Home / Romance / Her Precious Memory / Her Precious Memory

Share

Her Precious Memory

last update Last Updated: 2022-01-01 08:09:03

CHAPTER 2

Sapilitang hinila si Iyah ng mga tauhan ni Lucas pabalik sa kwarto kung saan ito kinulong kanina. Ngayon palang ay parang gusto na niyang tawagin ang lahat ng santo makaalis lang sa kamay ni Lucas.

Hindi na rin siya makakatakas dahil nakatali ang kaniyang dalawang kamay sa headbord ng kama. Maya-maya pa ay nagbukas ang pintoan at iniluwa non si Lucas na may dalang tray at tiyak na pagkain iyon.

" Kumain ka muna, kailangan mong magpalakas para mamaya "sabi ni Lucas na tila iba na naman ang naiisip.

" Anong mamaya? , Kuya please kailangan ko nang umuwi". Pagmamakaawa ni Iyah.

Pero suntok sa buwan yata ang tiyansang maawa ito sa kaniya dahil mukha naman itong walang puso.

" I said stop calling me that f*cking kuya!" 

Galit na galit talaga ito sa tuwing tatawagin siyang kuya , siguro dahil nasasanay siyang tawagin noon ni miyah ng babe kaya ganun nalang ang galit niya.

" You better eat" sa boses nito tila kalmado na.

" Paano ako kakain kung nakatali ang dalawang kamay ko ?" tanong ni Iyah.

Oo nga naman paano nga makakain si iyah, gayung kailangan talagang gumamit ng kamay.

" Oh I forgot, pero hindi kita pwedeng kalasan mamaya tumakas ka na naman. Susubuan nalang kita ".

" Ano ? , Ayoko nga !" Mariing tanggi niya kay Lucas.

" Sa ayaw at sa gusto mo kakain ka, wag ka nang maarte dati rati nga ay pangarap mo iyon. Ngayong gagawin ko na ayaw mo?".

" Alam mo mister hindi ko nga alam iyang sinasabi mo, kaya huwag mong ipagpilitan sa'kin ang lahat dahil wala akong maalala. Kaya pakawalan mo na ako at uuwi na ako!" 

Hindi pa rin kombinsido si Lucas tumawa ito ng pagak at humarap ulit sa kaniya. " I like your style, palimot effect para makatakas ?. But your wrong despite what you are talking ay hindi pa rin ako naniniwala".

" Na sa iyo kung ayaw mong maniwala , nag-aantay po ang anak ko sakin kaya please kalagan mo na ako". 

Agad naman natigilan si Lucas ng mabanggit nito ang katagang anak. 

" A-anak?, Ibig sabihin may asawa ka na ?" pag-uusisa nito.

" Alam mo kuya kung makatanong ka , kala mo'y daig pa ang socco. Ano naman sayo kung may asawa na ako?" naiinis nitong tugon.

" Hindi maaari 'yon Miyah dahil ako ang asawa mo, wala ng iba!" Sa tono ng boses nito ay nagagalit na ito.

" Ang kulit mo rin ano?, Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako ang as__". 

Hindi na naman natuloy ang nais niyang sabihin ng h***kan na naman siya . Sumusobra na talaga si Lucas dahil nakakailang h***k na ito sa kaniya ngayong araw.

Ngunit iba itong panghuling h***k wala nang kasamang galit , hindi rin maintindihan ni Iyah ang sarili kung bakit siya tumutugon. He's lips seems familiar, parang natikman niya na ito noon.

Gayunpaman ay nanatiling sarado ang kaniyang isipan para ungkatin ang alaala. They kiss more and more, parang kanina lang pinagsasampal niya ito ng makailang ulit ngayon nakipaghalikan na.

Mas lalo pang lumalim ang h***kang iyon ng hawakan ni Lucas ang kaniyang batok upang mas lalong magdikit ang kanilang labi. Tila nawala bigla si Iyah sa sarili niya at kusang nagpatangay sa h***k na nakakauhaw.

Natigilan lang siya ng maramdaman ang kamay ni Lucas na gumagapang sa kaniyang pantalon . " T-teka anong ginagawa mo?" Tanong nito ng humiwalay siya sa labi ni Lucas.

" What do you think i am doing?" 

" Itigil mo nga iyan, tanggalin mo iyang kamay mo!" Mariing saway nya nang maramdamang nasa hita na niya ang kamay nito.

" Manyak! , Tulong! . Tulong!.

Pakiramdam ni Iyah ay gagahasain siya nito kaya kahit imposibleng makahingi ng saklolo ay inilabas pa rin niya ang buong lakas upang makahingi ng tulong.

Tumawa ng malakas si Lucas, natutuwa talaga siya kay Miyah ngayon. Dati rati kasi ay ito pa ang gumagawa ng paraan may mangyari lang sa kanila ngayon ay takot na takot na sa kaniya.

" Your so funny, mas lalo mo akong binabaliw miyah ". Tatawa-tawa nitong tugon.

" Pwes ako hindi natutuwa , alisin mo nga iyang kamay kung ayaw mong tadyakan kita !" . Matapang nitong saad.

Inalis ni Lucas ang kamay niya at itinuon ang kaniyang attention sa plato , kinuha nito ang kutsara at isinandok iyon , nilagyan niya rin ng ulam at mabilis na itinutok sa kaniyang bibig.

" Hindi ako gutom!" mataray na tugon ni iyah.

" Nganga na , kung ayaw mong ikaw ang kainin ko!" 

Sa tono ng boses nito ay tila hindi ito nag biniro, paano kung kakainin nga siya nito . Sana hindi.

Pilit na ngumanga at isinubo ni Lucas ang kutsara sa kaniya.

Agad na nginuya iyon ni iyah, na ikinangiti naman ni Lucas.

" Good girl".

Nang matapos na siyang pakainin ni Lucas ay iniwan na siya nito. Nang mapansing hindi pa bumabalik Lucas isang oras na ang nakakalipas ay dinalaw siya ng antok.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog basta naramdaman nalang niya ang maiinit na palad na humahaplos sa kaniyang pisngi.

Gustohin man niyang dumilat ay talagang mabigat pa rin ang kaniyang talukap. " Mas lalo kang gumanda miyah , 'di mo alam kung paano ako nasaktan ng basta ka nalang nawala".

Boses ni Lucas ang naririnig niya , nang maimulat ang mata ay agad nitong binawi ang kamay sa pagkakahaplos ng kaniyang mukha.

" Please iuwi mo na ako ". Sambit ni iyah.

May parte kay Lucas na nasasaktan dahil sa boses na iyon ni miyah . Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo ngayon.

" Ituro mo ang bahay mo sakin, ihahatid kita".

Biglang sumigla ang mga mata ni iyah ng marinig iyon. Makakauwi na siya , makikita niya na ang anak niya.

" Salamat, salamat ku__ " ngunit natigilan ng lingonin siya ni Lucas. " M-mister" at pilit na ngumiti.

Maya-maya pa ay kinalagan na siya nito , amoy na amoy pa niya ang panlalaking pabango ni Lucas ng lumapit ito para tanggalin ang tali.

Tahimik lang siyang nakasunod kay Lucas palabas ng kwarto nito, mabuti nalang at sinapian ito ng mabuting anghel dahil nabago ang isip nito. At pinalaya siya.

" Sakay na !" Ani ni Lucas at pinagbuksan siya nito ng pintoan ng sasakyan.

Agad naman siyang sumunod sa utos nito. Tahimik ang buong byahe dahil hindi umiimik si Lucas , gayundin naman si iyah dahil wala naman siyang gustong sabihin dito.

Maya-maya pa ay huminto sila sa isang eskenita, doon nito ipinarada ang sasakyan dahil hindi na ito makakapasok sa bahay nila sa liit ng daanan.

Biglang napaisip si Lucas kung paano nabuhay si miyah sa ganitong buhay gayung hindi naman mahirap ang mga magulang nito.

Sumunod lang siya ng sumunod hanggang sa makarating sila sa tapat mismong pintuan , berde ang pintura nito at maliit.

Kumatok si iyah ng dalawang beses at agad naman siyang pinagbuksan nito.

" Iyah !, naku kagabi pa kami naghihintay sa iyo!"

 Aniya ni nanay luceng ng makita si iyah.

" Pasensya na po nay, may ginawa lang po talaga ako sa trabaho". 

Hindi niya pwedeng sabihin na dinukot siya nitong si Lucas dahil tiyak na mag-aalala ito sa kaniya.

" S-sino siya iyah?" Tanong nang nanay Luceng n'ya.

Tinutukoy nito si Lucas na panay tingin sa paligid dahil sa kyoryosidad.

" Ah nay, si__ " napatigil siya, agad itong humarap kay Lucas dahil nakalimutan niya ang pangalan.

Senenyasan niya ito na agad naman nakuha ni Lucas. " Ano ngang pangalan mo?" Bulong nito sa tainga ni Lucas.

Napabuntong -hininga ito . Siya na ang naglahad nag lahad ng kamay upang magpakilala.

" Magandang umaga po I'm Lucas". Nakangiting sabi niya.

" Ah ganun halika't pasok, pasensya na at maliit ang bahay namin". Panghihingi ng paumanhin ng matanda.

Nang makapasok ay sinipat ni Lucas ang paligid. Doon niya nakita ang bata na sa tantiya niyang nasa apat na taong gulang na nanood ng paw patrol sa tv.

Agad na sumigaw ang bata ng makita si iyah ngunit si Lucas ay nanatiling nakatayo. Ang bata ay kamukhang-kamukha niya, magmula sa mata , pilik-mata sa ilong at sa hugis ng labi nito ay gayang-gaya lahat sa kaniya.

" Nanay!" Masayang sigaw ng bata kay iyah.

" Anak!, Naku pasensya na at ngayon lang si nanay. Namiss mo ba ako?"malambing na tugon ni iyah sa anak.

" Opo nanay, hindi nga po ako natulog kagabi dahil wala akong story". Kwento ni dark sa kaniya.

" Hi ". Bati ni dark kay Lucas , halos hindi ito makagalaw.

Hindi malayong si miyah at iyah ay iisa, ang tanging gumugulo lang sa kaniyang isipan kung buntis ba si miyah noong ito'y mawala.

" Can I carry him?" Tanong nito kay iyah.

Takot man si iyah na baka bigla nalang itakbo ang anak ay tumango ito. Binuhat nito si dark at tuwang-tuwa rin ang bata.

" Anong pangalan mo?" Tanong ni Lucas sa bata.

" Dark po" .

" Bakit dark? Tanong nito ulit.

" Dahil po madilim daw ang buhay ni nanay nang ipagbuntis niya ako kaya dark". 

" Shhh". Saway ni iyah dahil sa kadaldalan ng anak.

Napaisip bigla si Lucas oo madilim nga ang buhay ni miyah noong nasa piling pa niya ito.

Mas lalong tumibay ang agam-agam niyang si miyah at iyah ay iisa.

Nagpaalam na rin si Lucas kay miyah balak niya sanang iuwi ito ngunit bigo siya. Kung tunay ngang nawala ang alaala ni miyah ay kailangan niyang alamin kung bakit.

At muling sumidhi sa isipan niya ang planong magsimula muli kasama ang bagong miyah upang pagtakpan ang kaniyang mga nagawa noon. Nagkamali siya oo. Pero pinagsisihan niya na iyon.

Samantala papasok na sana si iyah sa trabaho ng kausapin siya ng kaniyang manager . Alam niyang matinding sermon na naman ang aabutin nito dahil absent ito kahapon. 

" Kung hindi ka late , ay absent ka naman iyah . Napakarami mo nang violation pero hindi ka naman natuto, ano pa ang silbi ng fastfood sa iyo kung ganiyan ka ka-iresponsable?!". Pikit mata nitong tinanggap ang sermon ng kaniyang manager.

Kung hindi lang sana sa kagagawan ni Lucas ay malamang hindi siya pinapagalitan nito ngayon.

" Kung hindi ka lang kaibigan ni Charry ay matagal na kitang sinisante! But don't worry dahil ngayon ay tatanggalin na kita!". Biglang nanlaki ang mata ni iyah.

" Po ma'am huwag naman , kailangan ko po ng trabaho. Huwag niyo naman akong tanggalin". Pagmamakaawa nito sa kaniyang manager.

" I'm sorry but that was final". Aniya nito at iniwan itong mag-isa.

Tulalang naglalakad at nakatanaw sa kawalan si iyah, paano na ngayon iyan sa stado pa naman niya ay tiyak na mahihirapan siyang makahanap ng trabaho. Bumalik lang siya sa huwestyo ng biglang may bumusina sa harapan niya.

" Ay kalabaw!

Tumigil ang sasakyan sa harapan niya at bumaba ang lalaking nakasuot ng formal men suit na si Lucas.

Sa tindig palang ng katawan nito animo'y makalaglag panty na.

Pero imbis na matulala sa kagwapuhang taglay ni Lucas ay bumalatay sa kaniya ang galit dahil pwede naman hindi siya businahan nito. Dagdag mo pa na siya rin ang dahilan kung bakit natanggal siya ngayon.

" Hi miyah my loves!" bati sa kaniya ni Lucas at sinabayan pa ng kindat ng loko.

" Hi mo iyong mukha mo!" Bulyaw nito at inirapan ng kaniyang mata.

" Ang AGA nating ma-high blood ah, binabati ka nga lang . Suplada!" 

" Alam mo tigil-tigilan mo nga ako, wala akong samod makipag-usap sa iyo!" asik ng dalaga at mabilis na nilagpasan ito, ngunit napatigil rin nang magsalita si Lucas.

" Huhulaan ko natanggal ka no?, wala kang trabaho pwede kitang bigyan". 

Nilingon niya ito at pinangtaasan ng kilay. Nagtataka si Iyah kung paano nito nalaman na natanggal siya. Sa pagkakaalam niya ay wala naman ito doon nang kausap pa siya ng manager.

" P-paano mo nalaman? Kunot-noo nitong tanong.

Lumapit sa kaniya si Lucas, yumuko ito sa harapan n'ya sa pag-aakalang ibubulong nito kung paano nito nalaman ay agad na ikinalaki ng kaniyang mata ang mabilisang h***k nito sa kaniyang labi.

" Hayop ka talaga!" Bulyaw niya dito nang pinagpapalo ang d****b.

Agad namang inagaw ni Lucas ang kaniyang kamay para patigilin ito.

" Work for me at sasagutin ko ang lahat ng pangangailangan niyong mag-ina, malaking sahod ang iooffer ko sa'yo. Plus libreng bahay ". 

Sa tono nang pagkakasabi nito ay talagang seryoso ito, trabaho ang nais ni Iyah kaya mas lalong gumulo sa kaniyang isipan ang alok ni Lucas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Precious Memory   CHAPTER 9

    Halos maiyak si Lucas sa naging resulta ng DNA. Pinagsamang saya at kaba ang naramdaman niya sa mga oras na ito.Ngayon lang ay naiisip na niya sa kung paano makakabawi sa bumalik niyang asawa. Hindi man siya perpekto ngunit saksi ang langit sa kanyang paghihinagpis ng mawala ito sa piling niya .Lumapit siya sa patient bed kung saan tahimik na natutulog ang naka-comang si Julio. He held his hand at marahang hinawakan ito." N-natupad na ang pinangako ko sayo dad" mangiyak-ngiyak niyang saad.Kung gising lang si Julio ay siguro ipagdiriwang pa nito ang pagbabalik ng anak .Kahit lalaki si Lucas ay hindi pa rin niya mapigilang maiyak. Nakaka-overwhelm lang kasi na sa pagkakataong ito , may pruweba na si iyah ang nawawalang asawa .Pagkatapos ng kaonting pakikipag-usap kay lucho ay dumeretso si Lucas sa pretel kung saan nakatira si nanay luceng. Nais niyang malaman kung saan at paano napunta sa kanya si Miyah.Bumyahe siya papunta roon, hindi ininda ang masikip at magulo na eskinita mak

  • Her Precious Memory   CHAPTER 8

    " Mommy" .Napalingon si iyah nang marinig ang kagigising na anak. Bago lingonin ang anak ay pinaispadahan muna niya ng masakit na tingin si Lucas.Lucas smirked at muling tinungga ang natitirang juice sa baso. Para dapat ito kay marcus pero malas niya. Lahat ng pag-aari ng lalaki ay kanya ! kahit pa ang isang basong juice na hawak nito .Agad na dinaluhan ni iyah ang anak . Mabilis niya itong binuhat at pinaulanan ng matatamis na halik sa pisngi.Nakatitig lamang si Lucas sa tagpo ng mag-ina. Hindi maiwasang makaramdam ng pagseselos .Nagseselos siya sa paslit?. Darn, bata iyan! sigaw ng mahadero niyang isipan. Pinanonood na lamang niya ang panlalambing ni iyah sa anak. " Ako rin!" sigaw niya nang mag-akmang hahalik ulit ang dalaga sa kay dark.Pinandilatan lamang siya nang mata ng dalaga . Okay sana kung sila-sila lang. Matatanggap pa niyang landi-landiin , pero kapag nandyan ang anak? Hindi maari iyan.Kumawala ng pagdila ang paslit ng makita ang nagtatampong reaksyon ni Lucas. P

  • Her Precious Memory   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 Napahiwalay si Lucas sa pagkakayakap kay iyah ng marinig ang tumutunog na doorbell. Nakaramdam ng inis ang binata .Kung kailan nilalambing ang asawa ay saka naman darating ang mga istorbo sa buhay niya .Pupuntahan na sana ni iyah upang pagbuksan kung sino man ang nasa labas ay pinigilan ito ni Lucas." Ako na" wika ni Lucas na sinabayan pa ng pagkindat.Hindi naman maiwasan ni iyah na pamulahan sa inasal ng binata. Minsan naiisip niya rin kung ganito rin ba ito sa ibang babae. Sa porma kasi ni Lucas tila nangongolekta ito ng mga pinaiiyak na babae.Nang buksan ni Lucas ang pintoan ay bumungad sa kanya ang kaalyado sa negosyo . Si Marcus, matalik rin nitong kaibigan." What are you doing here?" inis na tanong ni Lucas sa kaibigan.Alam niya kasing y-yain na naman siya nitong mag bar gaya ng nakaugalian. Sa katunayan ay hindi naman umiinom noon si Lucas. Seryoso, aborido at palaging mainit ang ulo man ang kanyang ugali.Pero kailanman ay hindi sumagi si isipan nitong mapak

  • Her Precious Memory   HER PRECIOUS MEMORY

    CHAPTER SIXTHE ARRANGEMENTS Nasa sala ang dalawang pamilya upang pag-uusapan ang arrangement ng pagpapakasal ng magkabilang panig.Nakaupo noon si Miyah habang nakapatong ang mga palad sa legs nito.Habang nagsasalita ang amang si Julio Imperial , ay hindi maiwasang mapasulyap ang dalaga sa binatang nakaupo rin sa tapat ng sofa .Hindi makitaan ng anumang reaksyon ang binata . Tutol na siya sa kasal nuon pa man. Para sa kanya isang lumang paniniwala o tradisyon lamang iyon na hindi na naayon sa panahon ngayon." Gusto ko sana yung teal ang color ng tema ng kasal nila" suhestyon ng Mrs Veron. Ina ng binata .Lihim na napangiti si Miyah . Hindi niya aakalaing maikakasal sa taong gustong-gusto niya! Mahirap man paniwaalan pero una palang niya itong nakita ay nabihag na agad siya ni Lucas.Sino ba naman ang hindi mabibihag ? Bukod sa anak ng De Asis empire ay gwapo, matipuno at head turner ng karamihan.Halos lahat ng mga classmates niya noong college days nila ay napapatili kapag napap

  • Her Precious Memory   Her Precious Memory

    CHAPTER 5Habang papalapit sa kama ay mariing tinitigan ni Lucas ang litratong nasa side table , picture nilang mag-asawa nong ikinasal sila. Malapad ang ngiti ng asawa habang nakasimangot naman siya . Siguro dahil sapilitan ang pagpapakasal.Napangiti siya habang hinaplos nito ang frame gamit ang kaniyang kaliwang palad , kung dati-rati ay nagagalit siya sa tuwing nilalapag iyon ni miyah sa side table . Ngayon ay halos itabi na niya ito sa pagtulog.Napabuntong-hininga na lamang siya bago ibinalik ang larawan sa dating pwesto. Maya-maya'y nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan ang binata.Naisipan nitong uminom ng tubig kaya tinungo niya ang kusina. Malayo palang ay rinig na niyang may kumalabog sa paroroonan. Nagtaka siya. Sino naman kaya ang nandoon , gayong dyes oras na nang gabi?.Dahan-dahan siyang lumapit dito sa pag-aakalang pinasok na sila ng magnanakaw. Pagkarating niya doon ay malakas itong napamura . Isang babae ang nakatayo ang kanyang naabotan.Nakasuot ng bestidang puti

  • Her Precious Memory   HER PRECIOUS MEMORY

    CHAPTER 4 FLASHBACK First day after the wedding. " Don't sleep on my bed, ayaw kitang makatabi!" galit na asik ni Lucas sa unang gabi nilang mag-asawa. Hindi nito kayang tabihan ang asawa, who will be happy kapag fixed marriage di ba?, tingin niya ay siya na ang pinakamalas na lalaki sa mundo dahil pati sa pag-aasawa ay kontrolado nang magulang niya. Miyah was a victim too, ipinanganak upang ipakasal sa lalaking hindi naman niya lubos kilala. Until she met Lucas ay nagbago ang desisyon niya , natuwa ito nang malamang si Lucas De Asis ang ipinagkakasundo sa kaniya. What a blessings ika niya. Even Lucas doesn't care miyah ay sinikap nito na tustusan ang pangangailangan ng asawa , kahit hindi naman sila salat sa salapi sumakatuwid ay limpak-limpak na pera ang meron sila but he is a good provider para kay Miyah. Pero hanggang doon lang iyon , hindi naman niya sinasaktan ang asawa physically but emotionally ay talagang pinapatay niya ito. Harap-harapang pinagmumukha sa kaniya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status