Animo palasong isinibat ang sasakyan ni Tony Sandoval. Walang pakialam sa yellow or red light, tuluy-tuloy ito sa pagtakbo, na tila ba walang pakialam sa mundo. Kahit pa ang sariling buhay ay hindi inalintana. Hindi iniiwasan ang ano mang bagay na nakaharang sa dinadaanan, bagkus ay binabangga iyon at pinatatalsik.
Nakikipag-unahan siya kay kamatayan. Nais niyang makarating agad sa tirahan ng mga Caprichosa bago mahuli ang lahat.
Pakiramdam niya ay nasa panganib ang buhay ni Ella. Kailangan niyang iligtas ito.
Nag-aalala siya dahil sa malakas na kalabog at tili na kanyang narinig habang kausap niya sa phone ang babae. Ang malakas na kalabog na iyon (na hinihinala niyang katawan ni Ella na bumagsak sa sahig) ang dahilan kung bakit nag-aapura siyang mapuntahan ang babaing minamahal.
Mahalaga sa kanya si Ella at hindi niya gustong may masamang mangyari sa babae. Ibig niyang mailigtas ito kung sakali man at may masamang pangyayari ng
Nagyuyukayok na si Victor sa pagbabantay kay Sophie Samonte. Pasaglit-saglit lamang ang kanyang naging pagtulog mula ng dalhin niya sa ospital ang nurse ng kanyang mama, talong araw na ang nakakaraan.Nasa comma ang babaing hindi sinasadyang nabangga niya at nahulog sa hagdanan.Inilapat ni Victor ang likod sa sandalan ng silyang inuupuan. Ipinatong ang throw pillow sa ibabaw at doon ipinahinga ang ulo. Pumikit upang pagpahingahin din ang mga matang pagod at nahihirapan na.Nakatulog.Nagsisimulang magkamalay si Sophie. Naaninagan niya ang mukha ng lalaking nakaupo sa silya, sa tabi ng hinihigaan niyang kama. Sa kisame nakaharap ang ulo nito.Nakanganga. Nakapikit. Tulog.“Si Victor Madrid?”Pagtataka niya.Inilibot niya ang mga mata sa paligid.“Ospital? Nasa ospital ako? Bakit ako nasa ospital?” Pabulong, sunud-sunod na tanong sa wala.Noon lamang niya napansin ang dextros
Nagmamadali, puno ng pag-aalalang sumugod sa ward na kinaroroonan ni Ella ang mag-asawang Caprichosa.Halos magsara na sa pamumugto ang mga mata ni Ella, dahil sa walang tigil na pag-iyak, hanggang sa mga sandaling iyon ng pagpasok nila sa kuwartong kinaroroonan nito.“Bakit ka umiiyak, anak?” Tanong ng ina, kasabay sa pag-upo nito sa kama at paghawak sa kamay ni Ella.Halos madurog naman ang puso ni Bern, habang pinagmamasdan ang nakahahabag na anyo ng nag-iisang anak nila ni Angelie.“Ano ang ginawa sa iyo ng lalaking iyon?” Tanong nito na ang tinutukoy ay si Tony Sandoval.Nasa tinig ni Bern ang galit sa bawat bagsak ng pananalitang nagmumula sa bibig. Galit na parang bombang maaaring sumabog kapag may nagkamaling pumindot ng detonator nito.Kinatakutan ng anak ang maaaring gawin ng ama, kung sakali at hindi mabubura sa utak nito ang masamang hinalang iniisip, tungkol sa lalaking nat
Padating si Amanda.“Maghanap-hanap ka na ng ibang maaaplayan bilang private nurse. Dahil siguradong sisisantahin ka ni Mama, once na isumbong ko ‘yang pag-aamne-amnesyahan mo.”Hindi nagsalitang bumaba ng kama si Sophie.Sinalubong ni Victor ang ina. Humalik sa pisngi nito bilang pagbati.“Magandang umaga po, Ma’am Amanda.” Pagbati naman ni Sophie na sinabayan ng bahagyang pagyukod ang pagsasalita.“Ano na naman ‘yang kalokohang nasa isip mo, Victor?” Tanong ni Amanda sa anak, matapos tanguan at ngitian si Sophie, “Yang mga ngiti mong ‘yan ang mga ngiting nagbabadya ng kalokohang nasa utak mo.”Makahulugang tingin na sinabayan ng pilyong ngiti ang itinapon ni Victor kay Sophie.“May isusumbong lang ako sa ‘yo, mama.” Saad niya, hinihintay ang magiging reaksyon ng nurse na inaasar.Blanko ang expression ng mukha n
Hindi matanggap ni Sophie na nagawa siyang ipagkanulo ng pinakamatalik niyang kaibigan. Na ipinahamak siya nito gayong hindi lang pagiging kaibigan ang naging turing niya dito, kundi bilang kapatid at minahal nang higit pa sa isang kapatid.At ang tanong na “bakit?” ay paulit-ulit na humahampas sa kanyang isip.“Saan ako nagkulang bilang kaibigan? Saan ako nagkamali?”Napakaraming tanong ang nagsusumiksik sa kanyang utak, ngunit isa man ay hindi niya mabigyan ng kasagutan.“Napakaraming taon na kaming magkasama, ipinagtatanggol ang isa’t-isa. Ano ang dahilan at ipinagkanulo niya ako sa mga Sandoval? Tinakot kaya siya? Pinahirapan?”Ang dahilan na hindi sana niya gustong isipin man lang…“Pera? Binayaran ba siya ng malaking halaga ng pamilya Sandoval? “Pag-iyak na lamang ang nagagawa niya upang mabawasan man ang hindi mabuburang sakit ng kalooban.
Wala sa Palawan si Tony Sandoval. Pananakot at panggugulo lamang sa utak ni Sophie ang message na ipinadala niya sa cellphone ng nurse. Ang sindakin at yanigin ang utak ng babae ang isang paraan niya upang magantihan ito.Gusto niyang humalakhak sa tuwa at magdiwang, dahil sigurado siyang saan mang panig ng Palawan naroon ang nars, ay tiyak na sumasabog na ang utak nito sa kaiisip ng paraan kung paano at saan ito puwedeng magtago upang hindi niya matagpuan.Ngunit paano ba niya magagawa ang magdiriwang kung halos sumasabog na rin ang utak niya sa kaiisip ng paraan na mapasaya ang amang may karamdaman?Nagkasakit ang kanyang ama at ang nais nito ay huwag siyang layuan ng nag-iisang anak.“Nararamdaman kong malapit na akong sumunod sa iyong mama, Tony.”“Grabe ka naman, Pa,” pilit pinasisigla ang tinig na saad ni Tony, “mag-iisang taon pa lang mula ng mamatay si mama, gusto mo naman sundan na
Nagdudumaling lumabas ng bahay si Denang.“Nandito na raw si Sir Victor at ‘yung nurse niya” Sigaw nito sa asawang nagpapakain ng mga kabayo.Iniwan ni Jose ang pagpapakain sa mga hayup at sumabay sa nagmamadaling asawa, upang salubungin si Victor at Sophie.Agad nilang kinuha ang mga dala-dalahan ng mga bagong dating.“Ang ganda naman ng girlfriend n’yo, Sir!” Puno ng paghangang papuri agad ni Denang kay Sophie.“Hindi n’ya ako girlfriend.” Pagtanggi ng nurse sa maling akala ng asawa ng katiwala ni Amanda.“Aww! Sayang naman. Ikaw pa naman ang pinakamagandang babae na isinama dito ni Sir.”“Aling Denang, pakidala na lang po agad sa kuwarto namin ang aming mga gamit.” Utos ni Victor, upang matigil sa pagdaldal ang matabil na asawa ni Jose.“Hala! Hindi girlfriend pero magkasama sa iisang kuwarto.”“
Nanainga si Ella. “Boses ni Sophie ‘yung naririnig ko.” Nasasabik siyang makita ang kaibigan. Gusto niyang muli itong mayakap at makakuwentuhan. “Miss na miss ko na siya.” Kailangan niyang kontrolin ang nararamdaman niya. “She isn’t that important to me.” Sapilitang pagbabale-wala niya sa nararamdaman at sa kaibigan. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pinigil ang hangad na lingunin ang lugar na pinagmulan. Hindi niya gusto na muling marinig ang pamilyar na tinig. Nang mapansin siya ni Sophie. “Si Ella ‘yon, ah!” Kabisadong kabisado ng nars ang bawat galaw ng dating kaibigan. Alam na alam niya ang hugis ng katawan, pati ang imbay ng mga braso nito. “Hindi ako maaaring magkamali, si Ella Caprichosa ‘yun! Ang babaing nagtraydor sa friendship namin.” Sinundan niya ang babae. Habang palihim naman na sinusundan siya ni Victor Madrid. …Na sinubaybayan naman ni D
Matagal na katahimikan ang pumagitan sa mag-asawang Byron at Amanda. Nagpapakiramdaman. Waring pareho naghihintay kung sino ang unang babasag sa katahimikan.Na si Amanda ang unang gumawa.“I won’t fire Sophie,” pagbibigay alam ni Amanda sa asawa sa banayad na pangungusap, “hindi ko siya ilalagay sa kapahamakan.”Wala ng iba pang sinabi, iniwan niya si Byron. Mabibigat ang hakbang na pumasok sa kanilang silid tulugan.Sinundan siya ng asawa.“Ayaw mong mapahamak ang nurse na ‘yon, pero okey sa ‘yo na malagay sa malaking kapahamakan ang buong pamilya natin.”“Walang mapapahamak.” Sagot ni Amanda na hindi tumitingin sa asawa.Inalis nito ang mga kurtina sa bintana , ang bedsheet at mga punda ng unan at inilagay ang lahat ng iyon sa hamper. Inilabas ng silid tulugan. Dinala sa washing area.Gusto niyang ipakita sa asawa na marami siyang g