba kayo? Bakit kayo dinala rito?” Nagawa kong itanong sa kanya sa wakas.“Papunta na sana kami ng Tita Amanda mo sa bahay natin nang makaramdam ako ng pagkahilo. Parang biglang nagdilim ang paningin ko. At paggising ko nga ay nandito na ako sa ospital. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari.”“Ano po ang sabi ng mga doctor na tumingin sa iyo? Teka lang dad, na-check na nga ba kayo ng doktor? At bakit dito kayo sa ospital na ito dinala? Sa dinami rami ng ospital, dito pa talaga?” Dito kasi sa ospital na ito na-confine si Mommy at dito na rin siya namatay. Kaya hate na hate ko ang ospital dahil naaalala ko lang ang naging paghihirap niya sa sakit niya noon.“Nakow, huwag mo nga akong masyadong alalahanin. Malamang ay mataas na naman ang blood pressure ko. Masyado ka na namang nag aalala na bata ka. Ikaw nga ang dapat na mag isip sa sarili mo. Parang ang laki ng ipinayat mo ngayon. Pinapabayaan mo
Magbasa pa
Chapter 89
 “Don’t worry anak. From now on ay ako na uli ang Daddy mo katulad ng dati. I will stay sa bahay natin at hindi na sa office para everyday tayong magkikita.”Hanggang ngayon ay paulit ulit ko pa ring naririnig sa isipan ko ang mga sinabi ni Daddy kanina. Isang oras na yata ang nakalipas pero iyon pa rin ang nasa isipan ko. Ayaw akong patahimikin ng mga sinabi niyang iyon sa akin. Yes, natutuwa naman ako. Natutuwa ako na sa wakas ay regular na kaming magkikita ni Daddy dahil makakasama ko na siya sa bahay namin. At sa tingin ko ay magbabalik na rin ang dati kong Dad, iyong malambing, maalaga at maaalalahanin. Sigurado rin ako na makakakwentuhan ko na rin siya parati katulad noon, makakapag bonding na ulit kami.Ang iniisip ko lang, no more on pinoproblema ko siya. Pinoproblema ko ngayon si Richard, paano na siya? Alam kong hindi siya matutuwa kapag sinabi ko ang balitang ito sa kanya, ibig sabihin kasi ay kinakailangan ko na ring mag-stay
Magbasa pa
Chapter 90
 Nandito lang ako sa loob ng kotse, nagpapalipas ng oras habang nanonood ng isang pelikula. Doon ko sana balak tumambay sa clinic ng kaibigan kong resident doctor sa ospital na ito pero nalaman ko na wala pala siyang clinic ngayong araw, kaya heto ako ngayon mag isa dito sa kotse.Nagdadalawang isip kasi ako kung aalis na lang ba ako at babalikan na lamang si Stacy kapag nagpasundo siya sa akin mamaya kaya lang naisip ko naman na baka iba ang isipin noon. Baka isipin noon na iniwan ko siya na hindi nagsasabi sa kanya, may pagka over thinker pa naman ang babaeng iyon. Pagkatapos ay madalas ngayon na may topak dahil nga buntis siya kaya pilit ko na lang iniintindi kahit na minsan ay hindi ko alam ang dahilan ng topak niya at madalas na ako ang panbuntunan noon. Inuunawa ko na lang dahil ang sabi nga ni Lola Cedes sa akin, ang bilin niya ay mas kailangan ngayon ni Stacy ng pang unawa dahil sa kalagayan niya. Na humanda ako sa maraming mood swings nito.Gusto
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
15
DMCA.com Protection Status