All Chapters of Secret of His Wife: Chapter 11 - Chapter 20
21 Chapters
Ika-labing-isang Kabanata
Iniangat ni Ariella ang kanyang kamay at hinawakan niya ang katawan nito. Bahagya niyang itinulak pero dahil sa medyo mahigpit na pagkakayakap ni Alexander ay medyo hindi niya magawang itulak ng tuluyan ang hinata. "Alexander," pagtawag ni Ariella sa pangalan niya. Napahiwalay si Alexander nang pagkakayakap kay Ariella at tumingin siya sa kanyang mga mata. Nagkatitigan silang dalawa. Kitang-kita ni Alexander ang maamong mata ni Ariella. Alam ni Alexander na may ibubuga si Ariella pagdating sa kagandahan, maamo ang kanyang mukha, maganda ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong at ang mapula niyang labi. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, nakikita naman ni Alexander ang katangian ni Ariella, pero ngayon lang niya ito natitigan nang malapitan. Napalunok si Alexander. Naramdaman niyang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso habang nakatitig siya kay Ariella. Ngayon niya lang itong naramdaman sa tagal nilang magkasama, at hi
Read more
Ika-labing-dalawang Kabanata
"Tara na, Ariella?" anyaya ni Kaizer kay Ariella, habang nakalahad ang kanang kamay niya sa harapan ng dalaga. Napatingin si Ariella kay Alexander. Blanko ang mukha ni Alexander na nakatingin kay Kaizer, kaya nagsalita na siya. "Bago maghapunan ay nandito na ako, Alexander," sabi ni Ariella kay Alexander. Lumapit si Ariella kay Zania, at sabay silang naglakad papasok sa kanilang sasakyan. Tumingin naman si Kaizer kay Alexander, at nagpalaam. "Paano? Alis na kami. Ihahatid ko na lang si Ariella mamaya," paalam ni Kaizer kay Alexander na hi di pa rin nagsasalita. Tu.alikod na lang si Alexander sa kanya at naglakad papasok ng kanilang bahay. Samantala, sa loob ng sasakyan, magkatabi Zania at Ariella habang nag-uusap. "Kaya pala walang sumasagot kanina dahil wala kayo. Saan ba kayo nagpunta?" tanong ni Zania sa kanyang kaibigan. "Galing kami sa mansyon ng mga Singson. Nakuha kasi ni Alexander ang proyekto ng
Read more
Ika-labing-tatlong Kabanata
Nang nakapasok si Alexander sa loob ng bahay nila, dumeretso siya sa kanyang kwarto at binuksan ang kanyang laptop. Habang hinihintay niya ang pagbukas ng kanyang laptop, kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan ang kakilala niya para humingi ng tulong. Nakakatatlong ring pa lang ay sinagot na niya ito. "Napatawag ka, Alexander?" pagsagot ng lalaki sa kabilang linya. "Hindi ba, nagtatrabaho ka sa Marcos Engineering Firm, Sean? Hihingin ko sana ang e-mail kung saan ako pwede magpadala ng mensahe," sagot ni Alexander sa kanya. Si Sean ay ka-team ni Alexander noon sa basketball team ng Arkan University. Apat na taon din silang nagsama at nagkaroon na sila ng samahan. Hindi man sila gaano nagkikita o nagkakausap, mahigpit pa rin ang kanilang pagkakaibigan."Ganoon ba? Bakit hindi mo na lang kunin sa pinsan mong si Drake? Siya ang nakipag-ugnayan noon sa amin, ah," ani ni Sean. "Alam mo naman kung ano ang relasyon namin ng
Read more
Ika-labing-apat na Kabanata
Nakasunod si Ariella at Kaizer sa lalaking nasa harapan. Ang lalaking ito ay isang waiter na siyang magdadala sa kanila kung saan ang reservation ni Kaizer. Habang naglalakad sila, bihlang tumugtog ang isang pang romantikong musika. Napakunot ng nuo at napatingin si Ariella kay Kaizer. Hindi pa ring nawawala ang ngiti sa kanyang labi, at alam ni Ariella na may iba pang inihanda si Kaizer para sa kanya. Hindi nagtagal, tumigil ang waiter sa paglalakad. Inilibot ni Ariella ang kanyang paningin sa buong ligar at doon niya nakita si Zania na nakangiting kumakaway sa kanya. "Ano ito, Kaizer?" seryoso at nagtatakang tanong ni Ariella sa kanya. Halatang pinaghandaan ang lugar na ito. Maraming mga pula at pink na mga rosas na nagkalat sa bawat bahagi ng lugar. Sa maliit na entablado, nandoon ang isang grupo ng musikerong nakahawak sa iba't ibang instrumento na siya nagpapatugtog ng romantikong musika. May nag-iisang lamesa sa gitna na preskong bulakla
Read more
Ika-labing-limang Kabanata
"Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba? Kasal lang kayo sa papel, at hanggang doon lang," may diing sagot ni Kaizer kay Alexander. Napasingkit ng mga mata at napakuyom ng kamao si Alexander. Hindi niya nagugustuhan ang tono ng boses ni Kaizer, at para bang may tumusok sa kanyang dibdib sa mga salitang binitawan niya. "Hindi ba, kahit kailan ay hindi mo itinuring si Ariella na asawa kundi itinuring mo siyang isang kasambahay kasama ang mga magulang mo! Tagaluto, tagalaba, tagalinis, at tagapamalengke, iyan ang ginagawa ni Ariella sa bahay niyo, kasi hindi niyo siya matanggap dahil isa siyang ulila, wala siyang maipagmamalaki, at isang sampid lang sa pamilya niyo!" dagdag pa ni Kaizer. "Kaya huwag kang umakto na para kang isang mapagmahal na asawa, dahil alam naman natin lahat kung ano ang tingin niyo kay Ariella!" pagtatapos ni Kaizer. Hindi napigilan ni Alexander ang kanyang sarili. Mabilis niyang nilapitan si Kaizer at hinawakan ang kwelyo ng k
Read more
Ika-labing-anim na Kabanata
"Maghanda ka, magbihis ka ng maganda, may pupuntahan tayo mamaya," utos ni Alexander kay Ariella habang nagluluto siya ng agahan. Napatigil si Ariella sa kanyang pagluluto at nilingin si Alexander na umiinom ng tubig. "May pupuntahan tayo?" tanong ni Ariella kay Alexander. Nang matapos uminom ng tubig si Alexander, tumingin siya kay Ariella, "Ngayon ako makikipagkita kay Mr. Arthure Marcos, Ariella, at isasama kita," sagot ni Ariella sa kanya. Napasingkit ng mga mata si Ariella dahil sa sinabi ni Alexander sa kanya. Ngayon lang niya ito isasama sa isang meeting. Palagi lang siyang nasa loob ng bahay at gumagawa ng mga gawain. Kapag tapos na ang mga gawain ay pupunta siya sa kanyang kwarto para magpahinga. "Bakit ako sasama sa iyo?" tanong ni Ariella sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Alexander. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanya habang hawak ang baso na pinag-inuman niya. Humarap siya kay Ariella, "Dah
Read more
Ika-labing-pitong Kabanata
Tahimik lang na nakikinig si Ariella sa usapan ni Alexander at Mr. Aethure Marcos. Pinag-usapan nila ang design na inaprobahan ng AD Group, at sinabi na rin ni Alexander kung ano ang kanyang dahilan kung bakit siya nakipagkita sa kanya. "Maganda nga ang plano na ginawa mo, Mr. Singson, kakaiba ito sa iba naming nahawakang proyekto, pero sa palagay ko, malaking halaga ang kakailanganin para matapos ang subdivission," pagbibigay ng opinyon ni Aethure kay Alexander. "Iyan din ang problema ko, kaya ako lumalapit sa iyo, Mr. Marcos," sambit ni Alexander sa kanya. Napangisi si Arthure habang nakatingin kay Alexander, at pagkatapos ay tumingin siya kay Ariella na tahimik lang na nakaupo. Kanina pa napapansin ni Ariella ang mga tingin ni Arthure sa kanya. Hindi lang siya nagsasalita, pero nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kaharap nilang dalawa ni Alexander. "Matagal na kaming nagkakasama ng lola mo na si Donya Amanda, Mr. Singson, kaya kung
Read more
Ika-labing-Walong Kabanata
Abala si Ariella sa paghahanda ng meryenda ng kanyang mga manugan at ang kanilang mga bisita sa kusina. Lingid sa kanyang kaalaman, pinagmamasdan siya ni Alexander mula sa labas ng kusina. Mabilis na umalis si Alexander sa kanyang kinatatayuan nang matapos ni Ariella ang paghahanda ng pagkain. Naglakad siya papunta sa sala para dalhin ang meryenda nila. Habang papalapit si Ariella sa mga bisita, napansin niya si Alexander na nakatingin sa kanya. Sinenyasan siya ni Alexander na nakuha naman ni Ariella. Nang maibigay niya ang mga pagkain para sa kanyang manugang at mga bisita, umalis si Alexander at nagtungo siya sa garden sa likod ng bahay. Sinundan siya ni Ariella ng tingin at alam niyang may nais itong sabihin sa kanya kaya sumunod siya. Nang makarating si Ariella sa garden, nakita niya si Alexander na naghihintay sa kanya. Nilapitan niya ito at humarap sa kanya. "May kailangan ka ba sa akin, Alexander?" tanong ni Ariella kay Alexan
Read more
Ikalabing-siyam na Kabanata
Chapter 19: Secret of His WifeTahimik lang na nakaupo si Ariella sa likod ng sasakyaj ni Alexander. Papunta silang dalawa sa Arkan Hotel and Resto kung saan sila maghahapunan ni Arthure Marcos. Nakatingin si Ariella sa labas ng bintana ng sasakyan, pinapanood ang mga taong naglalakad sa kalsada, mga sasakyan na nakakasabay nila, at ang mga gusali na nalalagpasan nila. Napatingin si Alexander kay Ariella. Alam niya na ayaw ni Ariella na makipaghapunan kay Mr. Arthure Marcos. Alam niya ang dahilan, pero kailangan nilang makausap ang negosyante para sa pagpapatayo ng subdivision ng AD group. Hindi nagtagal, nakarating silang dalawa Arkan Hotel and Resto. Pinagbuksan ni Alexander si Ariella ng pinto nang sasakyan. Bago bumaba si Ariella, tumingin siya sa kanyang asawa. Napayuko si Alexander, hindi niya alam kung bakit, pero may iba siyang nararamdaman ngayon. Guilty? Pwede dahil pwedeng may mangyaring masama kay Ariella sa pagkikita nilang dalawa ni Mr. Arthure Marcos. "Tawagan mo na
Read more
Ika-dalawangpong Kabanata
'Kung inaakala mo na magtatagumpay ka, isang malaking kalokohan ang bagay na iyan!' sabi ni Ariella sa kanyang sarili. Bago siya pumunta dito, nakausap na niya si Gladiola at nagplano kung ano ang gagawin nila. May mga tao na nasa kabilang silid na handang pumasok kung may masama mang mangyari sa kanya. Nilapitan ni Arthure si Ariella. Hinawakan niya ang balikat nito kaya napatingin si Ariella sa kanya. "Bakit hindi na nating simulan ngayon, Ariella?" bulong ni Arthure na punong-puno ng pagnanasa sa kanyang boses. "Bitawan mo ako!" direkta at malamig na utos ni Ariella sa kanya. "Akala ko ba ay papahirapan mo ako? Simulan mo na ngayon dahil nangangati na ako!" tanong at sambit ni Arthure sa kanya. Hinawakan ni Ariella ang kamay ni Arthure, at malakas niya itong pinisil. Hindi natinag si Arthure sa ginawa ni Ariella. Gamit ang isa pa niyang kamay, hinawakan niya rin ang isa pa niyang balikat. Iniharap ni Arthure si Ariella sa kanya. Nagkaharap silang dalawa, nakangisi si Arthure
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status