Semua Bab Pretty You: Bab 31 - Bab 40
79 Bab
Chapter 31
 “Alam mo, hindi ko alam kung talagang malas lang ako sa pag-ibig o talagang ayaw pa ng tadhana na magmahal ako. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin. The last time I fell in love back when we were in college was with Julian. It was painful when he left me without saying anything. Ngayon namang nagkaroon ako ulit ng interes sa pag-ibig, nagkataon namang hindi rin puwede dahil sa pagkakaiba ng estado namin sa buhay. Mayaman siya, mahirap lang ako. I have to strive hard para magkaroon ako ng matinong sahod para masuportahan ang pamilya ko lalo na ang mga kapatid ko. Pero siya, he can do anything he want because he has money.”Humugot ako ng malalim na hininga, pinipigilan ang aking sarili na muling umiyak. Dahil ayaw kong pumasok sa loob ng bahay, ipinaalam nalang niya ako sa aking mga magulang na maglalakad-lakad muna kami sa court. Sakto at gabi na rin, kaya wala nang tao roon. Ngayon, nakaupo kami sa damuhan. Yakap-yakap ko ang aking dala
Baca selengkapnya
Chapter 32
 Napatitig din ako kay Leander pero agad ding nakabawi nang marinig ko ang boses ni Liam na tinatawag ang pangalan ko.“Of course, I’d be happy. He’s my friend.”Mabilis akong tumalikod at naglakad palapit kay Liam.“Anong ginagawa mo rito?” excited na tanong ko.Sandaling tumingin sa akin si Liam, pagkatapos ay bumaling sa taong nasa likuran namin. Kumunot-noong muli akong bumaling sa aking likuran. My eyes widened a bit when I saw his Boss.“Don’t tell me, kasama kayo sa Ilocos?”Liam smiled.“That wasn’t the original plan. Nabigla lang din ako sa tawag ni Boss kanina. Dapat siya lang talaga ang sasama sa inyo.”Sa totoo lang, hindi ko naman alam na sasama ang boss niya. Kahapon, ang sinabi ni Leander ay may kakausapin siyang makakasama namin sa business trip na ito.“Kayo po ba ang nakausap ni Sir Leander kahapon na makakasama n
Baca selengkapnya
Chapter 33
 “Sa wakas, nasa Laoag na rin tayo. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta rito sa lugar na kinalakihan ko.” Dinig kong sambit ni Mr. Prieto pagkasakay namin sa white minivan na minamaneho ng isang unipormadong lalaki.Dahil nasa likuran ako ng driver nakapuwesto, bahagya kong sinilip ang sleep ng kaniyang suot na uniform.Java Hotel? Ah, this guy must be working in Java Hotel. Nagmadali akong kinuha ang phone ko sa bulsa ng aking bag at nagtipa sa search box. My lips formed an “o” when I saw that photo of the hotel.Marahan kong kinalabit ang katabi ko sa pag-aakala kong si Liam iyon. Ipapakita ko sana sa kaniya yung kuwarto at yung scenery ng hotel kaso nakalimutan kong sa likuran pala sumakay si Liam at ngayon, ang katabi ko ay walang iba kundi si Leander na mukhang kanina pa pinagmamasdan ang ginagawa ko.Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Nang matauhan ako ay agad akong umiwas nang tingin s
Baca selengkapnya
Chapter 34
 “Eh paano nga kung gusto ka niya? Ayaw mo iyon, modelo ang nagkakagusto sa’yo?”Hindi ko tinigilan si Liam hangga’t hindi siya napipikon sa akin. Malalaman ko lang iyon kapag pinalayas niya na ako sa kaniyang kuwarto. Pero nakaupo pa rin siya at patuloy na nagre-reply sa mga emails sa kaniyang laptop.“Kung totoo man iyon, edi ang malas ng ex-boyfriend mo. Hindi siya gusto ng ka-date niya.”Pinaningkitan ko siya ng mata.“Excuse me? Hindi ko siya naging boyfriend,” reklamo ko sa kaniya.He looked at me and smirked.“But almost, right?”Dahil sa sinabi niya ay napairap ako.“Whatever, Liam.”“Parang kahapon lang umiiyak ka ah. In fairness, ang bilis mo mag-move on.”Tumihaya ako ng higa sa kama at napatitig sa kisame ng kuwarto. Mukha bang mabilis akong maka-move on? Mukhang okay na ba ako ngayon? O magaling lang akong
Baca selengkapnya
Chapter 35
  Dahil sa pag-aakalang mababaw lang ang tubig ng pool, tumalon ako. Pero maling desisyon pala iyon. Pagbagsak ko sa tubig, agad na sinubukang abutin ng paa ko ang sahig ng pool, pero hindi ko ito maabot. My estimation was wrong. Mali ako nang akala. Sa pagkakataong iyon, hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-panic. Hindi naman ako noon takot sa tubig. Nagagawa ko pang sumali sa swimming contest noong unang taon ko sa highschool at sa mga sumunod pa. Pero magmula nang mawala si Chase, hindi ko alam kung bakit nawala na rin ang kakayahan kong lumangoy. Hindi ko magawang lumangoy ngayon. I don’t know if I can save myself. Patuloy lang ako sa pagbulusok sa ilalim ng pool. Ilang sandali pa ay naramdaman na ng paa ko ang sahig nito. I tried to open my eyes and look around. Baka sakaling mayroon akong makita na puwedeng kapitan. Pero wala, nasa gitna yata ako ng pool napunta.Ilang sandali pa ang lumipas, naramdaman kong unti-unti na akong kinakapo
Baca selengkapnya
Chapter 36
 Sinubukan kong matulog nang gabing iyon. Pero kahit anong pikit ko. Kahit anong subok ko, hindi ko magawa. Nakapatay na ang ilaw sa loob ng kuwartong tinutulugan ko nang magdesisyon akong bumangon para magtungo sa switch para mabuksan ang ilaw.Pagkasindi niyon ay agad akong bumaling sa wall clock ng kuwarto.11:45 Malapit na maghating-gabi pero gising na gising pa rin ako. Humugot ako malalim na hininga bago muling naglakad pabalik sa kama at umupo roon.I should’ve been sleeping and resting for tonight. Bukas ay kailangan naming umalis para pumunta sa meeting na naka-schedule para kay Leander kasama si Mr. Prieto. Hindi naman ako puwedeng magmukhang lutang bukas. Mahirap na dahil baka mapagalitan pa ako. Kanina, nakita ko kung paano pagtaasan ni Leander ng boses iyong babae.Muli akong humiga at sinubukang matulog pero wala pa rin. Muli akong bumuntong-hininga at pagod na bumangon sa kama. Dire-diretso akong naglakad
Baca selengkapnya
Chapter 37
 “Nakatulog ka ba nang maayos kagabi? Gusto ko sanang puntahan ka, kaso naisip ko ring baka mas gusto mong mag-isa?”Nakangiti akong bumaling kay Liam at marahang tumango. Narito kami sa isang beach ngayon. Katatapos lang ng meeting ni Mr. Prieto at ng boss kong si Leander kasama ang kanilang business partner na taga rito sa Ilocos. Hindi na namin inaksaya ni Liam ang pagkakataon. Agad kaming nagpaalam sa dalawa, para makapaglibot kami sa paligid. Hanggang sa nakarating kami sa dalampasigan. Sa buhanginan kami nakaupo ni Liam habang nakatanaw sa karagatan. Mabuti nalang at maulap ang kalangitan at mahangin ang paligid.“Nag-alala ka ba sa akin?” mapang-asar na tanong ko sa kaniya. Matagal siyang tumitig sa akin saka ngumiti.“Ako? Mag-aalala sa’yo?” Tumawa siya bago tumingin sa karagatan.“Bakit? Hindi ka talaga nag-alala? Muntik na akong—”“Sobra akong nag-alala, Leah,&
Baca selengkapnya
Chapter 38
 Nanatiling nakangisi sa akin si Liam habang mabagal na pino-proseso ng utak ko ang tanong niya.“Ano? Anong bagay tayo?” Hindi ko mapigilang kabahan nang bahagya sa kaniyang tanong.Matagal siyang tumitig sa akin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, unang beses na tumibok nang ganito ang puso ko. Bakit parang kinakabahan ako?Tumikhim ako at sinalubong ang kaniyang tingin. Ngumiti naman siya at nagkibit-balikat. I admit, minsan ay pakiramdam ko nagiging crush ko si Liam, lalo na noong mga bata pa kami. Pero hindi naman ako nakaramdam ng ganito. Hindi kaya…may sakit ako sa puso? O abnormal lang talaga ang tibok nito ngayon?“Hindi ba, doon sa logic ng statement mo, parang sinasabi mo na maganda at guwapo ang bagay sa isa’t isa. Grabe ka, Leah. Paano na yung mga hindi gaanong nabiyayaan ng hitsura? Ibig sabihin hindi sila puwedeng mag-asawa o magkaroon ng partner na guwapo o maganda?”Ha? Ano raw? Paano
Baca selengkapnya
Chapter 39
 Pagkarating ko sa tennis court, agad akong nagtaka dahil walang tao roon pero bukas ang ilaw sa palibot nito. Dahan-dahan akong naglakad hanggang makarating ako sa isang bench.Mayroong mga nakalapag na raketa roon at bola. May mga bottled water din na may bawas na. Nasaan ang mga tao rito? Mukhang kaaalis lang ng mga ito. Sa hindi kalayuan ay may taong nagwawalis.Naglakad ako palapit doon upang magtanong.“Ah, Manong. Maaari po bang magtanong?”Huminto ito sa kaniyang ginagawang paglilinis upang lingunin ako. Nakita ko ang bahagyang paglaki ng kaniyang mga mata. Mukhang nagulat yata ito nang makita ako.“Ano iyon, hija?”Ngumiti ako rito.“Wala na po ba ang mga naglalaro rito?”Inilibot niya naman ang kaniyang paningin sa paligid.“Narito lang sila kanina. Hindi ko napansin na umalis sila dahil marami akong nililinis sa likurang bahagi nitong court.”
Baca selengkapnya
Chapter 40
 Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay huminto ang aking mundo nang makita kong magkalapat ang kanilang labi.“Leah!” Dinig kong pagtawag ni Leander sa pangalan ko.Naririnig ko ang ingay sa palagid ko, ang nakapagtataka lang ay kung bakit na-stuck ang katawan ko sa kinatatayuan ko. At ang aking tingin ay hindi ko maalis kina Liam at Maureen.“Leah!” Mas malapit na ngayon si Leander sa akin. Nang hawakan niya ang aking balikat ay saka ako nakagalaw.“Leah, what’s wrong?” kunot-noong tanong niya. Mukhang narinig ni Liam iyon kaya agad niyang hinawakan si Maureen sa magkabilang balikat nito at saka mabilis niyang inilayo ito sa kaniya. Nanatili ang kaniyang tingin sa akin habang inaalalayan si Maureen.“Bakit, Liam? Bakit? Hindi mo ba ako gusto?” tanong sa kaniya nang lasing na si Maureen.Hindi lang ako ang napatingin sa kanila, kundi pati si Leander.
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234568
DMCA.com Protection Status