Share

Chapter 240

Dumiretso siya sa Kalinga House at naabutan niya si Nash sa kuwarto na hindi pa natutulog. Napatingin sa kan'ya si Nash mula sa pagbabasa ng isang libro.

Sir Sullian." Sinarado ni Nash ang libro at sinipat si Ashy na mahimbing ang tulog. Lumabas si Sullian sa silid at dumiretso sa garden ng Kalinga. Nakasunod sa kan'ya si Nash na tumayo sa kan'yang tabi.

"Have you seen what happened earlier? Those are your family—"

"Hindi ako ang totoong anak ni Mommy." Lumungkot ang mukha ni Nash. "Ang totoong anak niya ay si Art."

Hinaplos ni Sullian ang ulo ng batang lalaki at lumuhod sa kan'yang harapan. Sinapo niya ang pisngi ni Nash. "Shianna loves you kahit hindi ka niya kadugo."

"Pero balang araw rin ay kukuhain ni Art ang mayroon sa akin." Mahinang humikbi si Nash. "Malalayo ako kay Mommy."

"Ayaw mo bang mangyari iyon?"

Mabagal na tumango si Nash na ikinangiti ni Sullian. Pinunasan niya ang mga luha ni Nash at bumuntong-hininga. "May suhestiyon ako na sasabihin sa iyo."

"A-Ano iyon?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status