Chapter 3 " Mas maganda siguro kung magkape muna tayo", wika ni Lucas. " Pagaaksayahan ko pa ba ng oras iyang kape-kapeng 'yan? Sabihin mo nalang kung anong trabaho ng matapos na tayo!", naiinis na tugon ni Iyah kay Lucas. " Okay I'll tell you later if you come , so shall we?", aniya saka naunang sumakay sa kotse. Naiwan namang nakatayo si Iyah, tingin niya may sira yata sa utak itong lalaki dahil kahapon lang kinidnap siya , ngayon ay mag-aaya mag kape. Wala rin siyang nagawa kundi ang sundin si Lucas, nagbabakasali rin siya na sana ay bigyan siya nito ng trabaho dahil tiyak na mamatay silang dilat sa gutom mag-ina. Five minutes nang makarating sila sa Starbucks. Namangha pa si Iyah dahil ni minsan hindi siya bumibili dito dahil sa mahal na presyo ng kape. Isang kiddie meal na iyon sa Jollibee kapag bibili siya ng isang cup ng kape dito.
Last Updated : 2022-01-01 Read more