All Chapters of Stuck With The Billionaire: Chapter 91 - Chapter 100
136 Chapters
  CHAPTER 91: LISTEN TO ME
I was caught off-guard of what he did. Hindi ko man lang naisip na posible niya iyong gawin sa akin. Maraming buwan na ang lumipas at sa mga lumipas na buwan na iyon ay walang humalik sa akin. I never thought that we’ll kiss again ever. Kaya medyo bago sa akin ang ganitong pakiramdam. Madali akong madala lalo na kapag ganito. Aminado naman akong namimiss ko siya. Ang amoy niya, ang malambot na labi niya, at mabango niyang hininga. Ah, lahat ng ito ay pinangarap kong muling madama.Kaya hindi ko alam kung dapat ba ay hayaan ko lang siya sa ginagawa niya o pigilan ko siya dahil unang-una, wala naman kaming relasyon dalawa kaya bakit niya ako hinahalikan? Pangalawa, ex ko siya, sa tingin ko ay hindi tama iyon. Ang ikatlong rason ang bahagyang nagpakirot ng puso ko, iyon ay dahil sa pagkakaalam ko ay may dini-date siyang babae.Bago pa man ako tuluyang madala sa init ng nararamdaman ko, humawak ako sa kaniyang balikat at saka tinulak siya palayo.“Ano ba?!” sigaw ko sa kaniya.Humihingal
Read more
CHAPTER 92: HE WAS RIGHT
Kagaya nang inasahan ko, tinadtad nga ng text ni Karina si Anton habang pauwi kami ng kaniya-kaniya naming unit.“Kasalanan mo ito, Gabriella. Kapag ako talaga hindi pinansin niyon bukas sa trabaho namin, ikaw ang sisisihin ko.”Mahina akong tumawa.“Bakit ano bang ginawa ko? Gusto ko lang naman malaman kung pupunta siya eh.”“Gab, pinahiya mo iyong tao.”Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya.“I know. That’s my purpose of doing that. Dahil gusto ko siyang mapahiya sa akin. And I really think I did a good job there. Gusto ko lang maranasan ang ginawa niya sa akin noon. If you only knew how she spread fake information about when we’re still studying.”Kumunot ang noo ni Anton.“Akala ko ba nakaganti ka na sa kaniya? Hindi ba, noong sinampal mo siya sa loob ng unit ko?”Tumawa ako nang mapakla.“Nakaganti? She made my four years in college a living hell, tapos sa tingin mo okay lang iyong isang sampal na nakuha niya mula sa akin? Come on, Anton. Revenge isn’t like that. Gagan
Read more
CHAPTER 93: THE PURPOSEFUL VACATION  
“What? you’re asking me for a vacation? For what reason?” kunot-noong tanong ni Papa sa akin nang iabot ko sa kaniya ang letter na ginawa ko para sa hinihingi kong one-week leave sa pagta-trabaho sa kumpanya.Humugot ako ng malalim na hininga saka tumingin nang diretso sa kaniya. Sa totoo lang, gusto ko siyang diretsuhin at sabihin na alam ko na lahat kung anong tumatakbo sa kaniyang isipan. Lahat ng plano niya. Lahat ng masasamang bagay na ginawa niya para lang siya ang ituring na mabait sa lahat ng mga anak ni Lolo Raoul.Nalaman ko iyon sa kaniyang bibig mismo. Kaya kung mayroon man akong nararamdaman sa kaniya ngayon, iyon ay galit at sama ng loob. Hindi rin maalis sa isipan ko ang sinabi niya kay Sabrina Acosta. Pakakasalan niya ang babaeng iyon? Gusto kong matawa. Mom is way better than her. Mom is smarter, prettier, and whole lot more.Pero kung sabagay, kung sino ang sa tingin mong makakatulong sa’yo, malamang yun ang pipiliin mo. Kagaya na lamang nang pagpili ni Papa kay Sabr
Read more
CHAPTER 94: VISITING SOMEONE IMPORTANT
Pagdating ko sa mansiyon ay akong sinalubong ng mga helper para kunin ang mga gamit ko. Nasa living room na rin nakaabang sina Lolo at Lola, maging si Nana.Nagmano ako at saka yumakap sa mga ito. Bakas ang pagkatuwa sa kanilang mga mukha.“Nagpahanda ako ng ilang maraming pagkain para sa’yo apo. Mabuti nalang at naisip ko iyon. Tingnan mo nga iyang katawan mo, namamayat ka na sa sobrang pagtatrabaho mo riyan sa kumpanya ng ama mo. Para hindi ka na yata nagpapahinga.”Ngumiti ako kay Lolo. Hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan ang likuran.“Lolo, siya nga po pala, nagdesisyon si Lolo Raoul na ako muna ang humawak ng Centre Point sa susunod na anim na buwan.”Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata.“Talaga, apo? Naku, nakatutuwang malaman ang tungkol diyan. Kung pinagkatiwalaan ka na ni Raoul sa kaniyang negosyo, sa tingin ko ay magiging ligtas sa mga kamay mo ang shipping lines na ipinundar ko para sa ating pamilya. Tatanggapin mo naman siguro ang shipping lines bilang responsibil
Read more
CHAPTER 95: THE OFFER
Sa dami ng nangyari sa amin ni Jacob, halos makalimutan ko na kung ano ang pagkakaayos ng interior ng Lake House na ito. Pagpasok ko sa loob ay agad kong pinasadahan nang tingin ang palibot. Naroon pa rin ang mga painting na ginawa ko. Hindi kasi natuloy ang pagpapatayo ng bar sa General Luna kaya siguro kaysa itapon ang mga paintings na dapat ay para roon, pinili nalang ni Jacob na sa loob ng bahay isabit ang mga iyon.“Medyo binago ko ang style ng bahay. Palagi akong nandito noong panahong hiwalay na tayo. Halos bihira akong pumunta ng siyudad. Binago ko lang ito nang konti para mas maging malawak living room.”Marahan akong tumango.“Maganda ang ginawa mo. Mas naging maaliwalas sa paningin.”Itinuro niya ang kabilang sofa kaya doon ako umupo.“Nandito ka ba para—”“Makipagbalikan sa’yo?” Ako na ang tumapos sa tanong niya. Kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga alam kung anong itatanong niya. Sa totoo lang, bago ako pumunta rito, sinabi ko na sa sarili ko na kailangan kong maging
Read more
CHAPTER 96: HERE ALWAYS
Maaga akong nagising kinabukasan nang maramdaman ang marahang pagtapik ni Jacob sa binti ko.“Bakit?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. Agad na dumapo ang tingin ko sa bintana.“Madilim pa sa labas, Jacob. Inaantok pa ako.”Umusod siya sa bandang itaas ko at marahan akong hinalikan sa balikat.“The sky is clear, let’s watch the sunrise together bago ka umuwi.”I groaned and hugged the pillow beside me even more.“Ayoko. Kung gusto mong manuod, ikaw nalang. Gabi na tayo nakatulog dahil niyaya mo akong mag-movie marathon. Tapos ngayon ang aga mo akong gigisingin para lang manuod ng sunrise?”Ang kaniyang halik ay unti-unting gumapang sa aking leeg. Hanggang sa narating nito ang aking pisngi.“Please…”Ang kaniyang braso ay gumapang sa aking tiyan. Nang subukang pasukin ng kaniyang kamay ang loob ng t-shirt ko ay inis na hinampas ko iyon. Dali-dali akong bumangon at marahas siyang tinulak palayo sa akin. Tumayo ako at nagtungo sa banyo para maghilamos at magmumog. Nakapikit kong inabot an
Read more
  CHAPTER 97: THE CUNNING SABRINA
Katulad nang nakasanayan ko, maaga ako pumasok kinabukasan sa trabaho. Masayang bumati sa akin ang mga empleyadong nakasalubong ko. May iilan pa ngang nakasabay ko sa elevator. They were all asking kung kumusta raw ba ang aking bakasyon. Nagbiro naman ako sa kanila at sinabing dapat ay mag-e extend ako. Tumawa lang ang mga ito.The joke that I’ve told them was actually half-meant. Dahil kung talagang magkakaroon ako ng extra na araw para magbakasyon, baka matagal akong nanatili sa Siargao kasama si Jacob.Paglabas ko ng elevator, magsisimula palang sana akong maglakad, pero napahinto ako nang makita kung sino ang lumabas sa opisina ni Papa.Agad na naningkit ang aking mga mata sa aking nakita. Ang aga-aga pa, nandito na kaagad ang babaeng ito. Wala ba siyang trabaho? O tatay ko ang tinatrabaho niya?Hindi ko tuloy maiwasang masira ang umaga ko. Next time, sa kabila nalang talaga ako dadaan. Para maiwasan ko nang makita maski ang anino nito.“Gab!” tawag niya sa akin nang makita niya a
Read more
CHAPTER 98: REAL GENIUS
Kahit na antok na antok ako, pinilit ko pa rin ang sarili ko na bumangon bandang alas singko y media ng umaga. Paglabas ko ng aking silid, naamoy ko agad ang nilulutong ulam ni Kuya sa kusina.“Anong oras ka nakauwi?” tanong ko bago dumiretso sa sink para maghilamos ng aking mukha at magmumog. Napangiwi ako nang makitang suot ko pa rin ang damit na ginamit ko sa trabaho kahapon. Marahan akong yumuko para amuyin ang sarili ko. I winced even more nang maayos ko ang natuyong pawis sa damit ko.“Alas kuwatro, dumiretso ako agad sa kuwarto mo para tingnan kung nandito ka. And I was shocked real bad. Bakit ba sa sahig ka natulog? You have your bed, Gab.”Pagod kong hinila ang upuan. Pag-upo ko roon, agad kong inilagay ang aking braso sa lamesa at doon ko inihiga ang aking pisngi.“Hindi ako natutulog sa kama ko nang hindi malinis ang katawan ko.” I mumbled. Tamad na tamad pa rin talaga akong kumilos.“Still tired?” he asked, before putting the mug of coffee in front of me. I smiled at him a
Read more
CHAPTER 99: THE FIRST CARRIED-OUT PLAN
“Oh, saan ka pupunta? Papasok ka na? Ang aga pa ah.”Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Kuya Aaron. Nang bumaling ako sa kaniya, doon ko siya nakitang nakaupo sa solo-seated sofa sa living room. Hawak niya ang kaniyang mug, mukhang iinom na sana siya pero nahinto nang makita niya ako.“At ano iyang mga dala mo? Props?”Bumaba ang tingin ko sa paperbag na hawak ko. Props? Maybe. May mga damit kasi na nakalagay sa loob niyon.“Umuwi ka pala. Akala ko sa hospital ka Kuya eh”Tumaas ang kulay niya nang marinig ang sinabi ko. Muling bumaba ang tingin niya sa paperbag na hawak ko.“Maaga akong papasok ngayon. May mga kailangan lang akong gawin kaya may dala ako nito.”“For work?”Sandali akong nag-isip. For work nga ba ito. Puwede naman. Puwede ring pang-alis ng mga peste sa work. Ngumiti ako kay Kuya at tumango.“Nakatulog ka naman ba nang maayos? Baka naman panay ang puyat mo, Gabriella ha. Kapag may nangyaring hindi maganda sa’yo, ako ang malalagot kay Mama.”Ngumuso n
Read more
CHAPTER 100: THE CHAOTIC TRANSITION
“What happened to you, Tita?” kunwaring tanong ko pagkapasok ko sa opisina ni Papa para makiusyoso sa mga nangyayari sa loob. Kunwari ay hindi ko alam kung bakit nagkakagulo roon. Napansin ko ang mga empleyadong napapadaan na panay ang lingon sa pinto ng opisina. Kaya naman lumapit ang guwardiya roon at isinara ang pinto.Hinawakan ni Papa sa braso si Sabrina at inalalayan na umupo muna.“Tell me, what happened?” aniya kay Sabrina sa masuyong tono ng boses.Gusto kong mapairap nang makita ang kaartehan ng babae.“I don’t know. Pumasok lang ako tapos bigla na akong nakarinig ng kung anu-ano. Nagpatay-sindi ang ilaw. Pagkatapos ay nakarinig ako ng tawa ng isang bata. Pagkatapos noong nakapasok na ako rito sa opisina mo, nakakita ako ng taong naka-maskara sa labas.”“Baka naman prank lang sa’yo iyon, Sabrina. Baka may kakilala ka na gusto kang takutin o pagkatuwaan.”Umiling si Sabrina.“Hindi ko alam. Kahit na prank lang iyon, kahit na ano pa man ang dahilan ng gumawa niyon, sigurado ak
Read more
PREV
1
...
89101112
...
14
DMCA.com Protection Status