Umingit pabukas ang pinto ng opisina ni Caleb at inilabas doon ang bulto ng nagmamadaling si Ms. Viola. “Hazel, nandito na ang mga VIP in fifteen minutes. Samahan mo akong ihanda ang private lounge. But before that, i-follow up mo muna sa reception ‘yong pastries na in-order ko kanina. Tell them, na iakyat agad dito sa floor ang delivery kapag dumating. Tapos, ihanda mo na rin ang coffee maker sa pantry,” dire-diretsong utos ng sekrertarya, kinarga ang pile ng folders na nasa mesa nito bago dumiretso sa private lounge.Agad namang tumalima si Hazel sa mga inutos nito. Matapos niyon, sumunod siya sa private lounge upang tulungan ito sa paghahanda. Nang matapos ang lahat within fifteen minutes, bumalik silang dalawa ni Ms. Viola sa kani-kanilang mesa at naghintay.Maya-maya pa, lumabas na si Caleb sa opisina nito.“They are here, in three minutes,” anito seryoso, agad na naglakad patungo sa lift, ni hindi tinapunan ng tingin si Hazel.“Dito ka lang, Hazel. Ako ang sasama papaba kay Sir,
Last Updated : 2025-12-03 Read more