All Chapters of Seducing My Baby's Father : Chapter 21 - Chapter 30
85 Chapters
Kabanata 21
Ang pagsulpot ni Maica sa mansyon ay tila isang hudyat para kay Lera na ituloy ang planong pag-alis sa Sta. Ignacia kasama ang anak."Anong balak mo ngayon anak?" tanong ng kan'yang ina nang mkatulog na si Arim sa kwarto."Itutuloy ko po ang pagbabalik sa lungsod."Sadyang kayrami na ngayon ng rason upang ilayo ang anak sa lugar. Kahapon lamang ay narinig niya ang ilang kapitbahay nilang pinag-uusapan ang nangyaring komosyon nang isang araw sa mansyon. Kung saan nakarating sa mga ito ang pag-aaway ng bunso ng mga Valle, na si lucas, at nobyang si Maica. Dito ay narinig niyang nadawit ang pangalan ng anak."Malandi nga'ng tunay 'yang nanay ni Arim, kawawang bata.""Hindi malandi si Lera, matalino lang iyan. Akalain mo'ng mayaman ang biningwit.""Baka naman hindi anak ni Sir Lucas iyang si Arim, baka ginagamit lang nina Lera upang makaahon sila sa hirap."Samo't-saring mga usapan na kayang tanggapin ni Lera kung siya lamang ang imbwelto
Read more
Kabanata 22
Katulad ng kan'yang inang si Ginang Juana, mahirap makuha ang tiwala ni Lucas. Sa oras na pagkatiwalaan niya ang isang tao at biguin siya nito ay hindi siya magdadalawang isip na gamitin ang kapangyarihan upang maturuan ito ng leksyon.Halos mabasag na ang telepono niya sa paulit-ulit na pag-dial sa numero ni Lera, subalit hindi ito sumasagot.Matalim niyang tinitigan ang susi ng kan'yang sasakyan sa side table habang hinihintay na sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya, ngunit sa huling pagkakataon ay pinatayan ulit siya.Kinuha niya ang susi at marahas na binuksan ang pintuan ng kwarto palabas. Sinalubong siya ni Maica pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. Ang isip niya'y nasa anak."Where are you going Lucas?" Pinigil siya ni Maica, ngunit nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa kan'yang kotse."I'm worried about my son because Lera isn't returning my calls." Posible na mayroong nangyaring masama dito, iyon ang nasa isip niya.
Read more
Kabanata 23
Wala nang mas sasakit pa sa isang ina kun'di ang malayo sa kan'yang anak.Halos palitan na ni Lera ang driver ng bus na sinasakyan upang mabilis na makarating sa Sta. Ignacia. Hindi niya akalain na sa isang iglap matatagpuan sila ni Lucas at mababawi nito si Arim sa kan'ya nang walang kahirap-hirap.Pinalis niya ang panibagong luha na tumulo sa kan'yang mga mata. Masakit na ang kan'yang ulo sa kakaiyak subalit kaya niyang indahin iyon kumpara sa sakit ng puso na nadarama niya.Nangyayari na ang kinatatakutan niyang gamitin ni Lucas ang pera nito upang ipagdamot sa kan'ya ang bata."Papasukin mo ako! Kailangan ko'ng makuha ang anak ko!" Dumiretso siya sa mansyon ng mga Valle, kahit pa malalim na ang gabi.Hinarangan siya ng mga tauhan ni Ginang Juana na makapasok sa mataas nitong bakod. Kung dati'y manghang-mangha siya sa ganda ng labas ng mansyon, ngayo'y tila impyerno na ang pagtingin niya dito."Lucas! Lucas! Ilabas mo ang anak ko!" Halos
Read more
Kabanata 24
Puting kisame. Ito ang bumungad sa kan'ya. Buhay siya pero para na din siyang pinatay nang hindi makita ang anak sa loob ng apat na sulok ng kwarto."Inay, nasaan po si Arim?" Tandang-tanda niya pa kung paano naaninag ang mukha ng anak at narinig ang pagtawag nitong 'mama' sa kan'ya.Malungkot na umiling ang ina.Panaginip ba iyon?"Dinala ka dito ng mga tauhan ni Ginang Juana."Nawalan siya nang malay kung kaya nasa ospital siya.Nagpumilit siyang bumangon upang balikan ang anak subalit mariin siyang pinigilan ng ina."Anak, tama na. Huwag ka nang bumalik doon. Napapabayaan mo na ang sarili mo." Lumuluha na ang kan'yang ina."Inay, hindi pwede! Babawiin ko si Arim. Hindi nila pwedeng ilayo sa akin ang anak ko." Puno ng hinagpis ang puso ni Lera subalit pinipili niya ang lumaban."Ano ba Lera! Hindi mo ba nakikita? Wala tayong laban sa mga Valle!" Hindi na nakatiis si Manong Leroy, nahihirapan siyang makita
Read more
Kabanata 25
AFTER THREE YEARS...Niyakap ni Lera ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Sa loob ng halos tatlong taon na pamamalagi sa Hongkong ay nasanay na siya sa klima dito.Matapos mag-alay ng taimtim na panalangin sa puntod ng kan'yang yumaong amo ay bumalik na siya sa kotse kung saan naghihintay ang kaibigan niyang si Maris.Si Maris ang tumulong sa kan'ya upang makapagtrabaho sa Hongkong. Napag-alaman niyang lumipat ito mula Japan dahil mas mataas ang pasahod at higit na maganda ang trabaho dito."Ano'ng plano mo ngayon?"Tiningnan niya ang kaibigan. Sa tuwing tinatanong siya nito noon ay wala siyang maisagot.Namasukan siya bilang tagapangalaga ng isang matandang ginang. Mabait ito. Sa katunayan ay sinuportahan nito ang pagkuha niya ng dalawang taong kurso sa kolehiyo.Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho, subalit sa dalawang taon na nagdaan ay bigo siyang makapag-ipon ng pera na hihigit sa kayamanan ng mga Valle.
Read more
Kabanata 26
Hindi pa siya nagkakaroon ng nobyo. Wala siyang ideya kung paano makuha ang loob ng isang lalaki. Hindi siya marunong mang-akit. Hindi siya malandi. Halos maubos na ang damit sa cabinet ni Lera subalit 'ni isa ay wala pa din mapili si Maris para sa kaibigan. "Sigurado ka ba d'yan sa 'seduce-seduce' na sinasabi mo? Napakadisente ng mga damit mo. Baka imbes na ang nasa ibaba ni Lucas ang sumaludo sa'yo, ay literal na kamay ang gumawa n'on." Natatawang napairap si Lera sa tinuran ng kaibigan. Ang lakas ng loob niyang sabihin na kaya niyang akitin si Lucas ngunit sa damit pa lang ay bagsak na siya. "Tara bawasan natin 'yang kayamanan mo!" Natagpuan niya ang sarili sa isang sikat na mall sa siyudad. Samu't saring mga revealing na damit ang ipinasukat sa kan'ya ni Maris na kaagad niya din naman binili.  "Maris, ano ba? Hindi ko naman iyan magagamit." Napangiwi siya at pilit na ipinapabalik kay Maris ang kinuha nitong pul
Read more
Kabanata 27
Nagsisimula pa lamang ang laro ngunit pakiramdam ni Lera ay panalo na siya nang makita ang pagkagulat sa mukha ni Lucas.Malinaw pa ang mata ni Lucas subalit tila nais niya nang magpatingin sa espesyalista. Hindi niya akalaing si Lera ang nasa kan'yang harapan. Ang ina ng kan'yang anak, ang bago niyang estudyante.Pinakiusapan siya bilang substitute instructor ng kan'yang kapatid na si Zeus sa unibersidad na tinuturuan nito ng part time. Hindi niya matanggihan ang kapatid dahil maselan ang pagbubuntis ng asawa nito at kailangan na nasa tabi ito. Sa tatlong taon na lumipas, siya na lamang ang bukod tanging walang asawa sa kanilang magkakapatid. Kun'di lamang sana ..."Sir?"Ang kan'yang sarili ay nanumbalik sa ulirat nang matamis na ngumiti sa kan'ya ni Lera, na animo'y walang kahit anumang nangyari sa kanila sa nakaraan. Para ba'ng hindi niya inilayo ang anak dito."Yes? I mean you may take a seat Miss Santilan."Hindi niya alam
Read more
Kabanata 28
Nakakailang malalim na buntong hininga na si Lera ngunit hindi niya pa din magawang palakasin ang loob."Lera, ano na?" Nayayamot na ang kaibigan niyang si Maris sa paghihintay sa kan'ya. Kanina pa sila nasa loob ng sasakyan sa tapat ng bar na pag-aari ni Samuel."Bakit ko ba kasi siya inimbitahan?" Wala sa sariling tanong ni Lera habang ang mata'y nagmamasid sa labas. "Ano ka ba? Ang ganda nga ng style mo. S'yempre nasa bar tayo, madaming alak, which means pwede ka magkunwaring lasing, then pupunta ka kay Sir Lucas mo. 'Yong tipong hirap ka nang maglakad tapos matutumba ka sa kan'ya. Kaso wala ka'ng kasama at hindi niya alam kung saan ka nakatira. Wala siyang choice kun'di iuwi ka sa mansyon nila. Ito ang main event! Maaakit mo na siya."Nagkatinginan si Lera at Peter, na nasa driver's seat, nang marinig ang mga pinagsasabi ng kanilang kaibigan.Isinama niya ang mga ito dahil hindi siya sanay sa mga parties, lalo na sa alak."Wait! Te
Read more
Kabanata 29
Hindi lubos maisip ni Lucas kung bakit sa isang iglap ay nasa kama niya na ang babaeng nais niya sanang iwasan, si Lera.Mahimbing ang pagkakatulog nito sa kan'yang condo unit. Ano na lamang ang mangyayari sa babae kung hindi niya ito nakita?Naalala niya pa kung paano siya nito inimbitahan sa soft opening ng bar ng kan'yang estudyante. Tumugon siyang pupunta subalit ang totoo'y hindi.Kasama niya ang kapatid na si Alexis at Dominic kagabi sa kan'yang condo upang mag-usap tungkol sa negosyo. Pauwi na sana sila sa Sta. Ignacia at si Alexis sa bahay nito sa syudad, nang hindi inaasahang makita nila si Lera sa basement parking habang akay-akay ng apat na lalaki.Mabilis itong nakilala ni Lucas. Masama kaagad ang kutob niya nang makitang walang malay ang babae, kung kaya't walang pag-aalangan siyang lumapit sa mga ito.Naamoy niya ang alak tanda na nanggaling sila sa bar. Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nilang magkakapatid at ng tatl
Read more
Kabanata 30
Kailanman ay hindi akalain ni Lera na ang isang maliit na litrato ay magbibigay sa kan'ya ng pag-asa.Laman ng frame ang larawan ng kan'yang anak. Kitang-kita niya ang saya sa ngiti ng bata. Malungkot siyang napangiti. Kahit papaano'y natutuwa siyang nagawang maging masaya ng anak kahit pa magkalayo sila. Mabuti iyon, dahil higit sa kahit ano pa man ay nais niya ang kasiyahan ng anak."Hindi ko naman alam na may hidden talent ka pala sa pagnanakaw. 'Yong picture ng anak mo mauunawaan ko pa kung bakit mo kinuha. Pero pati ba naman jacket ni Lucas? Ikaw ha, may pagnanasa ka din d'yan sa ama ng anak mo. Aminin mo na kasi!"Sapilitan na hinila ni Lera ang jacket ni Lucas kay Maris nang sininghot-singhot nito iyon ng amoy.Hindi niya akalaing ibabalot iyon sa kan'ya ng lalaki. Pakiramdam niya tuloy ay umeepekto ang kan'yang plano."So, ano nga? Ano'ng ginawa n'yo?"Nakapatong pa ang baba ni Maris sa kan'yang kamay habang hinintay na magkwento ang
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status