All Chapters of ANG TAKAS: Chapter 11 - Chapter 20
118 Chapters
CHAPTER 11: DADALHIN KITA SA IMPIYERNO
  Pahigpit nang pahigpit ang pagkakasakal kay Sophie.  “Hindi ako makahinga. Bitiwan mo ‘ko!” Habang pilit niyang kinakalas ay lalong humihigpit ang kapit ng mga kamay sa kanyang leeg.  “Masama kang tao. Papatayin kita. Dadahin kita sa impiyerno!” “Wala akong kasalanan sa ‘yo!” “Ikaw ang pumatay sa Akin!” “Baliw! Multong baliw! Wala akong kasalanan sa ‘yo… “ Ubos lakas, puno ng panggigigil  na kinapitan ni Sophie ang mga kamay na sumasakal sa leeg niya. Puwersahang kinalas.  “Walaaaa… !“ ang malakas na sigaw.  SPLAKK! SPLASHH… Malakas na humampas ang kanyang kamay sa gilid ng bathtub.  Nagising si Sophie. Nagkandasamid at inubo dahil sa tubig na malakas at biglaang pumasok sa kanyang bibig, nagtuluy-tuloy sa baga niya.  Agad niyang iniangat ang kanyang ulo sa tubig. Lumuhod. Nagkakandaiyak na isinuka ang tubig na nainom. Hina
Read more
CHAPTER 12 : VICTOR JUDGEMENTAL
 Nagmamadaling nagpaalam si Tony Sandoval kay Ella ng matanaw ang private investigator na kinontrata niyang maghanap kay Sophie Samonte. “Babalik ako agad. Kakausapin ko lang itong P. I. ““P. I.? ““Yeah. May ipinahahanap kasi akong tao. I’ll be back. “Sinundan ni Ella ng tingin ang nagmamadaling makaalis, habang sa kanyang isip ay nagtutumining ang hinala na ang kaibigan niyang matalik ang taong ipinahahanap nIto. “Kailangang marinig ko ang pag-uusapan nila.“ Ang nasa isip niya. “Nang biglang bumalik si Tony. “Baka matagalan ang discussion namin ng P. I. Would you mind kung ipahatid na muna kita sa bahay n’yo?”Hindi agad nakasagot si Ella. Sinenyasan ni Tony ang kanyang personal bodyguard na lumapit sa kanila ni Ella“May ipag-uutos po kayo, Boss?“ tanong nito, ng makalapit. 
Read more
CHAPTER 13 : SUMAGOT KA, ELLA
 Dinampot ni Victor ang cellphone niyang nasa kama.LOWBAT!Mabilis na nagdesisyon.“’Yung landline sa ibaba ang gagamitin ko.”Nagtutumuling lumabas ng silid. Ngunit sa pagliko niya sa hagdan ay nabangga ang nagmamadali ring nars na kanyang isusuplong.HULOG!Nanlalaki ang mga mata, natigilang nakatingin si Victor sa babaing  gumugulong, pababa ng hagdan, na walang patid ang paghiyaw. “EEEEEEEEEE…”Hanggang sa ito ay kumalabog at tumigil sa sahig. Walang malay tao. Mabilis ang mga pangyayaring hindi niya inasahan. Siya ang nagplanong magsuplong at ipakulong ang nars na pinaghihinalaang gumagawa ng masama. Ngunit tila siya pa ngayon ang mapaparusahan. May kaba sa dibdib na nilapitan niya si Sophie. Hindi gumagalaw ang nars. Duguan. Suminsin ang tibok ng pusong tinanaw ni Victor ang pinakaita
Read more
CHAPTER 14 : NASAAN KA, SOPHIE??
 Animo palasong isinibat ang sasakyan ni Tony Sandoval. Walang pakialam sa yellow or red light, tuluy-tuloy ito sa pagtakbo, na tila ba walang pakialam sa mundo. Kahit pa ang sariling buhay ay hindi inalintana. Hindi iniiwasan ang ano mang bagay na nakaharang sa dinadaanan, bagkus ay binabangga iyon at pinatatalsik.Nakikipag-unahan siya kay kamatayan. Nais niyang makarating agad sa tirahan ng mga Caprichosa bago mahuli ang lahat.Pakiramdam niya ay nasa panganib ang buhay ni Ella.  Kailangan niyang iligtas ito.Nag-aalala siya dahil sa malakas na kalabog at tili na kanyang  narinig habang kausap niya sa phone ang babae. Ang malakas na kalabog na iyon (na hinihinala niyang katawan ni Ella na bumagsak sa sahig) ang dahilan kung bakit nag-aapura siyang mapuntahan ang babaing minamahal.Mahalaga sa kanya si Ella at hindi niya gustong may masamang mangyari sa babae. Ibig niyang mailigtas ito kung sakali man at may masamang pangyayari ng
Read more
CHAPTER 15 : PAG-IBIG O PAGHIHIGANTI?
 Nagyuyukayok na si Victor sa pagbabantay kay Sophie Samonte. Pasaglit-saglit lamang ang kanyang naging pagtulog mula ng dalhin niya sa ospital ang nurse ng kanyang mama, talong araw na ang nakakaraan. Nasa comma ang babaing hindi sinasadyang nabangga niya at nahulog sa hagdanan.Inilapat ni Victor ang likod sa sandalan ng silyang inuupuan. Ipinatong ang throw pillow sa ibabaw at doon ipinahinga ang ulo. Pumikit upang pagpahingahin din ang mga matang pagod at nahihirapan na.Nakatulog.Nagsisimulang magkamalay si Sophie. Naaninagan niya ang mukha ng lalaking nakaupo sa silya, sa tabi ng hinihigaan niyang kama. Sa kisame nakaharap ang ulo nito.Nakanganga. Nakapikit. Tulog.“Si Victor Madrid?”Pagtataka niya. Inilibot niya ang mga mata sa paligid.“Ospital? Nasa ospital ako? Bakit ako nasa ospital?” Pabulong, sunud-sunod na tanong sa wala.Noon lamang niya napansin ang dextros
Read more
CHAPTER 16: AKO O ANG KAIBIGAN MO?
 Nagmamadali, puno ng pag-aalalang sumugod sa ward na kinaroroonan ni Ella ang mag-asawang Caprichosa. Halos magsara na sa pamumugto ang mga mata ni Ella, dahil sa walang tigil na pag-iyak, hanggang sa mga sandaling iyon ng pagpasok nila sa kuwartong kinaroroonan nito.“Bakit ka umiiyak, anak?” Tanong ng ina, kasabay sa pag-upo nito sa kama at paghawak sa kamay ni Ella. Halos madurog naman ang puso ni Bern, habang pinagmamasdan ang nakahahabag na anyo ng nag-iisang anak nila ni Angelie.“Ano ang ginawa sa iyo ng lalaking iyon?” Tanong nito na ang tinutukoy ay si Tony Sandoval.Nasa tinig ni Bern ang galit sa bawat bagsak ng pananalitang nagmumula sa bibig. Galit na parang bombang maaaring sumabog kapag may nagkamaling pumindot ng detonator nito. Kinatakutan ng anak ang maaaring gawin ng ama, kung sakali at hindi mabubura sa utak nito ang masamang hinalang iniisip, tungkol sa lalaking nat
Read more
CHAPTER 17 : MAY ARAW KA RIN, NURSE SOPHIE
Padating si Amanda.“Maghanap-hanap ka na ng ibang maaaplayan bilang private nurse. Dahil siguradong sisisantahin ka ni Mama, once na isumbong ko ‘yang pag-aamne-amnesyahan mo.”Hindi nagsalitang bumaba ng kama si Sophie.Sinalubong ni Victor ang ina. Humalik sa pisngi nito bilang pagbati.“Magandang umaga po, Ma’am Amanda.” Pagbati naman ni Sophie na sinabayan ng bahagyang pagyukod ang pagsasalita.“Ano na naman ‘yang kalokohang nasa isip mo, Victor?” Tanong ni Amanda sa anak, matapos tanguan at ngitian si Sophie, “Yang mga ngiti mong ‘yan ang mga ngiting nagbabadya ng kalokohang nasa utak mo.” Makahulugang tingin na sinabayan ng pilyong ngiti ang itinapon ni Victor kay Sophie.“May isusumbong lang ako sa ‘yo, mama.” Saad niya, hinihintay ang magiging reaksyon ng nurse na inaasar.Blanko ang expression ng mukha n
Read more
CHAPTER 18 : THE BETRAYAL
  Hindi matanggap ni Sophie na nagawa siyang ipagkanulo ng pinakamatalik niyang kaibigan. Na ipinahamak siya nito gayong hindi lang pagiging kaibigan ang naging turing niya dito, kundi bilang kapatid at minahal nang higit pa sa isang kapatid.At ang tanong na “bakit?” ay paulit-ulit na humahampas sa kanyang isip.“Saan ako nagkulang bilang kaibigan? Saan ako nagkamali?”Napakaraming tanong ang nagsusumiksik sa kanyang utak, ngunit isa man ay hindi niya mabigyan ng kasagutan.“Napakaraming taon na kaming magkasama, ipinagtatanggol ang isa’t-isa. Ano ang dahilan at ipinagkanulo niya ako sa mga Sandoval? Tinakot kaya siya? Pinahirapan?”Ang dahilan na hindi sana niya gustong isipin man lang…“Pera? Binayaran ba siya ng malaking halaga ng pamilya Sandoval? “Pag-iyak na lamang ang nagagawa niya upang mabawasan man ang hindi mabuburang sakit ng kalooban.
Read more
CHAPTER 19 : PUZZLE ALA NURSE SOPHIE
  Wala sa Palawan si Tony Sandoval. Pananakot at panggugulo lamang sa utak ni Sophie ang message na ipinadala niya sa cellphone ng nurse. Ang sindakin at yanigin ang utak ng babae ang isang paraan niya upang magantihan ito.Gusto niyang humalakhak sa tuwa at magdiwang, dahil sigurado siyang saan mang panig ng Palawan naroon ang nars, ay tiyak na sumasabog na ang utak nito sa kaiisip ng paraan kung paano at saan ito puwedeng magtago upang hindi niya matagpuan.Ngunit paano ba niya magagawa ang magdiriwang kung halos sumasabog na rin ang utak niya sa kaiisip ng paraan na mapasaya ang amang may karamdaman?Nagkasakit ang kanyang ama at ang nais nito ay huwag siyang layuan ng nag-iisang anak.“Nararamdaman kong malapit na akong sumunod sa iyong mama, Tony.”“Grabe ka naman, Pa,” pilit pinasisigla ang tinig na saad ni Tony, “mag-iisang taon pa lang mula ng mamatay si mama, gusto mo naman sundan na
Read more
CHAPTER 20 : GOODBYE, SOPHIE
  Nagdudumaling lumabas ng bahay si Denang.“Nandito na raw si Sir Victor at ‘yung nurse niya” Sigaw nito sa asawang nagpapakain ng mga kabayo.Iniwan ni Jose ang pagpapakain sa mga hayup at sumabay sa nagmamadaling asawa, upang salubungin si Victor at Sophie.Agad nilang kinuha ang mga dala-dalahan ng mga bagong dating.“Ang ganda naman ng girlfriend n’yo, Sir!” Puno ng paghangang papuri agad ni Denang kay Sophie.“Hindi n’ya ako girlfriend.” Pagtanggi ng nurse sa maling akala ng asawa ng katiwala ni Amanda.“Aww! Sayang naman. Ikaw pa naman ang pinakamagandang babae na isinama dito ni Sir.”“Aling Denang, pakidala na lang po agad sa kuwarto namin ang aming mga gamit.” Utos ni Victor, upang matigil sa pagdaldal ang matabil na asawa ni Jose.“Hala! Hindi girlfriend pero magkasama sa iisang kuwarto.”“
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status