All Chapters of Stuck With The Billionaire: Chapter 71 - Chapter 80
136 Chapters
CHAPTER 71: THE GREIVING STAGE  
“Gab, tumawag sa akin ang kuya mo. Hindi ka pa rin daw kumakain magmula kahapon?” nag-aalalang sabi ni Kathy.Magmula kahapon ay wala akong gana sa paggawa ng mga bagay. Nanatili lang ako sa aking silid at maghapong humiga sa kama. Kahit ang pagkain ay hindi ko magawa. Ang ginagawa ko lang ay maligo, uminom ng tubig at matulog.Malinaw pa rin sa alaala ko ang nangyari noong isang araw. I can still remember what just happened. Inalok ako ni Jacob ng kasal. Pagkatapos noong tumanggi ako, nakipaghiwalay siya sa akin. I feel like what just happened is too shallow. Ang babaw ng dahilan niya para hiwalayan ako.At first, gusto kong tumawag sa kaniya. After two calls, I realized that wouldn’t answer. Alam kong pinaghandaan niya iyon. Habang ako, walang kaide-ideya sa gagawin niya. How could he do this to me?“Gab, kumain ka na please. Puro tubig nalang ang laman ng tiyan mo. Hindi makabubuti sa’yo iyan.”I really find it odd as well na hindi nagtatanong si Kathy tungkol sa kung anong nangyar
Read more
CHAPTER 72: NEW HOME  
Akala ko, sa mga susunod na araw ay magiging maayos na ako. Hindi ko akalain na mas lalala lang pala ang mararamdaman ko. Sinubukan kong magtrabaho. Sinubukan kong alisin sa isip ko ang mga nangyari. But that break up was so awful. I can’t help but to think of it especially when I have free time. Nagawa kong pumasok ng dalawang araw sa trabaho. Pero ng mga sumunod na araw ay hindi ko na kinaya. For so many times, Kathy tried to reach out for me every single time pero ako lang ang lumalayo.“Hindi ka puwedeng ganiyan nalang palagi, Gab. You have to move on.”Mahina akong natawa nang marinig ang sinabi ni Kuya. I was wearing my shirt na pinatungan pa ng hoodie jacket at pajama bottom. Magmula nang maghiwalay kami ni Jacob, iyon lagi ang naging outfit ko sa condo ni Kuya. I totally forgot about how I look. Wala na akong pakialam kung pangit ang hitsura ko o mukhang hindi ako naliligo. There were times as well when I forget to comb my hair. Pagkatapos kong maligo, tinutuyo ko lang ang buh
Read more
CHAPTER 73: THE FRIEND SHE NEVER KNEW
Mabait ang mga kapatid ni Anton. Kahit may sakit si Anna ay talagang bumangon pa ito para lang makita ako at makausap. Kundi nga lang ako inawat ni Anton sa pakikipagkuwentuhan sa kaniyang kapatid ay siguro, hindi pa ako tumayo mula sa pagkakaupo sa dulong bahagi ng kama nito.“Dito na po ba kayo titira, Ate Gabriella?”Nagkatinginan muna kami ni Anton bago ako muling bumaling sa kaniyang kapatid para umiling.“Pansamantala lang akong dito muna. Pero malay natin diba, baka magustuhan ko rin dito. Kapag nangyari iyon, baka matagal-tagal tayong magkasama.”Matamis na ngumiti si Anna.“Talaga po?”I nodded at her and raised my right hand as a sign of promise.Nang makalabas kami ni Anton sa silid ng kaniyang kapatid. Muli siyang nagtungo sa kusina. Hinintay ko nalang siya sa living room. Pagbalik niya ay dinala niya na ako sa kaniyang silid.Kumpara sa mga kuwarto ng mga kapatid niya, mas malaki itong kaniyang kuwarto. Mas malaki ang espasyo dahil marami ring libro ang nasa loob nito. Ma
Read more
CHAPTER 74: ANTON'S ASSISTANT
“Naku, paniguradong matutuwa sina Nana at Tatang kapag nakita ka ng mga iyon. Ikaw pa naman ang pinaka-paborito nila sa lahat ng mga kaibigan ko noong bata pa ako. Sigurado akong kapag nagtungo ka sa aming bahay ay baka hindi ka na pauwiin ng mga ito. Ang dami niyong iku-kuwento sa akin ha. Dapat bukas ay bumisita kayo sa bahay.”Mahinang tumawa si Anton at saka tumango sa sinabi ni Thea.“Yes, Ma’am. Pero baka bukas pa kami ng hapon pumunta sa inyo bukas. Marami pa kasi akong planong gawin kasama si Gabby,” saad naman ni Anton dahilan para mapatingin ako sa kaniya.Plano? Ano naman ang mga plano niyang gawin kasama ako?Nakita ko ang bahagyang paniningkit ng mga mata ni Thea.“Kung wala lang akong sariling pamilya, sigurado akong kahit saan kayo magpunta ay kasama ako. Kaso… ayun!”Tumalikod siya sandali at itinuro sa amin ang kaniyang asawa at ang anak nila na buhat-buhat nito. Ngumiti naman si Anton sa asawa nito at kumaway sa batang may hawak na feeding bottle.“Nauna ako sa inyon
Read more
CHAPTER 75: THE NEW NANNY FOR THE KIDS
“Kuya, hanggang kailan pa ba sina Mama at Papa sa kabilang bayan?” inaantok na tanong ni Arkin habang nagsasagot ito ng kaniyang module.Kanina pa ito humihikab dahil antok na. Ilang beses ko na ring sinabihan si Anton na patulugin na ito pero mahigpit siya masiyado. Puwede namang kami nalang ang gumawa ng assignment ng mga kapatid niya para hindi ito masyadong nahihirapan. Kaso, ayaw talaga nitong pumayag. Dapat daw, bata mismo ang gumagawa para matuto ito.“Sabi kanina sa akin ni Mama baka mag-extend pa sila ng isang araw sa kabilang bayan. Bakit? Nami-miss mo na ba si Mama?”Isang marahang tango lang ang sinagot ni Arkin.“Huwag kang mag-alala, nangako naman si Mama na bibili siya ng pasalubong,” saad ni Anna sa kaniyang nakababatang kapatid.Halos pasado alas nuebe na nila natapos ang kanilang assignments. Kanina pa rin ako napipikit. Ramdam ko ang antok at bigat ng katawan ko kaya naman tuluyan nang bumagsak ang ulo ko sa balikat ni Anton dahil nakahiga ako sa kaniyang tabi.Nagi
Read more
  CHAPTER 76: THE KIND AND HUMBLE DEL RIO  
“Ate Gab, huwag kang mahiya. Tingnan mo, ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng mga magulang na um-attend,” mahinang bulong sa akin ni Anna.Marahil ay napansin niyang kinakabahan ako habang naglalakad kami papasok ng classroom nila.“Smile ka, Ate Gab,” dagdag pa nito saka nilagay ang dalawang hintuturo niya sa gilid ng kaniyang labi saka ngumiti nang ubod nang tamis.“Gaya nito oh.”Natawa naman ako nang makitang ini-stretch niya ang kaniyang labi sa magkabilang gilid.“Ayan, ganiyan nga. Tingnan mo, mayamaya, lahat sila, sa’yo na lahat nakatingin.”Napailing nalang ako sa sinabi nito. People kept on telling me that I am pretty. Pero kapag bata ang nagsabi, pakiramdam ko ay totoo ang sinasabi nila. “Good morning, Anna.”Sabay kaming napabaling ni Anna sa kaniyang teacher. Bata pa ito, maganda, at halos kasing tangkad ko.“Good morning teacher Kaye. Siya nga po pala, si Ate Gab po muna ang a-attend sa meeting ngayong araw. Okay lang naman po hindi ba?”Ngumiti ang teacher ni Anna sa kan
Read more
CHAPTER 77: THE PASCUAL FAMILY  
“Alam mo Kuya, malakas talaga ang pakiramdam ko na may crush sa’yo ang teacher kong si Miss Kaye.”Napaubo bigla si Anton nang marinig ang sinabi ni Anna. Agad ko itong inabutan ng isang basong tubig dahil ako ang katabi niya sa mesa. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan nang biglang magkuwento si Anna.“Talaga? Hindi ba ay maganda yung si Teacher Kaye? Crush nga iyon ng mga kaklase ko eh.”“Hoy, anong crush? Grade four palang kayo may nalalaman na kayong crush,” saway ni Anton sa kaniyang bunsong kapatid.“Hindi naman ako, Kuya eh. Sila lang iyon. Wala pa akong crush ‘no!” sagot naman nito sa kaniyang Kuya at pasimpleng umirap.“Teka, nga pala, Ate, paano mo nasabing may gusto si Teacher Kaye kay Kuya?”Huminto sa pagnguya si Anna at nilunok ang kinakain.“Eh kasi kanina, nabanggit ko na narito si Kuya. Kitang-kitang ang excitement sa mga mata ni Teacher Kaye. Tapos kanina noong break time namin, tinanong pa niya kung hanggang weekend ay narito si Kuya. At saka, nilinaw niya rin ku
Read more
CHAPTER 78: THE OUTING  
Pagkatapos yakapin ni Tita Alissa si Anton ay agad na bumaling sa akin ang kaniyang ina at ngumiti ito. “Ikaw na ba si Gabriella?” tanong nito habang naglalakad palapit sa akin.Tipid akong ngumiti at tumango sa Ginang. Nang makalapit ito sa akin ay agad kong inabot ang kamay nito para makapagmano.“Magandang umaga po, Tita Alissa.”Lumingon ako sa ama ni Anton na nakatingin sa akin. Kita ko sa kaniyang mga mata na pinagmamasdan niya akong maigi o hindi kaya ay sinisiyasat.“Magandang umaga po sa inyo, Tito Steve.”Lumapit ako rito para magmano. Seryoso ang hitsura nito. Akala ko nga ay may pagka-disgusto ito sa akin kaya nag-aalangan ako na ngumiti at bumati. Lumapit si Anton sa kaniyang ama at siniko ito sa tagiliran.“Pa, huwag mo namang tinatakot si Gabriella.”Nang sabihin ni Anton iyon sa kaniyang ama ay bigla nalang ito ngumiti at ilang sandali pa ay tumawa.“Joke lang hija,” saad nito.Dahil tumatawa na sila ay nakitawa na rin ako. Medyo peke nga lang yung tawa ko dahil ang t
Read more
CHAPTER 79: THE TOUR  
“Kuya, sino bang tinitingnan mo riyan? Tara na, excited na akong mag-ikot.”Mabilis na hinila ni Anna ang kamay ni Anton dahilan para maputol ang tinginan nila ni Jacob. I swallowed saliva in my throat but then I realized, halos tuyo na pala ang lalamunan ko. Muli akong tumingin kay Jacob pero hindi umabot sa kaniyang mga mata ang tingin ko. I chose not to. Natatakot kasi akong makita na baka hindi na siya interesado sa akin. I’m still in the healing process. Mahirap para sa akin na makita siya at malamang wala na siyang pagmamahal na natitira sa akin.Napansin ko ang suot niyang damit. Walang nagbago sa pananamit niya. He’s still looks gorgeous kahit na simple lang ang suot niya. Mas nagmumukha siyang kaakit-akit sa ganoon. For a minute I thought I was okay, pero nang makita kong humawak ang isang babae sa braso niya ay doon na napuno ng bigat ang dibdib ko.Pakiramdam ko, anytime soon ay iiyak na ako sa sobrang bigat nito. Pero nagulat ako nang humarang si Anton sa harapan ko. Doon
Read more
CHAPTER 80: ACTING LIKE STRANGERS  
Dahil halos mag-iisang minuto na kaming nakatingin sa isa’t-isa, ako na mismo ang kusang pumutol nang tinginan naming dalawa. I cleared my throat and continued walking down the stairs. Siya naman ay hindi gumalaw sa puwesto niya.“Jacob, give me a second.” Nang marinig ko ang boses ng babae ay hindi ko napigilang mapakunot ang aking noo. Madali ko ring ibinalik sa normal ang reaction ko at nagpanggap na balewala lang ang nakita ko.Nagkunwari akong hindi ko nakita kung paano kumapit sa braso ni Jacob ang babaeng kasama niya.“Let’s go. Baka kanina pa naghihintay sina Dad.”Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad nang biglang…“Wait a sec, hey can you stop from walking?”Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilang mapakunot ang aking noo nang marinig ang sinabi ng babaeng kasama niya. But still, I acted I didn’t hear anything. Kung gulo ang hanap ng babaeng ito, puwes hindi ko siya papatulan. Masyado akong maraming iniisip at ayoko siyang bigyan ng panahon.“You look familiar. Do I kn
Read more
PREV
1
...
678910
...
14
DMCA.com Protection Status