“It’s just a minor burn. But still, burns shouldn’t be treated lightly dahil may risk pa rin ng infection kapag napabayaan,” anang doktor na tumungin kay Hazel. “Bibigyan kita ng mas magandang burn ointment kaysa sa ginamit mo kanina,” sabi pa nito, naglabas ng ointment mula sa drawer ng mesa nito. “This will prevent scarring. He is fine, Caleb. Tell Tita Sam to not worry so much,” anito, bumaling kay Caleb na noon ay nakatayo sa may receiving room ng clinic ng doktor. Tumango ang binata. “Thank you, Rohan,” pormal na umpisa ni Caleb. “Anyway, we’re going. I’ll tell my mother we dropped by. See you sa anniversary party ng SSL. ““Of course! My parents and I won’t miss that,” sagot naman ni Rohan, tumayo na rin. Rohan Villamayor is the only son of Bettina, Samantha’s bestfriend.“M-maraming salamat po ulit,dok,” segunda ni Hazel, ngumiti sa doktor.“You’re welcome. Nasa reseta ang number ko. Kapag nagkaproblema, you can call me anytime.”“Tatandaan ko po, dok,” sagot ulit ng dalaga b
Last Updated : 2026-01-10 Read more