Share

KABANATA 17

HR17

Huminto ang sasakyan ni Sir Yusuf sa isang sikat na mall para daw bumili ng pasalubong o grocery para sa pamilya ko. Kanina pa namin iyon pinagdedebatihan sa loob ng sasakyan ngunit wala na talaga akong nagawa pa kay Sir Yusuf.

Nasa akin na rin naman ang sahod ko na binigay ni Celene noong isang araw. Kaya ko namang magbayad kung ano man ang bibilhin ngayon pero ayaw talagang magpaawat ni Sir sa gusto niyang gawin. Sinuot muna niya ang sunglasses niya bago lumabas kami ng sasakyan at pumasok sa loob ng mall.

Habang naglalakad kami ay gusto ko sanang pag-usapan namin ang tungkol sa ginawa niyang pagbayad sa utang namin ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung kanina ay determinadong-determinado ako, ngayon ay parang bumalik ang aking dila.

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan at panget namang pag-usapan namin iyon habang naglalakad kaming dalawa. Baka magkaroon pa kami ng sagutan dito

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status