Alexa "Anak, ang lalim naman niyang iniisip mo." Tinabihan ako ni mama sa duyan sa ilalim ng puno sa gilid ng bahay namin. "Hindi pa po kasi nagre-reply o tumatawag si Ludwig, eh." Nakailang message at attempt na ako ng tawag sa kaniya. Pero wala pa rin akong nakukuhang response. Plus, itong hindi maipaliwanag na kaba na nararamdaman ko. "Baka may inaasikaso lang, anak Huwag kang masyadong mag-isip. Makakasama 'yan sa pagbubuntis mo," paalala ni mama sa 'kin. Napahawak naman ako sa tiyan ko. "Hindi ko lang kasi mapigilan na mag-alala, mama. Paano kung nakumbinsi siya ni Sydney na magbalikan sila?" Hindi ko na naitago ang takot sa boses ko. Niyakap naman ako ni mama. "Magtiwala ka sa pagmamahal sa 'yo ng asawa mo, anak. Sa tingin mo ba magbabago pa ang isip niya, pagkatapos ng mga naging pag-uusap natin kasama ang lolo mo. Nakita ko ang sinseridad niya." "Nakakainis naman kasi ang lalaking iyon, mama, eh! Hindi man lang mag-update kung ano na a
Last Updated : 2025-04-24 Read more