Pasado alas sais na nang gabi subalit nasa opisina pa rin si Hazel. Hinihintay ng dalaga ang pagbabalik ni Caleb . Malinaw ang instruction ng boss sa kanya, hihintayin niya ang pagbabalik nito roon.Kaya naman habang naghihintay, patuloy na inabala ng dalaga ang sarili sa mga pending pa niyang trabaho na para sana sa susunod na araw. Maya-maya pa, tumunog ang cellphone ni Hazel.Nang tignan niya, naka-flash sa screen ang pangalan ni Caitlyn.“Hello, Cait,” ani Hazel nang sagutin ang tawag.“Girl, hindi ka pa ba uuwi? Birthday ni Karmi ngayon, nag-ayang kumain sa labas,” balita ng kaibigan sa kabilang linya.Sandaling tumikwas ang nguso ni Hazel, marahang nagbuga ng hininga. “OT ako ngayon e. Marami pa akong tinatapos tapos hinihintay ko rin si Sir Caleb na bumalik dito sa office.”“Gano’n ba? Sayang naman. Minsan lang mag-aya si Karmi. Pero kung uuwi ka na within thirthy minutes, sunod ka na lang sa amin ha?. Sa mall lang naman kami kakain. Tawagan mo na lang ako mamaya kung makakahab
Read more