All Chapters of Into Your Arms Tonight : Chapter 151 - Chapter 160
201 Chapters
Chapter 151
SA silid ni Cassandra, walang kaalam-alam ang dalaga ang nangyayari ngayon sa kaniyang ina at kay Ian, ang sakit na pinagdaraanan ngayon ng dalawa sa pagkawala ni Manuel. Pareho pang nagtatawanan ang mag-ina habang hinihintay ang pagbabalik ni Dolores at ang inaasahan nilang binili nitong pagkain para sa kanila."Lola's taking her time," kapagdakan ay pansin ni Cassandra at bumaling sa pintuan.Isang oras na ang nakalilipas subalit hindi pa rin bumabalik ang ina. Naisip ng dalaga na hindi ito makasingit sa abalang mga doktor kung kaya natatagal ang ina. Bumuntong-hininga siya at inalis sa isipan ang pag-aalala rito. Marahil ay dahil sa dami ng panganib na pinagdaanan niya kung kaya hindi niya maiwasang kabahan sa kaunting bagay lamang, kahit pa nga ba alam niyang simple lamang ang dahilan niyon. "Well, wala naman sigurong magiging aksidente si Inay since nasa ospital sila ngayon," kumbinsi pa ng dalaga sa sarili. "Oh, you're right, mom," sang-ayon din naman ni Cassey na kinuha ang
Read more
Chapter 152
Laking bulalas ni Cassandra sa natuklasan sa anak at hindi pa man siya nakababawi ng pagkabigla nang pumasok ang ina na si Dolores habang puno ng luha ang mga mata. Agad siyang napalingon sa ina. "Bakit ka umiiyak, Inay?" usisa pa niya rito.Hindi naman siya masagot ng matanda dahil sa nagbabarang lalamuna sa labis na pag-iyak. Kumibot-kibot lamang ang bibig nito bago muling papalahaw muli ng iyak. Gayunpaman ay marahan itong lumapit sa kanila. Pagkatapos ay naupo sa katabing upuang kinauupuan ni Cassey. "Lola, what happened?" tanong din naman ng bata nang makaupo ang abuela sa tabi nito. Hinimas-himas pa ni Cassey gamit ang maliliit nitong mga palad ang likuran ni Dolores.Samantalang si Cassandra ay inabot ang tissue paper sa bedside table at inabot iyon sa ina. Naguguluhan man at maraming tanong ang tumatakbo sa isipan ng dalaga ay hinayaan na muna niyang kumalman ang ina bago ito usisain. Maging si Cassey ay hindi na rin umimik at hiniyaan lang na umiyak ang abuela.Ilang sa
Read more
Chapter 153
Subalit hindi pa man nagtatagal na nakalalabas si Cassey nang muling mapatingin sa nakapinid na pintuan sina Dolores at Cassandra sa biglaang pagpasok ng bata.Inakala ng dalaga na hindi nito natagpuan si Ian sa labas ng ospital kung kaya bumalik na lang ito sa kanilang silid.Ngunit nagulat na lamang ang dalawa nang makitang tahimik na lumuluha si Cassey.Hindi nila iyon napansin agad kanina nang pumasok ito dahil nakayuko ang bata at hindi sila matingnan ng diretso.Nahihinuha nilang mag-ina na may nangyaring hindi kaaya-aya sa bata nang lumabas ito.Iyon nga lamang ay hindi nila matukoy kung ano ang dahilan sapagkat saglit lamang itong nawala sa kanilang paningin."What's wrong, my love?" malamyos na usisa pa ni Cassandra sa anak at sumenyas dito na lumapit. "Come here to mommy."Tahimik din namang lumapit ang bata sa kaniya at naupo sa kama na kinahihigaan niya."Ano ang problema, apo?" tanong din ng abuela rito na pinunasan pa ng mga palad ang basang pisngi ng bata."Daddy hates
Read more
Chapter 154
MAKALIPAS ang ilang araw ay nabalitaan na lamang ni Cassandra kay Dr. Sanchez na nailabas na ang bangkay ni Manuel.Pareho pang nabigla ang mag-ina sapagkat simula nang magising si Cassandra pagkatapos niyang operahan ay hindi man lang nagpakita sa kaniya ang binata.Dahil sa ikinikilos nito kung kaya may hinala ang dalaga na may sama ito ng loob sa kanila sa pagkawala ng ama nito.Siguro nga'y kahit siya kung sakaling mawala ang ina ay maghahanap din siya ng masisisi kagaya na lamang ng ginawa nila nang mawala ang kaniyang Itay na si Albert.Imbes na tanggapin nila ang pagkakamali dahil na rin sa kagagawan ng kaniyang Itay ay ibinaling nila ng Inay ang sisi kay Manuel na gusto lamang pigilan ang ilegal na trabaho ng ama.Kung kaya ngayon ay hindi nila masisi si Ian kung sakaling sila ang sinisisi nito sa pagkawala ng ama."Hays!" malalim na napabuntong-hininga si Cassandra dahil animo naninikip ang dibdib niya.Nang makaalis si Dr. Sanchez pagkatapos siyang suriin at dalawa na lamang
Read more
Chapter 155
"YES, sir," ang tanging tugon ni Raid kay Ian bago tipid na yumukod upang magpaalam na rito upang puntahan ang bagong bisita na dumating."Wait," bigla rin naman siyang tinawag ng binata na tila may nakalimutan itong sabihin sa kaniya.Huminto siya sa paghakbang at muling bumaling ng tingin dito. Hinintay niya ang sasabihin ng binata."Wait here," utos nito sa kaniya saka tumayo at tinungo ang hindi naman kalayuang drawer. May kinuha si Ian na isang brown envelop doon na iniabot kay Raid.Nagtatakang kinuha niya iyon at ilang sandaling pinagmasdan. Walang ibang nakasulat sa envelop subalit nasalat niyang may papel sa loob. Nakakunot ang noo na binalingan niya ng tingin ang binata bagama't hindi siya nagtanong dito at sa halip ay hinintay ang susunod nitong instruction."Give it to her," ang tanging utos lamang ni Ian na tinalikuran na siyang muli. Ilang segundong natigilan si Raid bago sumagot, "Yes, sir."Habang naglalakad ang binata palabas ng mansyon ay maraming gumugulo sa kani
Read more
Chapter 156
Matalim ang mga tingin ni Dolores kay Raid. Malaki ang pagdududa nito dahil kabisado ng matanda ang pasikot-sikot sa loob ng mansyon. At natatandaan nito na ang sikretong daan na iyon ay patungo sa secret basement kung saan nakatago ang mahahalagang papeles ni Manuel. "Saan mo ako dadalhin?" muling tanong ni Dolores sa binata na mababakasan na ng galit ang tinig. Nawala ang ngiti ni Raid nang mapansin iyon at sinubukan niyang lapitan ang ginang."Huminahon lang po kayo, ma'am," pagpapakalma niya rito.Umatras naman si Dolores sa binata upang magkaroon sila ng distansya sa isa't isa. Dahil sa ginawi nito kung kaya huminto sa paglapit si Raid. Pagkatapos ay bumuntong-hininga siya."Please calm down, ma'am. Dadalhin ko lang po talaga sa resting house namin na which is a basement noon," paliwanag niya rito.Dahil ito ang dating asawa ni Don Manuel kung kaya may hinala siyang kabisado nito ang bawat bahagi ng mansyon, kung kaya binanggit niya rito kung ano ang dating resting house. Nap
Read more
Chapter 157
Sabay pang napalingon si Raid at Dolores sa pinanggalingan ng tinig, Manang Bell, ang katiwala at yaya ng mag-amang Manuel at Ian. Dahil kilala ng binata ang matandang katiwala kung kaya agad siyang nakahuma sa bagong dating. Matamis pa siyang ngumiti sa matanda dahil close siya rito at talaga namang mabait at palakaibigan ito.Bukod pa roon ay close ito kay Cassandra kung kaya naging malapit talaga siya rito.At dahil talaga namang madaldal si Manang Bell kung kaya nawiwili siyang makinig sa mga kuwento nito lalo na kapag patungkol kay Cassandra. "Ah, Manang Bell, bisita po natin siya," paliwanag niya rito.Agad na lumapit si Raid sa matandang katiwala upang itago si Dolores dito sapagkat lihim lamang ang pagdadala niya sa ginang sa loob ng mansyon. Subalit hindi siya pinansin ni Manang Bell at nilampasan lamang siya nito. Mataman itong nakatitig kay Dolores na pilit namang umiiwas at hindi makatingin sa matandang katiwala. Nanh ilang hakbang na lamang ang layo ni Manang Bell d
Read more
Chapter 158
Nagtuloy-tuloy si Raid sa paglabas ng resting house patungo sa main house kung saan naroon si Ian. Doon din nakaburol ang mga labi ni Manuel.Pagpasok niya sa living room ay bumungad agad sa kaniya ang maliwanag na ilaw at ang eleganteng pulang kurtina. Sa gilid nito ay ang iba't ibang klase ng bulalak na mula pa sa mga kaibigan at kapamilya ng namayapang Don. May mangilan-ngilang mga bisita roon upang sumilip sa patay, habang ang iba ay mga katiwala na nagsisilbi ng pagkain at inumin sa mga bisita. May mga bodyguard din na nakatalagang magbantay roon para kung sakaling may hindi inaasahang kaguluhang maganap.Sa gitna ay ang puting kabaong kung saan naroroon si Manuel at sa gilid niyon ay tahimik na nakaupo si Ian. Dahil sa mga natuklasan niya mula sa ina ni Cassandra kung kaya hindi niya mapigilan ang pagbugso ng galit na kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Agad niyang nilapitan ang binata. "Can we talk, sir?" untag niya rito.Nag-angat naman ng mukha ang binata at wa
Read more
Chapter 159
"Ha!" malalim na bumuntong-hininga si Ian at tinakpan ng dalawang palad ang mga mata. Nakahiga pa rin siya sa damuhan sa main garden ng mansyon.Ilang minuto nang nakakaalis si Raid pagkatapos nang nangyari sa kanila subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabangon sa pagkakahiga.Nang mawala ang ama ay inakala ni Ian na manhid na ang utak niya sa sakit kung kaya balewala na sa kaniya ang mga nagaganap sa kaniyang paligid.Kahit nga nang ipaalam sa kaniya ang pagdating ni Dolores ay wala siyang naramdamang kahit na anumang damdamin para dito. Bagama't noong una ay nagtalo ang isip niya kung papayagan niya ba itong makita ang ama sa huling sandali nito o hindi?Subalit sa huli ay mas pinili niya ang huli sapagkat nangangamba siya na may makakilala rito, lalo na ang mga matatandang katiwala na dati nang nanilbihan sa madrasta. Ayaw niya ng gulo kung kaya kahit alam niyang masasaktan ito ay mas pinili niya ang tahimik na sandali sa huling mga araw na makakasama niya ang ama.Su
Read more
Chapter 160
Makalipas ang ilang araw ay sa wakas nailibing na rin si Manuel.Mag-isang nakatayo si Ian sa harap ng puntod ng ama.Ang mga bisita na nakilibing ay kanina pa nagpaalam sa kaniya. "Hijo, mauuna na ako," tawag sa kaniya ni Dolores."Yes, thank you for coming," ang tugon naman niya rito na bahagya lang itong nilingon.Nang huli silang mag-usap ni Dolores sa study room ng ama ay nakiusap sa kaniya ang madrasta na payagan itong makilibing upang maihatid man lang nito sa huling hantungan si Manuel.Pinayagan niya ito dahil sigurado siyang iyon din naman ang nais ng ama.Maliban pa roon ay nangako si Dolores sa kaniya na hindi na manggugulo pa sa kanila at hindi maghahabol ng mana sa mga ari-arian ni Manuel.Dahil nga hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin ang dalawa kung kaya may karapatan pa rin ito sa kalahati ng mga kayamanan ng mga Ramos. Pero dahil nga hindi nito tunay na anak si Cassandra kung kaya hindi na rin naghabol pa si Dolores sa karapatan nito. "Ano'ng balak mo sa anak mo?"
Read more
PREV
1
...
1415161718
...
21
DMCA.com Protection Status