All Chapters of Marriage For Convenience (Taglish): Chapter 21 - Chapter 30
104 Chapters
Chapter 21 - Paninisi
“Caspian’s POV” Hindi ko akalain na ang tahimik kong mundo ay biglang magugulo.   Simula ng maging asawa ko si Steph, ang payapang kong mundo ay biglang nagulo dahil sa mga kalokohang ginagawa niya sa kaniyang buhay at hindi maiiwasan na mag-fire back sa akin ng dahil sa kagagawan niya.   Ang kalmado kong puso ay napuno ng pangamba simula ng sumulpot sya sa aking buhay, bigla akong nakaramdam ng takot na noon ay hindi ko nararamdaman sa buong buhay ko sa serbisyo.   Ngayon lang…   Takot na baka isang araw, dumating sa punto na hindi ko na siya kaya pang protektahan.   Takot na baka masanay siya na parati akong nariyan sa kanyang tabi upang siya ay sagipin.   At takot… na baka mahulog siya ng lubusan sa akin at yun ang hindi ko maaaring payagan… dahil alam kong hindi ko kayang suklian.   Natatandaan ko pa ang araw ng aming kasal, y
Read more
Chapter 22 - I am here to take care of her
“My God, Steph! Bakit ako ang sinisisi mo sa kapahamakang nangyari sayo? Ako ba ang nag-engganyo sayo na pumunta ka dun at makipagkarera?” Iritang tanong ni Caspian sa asawa.   “Well, kung hindi ka lang naman tumawag-tawag sakin, hindi sana ako biglang pepreno at ako sana ang nanalo sa kompetisyon namin ng hambog na yun…” Mahinang bulong ni Steph ngunit hindi ito nakaligtas sa matalas na tenga ng asawa.   “Ako ba ang may hawak ng manibela? At yung pagkapanalo pa talaga ang iniisip mo ngayon kahit nandito ka na sa ospital at muntik ng mamatay dahil sa karera na yan. My God, Steph, when will you stop making troubles? Napapagod na ako kakaunawa sa mga maling pinaggagagawa mo,” dismayadong reklamo nito.   “Siguro kapag huminto ka na rin sa pangba-babae mo,” ngumisi siya saka tinignan ang asawang inis na nakatitig sa kanya, “meaning to say, hindi yun kailanman mangyayari. So please, stop dreaming my dear, husband,” pang-aasar
Read more
Chapter 23 - Pangako
“Ginawa mo talaga kung anong sinabi mo sa akin bago ako umalis?” Seryoso at gulat niyang tanong sa asawa. “Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na I don’t feel safe dahil kung sinu-sino na lang tao ang nakakapasok doon,” matapang na paliwanag ni Steph. “So, kailan mo balak na bumalik sa bahay??” “Siguro mas mabuting malaman ko muna kung kailan mo balak na palitan ang door knob,” mariin na tugon ni Steph. “Steph, kapag nalaman ito ng mga magulang natin baka isipin nilang naghiwalay na tayo, kaya please bumalik kana sa bahay,” pakiusap ni Caspian. Napahalakhak siya sa asawa ng makiusap ito. “Hindi ganyan ang tono ng nakikiusap, Caspian. Siguro much better kung lumuhod ka na lang kesa pilitin ang sarili mo na magmukhang sincere,” maarte niyang utos sa asawa. “Stephanie, wag
Read more
Chapter 24 – Mahal kita
“Caspian’s POV”“Hindi ka ba sasama saming lumabas?” Tanong ni Brent sakin. “Hindi, I am busy,” sagot ko habang inaayos ang mga papeles sa aking desk. “Ano ba kasing ginagawa mo?” Narinig kong tanong naman ni Jerome, hindi ko na sana siya sasagutin ng biglang tumayo siya sa aking tabi at tinignan ang aking ginagawa. “Buddy, anong pinakakabusyhan mo ba? Mukhang ayaw mo na kaming samahang lumabas,” dagdag pa niya. “Tinatapos ko na lang ‘to para mapabilis na ang paglipat ko sa HQ malapit sa amin.” “ANOOO? Bakit naman biglaan?” Gulat nilang tanong. Nakita ko ang pagngisi sakin ni Ivan at umakbay sakin, “alam ko na gusto na niyang maka-isa kay misis at dahil sabik na sabik na siyang matikman ito ay pinili siyang iwan ang ating HQ at magpalipat kung san mala
Read more
Chapter 25 - Whaaaat?
“Mahal kita at ayokong makita na nasayang lang ang mga napatunayan mo dito dahil lang sa paglipat mo,” narinig ni Caspian na sabi nito. “Kung nagawa kong patunayan ang sarili ko dito, alam kong magagawa ko rin yun doon. Isa pa, hindi ka dapat nagmamahal ng taong may asawa na dahil alam mong mali yun,” tugon niya bago tuluyan na siya nitong iniwanan. Napaluha si Celine ng marinig ang sinagot sa kanya ng kanyang kaibigan, training pa lang ng mabuo ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ni Caspian ng mga panahong yun ay unti-unti na siyang nahuhulog sa kanya kahit na alam niyang babaero talaga ito. Naniniwala si Celine na sa kabila ng kamaliang ginagawa ni Caspian ay mag pag-asa pa itong magbago at nais niyang hintayin ito hanggang sa tuluyan na itong maging matino ngunit gumuho ang kanyang mga pangarap ng malamang kasal na pala ang lalaking pinapantasya niya. 
Read more
Chapter 26 - Huli
“Steph’s POV” Padabog kong isinara ang pinto matapos kong maka-move on sa pagkatulala dahil sa balitang dala ni Caspian. Tamad akong naglakad patungo sa sofa at ibinagsak ko ang aking katawan dito saka isinandal ang aking pagod na katawan.   Ilang sigundo pa lang ang nakakalipas ng marinig kong tumunog ang telepono, hindi ko sana ito sasagutin dahil wala ako sa mood upang sumagot ng tawag ngunit paulit-ulit ang pagtunog nito na gumugulo sa aking tahimik na pag-iisip.   Inabot ko ang telepono at itinapat ito sa aking tenga, “hello, Steph? Is that you?” Narinig kong kabadong sambit ni Aly at ang ilang ulit niyang pagbuntong hininga.   “Bakit ganyan ang tono ng boses mo? May problema ka ba?” Tanong ko sa kanya.   Muli ko siyang narinig bumuntong hininga bago magsalita, “Steph… Ayoko sanang sabihing ito pero…”   “Pwede bang diretsuhin mo na kung ano man yang sasabihin mo?” Pu
Read more
Chapter 27 - Jogging
“San mo balak pumunta ng ganito kaaga?” Napahinto si Steph ng marinig niya ang boses ng kanyang asawa mula sa kanyang likuran, hinarap niya ito at nakita niya ang paghagod ng tingin ng kanyang asawa sa kanyang kasuotan. “Can’t you tell? Magdya-jogging ako sa labas,” nakapamewang niyang sagot. “Magdya-jogging ka sa labas ng ganyan ang suot mo??!” Nakakunot noo niyang tanong. “Bakit? Anong masama sa suot kong damit?” Inosenteng tanong niya habang ipinupusod ang kulot nitong buhok paitaas, napalunok si Caspian ng mas tumaas ang puting crop top na suot ng asawa at mas lalong nakita ang taglay na kaseksihan nito. Sumilip ang pula nitong panloob na nagpainit ng buong katawan niya ngunit hindi niya pinahalata ang pagnanasang nararamdaman at pinilit kontrolin ang sarili. Napasigaw si Steph ng maramdaman ang paghila ni Caspian pababa ng laylayan ng kanyang
Read more
Chapter 28 – INLAB KA NA
Sinulyapang mabuti ni Steph ang magandang babae na kanilang kaharap at sa tantya niya ay galing ito sa isang kilalang pamilya dahil sa pamilyar nitong mukha at sa suot na kwintas na tanging pamilya lamang ng isa sa amiga ng donya ang mayroon noon. Bata pa lamang si Steph ay present na siya sa tuwing may kasiyahang dinadaluhan ang kanyang mga magulang kaya naman kabisado na niya ang mga itsura ng naroon at tanging mga kilalang tao lamang ang mga nasa pagtitipon. Tagamasid lamang siya sa paligid at hindi nakikihalubilo sa iba kaya naman kabisado na niya ang mga mukha ng mga anak, at kamag-anak ng mga ito. “She’s my—” “I am his cousin,” pagpapakilala niya, ngumiti siya ng malaki at mabilis na inagaw ang kanyang kamay sa asawa na pinagtaka naman nito. “Pinsan? Anong pinagsasasabi mo?” Mahinang bulong ng asawa sa kanya. “I am helpi
Read more
Chapter 29 - Umasa
“Steph’s POV”Hindi maaring inlab ako sa mokong na yun, hindi pwede ‘to. I grab Luigi’s hand at tiningnan ang siya na parang nagmamakaawa, “Luigi, please help me. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya.” Katahimikan ang bumalot sa aming buong kapaligiran habang ako ay naghihintay ng kaniyang isasagot, “wala akong maisip na sakop ng trabaho ko ang problemang pag-ibig mo and only you can help yourself,” tugon niya. “Luigi, wag mo naman akong talikuran. Kaibigan mo rin ako, at ang magkaibigan nagtutulungan,” panunumbat ko sa kanya. Pinilit kong magmukhang kawawa sa kanya para tulungan niya akong makalabas sa ganitong sitwasyon. “Alam mo naman na wala akong maitutulong sayo kahit magpaawa ka pa sakin,” nakiti siyang iiling-iling sakin. “Lui, natatakot ako,” malungkot kong sabi sa kanya. Sa
Read more
Chapter 30 - Pagseselos ng asawa
Nagulat si Mara ng masaksihan ang pananampal na ginawa ni Steph kay Caspian at takang-taka ito kung bakit ito galit na makita siya sa loob ng kanilang pamamahay gayong pinsan lamang siya nito katulad ng pagpapakilala ni Steph sa kanyang sarili habang si Caspian ay napatanga lamang matapos maramdaman ang pananakit ng kanyang mukha dahil sa sampal na bigay sa kanya ng asawa. “Paglabas ko ng kwarto ko at nakita ko pa rin ang PAGMUMUKHA NIYANG BABAENG YAN DITO, SINASABI KO SAYO CASPIAN. HINDI MO KO MAPIPIGILAN SA GAGAWIN KO,” nanggigigil niyang babala sa asawa saka ito dumaan sa kanilang gitna at dumiretso sa kanyang kwarto at iniwang nakatanga ang dalawa sa harap ng pinto. Napaisip si Caspian kung bakit basang-basa ang buong katawan ng asawa at kung bakit labis ang kanyang galit ng makita si Mara sa loob ng kanilang tirahan gayong siya naman ang nagtulak sa kanilang dalawa upang magkalapit. Tumingin si Mara sa k
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status