Lahat ng Kabanata ng My Love From The Past: Kabanata 11 - Kabanata 20
28 Kabanata
Kabanata XI
"Señorita, gumising na po kayo." Pangbubulabog ni Perlita sa mahimbing kong tulog. Kinuha ko ang unan at tinakip sa ulo para hindi marinig ang boses niya. Sandaling nagkaroon ng katahimikan pero ilang minuto ang lumipas ay niyugyog niya ako. "Señorita, kailangan mo na bumangon dahil magsisimba pa kayo ni Señora Rosario.” “Siya na lang. Antok na antok pa ako.” Sagot ko habang inaalis ang kamay niya sa braso ko. “I need my beauty sleep.” “Paumanhin Señorita ngunit hindi ko maintindihan ang iyong tinuran.” Rinig kong sabi ni Perlita kaya naman bumangon na lang ako dahil wala ako sa mood mag-explain.  Hindi ko napigilang taasan ng kilay si Perlita nang bumangon ako. Mayroong tipid na ngiti sa kanyang mga labi na para bang masaya siyang hindi nahirapan sa paggising sa akin. Wala akong nagawa, pumunta lumabas na ako ng kwarto para pumuntang banyo at mal
Magbasa pa
Kabanata XII
 Hindi na ako nagpakalayo layo dahil hindi ko naman alam ang pasikot sikot sa panahong ito at wala akong dalang pera. Naupo ako sa isang bench at pinagmasdan sila mula sa malayo. Mas mabuti na lumayo ako, ayoko namang masira ag date ni Ate Amor dahil sa pagiging negative ko.  Masaya silang apat habang kumakain ng mais. Lalo na si Magnus at Soledad na nagsusubuan ng mais, wala palang dapat na ipag-alala. Kung ibang tao ang makakakita, mapagkakamalan silang mag-jowa. Kawawang Lucia. Unti unting dinurug ni Magnus ang puso niya sa mga kinikilos nito. Gusto niya sigurong si Lucia ang sumuko para ihinto ang kasal nila. Sa ganoon, hindi lalabas na mayroong babaeng involve at mababansagang walang isang salita ang ga De Silva. Tumalim ang tingin ko kay Magnus na sandaling napadako ang tingin sa akin. Hindi ko napagilang mapangisi nang magtama ang tingin namin. “Sorry pero hindi
Magbasa pa
Kabanata XIII
Isa isa kaming pinababa ni Magnus ng kalesa. Nakahandusay sa sahig ang kutsero, hindi ko malaman kung patay na ba ito o pinatulog lang nila. Sinadya kaming paghiwalayin dahil alam nilang mas susunod si Magnus sa kanila, kung hawak nila ako. Napailing nalang ako, kung alam lang nilang hiniling ng lalaking ito na mamatay na ako, masisira ang plano nila.   Ginapos nila ang mga kamay ni Magnus habang ako naman ay mayroong dalawang bantay. "Bakit hindi niyo ako ginapos?" Tanong ko na kinagulat ng mga lalaking dumudukot sa amin lalo na ni Magnus.   Sa lahat ba naman kasi ng kinidnap, ako pa ang naghanap ng gapos. Hindi ko fetish 'yun, nakakapagtaka lang na dalawang bantay ang kasama ko habang tatlo naman ang kay Magnus. Partida, nakagapos pa 'yun pero mas marami pang nakabantay sa kanya.   Pinanlakihan ako ng mata ni Magnus at sinenyasang tumahimik. Tinaasan ko lang siya ng kilay, "Nagtatanong lang naman ako." Sagot ko. 
Magbasa pa
Kabanata XIV
Lucky’s POV    Nagising ako nang maramdamang mayroong humahaplos sa mukha ko. Agad kong napabalikwas mula sa pagkakahiga at tinakip ang kumot sa katawan ko. “Nasaan ako?” Tanong ko at ginala ang paningin sa paligid.   “Señorita Lucia, narito ka sa iyong silid.” Sabi ni Perlita habang inaalalayan akong mahiga muli sa kama. “Hinatid ka ng mnga tauhan ni Señor Lolinito matapos mahuli ang mga dumukot sa iyo.”   Doon lang bumalik ang alaala ko. Hinimatay pala ako nang dumating ang ama ni Lucia. Hindi ko akalaing bibigay ang katawan ni Lucia nang ganoon na lang. Mukhang hindi siya sanay magbanat ng buto, sa bagay may sarili nga siyang tomataban, ano pa bang aasahan ko sa kanya.   “Kamusta na ang iyong kalagayan Señorita?” Tanong ni Perlita sa akin habang pinupunasan ang braso kong puno ng galos at pasa. “Paniguradong nabalot ka ng takot sa dami ng rebeldeng dumakip sa inyo.”   Ili
Magbasa pa
Kabanata XV
Lucky's POV   "Señorita, ano po ba ang ginawa mo sa iyong buhok?" Tanong ni Perlita nang kumuha ako ng isang tela at iniikot ang buhok ko para kumulot. "Hindi ba dapat ay sinusuklay mo ang iyong buhok upang tumuwid?"   "Nakakasawa na ang straight na buhok. Napaka-plain, napaka-boring. Kaya hindi napapansin ni Magnus si Lucia dahil hindi niya inaayos ang sarili niya." Sagot ko at kitang naguguluhan si Perlita sa sinabi ko.    Sinenyasan ko nalang si Perlita na sundan ang ginagawa ko at huwag magtanong. Susubukan kong gumawa ng heatless waves sa panahong ito, napakahirap naman kasi wala pang kuryente sa panahong ito.    Naghahanda ako para sa date namin ni Magnus bukas. Nangako siyang pupunta siya kaya naman chance ko na para magpasikat sa kanya.
Magbasa pa
Kabanata XVI
“Señorita Lucia.” Agad kong minulat ang mata ko nang marinig ang boses ni Perlita. “Anong kailangan mo?” Tanong ko at nilingon ang bintana. Doon ko lang napansing madalim na ang paligid, gabi na pala. “Nagtutupi po ako ng inyong kasuotan nang marinig ko kayong humihikbi. Kaya naman agad ko kayong ginising upang mawala ang iyong masamang panaginip.” Nagulat nalang ako nang punasan niya ang luha ko. Hindi ko akalaing hanggang sa panaginip luluha ako. Buong akala ko matatakasan ko ang sakit na nararamdaman ko kapag natulog ako pero nagkamali ako. Hanggang sa panaginip kasama ko si Magnus. “Hindi mo na sana ako ginising. Wala namang pinagkaiba ang panaginip ko sa nararamdaman ko ngayon.” Sagot ko at nagulat nalang ako nang inaalalayan ako ni Perlita na bumangon. “Anong gagawin mo?” Inabot niya sa
Magbasa pa
Kabanata XVII
Lucky's POV "Tita Amanda." Sabi ko nang magising ako. Kasalukuyang nakaulo ako sa ulo niya habang sinusuklay naman niya ang buhok ko. "Anong ginagawa ko rito?" "Sabi ko naman sa iyo, kapag kailangan mo ako, narito lang ako sa tabi mo." Sagot niya pero hindi ko maintindihan ang sinabi niya. "Alam kong nasasaktan ka kaya naman gumawa ako ng paraan para makarating ang diwa mo rito." "A-ano bang tawag sa lugar na ito?" Pag-iiba ko ng usapan. Ngumiti siya na para bang napansin ang ginawa ko. Wala talaga akong maitatago sa kanya dahil kabisado niya ang galaw ko. Halos siya na rin ang kasama habang lumalaki dahil busy si Mommy sa show business habang si Tatay naman ay sa negosyo ng pamilya namin.  Nakakahalata man, pinili pa rin niyang sagutin ang tanong ko. "Ito ang templo na ginawa ni Mariana para kay Dian Masalanta para mga ninuno nating naapektuhan ng sumpa." Tugon niya.
Magbasa pa
Kabanata XVIII
Lucky's POV Paglabas ko ng bahay ay nasira na agad ang araw ko nang bumungad sa akin si Magnus kasama ang magulang niya. Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain ng agahan.  “Lucia.” Tawag ni Señora Rosario at sinenyasan akong sabayan silang kumain. “Mabuti naman at gising ka na. Halina’t daluhan mo kaming kumain ng umagahan.” Ngumiti ako bilang tugon pero mabilis din naglaho ang ngiting iyon nang mapansing ang upuan sa tabi ni Magnus ang tanging natitira. Binigyan ako ng isang tipid na ngiti ni Magnus pero inirapan ko lang siya. Napanganga ang mga tao nang bigla kong buhatin ang upuan at nilagay sa tabi ni Señora Rosario. Badtrip lang dahil katapat ko si Magnus. Gusto ko pa sanang lumipat ng pwesto kaso baka makahalata ang mga taong mayroong problema sa pagitan namin ni Magnus. "Ito talagang bunso ko, naglalambing." Tanging sabi
Magbasa pa
Kabanata XIX
Lucky's POVNagising ako sa sunod sunod na alulong ng mga kabayo. Wait! Alulong ba ang tamang term? Napakamot ulo ako na bumangon ng kama. "Tsk, pati ba naman iyon pinoproblema mo pa?" Tanong ko sa sarili ko. Dumungaw ako sa bintana at nasira na agad ang araw ko. Kita kong bumaba si Magnus ng kalesa kasama si Santiago. Bakit ba araw araw na nandito ang mga lalaking ito? Wala ba silang mga trabaho. Kamot ulo kong pinapanuod sila na inaayos ang sarili bago pumasok ng bahay. Sinalubong sila ni Ate Amor na may ngiti sa labi. Psh.  Aga agang istorbo. Si Ate Amor lang naman ang masaya habang ako naman sira na ang buong araw ko. Babalik na sana ako sa pagtulog nang mahagip ng isang tao ang tingin ko. OMG! Hindi ba ako nililinlang ng mga mata ko? Agad kong kinusot ang mata ko upang masigurong hindi ako namamalik mata. Anong ginagawa niya dito? Ililigtas n
Magbasa pa
Kabanata XX
Lucky's POV Laking pasalamat ko nang wala na nangulo sa akin ngayong araw. Hindi na bumisita si Magnus o ‘yung pinsan niyang si Amado. Nahihiya ako na nakipag-away pa ako kay Magnus para sa maling tao pero at the same time naguguluhan ako dahil sa pag-aalala niya sa akin.  Idagdag mo pa ang kakaibang reaction niya nang yakapin ko si Gio este Amado pala. Para siyang sasabog sa galit dahil sa ginawa ko. Possible kayang nagkakagusto na siya sa akin? Napailing ako. “Impossible.” Bulong ko sa sarili ko. Tulad ng sabi ni Tita Amanda, hindi pwedeng magsama ang dalawang kaluluwa sa iisang katawan. Nakakasiguro akong hindi rin pwedeng magsama ang kaming dalawa ni Juana sa puso ni Magnus. “Señorita, uminom ka muna ng tsaa.” Sabi ni Perlita at inabot sa aking isang tasa.  Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang upuan sa tabi ko
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status