Share

Chapter 244

"Ashy…" Kahit bahagyang duguan ang ulo ay si Ashy pa rin ang inaalala ni Hudson. Mabuti na lamang at hindi sila itinali ng mga lalaki kaya nasa bisig niya ngayon si Ashy. Wala nga silang tali, pero may tatlong baril naman ang nakatutok sa kanila.

"Ashy, gumising ka, pakiusap."

"Pinaamoy namin siya ng pampatulog kaya imposibleng magising mo 'yang bata na 'yan," komento ng isang lalaki.

"Kawawang bata. Isang masaklap na katapusan ang naghihintay sa kan'ya," komento ng isa pa.

Tumigil si Hudson sa paggising kay Ashy. Iniisip niya na ngayon ay paniguradong naalerto na si Matteo kay Sullian. Paniguradong natanggap na nito ang ebidensya na kan'yang ipinadala.

Pumarada ang van sa sea port ng Maynila. Isang barko ang naghihintay sa kanila nang itinulak palabas ng mga kalalakihan ang binata na buhat si Ashy. Napatingin si Hudson kay Sullian na nakatanaw sa barko. Nilingon siya ng lalaki bago ito naunang pumasok sa sasakyang pangdagat. Isang cargo ship ang barko at puro container ang buhat nito
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status