Her Precious Memory

Her Precious Memory

last updateLast Updated : 2026-01-20
By:  Vanesa MagbirayOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
9Chapters
124views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Blurb Isang kahera si Iyah Lustre sa isang fastfood chain na pinagtatrabahuhan nito. Nais man niyang maghanap ng ibang trabaho ay hindi niya magawa dahil wala daw siyang maipakitang katibayang dokumento na siya'y nakapagtapos. Gayunpaman ay pinagtitiyagaan nalang niya ang kakurampot na sahod upang matustusan ang pangangailangan nilang mag-iina. Buntis si Iyah ng maaksidente ngunit hindi niya alam kung sino ang ama ng nasa sinapupunan niya. Buti nalang ay may matandang babae na nag magandang loob upang tulungan siya. Sa kabila ng pagkawala ng kaniyang memorya. May parte sa kaniyang puso na nagagalit dahil wala man lang ni-isa sa pamilya niya ang naghanap. Tuloy hindi niya mawari kung sino ba talaga siya. Pero imbis na hanapin ang nawawalang alaala ay itinuon niya nalang ang pansin sa apat na taong gulang niyang anak. Ito nalang ang meron siya. Si Lucas De Asis ay isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas , sa edad na 35 ay masasabi mong successful ang kaniyang karera bilang isang magaling na CEO ng De Asis logistic. Corporation. Ngunit sa kabila ng kaniyang tagumpay ay tila may kulang. Kulang dahil hindi pa rin niya mahanap ang asawa niya na limang taon nang nakakalipas simula nang ito ay mawala. Sa muli nilang pagkikita ay hindi siya nito maalala . Ano ang kaya niyang gawin upang muling bumalik ang pagmamahal ng kaniyang asawa? Paano kung matuklasan niya na isa rin siya sa dahilan kung bakit ito naaksidente, magagawa kaya niyang palitan ang masakit na nakaraan nila, nang bago at magagandang alaala?

View More

Chapter 1

Her Precious Memory

CHAPTER 1

     Matulin ang pagpapatakbo ni Miyah ng sasakyan, hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan sa kalsada dahil kasabay ng masamang panahon ang kaniyang paghihinagpis. Naniwala ito na mahal siya ni Lucas ngunit palabas lang pala ang lahat, dahil kani-kanina lang mismo ay nakita niya itong may kahalikang babae.

Ang sakit ay mas lalong nanoot sa kaniyang puso, nanalalabo na rin ang paningin dahilan sa matinding pag-iyak.

" I'm sorry anak , hindi na yata kita mabibigyan ng buong pamilya ". She whispered at marahang hinaplos ang kaniyang tiyan na hindi pa gaanong nahahalata ang pag-umbok.

Dahil sa mabilis na pagpapatakbo ay di niya namalayan na may nakasalubong na pala siyang sasakyan. Agad niyang inikot ang manibela para iwasan iyon ngunit isang pagkakamali dahil isang malaking puno naman ang sumalubong sa kaniya.

Sinubukan pa niyang apakan ang preno ngunit bigo ito dahil hindi gumana. Mabilis ang pangyayari dahil agad na tumama ang kotse nito doon , tanging milagro nalang sa taas ang kaniyang pag-asa. Dahil sa malakas na impact ng pagtama ng kotse ay agaran itong nawalan ng malay. 

Nang magising ay isang maliit na bahay ang bumungad sa kaniya , pinupunasan ng matanda ang kaniyang ulo na May bahid ng dugo dahilan sa pagkakaaksidente.

" N-nasaan po ako ?" aniya ng makaramdam ng konteng kaba. Mabilis itong bumalikwas ngunit d*****g din ng maramdaman ang kirot ng kaniyang noo. Napasapo siya sa ulo.

" Aw!".

" Huwag ka munang gumalaw ineng, dahil baka mabinat ka . Ako ang nakakita sa iyo ng maaksidente ka, kaso malayo ang ospital dito kung kaya dito ko sa bahay ka idiniretso". 

Sa tono ng matanda ay mukhang nasa mabuting kamay ito, ngunit ng tanungin ito ng matanda patungkol sa kaniyang pangalan ay natahimik siya.

" Ang pangalan ko.......yah, i....yah..ah !". D***g niya ng muling sumakit ang kaniyang ulo.

" Ah Iyah ang pangalan mo, teka taga-saan ka naman ineng?". 

Bigla siyang kinabahan dahil sa pangalawang pagkakataon ay wala rin siyang maalala.

" H-hindi ko po maalala". Malungkot niyang tugon at sa tuwing pinipilit niyang isipin kung sino at taga-saan siya ay nakakaramdam siya ng matinding kirot ng kaniyang ulo.

" Huwag mong pilitin ineng kung hindi mo maalala, ang importante ay ligtas ka!" 

Maya-maya pa ay iniwan na siya nito upang makapagpahinga. Ang pagkawala ng kaniyang memorya ay malaking kakulangan sa kaniyang pagkatao. Ni hindi niya alam kung sino ba talaga siya kung kaya Iyah nalang ang itinawag sa kaniya ng matandang kumopkop sa kaniya.

Sa paglipas ng buwan ay napansin niyang lumalaki ang kaniyang tiyan, nababahala na rin si aling Lucing sa kaniyang kalagayan gayung mapasa-hanggang ngayon ay nanatiling sarado ang kaniyang alaala.

Dinala siya nito sa isang health center at doon nila nalaman na nagdadalang-tao ito. Hindi man niya alam kung sino ang ama ay ipinagpasalamat nalang niya sa diyos na isang anghel na ibigay sa kaniya ng diyos at nag-udyok upang magpatuloy sa buhay .

Si nanay Luceng ay nag-iisa lang sa buhay kung kaya siya ang katuwang at itinuring siya na parang totoong anak nito. Si nanay Luceng din niya ang nandiyan noong siya'y magsilang sa kaniyang anak na si Dark. 

Napakagwapo at napaka-cute ng anak niyang si dark. Iniisip niya nga nagmana siguro sa ama nito ang bata dahil wala man lang nagaya ni katiting sa kaniya . Makalipas ang limang taon ay kailangan niyang magbanat ng buto.

Kailangan niyang tustusan ang pangangailangan ng anak lalo na't matanda na si nanay Luceng para buhayin pa silang mag-iina. Sinubukang mag-apply ng trabaho ngunit bigo itong matanggap.

Bukod kasi sa wala siyang experience ay wala man lang siyang dokumentong hawak na magpapatunay na siya'y nakapagtapos. Mabuti nalang at may naging kaibigan siya sa isang fast food chain kung saan ito rin ang naging backer niya upang makapasok doon. Nagpagawa lang sila ng pekeng diploma sa Recto na naging dahilan upang siya'y matanggap bilang kahera.

Walong oras ang kaniyang shift kaya minsan ay alas syete na nang gabi siyang nakakauwi. Si nanay Luceng ang nagbabantay kay dark sa umaga kaya panatag siyang walang mangyayaring masama sa anak.

Ibinuhos ni Iyah ang lahat sa trabaho at sa anak, hindi na niya hinanap pa ang alaala dahil tila nawalan na ito ng pag-asa. Ni-hindi nga siya hinahanap ng mga magulang niya .

Kasagsagan ng maraming costumer ngayong araw dahil sa nalalapit na pasko ay hindi na magkandaugaga si Iyah na asikasuhin at masunod ang 5 minutes waiting hour ng customer ng kanilang order. At nang araw din yon ay talagang hindi na niya napapansin ang mga mukha ng mga umu-order.

Pagod na pagod siya ng matapos ang shift nya , saktong alas siyete at pahimas-himas ito sa kaniyang batok na nangangalay nang dahil sa pagod.

Ngunit umagaw ng kaniyang pansin ang lalaking matipuno na nakaupo sa bandang dulo ng table , seryoso siyang tinititigan nito kung kaya nakaramdam siya ng kaba.

Mukha ring mayaman dahil sa klase ng kaniyang kasuotan at mukhang may lahing Turkish dahil sa matangos nitong ilong at palantik na pilikmata. Clean-cut ang buhok at may malinis na bigoteng alaga sa ahit.

Umiwas siya ng tingin lalo na't hindi naman niya kilala ito. Nakakapaso ang mga titig nito kung kaya nagkibit-balikat siya. Gumayak ito palabas ng fastfood upang makasakay na ng tricycle. Sa Pretel ng Tondo lang siya nakatira kaya hindi na kailangang mag-jeep lalo na't pick season ngayon.

Ngunit magkakalahating oras na siya sa labasan ay walang tricycle ang dumadaan. Kaya naglakad-lakad nalang ito upang maghanap ng jeep.

Dumaan ito sa medyo madilim na kalsada dahilan sa sirang streetlight nito. Medyo nakakaramdam siya nang kaba dahil baka may biglang mang-holdap sa kaniya gayung wala naman siyang perang maibibigay. Ganyan ka advance siya mag-isip.

Ngunit ang lalaking nakita niya kanina lang sa fastfood ay napansin niyang nakasunod ito sa likuran. Mas binilisan niya ang paglalakad na halos patakbo na dahil sa sobrang kaba. Mukha namang hindi masamang tao iyon kanina pero bakit siya nito sinusundan.

Tumigil lang ito sa pagsunod sa kaniya ng ligtas siyang makahanap ng jeep upang kaniyang masakyan. " Manong sa Pretel ho". Utos niya kay manong driver.

" Paabot po ng bayad ate". Aniya at inabot sa katabi ang benteng papel upang makisuyo.

" Dito nalang po!" Sigaw niya sa driver nang makitang nasa Pretel na siya.

May dala-dala itong supot ng spaghetti at fried chicken galing sa fastfood pasalubong niya sa naghihintay niyang anak. Tiyak na matutuwa iyon dahil dala nito ang paborito .

Agad siyang sinalubong ni dark at natutuwang dumating na ang ina, halos hindi na nga ito nahabol ni nanay luceng dahil ayaw magpaawat nito.

" Nanay!" sigaw ng bata kay Iyah.

Sinalubong niya ito ng yakap at pinagpapak ng h***k sa pisngi, buong araw niya itong hindi nakita kaya namiss niya ito agad.

" May pasalubong ako sa'yo". Nakangiting wika niya sa anak.

" Spaghetti?" 

Mukhang alam na ng bata ang dala niya dahil sa bilis nitong mahulaan.

" Aba'y sinilip mo yata ang dala ni nanay no?" Nakangiting sabi niya kay dark at bahagyang kinurot ang matangos nitong tungki ng ilong.

" Yehey spaghetti nga!" Natutuwang sigaw ni dark.

" O siya baba ka muna para makakain ka na , nanay Luceng kain na po kayo marami po ang dala ko !" 

" Naku batang ere nag-abala pa , tamang-tama at gutom na rin ako ". Aniya ng matanda.

Masaya lang niyang pinagmamasdan si nanay Luceng at ang anak na kumakain. Kompleto na ang araw niya sa tuwing nakikita niya ang dalawang taong importante sa kaniya.

Katulad ng ginagawa niya tuwing gabi ay kinukwentohan niya muna si dark hanggang sa ito'y makatulog. Hinahanap kasi talaga nito ang kwento niya sa tuwing hihiga na sila sa maliit nitong kama.

Ni wala man lang kutson ngunit sanay na sila kahit banig lang. Hindi alintana ang init kahit walang electric fan , para sa panlaban sa lamok ay kulambo lang sapat na.

Kinabukasan ay simula na naman ang araw ni Iyah , papasok ulit ito upang tustusan ang pangangailangan ni dark. Mabuti nalang at maaga siyang nagising kung kaya hindi mababawasan ng penalty ang kaniyang sahod ng dahil sa late.

Katulad ng nakagawian ng nag-aabang ito ng tricycle sa labasan. Pagkarating niya sa nasabing fastfood ay deretso kaagad siya sa counter upang mag-time in.

Naging-smooth lang ang araw niya ngayon wala gaanong customer dahil Linggo. Walang day-off ito dahil ang araw ng kaniyang pahinga ay pinipili pa rin niyang pasukan , sayang at pandagdag din 'yon.

Nang matapos ang kaniyang shift ay nag-antay ito ng tricycle upang makauwi.

Ngunit laking gulat niya ng biglang may humintong itim na sasakyan sa kaniyang harapan. Mabilis ang pangyayari dahil kasunod noon ang pagtakip sa kaniyang ilong ng panyo sa likuran kung kaya ay nakaramdam ito ng hilo.

Dalawang lalaki ang tiyak niyang dumukot sa kaniya . At iyon ang huli niyang naalala.

Nagising nalang siya sa isang malawak na espasyo ng kwarto , napapalibutan ito ng makikinang na mga bagay at mukhang mamahalin.

Inilibot ng kaniyang mata ang paligid , pamilyar ang lugar na iyon hindi nga lang niya maalala.

Nang mapansin niyang umikot ang sira-dura ay ipinikit niya ulit ang kaniyang mata at nagkunwaring tulog,

kaya hindi niya nakita kong sino iyon.

Kinakabahan siya sa pwedeng gawin ng taong iyon. Naramdaman nalang niyang umuga ang kama at marahang hinaplos ang kaniyang mukha.

" I missed you Miyah ". Sambit ng lalaking may baritonong boses.

Gustuhin man niyang imulat ang mata ay natatakot siya , sino ang lalaking iyon? At bakit siya nito tinatawag na Miyah ?.

Ang mas ikinagulat niya ay ang paglapat ng labi nito sa labi niya kung kaya hindi siya nagdalawang-isip na sampalin ito dahilan para d*****g ang lalaki sa harapan niya ngayon.

" Bastos!" sigaw ni iyah sa lalaki habang hinihimas nito ang pisngi na bahagyang namanhid buhat ng pagkakasampal.

" Miyah.."

Pero hindi siya nakinig mabilis itong tumayo sa pagkakahiga ngunit mariin na nahawakan ng lalaki ang kaniyang kamay.

" Bitiwan mo ko ! Sino ka ba at anong kailangan mo sa akin?!". Galit na tanong nito habang pinipilit na kunin ang kamay niya sa pagkakahawak nito.

" Nawala kalang ng limang taon hindi mo na ako maalala ? Ako ito miyah si Lucas !".

" Lucas ? Hindi nga kita kilala e!" Sabay bawi ng kaniyang kamay at dali-daling tumakbo upang makatakas ngunit bigo itong makalabas ng mapagtanto niyang naka-locked ang pintuan.

" Hindi ka na makakatakas sa akin ngayon Miyah , not anymore!" wika nito kasabay nang pagsilay ng ngiting nakakaloko.

Nang balingan niya ang side table ay doon niya nakita ang susing nakalapag. Kailangan niya makaisip kaagad ng paraan dahil baka may masamang pinaplano itong lalaki sa kaniya.

Sapilitan siyang niyakap nito at pilit na hinahalikan kaya hindi maiwasang ng kaniyang paa ang mangatog . Mangatog dahil sa takot.

Walang pagdalawang-isip niya itong tinadyakan ang harapan dahilan para mamilipit si Lucas sa sakit.

Hindi niya akalaing tatamaan ang kaniyang itlog dahilan para mapaluhod siya sa sobrang sakit , daig pa niya ang nabasagan ngayon.

" Ah!" impit na d***g nito habang pinagpapalo ang sahig sa sobrang sakit.

Hindi na inisip ni Iyah ang lalaki naawa siya rito ngunit nanaig sa kaniya ang pag-asang makatakas . Mabilis niyang kinuha ang susi sa side table at kaagad na ipinasok sa butas ng doorknob.

" Miyah !" sigaw ni Lucas sa pangalan niya.

" Sorry! huling sigaw niya at tuluyan nang lumabas sa kwarto.

Ngunit kung minamalas ka nga naman, dahil naharangan siya ng mga guards nito sa sala palang. Mas lalo pa siya nakaramdam ng kaba dahil s pagkakataong ito ay alam niyang gagantihan siya ng lalaking dumukot sa kaniya.

" Akala mo ba makakatakas ka?, Muntik mo itong mabasag ang balls ko!" Rinig niyang sabi ng lucas na noo'y pababa na ng hagdan.

Sa tindig nito ay mukhang hindi na ito nasasaktan, lumapit ito sa kaniya habang hinawakan pa rin ng dalawang kamay niya hinaharap dahil sa takot na masipa ulit ni Iyah.

" Mahirap na , baka sipain mo ulit! 

" Kuya maawa na po kayo sakin, wala po akong pera hindi po ako mayaman please pakawalan mo na ko" pagmamakaawa ni Iyah kay Lucas.

" Maka kuya ka naman , dalawang taon lang ang tanda ko sayo MIYAH!.

" Ano pong miyah ang sinasabi niyo , hindi ko po kilala iyang sinasabi mo kuya".

" Can you please stop calling me kuya , at baka hindi ako makapagpigil ay mahahalikan na kita" pagbabanta ni Lucas.

" Kuya plea___". 

Pinutol nito ang sasabihin sana ni Iyah ng siilin siya ng h***k sa harap mismo ng kaniyang mga tauhan.

Agad na nandilim ang paningin ni Iyah dahil agad siyang pumiligpas sa pagkakahawak ng tauhan nito sa kamay niya upang masampal uli si Lucas.

" Namumuro ka na ha, nasasanay ka yatang saktan ako. But don't worry i like it , i like your new personality miyah . Mas lalo akong na-cha challenge!" Sabi nito at pilyong ngumiti.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviews

Joseph Carl Tinio
Joseph Carl Tinio
Proud bunso here 🫶🏻
2026-01-13 18:30:06
2
1
Dybran Mahusay Barrete
Dybran Mahusay Barrete
Ang ganda ng kwento !
2026-01-12 19:35:22
1
0
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status