All Chapters of Marriage For Convenience (Taglish): Chapter 11 - Chapter 20
104 Chapters
Chapter 11 - Ayokong makikitang susunduin ka ng ibang lalaki
Pinapanood lang ni Steph ang asawa sa ginagawa nito mula sa loob ng kaniyang kwarter habang siya ay nakasandal sa tabi ng pintuan. Nginisihan niya ang asawa ng nakakaloko ng humarap ito sa kaniya, iniabot ni Caspian sa kaniya ang isang camouflage na pantalon. Tinitigan ito ni Steph saka nagtanong, “anong gagawin ko dyan?” “Suotin mo. Baka makapanakit lang ako kapag may nangbastos sayo dito,” sagot nito na nagpapula naman ng mukha ni Steph ng mga sandaling ito. “Are you caring for me?” Nakangisi niyang tanong. “Baka isipin ng mga tao na nagpapanggap lang tayo na mag-asawa kung wala akong pakialam sayo,” malamig nitong tugon sa tanong ni Steph. Nagmasid si Steph sa paligid ngunit wala naman taong natagpuan, “it’ll be more convincing kung may mga tao sa paligid, dun ka lang dapat magpakita na may pakial
Read more
Chapter 12 - Cellphone
 Napakunot lang noo si Caspian ng sisihin siya ng kaniyang asawa, “can you walk?” Tanong pa niya. Hinampas ni Steph ang mga kamay niya na nakahawak sa magkabila niyang balikat, “alisin mo ang mga kamay mo sa braso ko,” saway niya na agad namang sinunod ng asawa. “I can walk,” napatili niyang sagot ng walang anu-ano’y buhatin siya ng asawa at muling ibinalik sa silid nito. “Hintayin mo ako dito at wag kang aalis, dadalhan kita ng pagkain,” sabi pa niya. “Akala ko pa naman mamamasyal tayo pero hindi pala at binalik mo na naman ako sa madilim at nakakatakot mong silid,” maarte niyang reklamo at tila diri na nagmamasid sa paligid. Natatawa naman si Caspian ng makita ang nakakalokang reaksyon ng asawa, “hindi na kita maipapasyal pa dahil dyan sa injury mo sa paa kaya magstay ka lang muna dito at mamay
Read more
Chapter 13 - Kinakaliwa ka ng asawa mo
“Steph’s POV” “Nasisiraan na talaga ang mokong na yun! Buti na lang may mga dumating na mga poging mga sundalo!” Kwento ko sa kaibigan kong si Aly habang pinaglalaruan ang straw na nakalagay sa aking baso.   Si Allison Mendez ang aking nag-iisang matalik na kaibigan, simpleng pumorma pero maganda, makinis at maputi. Simula hayskul ay kasama ko na siya sa aking mga kalokohan hanggang makapagtapos ng kolehiyo ay hindi siya nawala sa aking tabi sa lungkot, ginhawa, at saya. Kumbaga siya ang aking bestfriend-in-crime.   Siya ay anak ng kapitan sa aming barangay, kinatatakutan na lapitan ng mga lalaki dahil sa istrikto niyang ama na si Kapitan Ruel Mendez at niisa ay wala pang magtangkang mangakyat ng ligaw sa kaniya.   “Makisig rin naman ang asawa mo, ah! Bakit tumitingin ka pa sa iba?” Narinig kong sagot ni Allison.   “Yun?! Makisig? Nabubulagan ka na ba, Aly? Teka… teka, wag mong sabihin saking
Read more
Chapter 14 - Kasal pa rin kami
“Steph’s POV”Alam kong wala akong feelings sa mokong na yun pero bakit ako nakaramdam ng kirot sa aking puso ng malaman ko ang kanyang palihim na pagtataksil sa akin? No, no, it can’t be… Dahil lang siguro mali ang kaniyang ginagawa kaya ako nakararamdam ng inis, galit, poot, at parang gusto kong manakit ng mga kabit at manlolokong lalaki. “ANG KAPAL NG MUKHA NIYANG PAGTAKSILAN AKO? SINO SIYA PARA GAWIN ITO SA AKIN?!” “Siya lang naman ang lalaking pinakasalan mo na hindi mo pwedeng angkinin dahil kasal lang kayo para tuparin ang hiling ng mga magulang nyo,” malumanay niyang sagot. “Alam ko at hindi ko nakakalimutan yun pero sinabi mo sakin na sa mata ng Diyos at lahat ng tao, KASAL PA RIN KAMI.” Nakikita kong pinapanood ang niya ako habang nanggagalaiti ko sag alit ngunit wala akong pakialam sa iniisip niy
Read more
Chapter 15 - Pinsan ko siya
 “Sinong nobya ng kapitan? Ako? Anong sinasabi niya?” Tanong niya sa kaniyang sarili. Napansin naman ni Steph ang mainit na titigan sa pagitan ng kanyang pinsan at ng asawa. Lumingon lang si Steph sa kinaroroonan ng pinsan, “wala akong dapat ipaliwanag sayo dahil wala akong ginagawang masama hindi katulad ng ibang nagpapatay malisya sa kasalanang nagawa,” malamig niyang sagot sa asawa. Hinablot niya ang bull cap na nakalagay sa ulo ni Steph at galit itong binato kay Mike na sya namang nasalo ng kaniyang pinsan. “DAMN STEPHANIE! MAY ASAWA KANG TAO TAPOS NAKIKIPAGLANDIAN KA SA KAPITAN NA ITO?!” Galit niyang sigaw. Pakiramdam niya ay naiputan siya sa ulo ng mga sandaling yun dahil harap-harapan niya itong nasaksihan. “Sir, hindi naman yata tama na sinisigawan mo yung babae. Hindi natin siya katulad na mga sundalo,” sabat n
Read more
Chapter 16 - Anong gagawin ko?
“Caspian, wala ka bang balak na bisitahin man lang ang asawa mo?” Tanong ni Heneral Rodrigo sa kanyang anak na chill sa kanyang pagkakaupo sa couch sa loob ng opisina ng kanyang ama. Napahinto sa paglalaro ng cellphone si Caspian ng marinig ang tanong ng ama at tumingin dito, “bisitahin? Kakikita lamang namin kahapon,” tugon niya sa ama. “Hindi mo alam ang nangyari sa asawa mo kahapon?” Tanong nito. Biglang dinapuan ng kaba ang dibdib ni Caspian ng marinig ang tanong ng kanyang ama, hindi niya alam kung bakit parang nakaramdam siya ng concern sa asawa gayong alam niya sa kanyang sarili na hindi naman niya ito mahal. “Anong nangyari sa kanya?” Hindi sya makapaghintay sa isasagot ng ama. “Nahulog daw sa hagdan ng mag-ayos ng Christmas tree sa bahay nyo, bakit hindi mo alam ang nangyayari sa kanya? Hindi ba kayo nagkakausap o tex
Read more
Chapter 17 – Dalawang babae
“Steph’s POV”“Ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin sayo, ha? Hindi ako interesado SA-YO. Kaya wag kang umasang maiinlab ako sa babaerong katulad mo,” diin kong sagot sa kaniya. Napansin kong hindi parin niya inaalis ang mukha niya sa akin, “saka pwedeng ilayo mo yang mukha mo sakin. Sobrang lapit mo kasi.” Itinulak ko siya papalayo sa akin ng hindi sya kumibo sa aking sinabi, mahirap na baka maisahan na naman ako ng mokong na ito. Nanakaw na nga niya ang first kiss ko mukhang nagbabalak pang nakawin ang pangalawa. “Narinig ko kay Dad na nahulog ka daw sa hagdan? Bakit ka naman kasi umaakyat dun alam mo namang hindi pa gumagaling ang dati mong injury, dinagdagan mo pa.” Sabi niya. Hindi ko alam kung pinagagalitan ba niya ako o sinisisi niya ako. “Walang ibang gagawa ng pagdedecorate ng buong bahay kaya ginawa ko na,” sagot ko sa kanya.
Read more
Chapter 18 - Layas
 “Steph’s POV”“Steph, paano kung hanapin ka ng asawa mo?” Tanong ni Aly habang tinutulungan niya akong maghanger ng mga damit ko sa aparador niya. Nakarating agad kami sa apartment ni Aly dahil hindi naman ito kalayuan sa bahay naming sa Pampanga. Apat na taon ng nagsasarili si Aly sa bahay na ito ngunit nitong mga nakaraang buwan ay nadadalas na siyang tumira sa kanilang bahay dahil na rin sa pagsulpot ng kaibigan ni Mike na si Rico na araw-araw siyang kinukulit ligawan ngunit hindi nga niya ito type kaya naman ay parati niya itong binabasted. “Hindi ako nun hahanapin at katulad nga ng sabi niya ay wala kaming karapatan na makialam sa personal naming buhay at pati na rin ang desisyon,” sagot ko sa kanya. “When do you plan of going back to your house?” Bigla niyang tanong. “Babalik agad, kung gusto mo na akong paalisin s
Read more
Chapter 19 - Karera
Magdadalawang linggo na ang lumipas ay wala ng narinig na balita si Caspian sa asawa mula ng huli nilang pagkikita at ang tanging natatandaan lamang nito ay ang huling mga sinabi ng asawa na lalayas siya sa bahay kung hindi papalitan ang door knob. Habang patungo si Caspian sa kanyang opisina ay hindi inaasahang nakasalubong niya ang pinsan ng asawa na kasama ang kaibigan nitong si Rico na pawang mga kapitan, nagbigay galang ang dalawa sa kaniya dahil sa kaniyang mataas na ranggo. “Buddy, hindi yata napapadaan ang pinsan mong si Steph. Kumusta na kaya siya?” Narinig ni Caspian na tanong ng kasama nito habang naglalakad palayo. “Wala akong balita sa kanya,” narinig niyang tugon ni Mike. “Hindi kaya nagkatotoo ang sinabing mong baka naka-wheel chair na siya,” narinig niyang duda ng kasama nitong lalaki. Kusang gumalaw ang mga paa ni Caspian at tu
Read more
Chapter 20 - Aksidente
"Aly’s POV”Umiiyak akong nanakbo sa kinaroroonan ng humagis na sasakyan ni Steph, takot man at puno ng pangamba ang aking dibdib nagpatuloy ako patungo roon kahit nakakatakot ang maaring magiging resulta ng pagbangga nyang yun. Mahigpit ang paniniwala ko sa Diyos ngunit sa mga oras na ito mas lalo akong kumapit ng mahigpit sa kaniya at pinagdasal na sana ay walang masamang nangyari sa aking kaibigan. Ayokong mawala ng basta ang aking naging sandigan noong panahong lugmok ako at iniisip kung san ako dapat tumungo, she showed up everywhere at parating nagbibigay ng payo sa akin kahit na hindi niya mabigyang solusyon ang kanyang mga sariling problema. Si Steph ang pinaka-kakaiba sa lahat ng aking nakilala dahil kahit nanggaling siya sa angkan ng mga mayayaman sa aming bayan ay hindi siya nagpakita ng kaibahan sa kahit kanino at nanatili siya bilang siya. Nanginig ang aking mga tuhod at nanghina ang aking
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status