All Chapters of Seducing My Baby's Father : Chapter 51 - Chapter 60
85 Chapters
Kabanata 51
Kung iguguhit ang Sta. Ignacia, mapupuno ito ng berdeng kulay. Bukod sa payak na mga bahay ay mga matatayog na puno at sakahan ang makikita sa lugar. Ito ang dahilan kung bakit namamangha ang mga tao sa tuwing may magpapatayo ng mataas at magandang bahay sa lugar. Katatapos pa lamang ng mansyon ni Lera subalit doon niya na dinala ang anak. May mga gamit na doon kaya walang naging problema ang kanilang pagpapalipas ng gabi. "Arim, gising na."  Malaki ang kan'yang ngiti upang salubungin ang pagmulat ng anak. Namamaga ang mga mata nito mula sa pag-iyak. Labis siyang naawa at hindi niya na mabilang kung ilang beses niyang minura si Lucas sa isipan. Hindi man lang nito naisip na matatakot ang anak sa pagtataas nito ng boses. Kung galit sa kan'ya ang lalaki ay dapat hindi na dinamay ang anak. "Uuwi na po ako Tita Lera." Kagabi pa nais umuwi ng bata pero hindi siya pumayag. Hanggang sa ikatulog na iyon ng anak. "Sige, after school pupunt
Read more
Kabanata 52
Walang pagsidlan ang tuwa sa puso ni Lera nang sa wakas ay maalala na siya ng anak. Simula nang tawagin siyang 'mama' nito ay hindi na ito mawalay sa kan'ya. Naging mas madali para sa kan'ya na bumawi sa mga panahon na nawala sa kanila bilang mag-ina."Saan kayo pupunta?" sabat ni Lucas nang makitang kapwa nakabihis ng damit pag-alis si Lera at Arim. Hinikayat niya ang babae na manirahan sa mansyon ng kanilang pamilya sa Sta. Ignacia kaysa sa bago nitong mansyon sa 'di kalayuan."Susunduin ko lang si inay at Mikoy. Ngayon na kasi sila babalik dito sa Sta. Ignacia." Nagkita nang muli ang kan'yang anak at ang lola nito kaya labis ang kagalakan ng pamilya ni Lera.Naalarma si Lucas at dali-daling inubos ang kapeng tinimpla ni Lera para sa kan'ya."Sasama ako," anito."Lucas, huwag na. 'Di ba i-me-meet mo pa 'yong mga bagong supplier natin para sa farm?" Kaswal lang naman ang pagkakasabi ni Lera ngunit para kay Lucas ang dating nito ay nais na masolo s
Read more
Kabanata 53
Bata pa lamang si Lera ay nangangarap na siyang magkaroon ng buong pamilya at payak na buhay, kaya nang isilang niya si Arim nang walang ama ay labis na kalungkutan ang naramdaman niya para sa bata."Mrs. Valle?" tawag sa kan'ya ng matandang guro na sumasalubong sa mga kalahok sa family day.Mabilis siyang umiling. Hindi niya masisisi na pagkamalan siya nitong misis ni Lucas, dahil siya ang ina ni Arim."Miss Santillan po," pagtatama niya bago kinuha ang name tag nilang tatlo.Nakangiti siyang sinundan ng tingin si Arim, na hila-hila si Lucas patungo sa mga booth. Kagabi pa sabik ang bata para sa araw na ito kaya masayang-masaya ang puso ni Lera.Ikinabit niya ang name tag sa kan'yang puting polo-shirt na napili nilang maging kulay bilang pamilya sa event ngayon.Patakbo siyang lumapit sa dalawa. "Mama! Magpa-picture po tayo doon!" pag-aaya sa kan'ya ng anak habang itinuturo ang isang photo booth.Iniabot ni Lera ang name
Read more
Kabanata 54
“Ipinapaalala ko lang po sainyo Ginang Juana, ako ang nagbayad ng mga utang ninyo kaya nga nagkalakas ka ng loob para umuwi ng Pilipinas.”Batid ni Lucas ang namumuong tensyon sa pagitan ng kan’yang ina at ni Lera. Ibinigay niya sa katulong ang tulog ng si Arim. Bahagya niyang pinandilatan ng mata si Lera. Hindi niya nagugustuhan na sumagot pa ito sa kan’yang ina.“Mom, Lera’s here for Arim,” saad niya.Pagak na tumawa ang ginang. Wala talaga itong utang na loob. Hindi kayang magpakumbaba kailanman.“Sinasabi ko na nga ba, nagkunwari ka pa na nais mong tulungan ang mga magsasaka dito sa Sta. Ignacia pero ang totoo nais mo lamang na malugmok kami upang walang kahirap-hirap mong mabawi ang aking apo.”Gustong palakpakan ni Lera si Ginang Juana, masama talaga ang tumatakbo sa utak nito dahil maging ang kan’yang plano ay nahulaan nito.“Hindi po ako kagaya ninyo na sinasamantala a
Read more
Kabanata 55
Isinantabi ni Lera ang bigat ng kan’yang loob nang marinig ang boses ni Ginang Juana sa hapag kainan. Ipinagpatuloy niya ang pagtimpla ng kape ni Lucas at gatas ni Arim.“Ito na ang gatas mo baby Arim.”Bumusangot si Arim nang marinig ang tinawag sa kan’ya ng ina. Nagkamot ito ng ulo.“Mama, hindi na po ako baby. Big boy na po ako.”Nagkatinginan si Lera at Lucas. Sabay pa silang napangiti nang marinig ang sinabi ng anak, maliban kay Ginang Juana na hindi maitimpla ang mukha.“Don’t grow up too fast, Arim,” sabi ni Lucas na sinalinan pa ng pagkain ang anak sa plato.Ipinagpapasalamat niyang narito ang anak kun’di ay magiging mabigat ang hangin sa pagitan ni Lera at ng kan’yang ina.“You’re always my baby boy, Arim.” Matapos sabihin iyon ay inilapag ni Lera ang tasa ng kape sa harapan ni Lucas. Hindi ito ang unang beses na ipinagtimpla siya nito ng kape
Read more
Kabanata 56
Walang kasing-saya ang mabuhay sa mundo nang hindi nakakaramdam ng negatibong emosyon. Gayunpaman, parte na ng ating mga buhay ang masaktan, malungkot, matakot, at magalit, pero nakadepende sa’yo kung paano mabubuhay na kaakibat ang mga ito. Pipiliin mo ba’ng sanayin ang sarili o gagawa ka ng paraan para mawala ang bagay na nagdudulot sa’yo ng mga pakiramdam na ito?“Getting rid of the things that keep you hurting is the only way to be truly happy.”Ang sinabing ito ni Maris ay paulit-ulit na pinapakinggan ni Lera sa kan’yang isipan habang pinagmamasdan ang sasakyan ni Lucas na mag-park sa loob ng university campus.Binitiwan niya si Arim nang tumakbo ito patungo kay Lucas. Naglakad siya sunod dito.Ang mga ginawa noon ni Lucas at Ginang Juana sa kanilang pamilya ay patuloy na nagdudulot ng sakit at galit sa kan’ya sa tuwing nakikita ang mag-ina.Masaya siya, oo, dahil kasama niya na ang anak, subalit hindi
Read more
Kabanata 57
Hindi kailanman lubos maisip ni Lera na darating ang araw na mamomoblema siya sa kulay ng kurbatang babagay sa dark blue na longsleeve polo. Itim ba? Puti o light blue?Mabilis niyang ibinalik sa cabinet ang mga kurbata nang mawala ang tunog ng shower sa cr. Hudyat na tapos nang maligo si Lucas. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya gayong nasa kwarto din ang anak.“Mama, mas bagay po ‘yong itim,” suhestyon ni Arim na kakatapos niya lang ibutones ang uniporme kanina.Ibinalik niya ang puting kurbata sa lalagyan at kinuha ang itim. Eksakto namang paglabas ni Lucas sa banyo. Tanging tuwalya lamang ang nagsisilbing tapis nito sa katawan, kaya mabilis na umiwas ng tingin si Lera.Kung hindi naiwan ng anak ang aklat sa kwarto ng ama ay hindi siya papasok dito at hindi niya rin maiisip na ipaghanda ito ng damit na maisusuot.Umawang ang labi ni Lucas nang makita ang mag-ina.“Mama, iihi lang po ako!” Tumakbo ito
Read more
Kabanata 57.5
Hahakbang paabante. Hahakbang paatras. Kanina pa nasa tapat ng pintuan ng opisina ni Lucas sa mansyon si Lera, hindi niya malaman kung itutuloy ba ang binabalak o hindi. “Lera?” Halos atakehin siya sa puso dahil gulat nang biglang sumulpot ang lalaki sa kan’yang likod. Kapwa sila nakasuot ng pantulog. “May kailangan ka?” Dumapo ang mata ni Lucas sa librong hawak ng babae. “Busy ka ba?” tanong nito. Umiling si Lucas kahit ang totoo’y tambak ang papeles na dapat niyang review-hin sa opisina. “Not really, what is it?” Nag-aalangan man ay nagpatuloy si Lera sa sadya niya sa lalaki. “Hindi ko kasi maintindihan ang topic kanina sa klase. Exam namin bukas. Baka alam mo? Pwede mo ba akong turuan?” Totoong hindi niya nauunawaan ang lecture kanina. Ang gawing tutor si Lucas ay hindi kasama sa mga plano niya. “Sure, pasok ka.” Hindi pa kailanman na-excite si Lucas na magturo, kahit noon na nag-subst
Read more
Kabanata 58
Kapal ng mukha at lakas ng loob. Hindi sinabi ni Maris na ito pala ang kailangan ni Lera.“Mama?” Nakakatatlong tawag na sa kan’yang pangalan si Arim pero hindi pa rin lumalabas sa kwarto si Lera. Paulit-ulit na lumilitaw sa kan’yang isipan ang ginawang paghalik kay Lucas kagabi.“Sa pisngi? Ang hina mo! Sa pisngi lang ‘yon kaya lumabas ka na d’yan.” Narinig niyang sabi ni Maris sa kabilang linya. Kagabi niya pa ito tinatawagan subalit hindi sumasagot kaya maagang-maaga pa ay tumawag na ito sa pag-aakalang may emerhensya siya.Bahagyang binuksan ni Lera ang pinto at nakita ang anak na nakahalukipkip sa tapat ng kan’yang kwarto. Gusto niyang ngumiti nang makita kung gaano kaseryoso ang mukha nito, animo’y nayayamot na sa tagal niyang magbukas, subalit umurong ang kan’yang ngiti nang makitang ganoon din ang itsura ni Lucas sa likod ng anak.Nanlaki ang kan’yang mata kasabay nang pag-iin
Read more
Kabanata 59
Itinuon ni Lera ang atensyon sa daan habang abalang magmaneho si Lucas patungo sa opisina. Hindi niya malaman kung bakit nagawa niyang sabihin na sira ang kan’yang kotse para lang makasabay sa lalaki. Ideya iyon ni Maris, hindi kan’ya. Kulang na nga lang ay iuwi niya na ang sasakyan sa kanilang bahay dahil hindi niya naman ito nagagamit.Tumikhim si Lucas kaya dahan-dahan siyang tumingin dito. Hindi niya nagugustuhan na tila kaytagal nilang makarating sa paroroonan.“Doon ba kayo matutulog ni Arim mamaya kina nanay Nora?” kaswal nitong tanong.Walang pasok ang bata kaya napagpasyahan nilang ihatid ito sa nanay ni Lera.“Oo,” tipid niyang sagot. Masyadong mabait ang kan’yang ina para ito na ang magsabi kay Lucas na tawagin siyang nanay. Minsan naiisip niyang tama na naglihim siya dito sa planong ipaghiganti ang ama, dahil kung hindi ay paniguradong ito ang unang sasaway sa kan’ya.Naalala niya nang isa
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status