Semua Bab Seducing My Baby's Father : Bab 31 - Bab 40
85 Bab
Kabanata 31
Usap-usapan kinabukasan sa kanilang klase ang sinapit ni Samuel, ngunit nang makita nila ang maliit na sugat sa mukha ni Lucas ay ito na ang naging topic nila."Gwapo pa din si Sir kahit may pasa sa mukha. Mukha siyang bad boy.""Mafia boss.""Baka naman si Sir Lucas ang tumulong sa'yo," bulong ng katabi ni Lera.Umiling siya, hindi bilang sagot kun'di pagkayamot sa kakulangan ng tsismis ng kan'yang mga kaklase. Sana'y hindi niya na kailangan pa'ng sagutin ang tanong ng mga ito.Kagaya kahapon ay hinintay niya si Lucas nang makalabas na ang lahat ng estudyante."Dinner?" tanong niya dito.Tumingin si Lucas sa telepono, wala sa kan'ya ang atensyon. "I'm sorry, I can't." Inaasahan na ni Lera na magbabago ang sagot nito. Mahirap pala na mapa-oo ang isang Lucas Valle.Naalala niya ang sinabi ni Maris na loyal ang lalaki sa nobya nito. "Bukas?" Subalit susubok siya. Wala naman itong malisya, pa
Baca selengkapnya
Kabanata 32
Isang simpleng tanong ang binitiwan ni Lera ngunit kakaibang kaba ang naidulot nito para kay Lucas."He's fine. Arim's fine with me. You don't have to be worried about him."Marahan na tumango si Lera. Marami pa siyang nais itanong ngunit pinili niya ang itikom ang bibig. Tumayo siya at napagpasyahan na magpaalam na dito.Naiwan si Lucas na mayroong kaunting awa para kay Lera. Pinagkaitan niya ang babae para maging ina sa kan'yang anak. Subalit hindi niya pinagsisisihan ang nangyari. Ito ang unang bumali sa pag-uusap nila. Tinangka nitong ipagdamot sa kan'ya ang bata. Isa pa'y hindi dapat siya lubos na magtiwala dito lalo pa't mukhang mayroon nang kakayahan ang babae para kalabanin siya.Hindi pumasok si Lera sa kan'yang klase kinahapunan. Hindi niya kayang makita si Lucas at pakitunguhan ito nang naaayon sa kan'yang plano. Napupuno ng galit ang kan'yang puso, natatakot siyang sumabog sa harap nito.Nang mga sumunod na araw ay nakontento siyang sul
Baca selengkapnya
Kabanata 33
"Hindi pa ba sapat na muntik ka nang mahuli kanina? Pagkatapos ngayon ay gusto mo pa'ng pumunta sa condo unit ni Lucas? Okay ka lang ba?"Halos hindi na mailagay nang maayos ni Maris ang mask sa kan'yang mukha dahil sa pangungulit ni Lera na pumunta sila sa condo unit ni Lucas.Nakapuslit kanina si Lera sa clinic ngunit hindi pa rin siya nadadala. Higit ang kan'yang pag-aalala sa anak lalo pa't hindi pumasok si Lucas sa klase nila kanina.Hindi niya alam kung sa Sta. Ignacia ba o sa condo unit nito dinala ang anak, kung kaya't nais niyang puntahan. Gusto niyang masiguro kung maayos na ba si Arim.Binalot niya ang nilutong sopas ng kan'yang ina. Sinamahan niya din iyon ng ginawang cupcake."Mag-iingat ka anak. Hayaan mo at makukuha din natin ang apo ko." Hinaplos pa ni Aling Nora ang balikat ng anak. Katulad nito'y nasasabik na din siya kay Arim.Kinuha ni Lera ang susi ng kotse at dire-diretsong lumabas ng kan'yang bahay nang habulin siya ni
Baca selengkapnya
Kabanata 34
"I don't know if I had to tell you this, but Tito Lucas is settling Arim's school documents, and I heard they'll be back in America by the end of the month."Ang balitang iyon mula kay Chesca ang sumalubong kay Lera. Naalarma siya. Hindi maaaring malayo muli sa kan'ya ang anak. Nakapagsimula na siya sa plano ngayon, hindi niya hahayaan na magsimula muli siya sa wala. Maraming taon at araw na ang ipinagkait sa kan'ya ni Lucas na makapiling ang bata. Hindi niya papayagan na muli itong madagdagan."Bakit daw?" Nagkibit-balikat si Chesca."Ang sabi po ni mommy dahil daw sa nangyari nang isang araw. Mild lang naman ang hika ni Arim dahil nag-a-adjust pa ito sa klima dito, pero gustong-gusto na talaga ni Tito Lucas na bumalik sa America."Kinutuban si Lera, pakiramdam niya'y dahil iyon sa kan'ya."Ate Chesca!" Mula sa malalim na pag-iisip ay napabalikwas siya ng upo sa cafeteria nang marinig ang boses ng anak. Tumat
Baca selengkapnya
Kabanata 35
Nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang larawan nila ng anak na kinuhanan niya kahapon. Kapwa sila masaya doon."Dahil masaya ka, may sulat ka." Tila nakapaskil na sa labi niya ang ngiti nang bumaling siya kay Maris.Kinuha niya ang sulat at binuksan iyon. Court hearing laban sa kasong isinampa niya kay Samuel."Oo nga pala." Nakaligtaan niya na ito dahil sa pagiging abala sa anak. "Tumawag din nga pala si attorney kanina. Nagpadala daw siya ng imbitasyon kay Lucas para maging witness kaso mukhang walang balak um-attend ang lalaking iyon."Sa halip na sumimangot ay mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Lera. Minsan lang umayon ang tadhana sa kan'ya ngunit nilulubos-lubos naman nito.Isang ideya ang pumasok sa kan'yang isipan upang mapigilan ang pagbalik ni Lucas at Arim sa America."Sir Lucas, court hearing na sa susunod na araw. Pwede ka ba'ng magbigay ng statement laban kay Samuel? Dalawang beses mo naman akong in
Baca selengkapnya
Kabanata 36
"What's with that face Lera? You won the case!" tanong ni Peter sa kaibigan nang sumakay sila ng kotse galing sa korte. Isinandal ni Lera ang ulo sa bintana ng shotgun seat habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. "If the case involved my child's custody, I'd be overjoyed to win it." Nanalo siya sa kaso laban kay Samuel. Mabuti na lamang ay dumating ang mga kaibigan nito upang magbigay ng statement pabor sa kan'ya. Hindi sumipot si Lucas ngunit nasa Pilipinas pa ito. Natatakot lamang si Lera na anumang oras ay maaari na itong umalis ng bansa kasama ang anak. Malapit nang matapos ang semestre kaya nawawalan na siya ng pag-asa. "Kung kidnap-in na lang kaya natin ang anak mo?" suhestyon ni Maris na sa likod nila nakaupo. "What a helpful suggestion Marissa," sarkastikong sabat dito ni Peter. Sumagi na iyon sa isipan ni Lera at inaamin niya na kaunti na lamang ay gagawin niya na. "Peter, dumiretso tayo sa Sta.
Baca selengkapnya
Kabanata 37
"Class dismissed."Umingay ang buong klase ni Lucas nang bitbitin niya na ang mga testpapers upang lumabas ng silid."Sir! Hindi na po ba talaga kayo magtuturo kahit isang subject lang?""Dito na lang po kayo sir sa university. Mas masaya po mag-aral kapag ikaw ang nagtuturo."Ngumisi si Lucas nang marinig ang pambobola ng kan'yang mga estudyante kahit pa para sa mga ito ay totoo iyon.Tapos na ang semestre, hudyat para bumalik na ang kan'yang kapatid na si Zeus sa pagtuturo. Isa pa'y nakahanda na din ang plane ticket nila ng anak pabalik ng America.Hindi sinasadyang huminto ni Lucas sa harapan ng upuan ni Lera upang lingunin ang mga estudyante."Thank you class. Your grades will be released next week."Naglagay siya nang kaunting ngiti sa labi ngunit hindi pa rin tapos ang mga ito sa pangungulit sa kan'ya."Night out tayo sir!""Please sir!""Pa-despidida n'yo po!"Buong klase ay nagkakagulo habang
Baca selengkapnya
Kabanata 38
Isang mapusok na halik ang dumampi sa mga labi ni Lera nang dumagan sa kan'ya si Lucas.Ito ang kan'yang pangalawang halik mula sa parehong lalaki na una't huling umangkin sa kan'ya.Kusang naghiwalay ang kan'yang mga labi dahilan upang tuluyan nang maangkin ng lalaki ang bawat sulok ng kan'yang bibig. Halos kalahating oras na simula nang matapos silang uminom ngunit nalalasahan niya pa din ang alak mula dito.Ang tagpong iyon ay nagpanumbalik sa alaala ng gabing pinagsaluhan nila ni Lucas, kung saan nabuo si Arim.Itinulak niya ang lalaki bago pa man siya madala sa sensasyon na ipinapadama nito sa kan'ya.Mula sa kan'yang ibabaw ay napahiga ito sa kan'yang tabi. Hindi na ito nagpumilit pa'ng bumangon at tuluyan na nga'ng nilamon ng kalasingan.Mabilis na umupo si Lera sa malambot na kama ni Lucas. Mariin siyang pumikit nang makaramdam ng pagkahilo. Sa wari niya'y mas lalo siyang nalasing sa halik na pinagsaluhan nila.Sa kabila n
Baca selengkapnya
Kabanata 39
Wala sa plano ni Lera ang sumama kay Lucas hanggang sa Sta. Ignacia. Kung naroon ang anak ay baka natuwa pa siya, ngunit nasa condo unit ito kung saan nila iniwan.Hindi niya na mabilang kung ilang ulit siyang umirap nang hindi pansinin ng lalaki ang pakiusap niyang bababa na. Halos dumiin na din ang kan'yang mga kuko sa upuan dahil sa bilis at walang ingat na pagmamaneho nito."Hello Tito Esteban, I need police assistance around the mansion."Mabilis siyang napabaling sa katabi nang marinig ang sinabi nito. Labis siyang nagtaka kung bakit kailangan nito ng mga pulis.Ipapahuli ba siya nito? Para saan?Bago niya pa man maibigkas ang mga katanungan ay kaagad din itong nasagot nang huminto sila hindi kalayuan sa tapat ng mansyon ng pamilya Valle. Sa labas ay puno ng mga magsasakang mayroong hawak na mga karatola.Nakasulat doon ang mga hinaing nila sa hindi makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho at ang pagbebenta ng mga lupang sakahan u
Baca selengkapnya
Kabanata 40
"Paano tayo nabaon sa utang?" Halos umalingawngaw ang boses ni Lucas sa buong mansyon. Umabot iyon sa pandinig ni Lera na iniwan niya sa salas upang kausapin ang ina sa opisina nito. Nagtungo si Ginang Juana sa pintuan upang isara iyon. Minasahe niya ang kamay upang pakalmahin ang sarili. Hindi siya sanay na mamoblema sa pera dahil simula pa noon ay sagana ang pamumuhay nila. "I supported a political party last election in exchange of endorsement and connections. Unfortunately, natalo sila. Marami akong nailabas na pera pati ang mga lupain natin ay naisanla ko sa mga negosyante." Nakapameywang na tumigil si Lucas sa paglalakad nang pabalik-balik sa harapan ng ina. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng kan'yang noo at umigting ang kan'yang panga. Naiinis siya sa ginawa ng ina, gayunpaman ay nais niya pa din malaman kung bakit naisipan nitong itaya ang ari-arian na pamana sa kanila ng ama. "Paano nangyari 'yon? Hindi ba nanalo naman si Tito Est
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234569
DMCA.com Protection Status