Semua Bab Pretty You: Bab 51 - Bab 60
79 Bab
Chapter 51
  one year later… “Oh, kumusta ang pag-a apply ng visa?” bungad sa amin ni Felize pagkapasok namin sa loob ng starbucks. Kasama ko si Liam ngayon. Kagagaling lang namin sa US Embassy para mag-apply ng visa. Pagod akong umupo, ganoon din si Liam. Mukhang sumakto sa break time ni Felize ang pagpunta namin dito kaya naman narito siya ngayon sa harapan namin at pinagmamasdan kaming dalawa ng kuya niya. “Ano, denied ba?” Bumuntong-hininga siya at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito nang marahan. “Okay lang iyan, Leah. Pangalawang beses niyo palang naman ni Kuya mag-apply. Nasabi niyo na ba kay Tita Anna na denied ang visa niyo?” tanong niya. Ang Tita Ana na kaniyang tinutukoy ay ang tutulong sa amin kapag nakarating na kami ni Liam sa US. Ngayong araw kami bumalik sa embassy para subukan ang suwerte namin. “Joke! Approved ang visa namin ni Liam papunta sa US!” tuwang sambit ko sa kaniya.
Baca selengkapnya
Chapter 52
  “Wala na bang ibibilis iyang pagkilos mo, Leah?” reklamo ni Felize sa akin. Kasalukuyan akong nagsusuot ng rubber shoes nang dumating siya sa labas ng bahay namin. Kinailangan ko pang magmadali sa pagsisintas ng sapatos ko para lang mapagbuksan siya ng gate. “Sa biyahe ka nalang kay magsuklay. Kaloka ka. Kahit naman yata magmukha kang sinabunutan, maganda ka pa rin. Tama na ‘yan.” Mabilis niyang kinuha ang suklay sa kamay ko at hinagis sa sofa namin sa sala. Nagmadali kami sa paglabas ng bahay at tumakbo patungo sa labasan. Lahat ng tao sa bahay ay tulog pa. Wala man lang yatang nagising kahit noong nag-aasikaso ako. Ganoon din yata sa kanila. Tahimik pa ang buong kalsada. Konting sasakyan lang ang dumadaan. Paisa-isa at mga truck pa. “Paano tayo makakarating sa venue? 2:30 na,” kabadong tanong ko. Bumaling siya sa akin at ngumisi. “May solusyon na ako para riyan. Siyempre, bago pa ako pumunta sa inyo, tumawag na ako sa isang ta
Baca selengkapnya
Chapter 53
  *warning: a bit of spg* Wala akong naging reaksiyon sa ginawa niyang pagbati sa akin. Kahit na kinakabahan ako, buo ang loob ko na ipakita na hindi ako apektado sa kaniyang presensiya. “Hindi mo man lang ba ako babatiin pabalik, Miss Rivera?” Umayos ako sa pagkakaupo at tumingin sa kaniya nang diretso. “Hi? Hello. Alin ba ang mas gusto mo?” tanong ko sa kaniya. Pilit akong ngumiti. Pagkatapos ay ibinaling ko na sa ibang bagay ang aking paningin. “Mukhang magkakilala naman silang dalawa. Feeling ko okay naman silang maging extra sa eksena na ito.” Kahit naririnig ko ang pag-uusap ng mga staff, hindi ko na sila pinansin pa. Kapag ngingiti sila sa akin, gaganti rin ako ng ngiti. Wala akong ibang gusto sa oras na ito kundi matapos na para makauwi na ako at makapaggayak para sa susunod kong trabaho. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Felize na nakangiti sa akin. Naka-thumbs up pa ito sa akin. Pinaning
Baca selengkapnya
Chapter 54
 “Leah, okay ka lang ba?”Marahan akong umayos sa pagkakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan ni KD at bumaling kay Felize.“Oo naman,” tipid kong sagot na sinamahan pa ng marahang pagtango.Dahil sa shotgun seat siya nakaupo, nakadungaw siya ngayon sa akin at pinagmamasdan ang reaction ko.“Mukhang hindi ka naman okay. Galit ka ba sa akin dahil sa ginawa ko kanina?”Tipid akong ngumiti sa kaniya.“Hindi ako galit. Inaantok lang ako. Gusto ko pang matulog. Ano kaya kung umabsent ako ngayon? Tutal naman, malaki ang kita ko roon sa pag-aasikaso kay Kyline. Isa pa, inabutan din ako ng staff kanina para sa pag-extra ko sa eksena.”Naningkit ang mga mata ni Felize.“Sigurado ka ha?”Tumango naman ako.“Hindi ka talaga papasok sa trabaho mo?”Sa nangyari sa amin ni Leander kanina sa garden, pakiramdam ko nagulantang ang buong pagka
Baca selengkapnya
Chapter 55
 “Naks, naman! Sikat na ang best friend ko. Kapag naging artista ka, gawin mo akong PA ha?”Inirapan ko si Felize nang marinig ang kaniyang sinabi. Kapapasok palang niya sa loob ng bahay namin, ganoon agad ang bungad niya. Sa kaniyang likuran ay naroon si Liam na tahimik lang na nakamasid sa akin. Dumiretso sila sa sala kung saan naroon ang buong pamilya ko.“Wow, ano ‘to, meeting?” pang-aasar ni Felize.Pagkalapit niya sa akin, mabilis kong kinurot ang kaniyang tagiliran.“Problemado na nga ako, andami mo pang sinasabi.”Si Liam naman ay tipid na ngumiti sa akin at umupo sa tabi ni Papa. Tinapik ni Papa ang kaniyang balikat bago sila sabay na nag-angat nang tingin sa akin.“Paano na iyan, ate? Sikat ka na. Paniguradong maraming lalapit sa’yo para interview-hin ka. Kaya mo ba ‘yon?”I think this is really the curse of being pretty. Iyong wala ka namang gina
Baca selengkapnya
Chapter 56
 “Grabe ang ganda niya, hindi siya bagay maging taga-linis lang.”Umagang-umaga, kapapasok ko palang sa trabaho, iyan agad ang bungad sa akin ng mga  nagtatrabaho sa kompanyang pinapasukan ko bilang janitress. Lahat ng dadaan sa akin ay ngumingiti o hindi kaya ang iba na malakas ang loob ay bumabati pa.“Do you know her name?” Dinig kong tanong ng isang lalaking empleyado sa kasama nito.“Sa pagkakaalam ko, Leah raw. I don’t know about her surname.”“Grabe, totoo pala ang balita sa TV. Talagang maganda siya. Not a joke pare. How come na isa lang siyang janitress?”I bit my lower lip and focused my attention in cleaning the floor.“Based on my source, she’s working multiple jobs. Hindi ko nga lang alam kung anong mga trabaho iyon.”Through my peripheral, nakita kong napailing ang lalaking habang nakamasid sa akin.“She must be really
Baca selengkapnya
Chapter 57
 Maraming nagtangka na interview-hin ako pero ako na mismo ang tumanggi. Malinaw kong paliwanag sa kanila na wala akong intensiyon na makilala pa ng mga tao at sa simpleng pagkilala nila sa akin ay masaya na ako. Pero may isang pangyayari na siyang mismong nagpabago sa aking isip nang minsang may isang babaeng lumuhod sa harapan ko at nakiusap na pumayag akong maging model ng brand ng isang damit. Nagmakaawa ito na tanggapin ko ang kaniyang alok dahil kung hindi ay patatalsikin siya sa trabaho ng kaniyang boss. Hindi naman ako ganoon kasamang tao para tanggihan ito lalo na at lumuhod pa ito sa harapan ko.“Sa tingin mo, tama ang ginawa kong pagpayag?” tanong ko kay Felize habang kumakain kami ng chips dito sa court. Dahil wala na akong trabaho sa gabi, nakakasabay ko na sa pag-uwi si Felize. At marami na kaming oras para magkuwentuhan.“Pakiramdam ko naman, tama lang iyon. Kasi kung tinanggihan mo siya sa harap ng mga press, paniguradong
Baca selengkapnya
Chapter 58
 “Teka, kaya ba nandito yung current girlfriend ng ex mo, kasi magkasama kayo sa iisang shoot?” tanong sa akin ni Felize.Kibit-balikat naman ang sinagot ko sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam. Hindi ko nga akalaing magkikita kami nito. I thought it would be me and the photographer. Pero nang makita ko si Ellaine naramdaman ko agad na hindi pala ako ang importanteng tao ngayong araw rito kundi siya. Siyempre, bukod sa isa siyang modelo, artista rin siya. Kilala ng mga tao. Mas kilala sa akin. Sino ba naman ako kumpara sa kaniya?Pagkarating namin sa floor kung saan magaganap ang shoot, nakita namin ang dalawang kasama ni Ellaine kanina sa labas ng studio. Nang makita kami nito ay agad itong ngumiti at lumapit sa akin. Bakas ang excitement sa kanilang mga mata habang hawak ang kani-kanilang mga cellphone.“Miss Leah, puwede po bang pa-picture? Grabe, idol ko po talaga kayo. Ang ganda-ganda po ninyo.”Ngumiti ako sa kani
Baca selengkapnya
Chapter 59
  Bahagya akong napaatras nang humakbang pa siya palapit sa akin. “Hindi mo ba nakikita? This is a women’s comfort room. Bakit ka nandito? Lumabas ka nga!” My voice is low pero mariin ang pagkakabanggit ko ng bawat salita. Imbes na mahiya siya sa ginawa niya, pinagtaasan niya lang ako ng kilay na wari ba’y enjoy na enjoy siya na nakikitang kinakabahan ako. “What happened to you a while ago, Leah? You seemed fine when I wasn’t inside the room. Bakit noong dumating ako, bigla ka nalang nawala sa focus?” Naningkit ang aking mga mata. “Excuse me? Sinasabi mo bang dahil sa’yo kung bakit panay ang pagkakamali ko kanina?” He smirked and nodded. Nilagay niya pa ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang kamay sa kaniyang bulsa at tumayo nang maayos. “Bakit, hindi ba?” Nang marinig ko ang sagot niya ay natawa ako. “Masyado ka ring bilib sa sarili mo, ano? Hindi ba puwedeng masama lang talaga ang pakiramdam ko k
Baca selengkapnya
Chapter 60
 “Ano ulit iyong sinabi mo? Nabibingi yata ako,” nagawa kong itanong iyon habang naglalakad palapit sa kaniya.Nginisihan ko pa siya.“Are you kidding me? Paano mo nasasabi iyan sa harap ng pamilya ko?”Hindi man lang ba siya nahihiya sa mga magulang ko? Is he playing with me?Nang tumayo siya ay seryoso ko siyang tiningnan nang diretso sa kaniyang mga mata. I studied his expression. He seemed joking. He’s aura and expressions are both serious. Teka-teka nga, anong nangyayari rito? In the very first place bakit siya narito sa bahay namin, kaharap ang mga magulang ko at ngayon sinasabihan niya akong kailangan ko siyang pakasalan?“Oh, come on, Leah. Kailangan pa ba nating itago ito? Nag-usap tayo hindi ba, ang sabi mo, hahanap ka lang ng tiyempo. Ang sabi mo, sasabihin mo sa kanila na… na buntis ka. At ako ang ama ng batang dinadala mo.”Parang nag-lag bigla ang utak ko nang marini
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
345678
DMCA.com Protection Status