All Chapters of Heartless Love: Chapter 41 - Chapter 50
116 Chapters
Chapter 19.3
Venus POV Dalawang araw na simula noong matanggal ang bala sa katawan ni daddy. Mabuti nalang at nadala s'ya agad sa ospital at naagapan. "Mr. Amonte, may ideya ho ba kayo kung sino ang maaaring gumawa nito sa inyo?" Tanong ng isang pulis. Saglit na napaisip si dad. Nag-aabang naman kami sa isasagot nito ngunit mabilis s'yang umiling matapos tumingin sa akin. "Hindi ako sigurado. Magbibigay nalang ako ng panibagong testimonya kapag may sapat ng ebidensya." Ani nito. "Anong hindi ka sigurado? Alam mo kung sino ang gumawa sayo nito, David!" Sabat ni tito kaya nabaling naman ang atensyon ko sa kanya. "What do you mean, tito Albert?" Tanong ko rito at napahinto naman s'ya. "S-Sino ang may gawa nito kay dad?""Venus- it's nothing, okay? Sige na officer, gusto ko munang magpahinga. Balitaan n'yo nalang kami kapag nalaman o na-trace n'yo na ang nagmamay-ari ng bala ng baril na ginamit sa akin."Nagt
Read more
Chapter 20.1
Venus POV Ala-una na ng hapon ng mapagdesisyonan kong itigil muna ang pagsusulat. Maaga na namang umalis si Sage ng bahay. Mukhang busy talaga ito at nasabi nga rin sa akin ni KD na magkakasama sila- lalo na kapag nakikipagtulungan sa mga pulis. Sa pagkakalam ko ay hindi parin nakakalabas si dad ng ospital dahil sa mga sugat n'ya. Sa ngayon ay wala parin silang ideya kung sino nga ba ang salarin. Nagkaroon na rin ng private investigation sa mga ospital na puwedeng puntahan ng salarin upang magpagamot, ngunit wala silang nahanap. Nang mai-park na ni Denson ang kotse ay agad na akong bumaba bitbit ang isang basket ng prutas at iba pang mga pagkain na paborito ni daddy. "Sigurado ka bang hindi na kita sasamahan sa taas?" Tanong ni Denson sa akin. Mabilis akong umiling at bahagyang ngumiti. " H'wag na, ibibigay ko lang naman ito kay dad at pagkatapos ay aalis tayo kaagad para makapunta ako sa SPC." Malumanay kong saad at t
Read more
Chapter 20.2
Venus POV Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay napalagay naman ako ng makitang medyo maganda naman dito sa loob. Ngunit, halatang hindi masyadong nalilinis ang buong kabahayan. May iilan ring sira na ang mga gamit at ang ibang bintana ay basag na.  "Pasta lang ang meron ako dito- hindi pa kasi ako nakakapag grocery.." saad nito. Tumango lamang ako at naupo sa sofa. Oo, matigas na sofa dahil halos mapudpod na 'yon sa sobrang luma na.  "Pasensya ka na at makalat o madumi itong bahay. Hindi ko na kasi masyadong naaasikaso." Muling sabi nito at inabutan ako ng tubig. "Bihira lang akong makauwi dito- nasakto pang nakita kita.." dagdag pa nito.  Masyadong tahimik ang kapaligiran. Walang kaingay-ingay na maririnig. Sumilip ako sa labas ng bintana ngunit wala man lang kailaw-ilaw at tanging madilim na kapaligiran lang ang nakikita ko.  Napapitlag ako ng marinig ang isang tagingting ng isang metal na bagay na m
Read more
Chapter 21.1
Venus POVNapangiti ako ng makita ang mga iginuhit ni Elise sa maliit na kuwaderno nito. Magaling si Elise sa pagguhit. Isa ata iyon sa mga hinahangaan ko sa kanya. Sa bawat pahina na ito ay naglalaman ng iba't-ibang guhit na maituturing n'yang obra maestra. Mas lalong lumawak ang aking mga ngiti ng mabasa ko ang aking mismong pangalan sa kalagitnaan ng pahina, sa gilid non ay may heart shaped sticker. Muli kong inilipat sa sumunod na pahina at nangunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni daddy- "Venus?"Napapitlag ako sa gulat at napalunok dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas. Narinig ko ang boses ni Barron kaya naman dali-dali kong itinago sa ilalim ng kama ang kuwadernong pag-aari ni Elise. Huminga muna ako ng malalim at tsaka tumayo at naglakad papunta sa pinto. Agad ko itong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Barron na may dalang kumot at unan. "Nagising ba kita?" Tanong nito at alanganing ngumiti. "Hindi naman.." sagot ko at muli
Read more
Chapter 21.2
Venus POV Sa mga oras na ito, mugtong-mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak- habang si Barron ay walang humpay na tumatawa at para bang ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay n'ya! Itinali n'ya ng lubid ang mga kamay ko habang nakaupo sa isang silya, napansin ko ang makapal na bakal na itinapat n'ya sa apoy kaya naman muli akong nakaramdam ng takot sa mga maaari n'yang gawin! Tumigil ito at tumingin sa akin, nanlaki ang mga mata ko ng napatingin sa kanyang katawan! Ang tattoo na ay para bang nakita ko na noon-"Ang tagal kong hinintay 'to, Venus! Ang tagal kong naghintay para lang dito, para lang maisakatuparan ang mga plano ko!" Sumigaw ito at nanlilisik ang mga mata. Binitawan n'ya ang bakal at mabilis na lumapit sa akin! Akmang hahalikan ako nito sa labi pero mabilis akong umiwas! Marahas ako nitong hinawakan sa aking pisngi kaya muli na namang naglandas ang aking mga luha! "B-Bakit mo ba ginagawa 'to?" Nanghihina kong tanong. Dapat ba ay naki
Read more
Chapter 21.3
Venus POVTumakbo ito papalapit sa akin kaya naman inihanda ko ang sarili upang siguraduhing tatama sa mukha n'ya ang baseball bat na hawak ko! Hindi pa man ito tuluyang nakakalapit sa akin ay buong lakas ko ng itinaas mula sa ilalim ang baseball bat at mukhang nagulat pa ito- sumakto sa mukha n'ya ang pagpalo ko at agad s'yang natumba! Ngunit ngumisi lamang ito at mukhang nagdulot pa sa kanya ng kasiyahan ang ginawa kong iyon! Agad akong tumakbo ngunit nahablot n'ya ang baseball bat na hawak ko kaya naman mabilis kong binitawan iyon at umalis! Sa sobrang pagkataranta ay agad akong dumiretso sa pangatlong palapag ng bahay! Nagtago ako sa ika-walong kuwarto na nasa hallway at mabilis na isinarado 'yon! May ibang gamit na nandito tulad ng tokador, upuan at lamesa na agad kong ipinangharang sa pinto! Sumilip ako sa basag na bintana at agad na nakaisip ng paraan kung paano bababa! Isa-isa kong tinanggal ang bawat kurtina na nakasabit at ipinagdugtong-dugtong 'yon. Mag
Read more
Chapter 22. 1
Venus POVBahagya kong iginalaw ang hinliliit kong darili ng nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Muli akong napapikit dahil sa liwanag na sumalubong sa akin! Nakaramdam ako ng paghapdi sa aking mga mata at kasabay no'n ay ang pagkirot ng bahagya. Bumuntong hininga ako at muling sinubukang dumilat ng dahan-dahan upang hindi mabigla ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang puting kisame- "Dapat na ba natin s'yang ilipat sa ibang ospital? It's been a week, David.." Napatingin ako sa kaliwang bahagi at nakita ko si mommy at daddy, maging si Sage ay nandito rin pala! Halos sabay-sabay silang napatingin sa akin ng makitang gising na ako!"V-Venus.." agad na tumayo si mom at naluluhang lumapit sa akin. Pinindot naman ni daddy ang buzzer para tumawag ng nurse at doctor na maaaring pumunta sa kuwartong kinaroroonan ko. "A-Anong masakit sayo anak? Tell me- uh, tubig! Bigyan natin ng tubig si Venus!" Natatarantang sa
Read more
Chapter 22.2
Venus POVIt's been a week since I got recovered. Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos ni Sage dahil.. sobrang busy n'ya-"So, wala ka ba talagang planong kausapin ang asawa mo?" Untag ni Penny sa akin. Napairap naman ako at tsaka bumuntong hininga, tumaas ang dalawang kilay nito at saglit pang nailing dahil wala akong maisagot sa kanya. "Venus, hindi porque't mala-Aphrodite o mala-Psyche 'yang ganda mo feel na feel mo na teh, aba! Galaw-galaw naman. Hindi ako naniniwalang walang nag-aabang d'yan sa guwapo mong asawa!" Sabat pa ni Hailey at inihinto nito ang ginagawang pagwawalis. Nandito kasi ako sa apartment- halos araw-araw ata ay pumupunta ako rito dahil.. ayokong makausap si Sage. Tama, iniiwasan ko s'ya ng pansamantala. "Nag-iisip pa ako, okay?" Saad ko at iniwas ang tingin sa kanilang dalawa. Agad naman silang lumapit sa akin at sabay na hinawakan ang kamay ko. "Hoy, umamin ka nga! Hindi mo na ba mahal 'yong tao?" Tanong ni Hailey na ikinakunot
Read more
Chapter 23.1
Venus POVInihanda ko ang sarili bago tuluyang harapin si Barron. Alam kong sa mga oras na ito ay alam n'ya na kung sino ba ang dumalaw sa kanya. Kasama ko si Sage at mahigpit nitong hawak ang aking kamay. "Puwede naman na tayong umalis kung-"Mabilis ko itong hinarap si Sage at umiling. Desidido akong makita s'ya. "No, Sage. We'll stay here and wait for him." Bumuntong hininga ako matapos kong sabihin iyon. Agad naman bumukas ang pinto sa kabilang kuwarto kung saan pumasok si Barron. Isang malinaw na salamin lamang ang pagitan namin kaya kitang-kita namin ang isa't-isa. Napangisi ito ng makita kaming dalawa ni Sage bago umupo sa upuan. Nakaposas ang mga kamay nito at napansin ko rin ang iilang pasa at galos sa gilid ng kanyang labi. Tumaas ang dalawang kilay nito bago tuluyang humalakhak, nagkatinginan kaming dalawa ni Sage bago s'ya muling hinarap. "Anong ginagawa n'yong dalawa dito?" Nakangisi nitong tanong at bahagya pang ipiniling ang ulo. "Ano
Read more
Chapter 23.2
Venus POV"Oo nga! Madami atang inaasikaso si Sage nitong nakaraang araw dahil si Venus ang sumagot ng tawag." Napatingin ako kay KD at bahagya pang napalunok! Habang si Sage naman ay pangisi-ngisi lang at gusto ko nalang s'yang hampasin dahil sa nakakainis n'yang ekspresyon! Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi ng tumingin ito sa akin kaya sinimangutan ko lamang ito. "Anyway, kamusta naman ang kaso? May usad naman ba?" Tanong ni Don Arthur at mabilis namang tumango si Sage. "I won't let that bastard out of jail. Baka kung ano-anu pang kalokohan ang maisip n'ya." Seryosong saad ni Sage at napatango naman ang matanda. Nandito kami sa mansyon ng mga Dawson. Napatingin ako kay Tucker at Flinn na seryoso sa paglalaro ng baraha. Kasama ko rin ang mga kaibigan ko at maging sila ay nakilaro na sa dalawa. "Kamusta ka naman hija? Do you feel better now? I hope that it won't affect your mental health." Rinig ko namang sabi ni Señora Maxima. Ngumiti
Read more
PREV
1
...
34567
...
12
DMCA.com Protection Status