All Chapters of Her Revenge: Chapter 11 - Chapter 20
62 Chapters
KABANATA 10
HR10 “Zeynep, Zeynep, Zeynep.” Nagising ako sa sunod-sunod na rinig ko ng aking pangalan. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa aking pag-iyak at pag-iisip sa mga nangyari. Dahan-dahan akong dumilat at bumungad sa akin si Sir Yusuf. Madiin ang tingin sa aking pisngi at hawak-hawak na ngayon ang ice bag na nilagay ko kanina. Agad akong umupo at akmang kukunin ko na sa kanya ay nilayo niya iyon. Tumayo siya at madiin pa rin akong tinititigan. “Sino ang gumawa sa ‘yo niyan?” mariing tanong niya, tinuro pa ang pisngi ko. Natatarantang umiling ako, galit kasi ang boses niya at baka ano pa ang mangyari kapag sinabi ko ang totoo sa kanya. Umalis ako sa kama at lumapit sa kanya. “W-Wala, napatid l-lang ako s-sa labas at n-natumba kaya n-namula.” Pagsisinungaling ko, lumapit ako at inabot pa ang ice bag sa kanya, “Ak
Read more
KABANATA 11
HR11 Sa loob ng dalawang araw pagkatapos nang pag-uusap na iyon ay pinilit ko ang aking sarili na huwag intindihin ang kanyang sinabi at kailangan ay normal pa rin ang lahat. Weird si Sir Yusuf at medyo kakaiba ang kanyang galaw ngunit hindi ko siya pinapayagan na manalo sa tuwing ganoon ang ginagawa niya. Pinipilit ko ang aking sarili na huwag siyang pagalitan o huwag siyang sigawan dahil amo ko siya ngunit hindi ko talaga kayang pigilan. Nakakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi naman niya ako nakikitang masama ang ginagawa ko. Natatawa lang siya at mas lalo akong iniirita. Kapag napupunta ang topic namin tungkol sa ‘feelings’ niya kuno sa akin ay kaagad kong iniiba ang pinag-uusapan. Ayaw kong mapunta kami doon at biglang lumalim ang pagpag-uusapan at mapaamin ako ng wala sa oras. Ayaw kong masira ang lahat ng ito. Ramdam kong nagiging close na kami nitong mga nakaraang araw pero gu
Read more
KABANATA 12
HR12   Nagpatuloy ang dalawang araw na meeting ni Sir Yusuf kay Mister Reni. Gabi na rin siya kung umuwi dahil naging abala siya sa kanyang mga gawain. Hindi naman ako naburyo dito dahil sa ganda ng tanawin sa labas. Kapag wala si Sir Yusuf ay lumabas naman ako, wala naman na iyong mga babae dito ay hindi ko na sila nakita simula noong nangyari.   Maging ako ay abala din sa dalawang araw. Nagluluto ako, para sa umaga, para sa tanghalian, at para sa hapunan ng lahat ng business man na kasama ni Sir Yusuf sa trip na ‘to.   Nakapaseryoso din naman mga business man noong pumunta ako sa isang hotel na pagmamay-a*i ni Mister Reni. Kilala na rin ako ng mga business man doon kaya mas lalo akong nahihiyang pumunta.   Sa ngayong araw ay hindi na ako nagluto para sa kanilang lahat, mabuti rin iyon dahil sobrang pagod ko talaga. Wala akong katulong sa lahat ng gawain dahil maging si Sir Yusuf ay hindi marunong s
Read more
KABANATA 13
HR13 Nagising ako nang may naramdamang gumalaw sa aking tabi. Ramdam ko rin namatigas ang aking niyayakap na unan at may kung anong mabigat sa aking beywang. Biglang kumabog ang puso at napamulat sa aking nararamdaman. Napakagat ako ng bibig at gustong murahin ang aking sarili dahil sa sitwasyon namin ngayon ni Sir Yusuf. Hindi ko inakala na ganito ang pisisyon namin kinaumagahan. Nakahiga ako sa matigas niyang braso at napapulupot ang braso niya sa akin na para bang niyayakap ako. Habang ako rin ay nakapalupot din ang kamay ko sa kanya. Patay ka, Zeynep!Mabuti na lang talaga at mukhang malalim ang tulog ni Sir Yusuf tapos lasing pa siya kagabi! Bakit hindi ko naramdaman ginawa ko kagabi? Bakit ganoon ang posisyon namin?! Gusto kong maiyak sa katangahang ginawa ko na naman. Dahan-dahan ko ang galaw ko papaalis kay Sir Yusuf. Isang galaw pa
Read more
KABANATA 14
HR14 Tinuruan ako ni Sir Yusuf ng mga basic moves para sa paglangoy. Masaya siya at magaling magturo si Sir Yusuf, hindi lang talaga mawala sa kanya ang pagiging malandi niya habang tinuturuan ako. Sapol naman ako ng sapol sa mga pinangagawa at pinangsasabi niya sa akin. Masaya ako at naiinis din sa kanya. Pero hindi ko inakala na mararamdaman ko ang sayang iyon dahil sa kanya. Parang kakaibang saya iyon na hindi ko pa naramdaman sa tanang buhay ko. Hindi ako makapaniwala na kay Sir Yusuf ko pa iyon mararamdaman. Ang lambot ng pagkakahawak niya sa akin na para bang ingat na ingat para hindi ako masaktan. “Don’t go there, masyadong malalim na doon.” Tinuro pa nito ang sa bandang ilalim ng dagat. Kasalukuyan na nasa leeg ko ang tubig, hindi naman na ako takot katulad kanina dahil may alam na ako ng kaunti at ramdam ko naman ang lupa sa paa ko
Read more
KABANATA 15
HR15 “Showtime,” sabay kindat sa akin ni Sir Yusuf bago siya naglakad papuntang dagat. Nandito na ako ngayon sa mababaw na parte at hinihintay kung ano ang gagawin niya. Mukha naman siyang confident at kitang-kita naman sa kanya na kaya niya. Pero gusto ko lang malaman ang pinagyayabang niya. Kung hanggang saan siya. Hinintay ni Sir Yusuf ang malakas na alon habang nasa dagat na siya. Sinuot ko ang sunglasses para makita ko ang ginagawa niya. Masakit kasi sa mata ang kinang ng dagat dahil sa sinag ng araw. Nakadikit lang ang mata ko kay Sir Yusuf hanggang sa may malalaking alon ng sasalubong sa kanya. Nang malapit na ang alon ay kaagad siyang sumakay sa surf board. Umuwang ang labi ko nang makita ang kabubuan niyang katawan habang pagiwang giwang siya at naglalaro sa mga alon. May ginawa pa siyang mga stunt dahil para mamumukha talaga siyang propesiyonal. Hindi ko map
Read more
KABANATA 16
HR16   “Zey, aalis ka na naman?” napatingin ako kay Karin na nagtanong, “Gusto ko pang matikman ang iba mong niluluto.” Dagdag pa niya.   Lumapit ako sa kanya habang nakangiti, “Babalik din ako kaagad, hindi ako magtatagal doon dahil may trabaho pa ako dito.” Mahinahong wika ko.   Binigyan niya rin ako ng isang tipid na ngiti, “Si Sir? Busy’ng busy ata siya nitong mga nakaraang araw simula noong nakauwi kayo. Hindi ko na siya nakikitang lumalabas doon sa opisina niya.”   Napahinto ako doon sa sinabi niya tungkol kay Sir Yusuf. Totoo naman kasi, hindi na lumalabas si Sir Yusuf. Tinapos niya lahat ng gawain niya sa loob isang linggo, naaawa ako sa kanya kaya inextend ko ang date. Hindi na kasi siya nakakatulog dahil sa gawain niya.   Hindi rin naman siya nagpapahalata dito sa bahay at napagkasunduan namin na magkikita na lang kami sa kompanya niya bago kami tumungo sa probensya. Ay
Read more
KABANATA 17
HR17 Huminto ang sasakyan ni Sir Yusuf sa isang sikat na mall para daw bumili ng pasalubong o grocery para sa pamilya ko. Kanina pa namin iyon pinagdedebatihan sa loob ng sasakyan ngunit wala na talaga akong nagawa pa kay Sir Yusuf. Nasa akin na rin naman ang sahod ko na binigay ni Celene noong isang araw. Kaya ko namang magbayad kung ano man ang bibilhin ngayon pero ayaw talagang magpaawat ni Sir sa gusto niyang gawin. Sinuot muna niya ang sunglasses niya bago lumabas kami ng sasakyan at pumasok sa loob ng mall. Habang naglalakad kami ay gusto ko sanang pag-usapan namin ang tungkol sa ginawa niyang pagbayad sa utang namin ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung kanina ay determinadong-determinado ako, ngayon ay parang bumalik ang aking dila. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan at panget namang pag-usapan namin iyon habang naglalakad kaming dalawa. Baka magkaroon pa kami ng sagutan dito
Read more
KABANATA 18
 HR18 Tatlong oras. Talong oras ay tamang tama na dumating kami sa sitio. Walang alam sila Nanay na uuwi ako at sinabihan ko rin si Celene na huwag ipaalam sa kanila ang pag-uwi ko kaya inaasahan ko na talaga na wala sila ngayon dito sa labasan para salubungin ako.Mas pinili kong sa likod na kami dumaan ni Sir Yusuf. Sa ganda ng sasakyan niya alam kong pagppyestahan iyon at magiging usap-usapan na naman iyon sa buong sitio. “That is your house?” sabay turo ni Sir Yusuf sa munting bahay namin. Tumango ako sa kanya, “Sorry,” hiya kong ani, dapat talaga hindi na siya sumama. “Why are you saying sorry? Ayos naman ah.” Komento niya at muling tinignan ang bahay namin. Gawa sa semento naman ang bahay namin dahil mabilis masira ng bagyo kapag kahoy lang. Noong buhay pa si Tatay noong pinagawa ang bahay, hanggang ngayon ay maayos pa
Read more
KABANATA 19
HR19 Naging awkward ang hangin dahil kay Alice, napangiwi pa kaming sabay ni Alyn dahil sa kapatid namin. Iniba ko ang usapan namin at sinabihan ang dalawa na tulungan ako sa pagkuha ng mga dinala namin ni Sir Yusuf. Masunurin naman ang dalawa at sumunod sa akin. Iniwan namin si Sir Yusuf at si Nanay sa loob, busita naman si Sir at kaya naman namin iyon. “Ate, paano mo siya nakilala?” tanong sa akin ni Alice papunta kami sa sasakyan ni Sir Yusuf. Napahinto ako at napatingin sa kanya. “Sa kanya ako nagtatrabaho.” Wala ng saysay pa para magsinungaling sa mga kapatid ko dahil ramdam ko rin na kukulitin ako ni Alice kapag hindi ko sinagot ang tanong niya tungkol kay Sir Yusuf. Nanlaki ang mata ni Alice sa akin at parang hindi naniwala sa sinabi ko tungkol kay Sir Yusuf, maging si Alyn ay binigyan din ako ng makahulugang tingin. Hindi ko al
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status