All Chapters of Seducing My Baby's Father : Chapter 11 - Chapter 20
85 Chapters
Kabanata 11
Tunay na mapaglaro ang buhay. Kung kailan tumigil na si Lera sa paghahanap ay saka niya naman ito matatagpuan."Mama!" Kinarga niya ang nasasabik na si Arim. Mahigpit niya itong niyakap at paulit-ulit na hinalikan. Bukod sa na-miss niya ang anak ay nais niya din itago ang kaba na nararamdaman sa lalaking kaharap.Paano siya hindi babalutin ng kaba gayong kitang-kita na sa personal ang pagkakahawig ni Arim sa ama. Walang duda ilang hakbang na lang ang layo niya sa lalaking una't huling umangkin sa kan'ya.Damang-dama niya ang paninitig nito subalit hindi niya magawang salubungin ito. Kinakabahan siya. Bakit kasama nito si Arim? Alam na ba nito na ang bata ay kan'yang anak?"You're probably Arim's mother. Hi! I'm Lucas Valle." Inilahad nito ang kamay sa kan'ya.Umangat siya nang tingin.Mas lalong tumikas ang pangangatawan nito. At hindi niya rin maikakaila na angat ang pagiging magandang lalaki nito sa buong kalalakihan ng Sta. Ignacia. Paano
Read more
Kabanata 12
Paano kung ang katotohanang itinatago mo ay unti-unti nang nalalantad, haharapin mo ba ito o magpapanggap ka'ng maayos pa ang lahat?Pinili ni Lera na kalimutan ang huling tanong ni Lucas sa kan'ya bago natapos ang kanilang pag-uusap.Masuyong hinalikan ni Lera ang natutulog ng anak bago siya lumabas sa kanilang kwarto. Naabutan niya ang inang nagtutupi ng mga damit."Ipinapaalala ko lamang sa'yo Lera, hindi maganda ang mag-away sa harap ng bata."Naabutan ng kan'yang ina na umiiyak ang apo nitong si Arim at nagsumbong pa sa nangyaring pag-aaway nila ni Lucas. Kung hindi pa umiyak ang bata ay hindi pa sila matatauhan sa pagtataas ng boses sa bawat isa."Si Sir Lucas po kasi inay, pinapangunahan ako sa pagdedesisyon sa bata. Nais niya daw ipakonsulta ito sa pedia buwan-buwan.""Nakakahiya nga naman kay Sir Lucas dahil ang dami niya nang naitulong sa bata, pero wala naman yatang masama sa sinabi niya. Mabuti ng iyon nang matingnan ang bata."
Read more
Kabanata 13
Pinangarap ni Lera na magkaroon ng magandang buhay at kompletong pamilya si Arim, subalit hindi niya inaasahan na ang tunay nitong ama ang magtutupad ng kan'yang pangarap.Inilibot niya ang mga mata sa napakalawak na bungad ng mansyon. Hindi lamang mataas na bakod ang kan'yang nakikita kun'di ang mga halamang bago sa kan'yang paningin. Kilala si Ginang Juana sa pangongolekta ng mga halaman, sa wari niya'y nagmula pa ang mga ito sa ibang bansa."Ako na po." Maagap niyang kinuha sa katulong ang isang maleta na naglalaman ng damit nila ni Arim. Subalit hindi ito ibinigay sa kan'ya."Let her, Lera." Napatigil siya sa pakikipag-agawan sa katulong nang magsalita si Lucas. Sumunod siya dito sa pag-akyat sa ilang baitang na hagdan patungo sa malaking pintuan ng mansyon.Napatingin siya sa anak, na nakayakap sa leeg ni Lucas. Hindi inaalis ng bata ang tingin sa kan'ya, animo'y natatakot na iwanan niya ito.Nginitian niya ang anak at masuyong inayos ang pagk
Read more
Kabanata 14
Noon pa man, kapag nagdedesisyon si Lera ay palagi niyang pinipili kung saan ang tama at panatag ang kan'yang loob. Subalit nang dumating si Arim, inuuna niya ang makakabuti at makakapagpasaya sa anak. Ito'y kahit pa labag ang desisyong gagawin sa kagustuhan niya."Mama, gusto ko mag-sleep sa tabi ni papa." Napatigil si Lera sa pagkiliti at paghalik sa anak nang magsalita ito. Kasalukuyan na silang nasa kwarto at handa nang matulog."Tulog na 'yon baby," palusot niya kahit ang totoo'y nakita niya pa itong dumaan sa tapat ng kanilang kwarto."Pero 'di ba dapat nag-good night siya sa akin? Kasi ikaw, si lolo at si lola, tapos si Tito Mikoy gano'n ang ginagawa." Malungkot siyang napangiti nang banggitin ng anak ang kan'yang pamilya. Nami-miss niya na ang mga ito. Alam niyang labag sa kalooban ng kan'yang mga magulang, lalo na ang ama, na sa mansyon sila tumira ng anak, ngunit wala siyang magagawa. Higit pa ngayon na tila labis ang kagalaka
Read more
Kabanata 15
Ang kakaibang galak na nararanasan ni Lucas sa tuwing kasama si Arim ay nagkaroon ng mas malalim na kahulugan nang makompirma niyang anak niya ang bata.Masasabi niyang bukod sa malaking pagkakahawig nila nito, ay hindi rin marunong magtago ng sekreto si Lera. Napakadali niyang mabasa ang nasa isip nito dahil hindi ito magaling magsinungaling."Papa!" Mabilis niyang pinutol ang tawag kay Maica nang bigla ay tinawag siya ng anak, mula sa pamamasyal kasama ang kan'yang ina.Hindi niya pa nasasabi sa nobya ang katotohanang mayroon na siyang anak. Sigurado siyang magagalit ito at kahit ano'ng gawin niyang paliwanag ay hindi siya maiintindihan. Kailan ba siya inunawa ng nobya?Kinarga niya ang anak at masuyong hinalikan sa ulo. Hindi pa rin siya makapaniwalang makakaya ng isang bata na baguhin ang takbo ng kan'yang buhay."Nasaan po si mama?"Lumingon siya sa kan'yang likod at nakita doon ang balisang ina ni Arim. Inaamin niyang nakaramdam siya n
Read more
Kabanata 16
Hindi akalain ni Lera na tototohanin ni Lucas ang sinabi nitong sasama ito sa kanila ng anak sa pagbisita sa kan'yang inay at itay.Nakayuko siyang bumaba ng magara nitong kotse habang hawak ang kamay ng anak. Binilisan niya ang paglalakad upang makaiwas sa usapan ng kan'yang mga kapitbahay.Sigurado siyang anumang araw ay malalaman na din ng mga taga-Sta Ignacia na ang ama ng kan'yang anak ay ang bunso ng mga Valle. Kagaya ng panghuhusgang ginawa ni Ginang Juana sa kan'ya ay inaasahan niya nang ganito rin ang iisipin ng mga tao sa kan'ya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nais niya nang manirahan sa lungsod."Maayos ka lang ba doon anak?" tanong ng kan'yang ama habang tinutulungan niya itong magsiga ng apoy para sa pagluluto ng kanilang hapunan.Iniwan niya ang kan'yang mag-ama sa inay niya at kapatid. Kanina pa niya nararamdaman ang ilangan sa kanilang bahay dahil sa presensya ni Lucas kung kaya't minabuti niyang samahan na lamang ang ama sa pagluluto.
Read more
Kabanata 17
Kaibigang babae. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon si Lucas ng kaibigang babae maliban sa pinsan niyang si Haya. Napakaselosa ni Maica kung kaya't maging ang pagkausap niya sa kabaliktaran na kasarian ay ikinagagalit nito. Sinipat niya ang sariling repleksyon sa malaking salamin sa kan'yang kwarto. Napansin niya ang hindi maayos na pagkakatali ng kan'yang necktie kaya inulit niya ito. Makikipagkita siya sa kan'yang kapatid na si Zeus para sa business proposal na sinabi nito sa kan'ya, patungkol sa itatayo niyang negosyo sa Sta. Ignacia. "Tara na baby. Hintayin na lang natin ang papa mo sa baba." Mula sa salamin ay napatingin si Lucas kay Lera. Isang araw na din ang lumipas simula nang mapagpasyahan nila na magkasundo para sa anak. Tagumpay na hindi sila nag-away buong magdamag. "Hintayin na po natin si papa, mama." Napakamot ng batok si Lera sa sagot ng anak. Kanina pa siya naiilang na nasa kwarto siya ni Lucas habang nag-aayos ito ng sarili. Ayaw siyang
Read more
Kabanata 18
Kanina pa gising si Lera subalit ang isip niya'y lumilipad sa panibagong problema. Madali lamang sana itong desisyunan kung wala si Lucas sa eksena.Maayos niyang itinutupi ang damit nila ng anak sa laundry area ng mansyon, habang iniisip ang naging pag-uusap nila ng kan'yang amo. Binigyan na lamang siya nito hanggang bukas upang bumalik sa trabaho. Napakahaba na nang kan'yang bakasyon."Ang lalim yata ng iniisip mo. Pati underwear ni Sir Lucas ay tinutupi mo na," aniya katulong. Saka niya napagtantong hawak-hawak niya na pala ang brief nito.Nanlaki ang kan'yang mata na ibinalik iyon sa basket."Si sir ba iniisip mo?" tudyo nito sa kan'ya.Sa pananatili niya sa mansyon ay mas nakasundo niya ang mga katulong doon. Marahil na rin siguro sa pagkakapare-pareho ng kanilang estado sa buhay. Isa pa'y palagi siyang tumutulong sa mga gawain nila."Hindi, tungkol sa trabaho ko. Kailangan ko na kasi'ng bumalik kun'di sisisantihin na ako."Kinuh
Read more
Kabanata 19
Isa sa pinakamasayang parte ng umaga ni Lucas ay imulat ang mata na si Arim ang makikita.Idinantay niya ang kan'yang kamay sa anak. Hirap pa siyang idilat ang mga mata mula sa mahimbing na pagkakatulog katabi ito, ngunit isang tili ang tuluyang nagpagising sa kan'ya.Mabilis siyang napabangon sa kama nang makitang si Lera ang kan'yang kayakap at hindi ang anak. Kapwa sila nanlaki ang mata sa posisyon na nabungaran.Akala niya'y umalis na ito sa kan'yang kwarto kagabi nang makatulog ang anak, pero mukhang mali ang iniisip niya dahil katulad niya ay bagong gising ito."Nasaan si Arim?" Huli na nang mapagtanto nilang wala ang bata sa kanilang gitna.Kaagad na bumangon sa kama si Lera at hinanap ang anak sa labas. Samantalang siya nama'y nanatili sa kama. Sa dami ng katulong sa kanilang mansyon ay sigurado siyang hindi naman ito nawawala.Napagawi ng tingin niya sa unan na ginamit ni Lera. Mayroon pa'ng ilang hibla ng buhok doon. Palagian niyan
Read more
Kabanata 20
Minsan pa'y masayang manatili sa masayang parte ng buhay, subalit darating ang isang segundo na babalik tayo sa reyalidad.Hindi inaasahan ni Lucas ang pagdating ng nobya. Kanina ay kausap niya pa lamang ito sa telepono ngayo'y nasa harapan niya na.Bakas sa mukha ng babae ang pagkadisgusto sa tagpong nabungaran. Sa kabila ng namumuong galit sa dibdib ay nananatili pa din na mahinahon ang itsura nito."Tara na baby, akyat muna tayo?" Narinig niyang sabi Lera sa kanilang anak. Ipinagpasalamat niya iyon upang kahit papaano'y mabawasan ang tensyon sa pagitan nila."You appear to be having a good time here," sarkastikong pagkakasabi ni Maica habang sinusundan ng matalim na tingin si Lera."Maica, it's not what you think." Nilapitan siya ni Lucas subalit umatras ito ng isang hakbang."After seeing you laughing with a woman and a child who look exactly like you, what do you think I'm thinking?""Let me explain, babe." Napahinga nang malalim
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status