Início / Romance / Her Precious Memory / Her Precious Memory

Compartilhar

Her Precious Memory

last update Última atualização: 2022-01-01 08:10:00

Chapter 3

" Mas maganda siguro kung magkape muna tayo", wika ni Lucas.

" Pagaaksayahan ko pa ba ng oras iyang kape-kapeng 'yan? Sabihin mo nalang kung anong trabaho ng matapos na tayo!", naiinis na tugon ni Iyah kay Lucas.

" Okay I'll tell you later if you come , so shall we?", aniya saka naunang sumakay sa kotse.

Naiwan namang nakatayo si Iyah, tingin niya may sira yata sa utak itong lalaki dahil kahapon lang kinidnap siya , ngayon ay mag-aaya mag kape.

Wala rin siyang nagawa kundi ang sundin si Lucas, nagbabakasali rin siya na sana ay bigyan siya nito ng trabaho dahil tiyak na mamatay silang dilat sa gutom mag-ina.

Five minutes nang makarating sila sa Starbucks. Namangha pa si Iyah dahil ni minsan hindi siya bumibili dito dahil sa mahal na presyo ng kape. Isang kiddie meal na iyon sa Jollibee kapag bibili siya ng isang cup ng kape dito.

Nang makapasok sila ay tila nahihiya pa siya. Nakakaramdam din siya ng ilang dahil panay sulyap itong si Lucas sa kanya, hindi kasi siya sanay na tinitingnan ng lalaki tingin niya nababastosan ito.

" So ano na ?", tanong ni iyah.

" Anong ano?"

Bumuntong-hininga si iyah konti nalang mabibigwasan niya na talaga itong si Lucas.

" Anong trabaho?", tanong nito na may tono ng pagdiin.

" Ah 'yon ba , payag ka bang maging secretary ko?" Tanong ni Lucas.

Agad naman siyang natigilan dahil sa sinabi nito , sa fastfood nga hirap siya makapasok opisina pa kaya. Wala siyang natapos tiyaka hindi niya lubos alam kung magagampanan ba niya iyon ng tama.

" S-ssecretary?", nauutal niyang tanong.

Tanging tango lang ang naisagot ni Lucas dahil dumating na rin ang order nilang cold Americano with whipped cream.

" Wala akong natapos, wala akong diploma okay lang sa iyo?".

S******p muna si Lucas ng kaniyang kape bago siya sinagot.

" Alam kong kaya mo, isa kang Emperial

 kaya hindi na kailangan ang degree mo sa college", tugon nito kay iyah.

" Bakit hindi mo pa iniinom iyang kape mo?" , tanong ni Lucas ng mapansin hindi man lang ito uminom.

" Ah ito ba, dadalhin ko sana sa anak ko. Sayang e mukhang masarap", mahinang turan ni iyah.

Nakaramdam si Lucas ng pag-hanga iba talaga kung magmahal si miyah, noon pa man ay wala itong tinitira sa sarili . Kahit na binabalewala na niya ito dati ay mahal na mahal pa rin siya nito.

Iyon nga lang ay huli na nang ma-realize niya na mahal niya ito noong mawala na ito sa piling niya. Totoo nga ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi.

" Drink it, mag-order nalang ako para kay dark at para kay nanay Luceng mo okay".

Bigla namang sumilay ang ngiti ni Iyah na nagpagaan sa kaniyang puso. Kaytagal na noong huli niya itong nakitang ngumiti at aaminin niya , namiss niya ito ng sobra.

" Hayaan mo kapag sinahoran mo na ako, babayaran ko itong kape", sabi ni iyah kay Lucas.

" Kaya kailangan magsimula ka na bukas, para mabayaran mo na ako".

" S-salamat", sagot ng dalaga at doo'y sinimulang inumin ang kape

" Ano ba ang gusto ni dark? , balak kong mag-mall e sana samahan mo ako".

Natigilan naman si iyah sa sinabi niya, ni pasko nga o new year ay hindi pa niya naipapasyal ang anak dahil sa kakapusan ng pera.

Pero mukhang sobra naman yata kapag pumayag pa siya, baka isipin nito na mukha siyang pera.

" Naku huwag na , nakakahiya!" ,mariing tanggi niya dito.

" Huwag ka nang mahiya, isipin mo na lang cash advance mo ito pasko naman e". 

Wala rin siyang nagawa kundi ang pumayag, matapos nga nilang mag-kape ay dinala siya nito sa mall of Asia. Minsan nakakalimot yata si Lucas na si Iyah ang kasama niya dahil sa pasimpleng pag-akbay.

Agad naman niyang binabawi ang kamay sa tuwing pandidilatan siya nito ng mata. Ang dami niyang ibinili para kay dark, magmula sa damit ,laruan at sapatos ay kompleto lahat.

Hindi naman maawat iyon ni Iyah dahil si Lucas naman ang kusang kumukuha.

Matapos ang ilang oras na shopping ay inihatid na rin siya ni Lucas.

Bakas ang tuwa sa bata ng makita ang mga pinambili niya para rito. Di niya tuloy mawari kung bakit sa tuwing ngingiti si dark ay pakiramdam ni Lucas ay masaya siya.

" Thank you po", munting pasasalamat ng bata sa kaniya.

" Your welcome",aniya at ginulo-gulo ang buhok nito.

" Ano po bang itatawag ko sa inyo , tito po ba ?", tanong ni dark sa kaniya.

" Pwede ring daddy!" , aniya sabay kindat kay iyah dahilan para pamulahan ito.

" Talaga po yehey! may daddy na ako!" , masayang turan ni dark.

Maya-maya pa ay nagpaalam na rin ito kay miyah at tiyaka kay nanay Luceng. Si miyah na rin ang naghatid sa kaniya sa labasan.

Nang makarating sila doon sa kotse ay napaigtad ito ng makaramdam ng kurot sa tagiliran.

" Aw!".

" Bakit mo sinabihan si dark na daddy ang itawag sa'yo ha, asawa ba kita?" , tanong ni Iyah sa kaniya.

" Pwede naman iyon ah, dahil wala naman siyang daddy tama?".

" Ah basta hindi pwede iyon, hindi kita asawa !" , mariing tanggi ni iyah.

" Edi magpakasal tayo!", ani ni Lucas at sumipol-sipol pa.

" Tse! Ayoko nga , hindi kita type!".

" Grabe ka naman sa hindi type, diring-diri ah. Wala ka nang makitang kasing gwapo ko dito sa lugar niyo", 

Sumurok naman ang dugo ni Iyah dahil sa sinabi nito, siguro noong nagpaulan ng malakas na hangin ay nasalo ito lahat ni Lucas.

" Ang yabang mo!", sigaw sa kaniya ni iyah na ikinahagik-ik naman ni Lucas.

" Umalis ka na nga!" , pagtataboy niya rito. 

Pero aaminin ni iyah medyo kinikilig siya sa mga banat ni Lucas. Hindi pa siya nakaranas ng ganitong pakiramdam simula ng manganak siya kay dark. At nagtataka rin siya kung bakit may parte sa puso niya na mabilis niyang napagpalagayan ng loob ito.

Kinabukasan ay pinaghandaan niya talaga ang pagiging secretary kailangan ito dahil minsan lang ang ganitong opportunity.

Nang sipatin niya ang calling card ,mukhang tama naman ang address ng kompanya.

De Asis Inc. , nasa tapat na siya mismo ng kompanya ng bahagya itong napatigil. Pakiramdam niya ay nakapunta na siya rito. Hindi nga lang siya sure.

Agad siyang pinapasok ng guard dahil binilinan na ito ni Lucas na kapag dumating si Iyah Lustre ay agad papasukin.

Nang makarating siya sa loob ay hindi niya maiwasang mailang sa iilang empleyado na nakatingin sa kaniya. Rinig niya rin ang halinghing at bulungan nila.

" Di ba si ma'am miyah yan?" , rinig niyang bulong ng isang babae sa katabing cubicle.

" Oo nga si ma'am miyah nga, pero di ba patay na iyon. Baka kamukha lang", sabi pa ng isang babae at talagang hindi marunong hinaan ang bulungan nila , rinig pa rin kasi niya.

Nagkibit-balikat nalang siya, naniwala kasi siya nasa buong mundo ay May apat tayong kamukha. Baka nga kamukha niya lang iyong Miyah na sinasabi nila, lalo na pati si Lucas napagkamalan siya.

" Oh your here!" , bungad sa kaniya ni Lucas pagkapasok niya sa opisina nito.

" Ah oo , late ba ako?".

" Uh-uh sakto lang, kaya dapat ayusin mo ang trabaho it's your first day remember?". 

Tumango lang siya.

" By the way , ipagtimpla mo ako ng kape", utos sa kaniya ni Lucas.

" Po? Anong kape ba, black coffee or with cream?".

Bumalik ito sa swivel chair at umupo , ano nga bang kape ang gusto niya.

Maya-maya May naiisip na naman itong kapilyohan.

" I want some cream at sana sweet, kasing sweet mo!" aniya at pilyong ngumiti kay Iyah.

Napairap lang ang dalaga, ayan na naman siya . Ang aga-aga niyang sapian ah.

" Sige sir ipagtitimpla ko po kayo", sabi ni Iyah tsaka lumabas sa opisina nito.

Hindi naman maiwasang pagmasdan ni Lucas ang nakatalikod na si Iyah palabas ng opisina niya. Napansin niyang lumaki ang d****b nito tyaka balakang. Mas sexy kaysa noong huli niya itong nakita.

" Lucas stop it!" , saway niya sa utak nito.

Talagang pinagpapantasyahan niya itong si Iyah. Malaki ang naging kasalanan niya noon kay Miyah at dahil malaki ang duda niyang si Iyah at Miyah ay iisa. Pipilitin niyang baguhin ulit ang kapalaran nila.

Dahil kapag nalaman ni Iyah na sinaktan niya ang puso nito noon ay tiyak na mawawala ito ulit sa kaniya, at iyon ang ayaw niyang mangyari.

Maya-maya pa ay bumalik na rin si Iyah dala ang kapeng pinatimpla niya. Dahan-dahan itong ipinatong sa table niya at nanatiling nakatayo sa harapan nito.

" Sure kang kasing sweet mo ito ah", sabi nito at sinimulang simsimin ang ang kape.

Ngunit hindi pa iyon nakarating sa kanyang lalamunan ng maibuga rin niya ito pabalik.

" Shit ! ba't sobrang tamis?" , tanong nito habang pinapahiran ang kaniyang labi.

" Naku nasubrahan po ba, limang kutsara lang naman po ng asukal ang nilagay ko". pagdadahilan ni Iyah na may pang-aasar pa.

" Iyah ang isang tasang kape two spoon sugar lang, 'di kaya two teasespoon". 

" Ganun ba iyon, sabi mo kasi kasing tamis ko . E ganyan ako katamis ", nakangiting sambit ni Iyah na mabilis ring napawi ng tumayo si Lucas at naglakad palapit sa kaniya.

" Talaga ? Ganyan ka katamis?. I wonder how sweet are you, mind if I taste you", napalunok naman si Iyah sa sinabi ni Lucas sa kaniya.

Lalo na ang paglakad palapit nito sa kaniya ay kinakabahan siya, napaatras siya sa kinatatayuan hanggang sa maramdaman nalang ng likod niya na dead end na pala.

Pader na ito at wala nang aatrasan.

" Lumayo ka nga!" , sabay tulak niya rito.

Ngunit mas matigas pa sa bahay na bato itong si Lucas dahil hindi man lang natinag . At hindi nga siya nagkamali tinotoo nito ang banta na titikman siya dahil siniil na siya nito ng h***k.

Noong una ay umaayaw pa siya ngunit kalaunan ay siya na mismo ang tumutugon. Mas lalo pang naging malalim ang halikan nila, hinahayaan niya ring maglakbay ang kamay ni Lucas saan mang dako ng kaniyang beywang.

Nakakahipotismo , nakakabaliw ganito ba talaga ang hatid ng h***k ni Lucas. Kapwa silang hingal na hingal noong magbitaw ang kanilang mga labi , ngunit iyon pala ay pahinga lang . Ang inaakala niyang titigil na ito ay muling bumalik ang mga labi nito sa labi niya.

Nakaramdam na rin siya ng init at tingin niya'y nagsisitayuan na ang mga balahibo niya dahil sa kuryenteng hatid ni Lucas.

Mabuti nalang at May kumatok dahil kung hindi ay mapupunta na siya sa langit. Narinig pa niya ang pagmura ni Lucas dahil sa naudlot nilang halikan.

" Mas matamis ka nga" , aniya ni Lucas na ikinapula ng kaniyang pisngi. Parang gusto nalang ni Iyah na magpalamon sa lupa dahilan sa matinding hiya.

Sumabay rin siya sa paglabas ng empleyadong kumatok kanina, mahirap na baka ituloy nga ni Lucas ang banta nitong titikman siya.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Her Precious Memory   CHAPTER 9

    Halos maiyak si Lucas sa naging resulta ng DNA. Pinagsamang saya at kaba ang naramdaman niya sa mga oras na ito.Ngayon lang ay naiisip na niya sa kung paano makakabawi sa bumalik niyang asawa. Hindi man siya perpekto ngunit saksi ang langit sa kanyang paghihinagpis ng mawala ito sa piling niya .Lumapit siya sa patient bed kung saan tahimik na natutulog ang naka-comang si Julio. He held his hand at marahang hinawakan ito." N-natupad na ang pinangako ko sayo dad" mangiyak-ngiyak niyang saad.Kung gising lang si Julio ay siguro ipagdiriwang pa nito ang pagbabalik ng anak .Kahit lalaki si Lucas ay hindi pa rin niya mapigilang maiyak. Nakaka-overwhelm lang kasi na sa pagkakataong ito , may pruweba na si iyah ang nawawalang asawa .Pagkatapos ng kaonting pakikipag-usap kay lucho ay dumeretso si Lucas sa pretel kung saan nakatira si nanay luceng. Nais niyang malaman kung saan at paano napunta sa kanya si Miyah.Bumyahe siya papunta roon, hindi ininda ang masikip at magulo na eskinita mak

  • Her Precious Memory   CHAPTER 8

    " Mommy" .Napalingon si iyah nang marinig ang kagigising na anak. Bago lingonin ang anak ay pinaispadahan muna niya ng masakit na tingin si Lucas.Lucas smirked at muling tinungga ang natitirang juice sa baso. Para dapat ito kay marcus pero malas niya. Lahat ng pag-aari ng lalaki ay kanya ! kahit pa ang isang basong juice na hawak nito .Agad na dinaluhan ni iyah ang anak . Mabilis niya itong binuhat at pinaulanan ng matatamis na halik sa pisngi.Nakatitig lamang si Lucas sa tagpo ng mag-ina. Hindi maiwasang makaramdam ng pagseselos .Nagseselos siya sa paslit?. Darn, bata iyan! sigaw ng mahadero niyang isipan. Pinanonood na lamang niya ang panlalambing ni iyah sa anak. " Ako rin!" sigaw niya nang mag-akmang hahalik ulit ang dalaga sa kay dark.Pinandilatan lamang siya nang mata ng dalaga . Okay sana kung sila-sila lang. Matatanggap pa niyang landi-landiin , pero kapag nandyan ang anak? Hindi maari iyan.Kumawala ng pagdila ang paslit ng makita ang nagtatampong reaksyon ni Lucas. P

  • Her Precious Memory   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 Napahiwalay si Lucas sa pagkakayakap kay iyah ng marinig ang tumutunog na doorbell. Nakaramdam ng inis ang binata .Kung kailan nilalambing ang asawa ay saka naman darating ang mga istorbo sa buhay niya .Pupuntahan na sana ni iyah upang pagbuksan kung sino man ang nasa labas ay pinigilan ito ni Lucas." Ako na" wika ni Lucas na sinabayan pa ng pagkindat.Hindi naman maiwasan ni iyah na pamulahan sa inasal ng binata. Minsan naiisip niya rin kung ganito rin ba ito sa ibang babae. Sa porma kasi ni Lucas tila nangongolekta ito ng mga pinaiiyak na babae.Nang buksan ni Lucas ang pintoan ay bumungad sa kanya ang kaalyado sa negosyo . Si Marcus, matalik rin nitong kaibigan." What are you doing here?" inis na tanong ni Lucas sa kaibigan.Alam niya kasing y-yain na naman siya nitong mag bar gaya ng nakaugalian. Sa katunayan ay hindi naman umiinom noon si Lucas. Seryoso, aborido at palaging mainit ang ulo man ang kanyang ugali.Pero kailanman ay hindi sumagi si isipan nitong mapak

  • Her Precious Memory   HER PRECIOUS MEMORY

    CHAPTER SIXTHE ARRANGEMENTS Nasa sala ang dalawang pamilya upang pag-uusapan ang arrangement ng pagpapakasal ng magkabilang panig.Nakaupo noon si Miyah habang nakapatong ang mga palad sa legs nito.Habang nagsasalita ang amang si Julio Imperial , ay hindi maiwasang mapasulyap ang dalaga sa binatang nakaupo rin sa tapat ng sofa .Hindi makitaan ng anumang reaksyon ang binata . Tutol na siya sa kasal nuon pa man. Para sa kanya isang lumang paniniwala o tradisyon lamang iyon na hindi na naayon sa panahon ngayon." Gusto ko sana yung teal ang color ng tema ng kasal nila" suhestyon ng Mrs Veron. Ina ng binata .Lihim na napangiti si Miyah . Hindi niya aakalaing maikakasal sa taong gustong-gusto niya! Mahirap man paniwaalan pero una palang niya itong nakita ay nabihag na agad siya ni Lucas.Sino ba naman ang hindi mabibihag ? Bukod sa anak ng De Asis empire ay gwapo, matipuno at head turner ng karamihan.Halos lahat ng mga classmates niya noong college days nila ay napapatili kapag napap

  • Her Precious Memory   Her Precious Memory

    CHAPTER 5Habang papalapit sa kama ay mariing tinitigan ni Lucas ang litratong nasa side table , picture nilang mag-asawa nong ikinasal sila. Malapad ang ngiti ng asawa habang nakasimangot naman siya . Siguro dahil sapilitan ang pagpapakasal.Napangiti siya habang hinaplos nito ang frame gamit ang kaniyang kaliwang palad , kung dati-rati ay nagagalit siya sa tuwing nilalapag iyon ni miyah sa side table . Ngayon ay halos itabi na niya ito sa pagtulog.Napabuntong-hininga na lamang siya bago ibinalik ang larawan sa dating pwesto. Maya-maya'y nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan ang binata.Naisipan nitong uminom ng tubig kaya tinungo niya ang kusina. Malayo palang ay rinig na niyang may kumalabog sa paroroonan. Nagtaka siya. Sino naman kaya ang nandoon , gayong dyes oras na nang gabi?.Dahan-dahan siyang lumapit dito sa pag-aakalang pinasok na sila ng magnanakaw. Pagkarating niya doon ay malakas itong napamura . Isang babae ang nakatayo ang kanyang naabotan.Nakasuot ng bestidang puti

  • Her Precious Memory   HER PRECIOUS MEMORY

    CHAPTER 4 FLASHBACK First day after the wedding. " Don't sleep on my bed, ayaw kitang makatabi!" galit na asik ni Lucas sa unang gabi nilang mag-asawa. Hindi nito kayang tabihan ang asawa, who will be happy kapag fixed marriage di ba?, tingin niya ay siya na ang pinakamalas na lalaki sa mundo dahil pati sa pag-aasawa ay kontrolado nang magulang niya. Miyah was a victim too, ipinanganak upang ipakasal sa lalaking hindi naman niya lubos kilala. Until she met Lucas ay nagbago ang desisyon niya , natuwa ito nang malamang si Lucas De Asis ang ipinagkakasundo sa kaniya. What a blessings ika niya. Even Lucas doesn't care miyah ay sinikap nito na tustusan ang pangangailangan ng asawa , kahit hindi naman sila salat sa salapi sumakatuwid ay limpak-limpak na pera ang meron sila but he is a good provider para kay Miyah. Pero hanggang doon lang iyon , hindi naman niya sinasaktan ang asawa physically but emotionally ay talagang pinapatay niya ito. Harap-harapang pinagmumukha sa kaniya

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status