All Chapters of THE BLIND BILLIONAIRE: Chapter 101 - Chapter 110
149 Chapters
Chapter 100
NANGINGINIG na binuksan ni Audric ang email na galing sa bagong P.I na kaniyang kinuha. Isa itong address ng private cementery at ilang mga larawan. Malapit lang ang cementery na sinasabi sa email at pwede niya itong puntahan ngayon. Nasa loob siya ng kaniyang sira-sirang silid ngayon at wala pa siyang tulog. Tirik na tirik na ang araw pero napakailap ng tulog para sa kaniya. mahirap matulog. Nakaupo lang siya sa isang tabi habang puno ng kalat ang kaniyang buong silid.Saka niya na haharapin ang dating P.I, may paglalagyan ito sa kaniya. Lalo na si Ivony at ang kaniyang Ina. Ang kaniyang Ina na inakala niyang kakampi niya sa lahat pero nagawang lokohin ang Ama niya ng harap-harapan.Napailing siya at napakuyom ng kamao. Kaya pala gusto ng Ina niya na makapasok ang La Grande sa DaVilla, pero palagi niya itong hinahadlangan. Noon una, nagkaroon na siya ng hinala nung makita niya itong kausap ang amain ni Ffion pero dahil malaki ang respito niya sa Ina at alam niya kung gaano nito pina
Read more
Chapter 101
"MS. FFION, may gusto pong kumausap sa inyo." "Sino?""The name is Amazi Villanueva."Saglit siyang natigilan. Expected niyang lilitaw isa sa mga araw na ito si Amazi or tatawag. Huminga siya ng malalim at sinabi kay Chen na papasukin ang binata sa loob ng kaniyang opisina.Pagkaraan sandali ay pumasok na ang binata, may dala itong iba't ibang klaseng succulents na tinatawag na succulents dish garden. Nagkulay rosas agad ang mga mata niya at mabilis na nilapitan ang binata."Succulents!"Ngumiti ito at inabot sa kaniya. "Para sa 'yo, Ffiony.""Wow! Thanks." Kaagad niya itong kinuha at dinala sa table. Ang ganda naman ng bungad ng umaga niya ngayon! Kahapon lang ay napadalhan na ng warrant of arrest ang amain at dinakip na ito, at ngayon itong succulents naman.Nakakamiss din pala mag-alaga ulit ng mga halaman at mapaligiran ng mga ito. Makita at maamoy, at paminsan-minsan ay nakakausap.Biglang may kung anong kumudlit na alaala sa kaniya nung nasa San Mateo at Baguio siya. Kaagad ni
Read more
Chapter 102
Hindi nakaimik si Audric sa malakas na sampal na kaniyang binigay. Nabaling ang mukha nito at makhang gusto pa nito ng isa sa kaniya. Ang kapal naman ng mukha nitong magpakita sa kaniya at pumasok nang walang pahintulot. Trespassing ang ginagawa nito."You have 2 second para mawala sa harapan ko, Mr. Villanueva." May diin ang kaniyang boses."Ffion, let's talk please?""Nag-uusap na nga tayo, at iyan ay ang pinapaalis kita! Alis!" Lumakas ang boses niya. Kung pwede lang sigawan at murahin ito, ginawa niya na pero dahil professional siyang tao, at kahit papaano... Alam niya kung paano ilugar ang galit.Ilan sa mga employee niya ay nagkunwaring walang pakialam. Ang iba naman ay mabilis na umiwas sa takot na baka madamay sa galit niya habang si Chen ay nasa kaniyang likuran pero may isang dipa ang layo. Nag-aalala pero nanatiling kalma."I... I already talked my mother. Pagbabayaran niya at ni Ivony ang ginawa nilang sakit sa 'yo, Ffion. Pinapangako ko 'yan."Ang lakas naman ng tawa niya
Read more
Chapter 103
"HINDI ako makakapayag na sirain nang tuluyan ng walang-hiyang babaeng iyon ang lahat ng pinaghirapan ko!" Galit na sigaw ni Ivony. Naiiyak siya sa sobrang galit. Halos hindi niya kayang lumabas sa publiko dahil sa kagagawan nito! Nandito siya ngayon sa condo niya at ilang araw ng nagtatago. Mistula siyang nasa impyerno. Hindi niya matanggap ang kahihiyan dinulot ni Ffion! Ang sampal na binigay nito! Ang masasakit na salitang galing kay Audric. Lahat! Lahat ng mga ito ay hindi niya matanggap.Wala rin siyang lakas ng loob na buksan ang kaniyang email's and natatanggap na mga hate messages. Mas lalo lang nanlulumo ang sarili niya! Bullshit talaga.'Bitch! That Ffion is such a b*tch! In the first place, she was the cause of this. This wouldn't have happened if she hadn't blinded Audric. My career won't be destroyed. Hayop talaga siya. Never in my life would something like this happened kung hindi dahil sa kaniya! You are such a b*tch, Ffion! Mamatay ka na! Mamatay ka na. I will never a
Read more
Chapter 105
HALOS umusok ang ilong ni Ffion nang malaman kay Chen ang nangyaring paghuli kay Ivony sa unit nito. Nagmamadaling kinuha niya ang susi at saka tinawagan si Lucas, tinanong niya rito kung saan police station naka-detain si Ivony. "Chen, sumama ka sa 'kin." Mabilis naman na tumango ang babae at kaagad na niligpit ang ginawa at sumunod sa kaniya papuntang elevator. Nagkukuyos ang loob niya habang nasa loob sila ng elevator dalawa ni Chen. Humigpit din ang hawak niya sa susi at cellphone sa kaniyang kamay.'How dare you na pangunahan ako Audric! Kung sa inaakala mong natutuwa ako sa ginagawa mong ito, pwes, nagkakamali ka!Ano 'to, hugas kamay? Dapat pinakulong mo rin sarili mo.'Nang marating ang main floor, tinungo niya agad ang sasakyan sa parking lot at pumasok doon. Naiinis na pinagana niya ang makina habang tahimik lang sa tabi niya si Chen.Nang marating ang nasabing police station, nakita niya roon si Audric kausap ang isang Pulis na tingin niya ay mataas ang rangko."Audric!
Read more
Chapter 106
BITBIT ang isang preskong bugkos ng mga puting rosas at malaking teddy care ay huminga muna nang malalim si Audric. Nag-uunahan sa malakas na tibok ang puso niya. Hanggang ngayon hindi niya pa rin kayang ihakbang ang papa papunta sa puntod ng anak. Hanggang ilang dipa lang siya. Parang may isang malakas na kuryente ang humahatak sa kaniya papalayo kaya hindi niya magawang makalapit o baka ang konsensya niya lang ito. Dahil alam mismo ni Audric na wala sa ganitong lugar sana ang kaniyang anak kung hindi sa kaniya. Ilang beses na attempt na ba ang ginawa niya pero magpahanggang ngayon, hindi niya magawa-gawa. Kinalma saglit ni Audric ang puso. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa teddy bear at bulaklak. Hindi na siya tatalikod pa at takbuhan papalayo ang katotohanan. Hinihintay siya ni Gabriella. Hinihintay siya ng anak niya.Makulimlim ang ulap nang hapon na iyon. Alas-dos pa lang ng hapon pero para na itong alas-singko. Isang linggo na rin ang panay ulan sa Pinas. Sa umaga, malakas
Read more
Chapter 107
ISANG BUWAN ang mabilis na lumipas. Nakuha na ni Ffion ang hustisyang hinahangad ngunit sa puso niya, hindi pa rin siya masaya. 'Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi ako masaya?' Humigpit ang pagkakahawak niya sa ballpen habang tinitigan ang sarili sa salamin. 'Hindi ba ito ang gusto natin, Ffion? Ang magdusa ang mga taong nanakit sa 'tin? Pero bakit ang lungkot-lungkot mo pa rin? Bakit hindi ka pa rin masaya? Bakit ang bigat-bigat pa rin ng puso mo at hanggang ngayon, tinatanong natin sa sarili natin kung bakit hanggang ngayon, masakit pa rin?'Pinilig niya ang ulo at muling nag-focus sa ginagawa. Kung hindi pa tumunog ang cellphone niya, hindi niya ulit mapapansin na madilim na sa labas dahil gabi na. Isang text ang natanggap niya kay Lucas na hindi siya masusundo nito ngayon dahil sandali itong pinauwi ng Ama nito sa hasyenda. Hindi na siya nagtanong kung saan.Mabilis niyang niligpit ang gamit at dinampot ang cellphone saka ang susi. Napansin niyang nagsiuwian na ang mga employee niya
Read more
Chapter 108
At kung minamalas nga naman siya, na-stuck ang sasakyan na kaniyang minamaneho sa daan dahil sa lakas ng ulan at hangin, natumba ang isang puno dahilan para ma-stuck sila. Napamura siya nang malakas! Bakit ngayon pa talaga, eh?Sandali niyang tinabi ang sasakyan. Mukhang matatagalan bago makalusot ang sasakyan niya at madala ang lalaki sa Hospital. Sandali siyang napasulyap sa lalaki sa likuran, mas lalo siyang naiinis at nagalit. Bakit obligado pa siya rito ngayon?Huminga siya sandali nang malalim at tumingin sa labas. Malakas ang ulan, pati ang hangin. Mali yata na umuwi siya ng late. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Lucas para lang matigilan, out of town pala si Lucas at hindi siya pwedeng makahingi rito ng tulong. Nilagay niya sa dashboard ang cellphone at nag-isip ng pwedeng gawin.Kinalma niya muna ang sarili at tiningnan ang sarili sa rearview mirror. Umuungol ang lalaki at nanginginig ito. Panay ang baling ng ulo nito at binabanggit ang pangalan ng anak nila
Read more
Chapter 109
SAMANTALANG si Lucas sa araw na iyon ay nababagot na nakikinig sa mahabang diskusyon nila ng kaniyang ama. Panay ang tingin niya sa kaniyang orasan pambisig. Isang araw lang niyang hindi nakikita si Ffion pero nag-aalala na siya sa babae. Hindi niya ginusto ang magpunta rito sa Hasyenda ng ama niya para makinig sa mga gusto nitong sabihin. Hindi niya gusto rito at ang tanging gusto lamang ni Lucas ay ang firm at bantayan si Ffion sa mga gagawin nitong hakbang."Lucas? Are you listening, son?"Napilitan siyang tumango kahit wala siyang naiintindihan. Isang buwan na ditong nag-relax ang kaniyang ama habang ang kaniyang ina ay kasama niya sa manila. Hindi niya makuha kung nag-aaway ba ang mga ito pero alam niyang imposibleng bagay ito. Parang langgam kung mag-usap ang mga ito sa tawag. Daig pa ang teenager."Dad, can I go back in Manila? Ang dami ko pa na 'di natatapos na gawain. Kailangan na ako sa opisina ko.""Hay naku Lucas, anak! Kilala kita, hindi trabaho ang aatupagin mo kundi ang
Read more
Chapter 110
NAKAHINGA nang maluwang si Lucas. Babalik na siya ngayon umaga sa Manila. Nahirapan din siyang makatulog kagabi sa kakaisip ng relasyon nila ni Ffion at kung hanggang kailan siya maghihintay rito pero hanggang sa sumuko rin ang kaniyang isip at mata hanggang sa nakatulog siya.Saglit siya munang nagkape sa kusina para mainitan sandali ang tiyan bago umalis. Nakahanda na rin ang gamit niya at tapos na rin siyang maligo."Good morning, Senyorito! Masarap ba ang tulog niyo? Ang gwapo niyo naman ngayon, nakakagigil."Kumunot agad ang noo ni Lucas nang marinig ang mga salitang ito mula sa babaeng walang-iba kundi ang nagkakilalang Ariana Grande raw itawag.Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa pag-inom ng kape niya habang nagbabasa ng mga reports ng kaniyang secretary."Senyorito, talaga ba na babalik na kayo sa Manila? Isama niyo na ako, o. Ako na magiging katulong niyo roon. Ako magluluto sa inyo, ako maglalaba, ako kakamot sa malaki niyong itlog— este sa likod niyo pala. Hehe. Ako
Read more
PREV
1
...
910111213
...
15
DMCA.com Protection Status