All Chapters of The Billionaire's Crazy Obsession: Chapter 321 - Chapter 330
380 Chapters
Chapter 240
Dumiretso siya sa Kalinga House at naabutan niya si Nash sa kuwarto na hindi pa natutulog. Napatingin sa kan'ya si Nash mula sa pagbabasa ng isang libro. Sir Sullian." Sinarado ni Nash ang libro at sinipat si Ashy na mahimbing ang tulog. Lumabas si Sullian sa silid at dumiretso sa garden ng Kalinga. Nakasunod sa kan'ya si Nash na tumayo sa kan'yang tabi. "Have you seen what happened earlier? Those are your family—" "Hindi ako ang totoong anak ni Mommy." Lumungkot ang mukha ni Nash. "Ang totoong anak niya ay si Art." Hinaplos ni Sullian ang ulo ng batang lalaki at lumuhod sa kan'yang harapan. Sinapo niya ang pisngi ni Nash. "Shianna loves you kahit hindi ka niya kadugo." "Pero balang araw rin ay kukuhain ni Art ang mayroon sa akin." Mahinang humikbi si Nash. "Malalayo ako kay Mommy." "Ayaw mo bang mangyari iyon?" Mabagal na tumango si Nash na ikinangiti ni Sullian. Pinunasan niya ang mga luha ni Nash at bumuntong-hininga. "May suhestiyon ako na sasabihin sa iyo." "A-Ano iyon?"
Read more
Chapter 241
"They've actually sent me contracts for future purposes. All of the papers from companies haven't been signed.""How about you?" Pinag-krus ni Ivana ang kan'yang mga binti. "Do you have plans to hire your kids in the future?"Tumaas ang sulok ng mga labi ni Shianna at sinulyapan ang mga secretaries ng businemen and businesswomen na nagsusulat ng minutes of meeting. Jessica was doing the same habang si Cayer ay taimtim na nakikinig."No, of course not. I plan to give the kids their freedom. They can choose what life to live once they're grownups.""You're kind." Nagkibit-balikat si Ivana. "You sacrificed a lot and you will get nothing in return?"Mr. Lim changed the topic. The meeting continued at tinanong niya si Shianna sa financial stabilization ng charity at kung paano nito mapapaikot ang pera loob ng charity. Kalinga was a large charity at umaabot sa mahigit 500 thousand ang budget ng sa Kalinga House pa lang. How much more sa facility nito na Kalinga School? Mga batikang guro ang
Read more
Chapter 242
Shianna's breath went shaky. Tumakas ang isang luha sa kan'yang mata habang si Mr. Lim ay nagpaalam at lumabas sa security room."Ms. Shian!" Sinalo ni Cayer si Shianna nang nawalan ito ng balanse. Umikot ang paningin ni Shianna at napasapo siya sa ulo.Nang makahuma ang babae ay lumabas sila sa silid. Naupo sila sa lobby ng gusali at dito ay nagpahinga."Sullian is your fiance," ang usal ni Jessica matapos maalala ang sinabi ni Mr. Lim. Nawala ang pangangatal ni Shianna ngunit galit naman ang pumalit sa kan'yang emosyon."I don't need any proofs that Sullian is my enemy. Mr. Lim is like a family to me. Wala rin siyang dahilan para magsinungaling sa akin.""Pero bakit ngayon niya lamang sinabi at hindi noong before engagement n'yo ni Sullian?" Nagbuga ng hangin si Jessica."Dahil ngayon pa lamang natapos ang Kalinga Competition. Things may have gotten worse kung noon pa sinabi ni Mr. Lim ang totoo. Shianna might lose the children at sa iba mapupunta ang Kalinga."Napahilamos ng mukha
Read more
Chapter 243
Mas humaba ang nguso ni Ashy at inabot ang snack bar kay Hudson. "Maayos po kami, Tito. A-Ang saya rin po mag-aral. Ang dami ko pong natutunan."Talaga?" Lumabas si Nash kasama ang ibang mga bata. Mukhang may outdoor activities ang mga ito dahil may mga dala na P.E uniform ang mga bata. Inabot ni Nash ang isa pang hawak na uniform kay Ashy at maamong ngumiti. Binalingan niya si Hudson at tipid itong binati. Binati rin ng ibang mga bata ang lalaki."Mauuna na po ako, Tito." Sumama si Ashy kay Lily at Rexia upang magpalit ng uniform. Sa kabilang banda, kasama ni Nash sila Darius at Jasper. Bago umalis ay sinulyapan pa ng bata si Hudson na napatitig sa kan'ya.Hudson couldn't believe it. Bakit pakiramdam niya ay kumbinsido si Nash sa balak nito? Bata pa lamang ang lalaki, hindi niya akalain na makakayang tumanggap ng ganitong klaseng gawain si Nash.O baka, nabilog talaga ni Sullian ang ulo niya.Tumingin sa labas si Hudson upang makita lamang si Sullian na nakatanaw sa kan'ya habang mal
Read more
Chapter 244
"Ashy…" Kahit bahagyang duguan ang ulo ay si Ashy pa rin ang inaalala ni Hudson. Mabuti na lamang at hindi sila itinali ng mga lalaki kaya nasa bisig niya ngayon si Ashy. Wala nga silang tali, pero may tatlong baril naman ang nakatutok sa kanila."Ashy, gumising ka, pakiusap.""Pinaamoy namin siya ng pampatulog kaya imposibleng magising mo 'yang bata na 'yan," komento ng isang lalaki."Kawawang bata. Isang masaklap na katapusan ang naghihintay sa kan'ya," komento ng isa pa.Tumigil si Hudson sa paggising kay Ashy. Iniisip niya na ngayon ay paniguradong naalerto na si Matteo kay Sullian. Paniguradong natanggap na nito ang ebidensya na kan'yang ipinadala.Pumarada ang van sa sea port ng Maynila. Isang barko ang naghihintay sa kanila nang itinulak palabas ng mga kalalakihan ang binata na buhat si Ashy. Napatingin si Hudson kay Sullian na nakatanaw sa barko. Nilingon siya ng lalaki bago ito naunang pumasok sa sasakyang pangdagat. Isang cargo ship ang barko at puro container ang buhat nito
Read more
Chapter 245
"Why is he in danger?" Kinuha ni Samuel ang isang papel at binasa ito. Hindi siya makapaniwala sa kan'yang unang nabasa kaya kumuha pa siya ng isa, hanggang sa pangatlo, pang-apat at pang-limang dokumento ay nabasa na niya."Sullian?" Napasapo si Samuel sa kan'yang dibdib at napahinga nang malalim. Inabot sa kan'ya ni Nyx ang letter ni Hudson na nagsasabi na siya ang nagpadala ng mga ebidensya. Kwinento niya rin ang dahilan kung bakit niya ipinadala ito. Hudson wasn't trusting his men, at si Nyx ang kan'yang unang naisip na padalhan ng totoong copy ng ebidensya. Nyx was a woman he could trust. Hindi rin ito agaw pansin. Kaya kahit nais ni Hudson na ibigay ang real evidence kay Matteo ay pinili niya pa rin si Nyx.Bukod sa dahilan ay nasabi rin sa letter ang plano ni Sullian na saktan ang batang si Ashy mula sa Kalinga. Kasabwat nito si Nash."Nyx, call the police and send some of these evidences sa kanila. I'll talk to Papa tungkol sa nangyayari ngayon." Kinuha ni Samuel ang tracker a
Read more
Chapter 246
Pinitik ni Shianna ang kan'yang mga daliri na nasa kan'yang binti habang hindi mapakaling nakatingin sa labas ng bitana ng eroplano. Pinaglalaruan niya ang kan'yang mga labi at pagalaw-galaw ang kan'yang kanang paa. Suminghap siya at mariing pumikit."Ilang minuto pa ba bago tayo makarating?" tanong niya kay Cayer na nakaupo sa kabilang hilera ng mga upuan. Katabi nito si Jessica na hindi na rin makapaghintay na bumaba ang eroplano sa lupa."40 minutes left."Napahugot ng malalim na paghinga si Shianna. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa Manila. Ang tanging alam niya lamang ay napahamak si Hudson. Sa kabilang banda, nakakalat ang media sa port ng Maynila. Wala pa ngang isang oras simula nang mangyari ang insidente ay marami na ang nakakaalam nito. Nababalita na rin sa radio, TV at internet ang nangyayari.Ang isa pang tracking device ni Hudson ay nahanap sa ilalim ng upuan ng isang van. Nakumpirma na ang kotse at ang isa pang van at SUV ay pagmamay-ari ni Sullian.Dahi
Read more
Chapter 247
"Kumusta na si Shianna at Cayer?" tanong ni Mierra, ang secretary ni Dion. Sinuot nito ang isang earpiece. "Almost three hours and still not finding that damn criminal.""That's why we should act faster." Nagsuot din ng earpiece si Adam. Sabay-sabay silang naglakad patungo sa mga helicopters sa malayo. Natapos na ang round 3 ng paghahanap, kaya sila na ang papalit sa kanila. 2 PM, UNB Headquarters.Sa likuran ng headquarter ng UNB, sa isla nito, ay makikita ang isang cruise ship na nakahinto malapit sa pampang.Tumingin si Sullian sa malawak na dagat habang isang sigarilyo ang kan'yang nasa bibig. Sa kan'yang roof deck na kinatatayuan ay ang helipad kung nasaan ang 8 seater helicopter na ginamit niya upang makaalis sa kan'yang cargo ship. Habang nagsisigarilyo ay nasa kamay ni Sullian ang burner phone na gamit siya sa pakikinig sa isang radio news channel.Napatingin si Sullian sa kalangitan nang mapansin ang isang helicopter na paparating. Binuga niya ang usok ng sigarilyo at i
Read more
Chapter 248
Kahit nakagapos si Hudson ay napaatras pa rin si Lisa habang karga si Ashy. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin."Hindi kita matutulungan, patawad, hijo."Pilit na bumangon si Hudson at pinagmasdan ang paligid. Nawalan siya ng malay noong binaril siya ni Sullian sa tagiliran. Himala pa nga na buhay pa siya.Unang napansin niya na wala na siya sa cargo ship. Ang sahig ng silid ay yari sa mamahaling kahoy at alam niya agad na nasa cruise ship siya dahil sa kakaibang pakiramdam at amoy ng hangin."Tito!" Nagpababa si Ashy kay Liza at dinaluhan si Hudson. Nilingon niya ang kan'yang lola na hindi alam ang gagawin. Umiling lamang si Liza at iniwan sila. Samantala, si Ashy na walang gapos sa mga kamay ay nahihirapang inalis ang lubid sa mga palapulsuhan ni Hudson. Pero hindi sapat ang lakas na mayroon siya. Masyadong mahigpit ang pagkakatali ng lubid, hindi niya kayang alisin ito."A-Ashy, puwede bang tingnan mo kung nasaan tayo?""Mmmm." Tumango ang bata at maingat na lumabas sa silid. Nap
Read more
Chapter 249
Napahugot ng malalim na paghinga si Liza at nilingon ang UNB Organization. Tiningnan niya ang helicopter at napakapit ng mahigpit sa kamay ng bata."Ano ang gagawin ko?" Napakagat-labi si Liza. Akmang hahatakin niya ang bata patungo sa helicopter nang makita niya si Ashy na nakayuko at umiiyak."Lola, kung malaman n-ni Tito Sullian na tinutulungan mo ako. "Papatayin ka r-rin ba n-niya?"Ngumiti lamang si Liza dahil hindi niya rin alam ang isasagot. Kung magagawa nga ba siyang patayin ni Sullian o hindi."Tumakas muna tayo.""At saan kayo pupunta?"Sabay na napalingon ang dalawa sa isang babae na may hawak na baril na nakatutok sa kanila. Nakangiti ang babae at napatingin kay Ashy. Mabagal siyang naglakad papalapit sa dalawa at napaatras naman ang huli."Hindi mo ba naisip na maaaring nandito ako, Mrs. Fascis? Nasa cabin lang ako kanina." Bumuntong-hininga ang babae. Nakasuot ito ng itim na mahabang dress at isang malaking sombrero na halos matakpan ang itaas na parte ng kan'yang mukha
Read more
PREV
1
...
3132333435
...
38
DMCA.com Protection Status