“Anastasia, kailan lang tayo nagkakilala pero sa maikling panahon na ‘yon alam kong mabuting ina ka at magiging mabuting asawa. Nakita ko kung paano pasayahin ng presensiya mo si Xeonne. Nakita ko kung paano pakalmahin ng haplos at boses mo si Xeonne,” mahina, malumanay pero tagos pusong mensahe niya.Bumalik sa isipan ko ang mga pinagdaanan namin ni Xeonne. Uminit ang mga mata ko. Ramdam ko ang bawat salitang binitawan niya.“Panalangin ko ay gabayan ng Panginoon ang pagmamahalan ninyo. Nawa’y maging masaya ang inyong pagsasama at sa mga panahon ng lungkot, galit at sakit sana ay piliin niyo pa rin ang isa’t isa.”Bago pa tumulo ang mga luha ko ay nakaabang na ang kamay ni Xeonne na may hawak na panyo. He knows me damn so well. Tinanggap ko ito at marahang pinahid ang mga luha.“Wala akong ano mang kayamanan maliban sa isang kuwentas,” aniya.Inabot sa ‘kin ni Xeonne ang isang kahon na gawa sa kahoy. Makikita sa desinyo nito ang kalumaan pero nanatiling makinis at malinis ang kahon.
Terakhir Diperbarui : 2026-03-06 Baca selengkapnya