All Chapters of Seducing My Baby's Father : Chapter 61 - Chapter 70
85 Chapters
Kabanata 60
Isang malamig na baso ng alak ang nilagok ni Lera habang sinusundan ng tingin si Lucas palabas ng bar. Nakatanggap ito ng tawag kaya sandali munang iniwan silang apat sa pabilog na sofa.Padabog niyang inilapag ang baso sa lamesa pagkatapos ay kinuha ang bote ng alak upang sana’y inumin pero wala na itong laman. Hindi lang iyon kun’di lahat ng boteng nasa lamesa. Higit tatlong oras na silang nag-iinom kaya hindi na iyon nakakapagtaka.Sumimangot siya kay Jervy.“Ubos na, Jervy.” Ang kan’yang panalita ay hindi na malinaw, indikasyon na nasa wisyo na siya ng alak.Marahas na kinuha ni Maris ang bote sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit halos ito pa ang walang pakundangan na um-order ng alak sa kanila, gayong hindi naman ito mahilig uminom. Hindi niya rin gusto na hinayaan ito ni Lucas na magpakalasing.Masamang tingin ang ipinukol ni Lera kay Maris. Kung hindi sana nito inimbitahan si Lucas ay hindi siya iinom nang ma
Read more
Kabanata 61
Ang pamilyar na amoy ng lalaki ang nagpamulat kay Lera sa malalim na pagkakatulog. Mabilis siyang bumangon nang maalala ang nangyari kagabi. Dahan-dahan siyang lumingon sa tabi at nakahinga nang maluwag nang makitang wala na doon si Lucas.Napatingin siya sa ilalim ng kumot at napagtantong suot niya ang damit ni Lucas. Malaki ito kaya natatakpan ang boxer shorts na isunuot din ng lalaki sa kan'ya bago ito tumabi sa kan'ya sa pagtulog kagabi. Hindi niya iyon maalala dahil mabilis siyang nakatulog sa pagod at pagkalasing.Napatingin siya sa kan'yang teleponong nasa side table. Kinuha niya iyon at bubuksan sana nang makarinig ng kaluskos mula sa pintuan. Mabilis siyang bumangon at nagtungo sa banyo.Siguradong tandang-tanda pa ni Lucas ang nangyari kagabi. Kung paano niya hinila ang lalaki dahilan upang may mangyari sa kanila."Lera?" Napapitlag siya nang kumatok ito sa pintuan ng banyo. Dali-dali niyang binuksan ang shower upang magmukhang naliligo siya. Tu
Read more
Kabanata 62
Ano nga ba ang pakiramdam ng nililigawan? Paano ba ito ginagawa? Palagi ba’ng nagbibigay ng bulaklak at tsokolate ang lalaki sa babae o may iba pa’ng mas nakakakilig na paraan upang ipadama sa nililigawan mo na seryoso at totoo ang nararamdaman mo para sa kan’ya?Muling binura ni Lera ang ginagawang report sa kan’yang laptop. Hindi siya makapag-pokus dahil naglalaro sa kan’yang isipan ang binitiwang salita kahapon ni Lucas.Pinapatigil nitong manligaw si Jervy sa kan’ya gayong simula’t sapol ay wala pa’ng nanliligaw sa kan’ya. At ayaw nitong may karibal. Karibal saan? Sa panliligaw ba?Ano ba’ng alam ni Lera sa panliligaw? Simula nang magkaroon siya ng anak ay ibinuhos niya na ang lahat ng pagmamahal dito at ‘ni minsan ay hindi sumagi sa kan’yang isipan ang magkaroon ng nobyo.Subalit kung totoo man na manliligaw si Lucas, hindi ba dapat ay masaya siya? Dahil ibig sabihin lamang nito
Read more
Kabanata 63
Sabi nila, ang pagmamahal ay dumarating sa panahon at taong  ‘di mo inaasahan.Nakakailang hikab na si Lucas subalit pilit niya pa din nilalabanan ang antok. Marami pa’ng papeles ang nakatambak sa kan’yang lamesa na kailangan niyang review-hin.“Yes?” Nanatiling tutok ang kan’yang mga mata sa ginagawa nang sagutin ang kumakatok sa pinto.Iniluwa nito si Lera na may dalang kape. Mabilis niya itong binalingan ng tingin.Kailan ba nagsimulang magbago ang paningin niya sa babae? Hindi niya matandaan. Basta ang alam niya lang kapag nasa paligid ito ay kusang napupunta dito ang buong atensyon niya.Inilapag ni Lera ang kape sa lamesa.“Thank you.” Wala siyang matandaan na humingi siya ng kape dito, pero kailangan niya ito ngayon upang ipanglaban sa labis na pagkaantok.Sumimsim siya. Sigurado siyang hindi pa iyon umeepekto pero nawala na ang antok niya. Dahil ba iyon sa presensya ng magan
Read more
Kabanata 64
Mahirap para kay Lera na akitin ang isang Lucas Valle. Makailang ulit niyang naisip na umatras sa plano dahil pakiramdam niya’y magmumukha lamang siyang tanga. Para sa kan’ya, mataas si Lucas, hindi ito kailanman mahuhulog sa patibong niya. Gayunpaman, itinuloy niya ang balak. Subalit sa proseso ay mas lalo niyang nakilala ang lalaki, may kabutihan itong taglay. Mabait at maunawain na tagapamahala sa sakahan, isang masipag at tapat na kasosyo sa negosyo, at higit sa lahat, mabuting ama para kay Arim.Tumigil ang mundo ni Lera nang marinig niya ang katanungan nito. Hindi pala ang pang-aakit sa isang Lucas Valle ang mahirap kun’di ang pagsagot sa tanong nito.Hindi lang siya basta gusto ng binata, mahal na siya nito. Nakalimutan niya na yata ang nasa kan’yang plano na kapag nangyari ang bagay na ito ay walang pag-aalinlangan siyang sasagot ng ‘oo’.“Ang bilis naman yata, Lucas.” Sa wakas ay nagawa niyang magsalita.
Read more
Kabanata 65
Ano ang mas matimbang ang noon o ang ngayon?Tulalang hinahalo ni Lera ang kan’yang kape sa pantry ng opisina. Sasapit pa lamang ang tanghali subalit hindi niya na kayang labanan ang antok.“Lera.” Pinalakas yata ng kape ang nerbyos niya nang marinig ang boses ni Lucas sa kan’yang likod.Kagaya niya ay nangangalumata ito. Hindi rin ba ito nakatulog kagabi?Ang kan’yang katanungan ay nasagot nang sabay silang humikab. Hindi napigilan ni Lucas ang mapangiti nang mapansin iyon. Si Lera nama’y yumuko at dali-daling binitbit ang kape upang sana’y lumabas na nang pigilan siya ng lalaki.“Iniiwasan mo ba ako?”Nakakatawang isipin na si Lera ang unang nagpakita ng motibo ngunit nang pinatulan na siya ay siya na itong umaatras.Para ba’ng pinahulog ka lang tapos n’ong hulog na hulog ka na basta ka na lang iiwan.“H-hindi. May gagawin pa kasi ako.”&ldqu
Read more
Kabanata 66
Marami ang nagbago matapos umamin si Lucas kay Lera. Sa pagdaan ng mga araw ay tinupad nito ang pangakong hihintayin ang babae hanggang sa matanggap na nito ang pag-ibig niya.Napabuntong-hininga na lamang si Lera nang makita ang lunch box sa kan'yang lamesa sa loob ng opisina. Ilang araw na siyang ipinaghahanda ng pagkain ni Lucas subalit naninibago pa din siya. Alas-dose na, lunch time, kaya kinuha niya na iyon at dinala sa receiving area kung saan naghihintay si Maris.Mag-iisang linggo nang wala si Lucas sa opisina dahil abala itong asikasuhin ang farm, bagay na pabor sa kan'ya.Binuksan niya ang lunch box at hindi napigilan ang ngumiti nang makita ang bagong putahe na niluto ni Lucas para sa kan'ya. Alam niyang ito ang nagluluto dahil makailang ulit niya nang naabutan ito na abala sa kusina at maaga pa'ng magising kumpara sa nakasanayan nitong oras sa umaga.Nasabi na noon sa kan'ya ni Lucas na nag-aral itong magluto para sa kanilang ana
Read more
Kabanata 67
Pag-aalala, isang pakiramdam ng pangangamba na mararamdaman mo lang para sa taong sa buhay mo ay mahalaga.Matapos ihatid si Arim sa mansyon ay nagtungo si Lera sa farm. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan upang sundan si Lucas doon. Madilim na subalit wala pa din ito sa mansyon at wala din ipinadalang mensahe sa kan'ya.Ilang metro ang layo sa farm ay natanaw niya ang sasakyan ng lalaking sadya. Nakita niyang sumakay ito sa kotse, subalit hindi ito nag-iisa. May kasamang babae na sumakay din sa shotgun seat. Hindi niya iyon namukhaan.Mabagal na umandar ang sasakyan. Hindi siya nagdalawang isip na sundan ito."I'll wait for you, Lera." Wala sa sariling ginaya niya ang sinabi sa kan'ya noon ni Lucas. Hindi niya na makontrol ang kakaibang emosyon na naglalaro sa kan'yang damdamin. "Manloloko! Hindi ako mahuhulog sa patibong mo. Akin ang panalo sa laban na ito, hindi sa'yo." Humigpit ang kapit niya sa manibela na para ba'ng si Lucas
Read more
Kabanata 68
Paano mo kokontrolin ang puso kung taliwas ito sa sinasabi ng isipan?Hindi malaman ni Lucas kung paano papatahanin si Lera. Maingat niyang pinunasan ang luhang nag-uunahan sa pagtulo sa pisngi nito. Subalit hindi iyon matapos-tapos dahil napapalitan din ito ng bago."Kung hindi ko iyon ginawa baka isang pamilya na ang nawalan ng ama." Alam niyang ikakapahamak niya ang pagsangga ng patalim na sana'y tatama sa kan'yang magsasaka subalit hindi niya iyon pinagsisihan dahil kagaya ng kan'yang ama, labis ang pagpapahalaga niya sa mga trabahador nila."Alam ko, pero paano naman kami?" Ang mga mata ni Lera ay puno ng luha na animo'y nagsusumamo.Binalot ng kakaibang emosyon ang puso ni Lucas. Totoo nga na nag-aalala ang babae sa kan'ya. Masuyo niyang ikinulong ang mukha nito sa kan'yang magkabilang palad."I won't do that kung alam ko'ng ikakamatay ko. Malayo ito sa bituka. Pangako, hindi na ito mauulit. Tumahan ka na. Hindi ako mawawala sainyo."M
Read more
Kabanata 69
Hindi magkandaugaga si Lera sa pag-aayos ng gamit na kakailanganin ni Arim para sa foundation day sa paaralan nito. Magkahalong excitement at kaba ang kan'yang nararamdaman. Ito ang unang beses na makikita niyang mag-perform ang anak sa harap ng maraming tao.Lumubog ang parte ng kama kung saan niya inaayos ang bag na dadalhin. Umupo doon si Lucas at itinukod pa ang dalawang kamay sa likod habang mataman siyang pinagmamasdan sa ginagawa. Na-di-distract si Lera pero pinilit niyang huwag itong tingnan."Hindi mo naman siguro pinapalayas ang anak natin n'yan, 'di ba?" biro nito na ikinairap niya lang."Baka naman pagbabakasyunin mo si Arim para masolo mo ako."Sinalubong niya na ang titig nito at binato ng damit na hawak niya.Nang mga nagdaang araw ay nagagawa na nilang magbiruan sa bawat isa. Habang tumatagal ay gumagaan ang loob ni Lera para dito subalit hangga't maaari ay pilit niyang ipinapaalala sa sarili ang sinapit ng ama."Tulungan mo
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status