All Chapters of THE BLIND BILLIONAIRE: Chapter 111 - Chapter 120
149 Chapters
Chapter 111
TULALANG nakaupo si Ffion sa isang restaurant nang araw na iyon malapit sa salamin dingding nang mapansin niya ang isang bata. Tingin niya ay nasa edad dalawa o tatlo ito. Hindi siya sigurado. Napatitig siya sa bata. Nasa isang crib ito, kasama ang isang nurse, at isang yaya base na rin sa suot ng mga ito. Nagsimula itong umiyak at tila may kung anong humaplos sa puso niya habang nakamasid sa bata. Kung hindi lang sana nawala ang anak niyang si Gabriella, kasama sana niya ito ngayon."Here's your order, Ma'm."Napatingin siya sa waiter na nagdala ng kaniyang inorder na pagkain. Ngumiti siya at nagpasalamat saka ito umalis.Sinimulan niyang kainin ang steak na inorder at muling napatingin sa batang lalaki.Umiiyak na ito at kinarga ng yaya habang sandaling umalis ang nurse na parang may hinahanap. Pinapatahan ito ng yaya habang ang umiiyak naman ito. Parang may hinahanap. Habang ang mga tao na nasa mall na iyon ay napapatingin sa batang umiiyak.Pinilig niya ang ulo, nag-focus sa pagka
Read more
Chapter 112
Kaya sa gabing iyon, hindi makatulog si Ffion. Pabaling-baling ang kaniyang ulo at halos baliktarin niya na ang sarili para makatulog lang. Kausap na rin niya si Lucas at bakit hindi siya yata masaya na nakabalik na ito?Sinampal niya ang sarili saka napabangon. Napatitig siya sa kawalan. Ang lakas ng impact ng anak ni Audric sa kaniya! Si Ace. Ang batang iyon, ang batang iyon na tinangay agad ang kaniyang puso.Nakagat niya ang labi. Dapat siya magalit pero bakit hindi niya kayang magalit sa inosenteng bata? Oo, nawala sa kaniya si Gabriella pero hindi yata mabuti kung isasama niya ang anak ni Ivony at Audric sa galit niya.Bumaba siya sa kama at tinungo ang kusina. Inayos niya ang ternong pantulog na pajama. Magtitimpa siya ng gatas at baka sakaling makatulog siya.Hawak-hawak ang baso ng gatas nang marinig niyang may nag-door bell. Kumunot ang kaniyang noo, wala siyang bisita sa ganitong oras ng gabi pero sa isiping baka si Lucas ito, kaya nagmamadaling tinungo niya ang pintuan at
Read more
Chapter 113
Pinangko ni Ffion saglit ang kaniyang buhok bago siya nagsimulang maghalungkat ng manok sa fridge. Naggayak din siya ng mga sangkap. Kumuha rin siya ng isang medium carrots at celery stalks at hiniwa ang mga iyon na naayon sa kaniyang panlasa.Nakakainis! Pero nagpatuloy siya sa paghahanda. Imbes na matulog at magpahinga ay heto siya, inaasikaso ang ex-husband niyang may sakit!After 50 minutes, natapos siya. Wala sa loob na napangiti si Ffion nang maglagay siya sa isang serving bowl para lang matigilan. Bakit siya ngumiti? Mabilis niyang pinilig ang ulo. Hindi siya dapat ngumiti dahil wala naman dahilan para gawin niya ito.Pakakainin niya lang si Audric at kapag okay na ito ay pwede na itong lumayas at mawala sa unit niya. Disturbo lang ito sa buhay niya!Dala niya ang tray na may umuusok pa na chicken soup, isang kutsara at isang basong tubig nung bumalik siya sa silid kung saan nagpapahinga ngayon ang lalaki.Nakita niyang nakapikit ang mga mata nito kaya napilitan siyang ilagay s
Read more
Chapter 114
Kaagad gumuhit ang ngiti sa labi ni Audric kinabukasan nang magising siya at nalamang nasa unit siya ni Ffion. Mabuti na ang kaniyang pakiramdam at wala na siyang lagnat. Tama nga talaga siya hinala, tanging presensya lang ng babae ay magiging okay na siya.Kaagad siyang bumaba ng kama at lumabas ng silid. Magpapasalamat lang siya sa babae at aalis na siya. Tulad nga ng kaniyang pangako, hindi niya na ito disturbuhin pa.Pero wala siyang nagisnan na Ffion. Napabuntong-hinga si Audric, aalis siyang hindi nasisilayan at nakapagpasalamat sa babae. Tiningnan niya ang modern clock na nakasabit sa dingding, 8.A.M na ng umaga. Napasarap ang kaniyang tulog! Pakiramdam ni Audric, ito ang pinakamahaba niyang tulog.Si Ace! Bigla siyang naalarma nang maalala ang anak niyang si Ace. Kaagad niyang hinanap ang cellphone at nakita niya ito sa sofa. Marahil ay nalaglag niya ito kagabi nung bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig dahil sa panghihina.Mabilis niyang kinuha ito at tinawagan ang yaya ng
Read more
Chapter 115
SANDALING nakalimutan ni Ffion na may pasok siya nang araw na iyon. Kung hindi pa dumating si Audric, hindi siya sasampalin ng reyalidad na nasa pamamahay siya nito at kalaro siya ng anak nitong si Ace na ang tawag sa kaniya ay Mommy.Nung dumating siya sa bahay ni Audric kaninang hating-gabi, kaagad siyang pinapasok ng guard nung sinabi niya ang pangalan niya.Namangha siya nung una sa laki ng bahay ni Audric, literal na modern mansion ito at mukhang bilyon din halaga. Maganda ang bahay nito, at malawak ang bakuran na kahit gabi ay alam niyang maganda ang pagkakalandscape ng mga bulaklak at mga statue. Sa gilid ay isang malaking swimming pool.Mas lalo pa siyang namanga nung pagpasok niya sa loob ay sumalubong sa kaniya ang very manly, tidy at formal na ayos ng bahay. Napakalawak ng sala at maluwang. May staircase sa kabilang bahagi, at may elevator naman sa kabila. Ang sahig ay yari sa marmol at kulay puti, gray at black ang kulay ng dingding. Kung susumain ni Ffion, para itong isa
Read more
Chapter 116
"Hi."Nakaramdam siya ng konsensya nang makita si Lucas na matamang naghihintay sa kaniya sa labas ng kaniyang Unit. Kimi siyang ngumiti nang salubungin siya nito at binigyan ng halik sa pisngi."Kanina ka pa ba? Bakit hindi ka pumasok? I gave you the duplicate key, right?"Tumango ito. "I think, more than 2 hours of waiting." Saka ito natawa. "It's okay, Ffiona. Ilang taon nga nakaya kong hintayin. Itong oras lang ba hindi?"Nakagat niya ang labi. Bakit sobrang understanding ni Lucas? Nakapa niya ang puso. Lucas holds a special place in her heart. Gusto niya ang lalaki at panahon na lang ang makakapagsabi para sa kanilang dalawa."I'm sorry I made you wait.""Silly." Inakbayan siya nito at ito na ang nagbukas ng pintuan gamit ang duplicate key. "Nakapantulog ka pa. Saan ka ba galing?"Bigla siyang naging alinlangan. Sasabihin ba niya? Napahugot siya ng hangin. Well, yes."Doon ako galing sa bahay ni Audric."Biglang tumigil ang kamay nito sa pagpihit ng doorknob at tumingin sa kaniya
Read more
Chapter 117
ISANG marahan na katok ang narinig ni Ffion nang gabing iyon. Nagmadali siyang tinungo ang pintuan at hindi na tiningnan kung sino ang nasa labas. Sa dalawang linggong nagdaan, si Lucas lang naman palagi ang gano'n. Hindi na nagpakita pa sa kaniya si Audric tulad nga ng sinabi nito at natuwa siya sa parteng ito. Pero bakit 'yong puso niya ay hindi masaya?"Instead of knocking on my door Lucasio, why won't you—"Isang maalab na halik ang sumalubong sa kaniya. Mabilis nanulak ang kaniyang kamay para tingnan kung sinong makapal ang mukha na halikan siya, para lang manlaki ang mga mata ni Ffion!Audric!Gusto niyang sampalin ang lalaki at gamitin dito ang natutunan niyang martial arts pero muling siniil ni Audric ang mga labi niya.Para itong isang batang sabik na sabik sa ice cream na binili. Ang mga kamay rin ni Audric ay mabilis ay nakaalalay sa kaniyang ulo ang isa habang ang isa ay nasa beywang niya, pumipisil at parang sinasabing tugunin niya ang halik nito.No!Ginamit niya ang buo
Read more
Chapter 118
Tumama ang init sa mukha ni Ffion na nagmula sa bintana kaya siya nagising. Gusto ko pa matulo— awtomatikong nagmulat siya nagmulat ng mga mata.Oh shit!Bigla siyang napabangon at napatingin sa tabi niya. Nakahinga siya nang maluwang nang makita na wala si Audric.Diyos ko! Anong karupukan ang ginawa ko?! Gusto niyang magwala nang maalala ang mainit na nangyari sa kanila. Hanggang ngayon ay damang-dama niya ang mga halik at haplos na binigay sa kaniya ng lalaki.Hindi niya alam kung anong oras sila natulog dahil magdamag siyang inangkin ng lalaki kaya lantang-lanta siya ngayon.Nakaramdam siya nang galit sa sarili. Bakit ko hinayaan na angkinin niya ako? Anong kahihiyan 'to, Ffion? Hindi ka marupok! Hindi. I can't believe na nagawa mo sa sarili mo ito.Sinabunutan niya ang sarili at galit na sinampal ito. Baka kapag gawin niya ito ay magising siya sa kahibangan na ito.Umalis na kaya siya? Pinakiramdaman niya ang paligid. Mukhang umalis na nga si Audric.Bumaba siya sa kama at sanda
Read more
Chapter 119
If only, if only Ffion could grab back the time kung saan hindi siya nagpadala sa tukso na binigay ni Audric, gagawin niya ito. Bakit ba kasi nagpadala ako sa tukso? Why I let that happened anyway? Para saan ang galit na ito kung isang halik niya lang, bumitaw ako? Bakit sobrang rupok ko? Sino nga ba talaga? Sino ba talaga sa kanila, Ffion? Why can't you choose? Si Lucas na andiyan lang sa paligid ko or si Audric na walang ginawa kundi ang saktan ako?Napahikbi siya. Galit si Lucas, alam ko. He hates me and I know he won't talk to me anymore. Kahit naman siguro ako, kung ako ang nasa kalagayan ni Lucas ay magagalit din ako 'pag nakitang may ibang kasama ang taong mahal ko. Shit! Shit talaga. Anong sasabihin ko sa kaniya? Wala siyang ganang pumasok ngayon araw. Isang linggo na ang nagdaan simula nung nagsuntukan si Audric at Lucas pero heto, hina-hunting siya ng konsensya niya.Karma.Karma siguro ang tawag dito.Nag-ring ang kaniyang cellphone, si Chen ang tumatawag. Tinatanong siya
Read more
Chapter 120
Masakit ang ulo nang magising si Ffion pero wala siyang makita. Napasinghap siya, ‘Teka!’ Biglang naalarma ang kaniyang utak. ‘Bakit wala akong nakikita? Bulag ba ako ulit?!’ Gusto niyang kapain ang mata pero hindi niya magawang igalaw ang kamay. Doon lang niya napansin na nakaupo siya sa isang kahoy na silya at nakagapos ang dalawang kamay niya sa likuran. Mahigpit iyon at pakiramdam ni Ffion, mababali yata ang kamay niya mula sa pagkakagapos!‘P-paano ako napunta rito? Bakit may nakatabing sa mukha ko? Hindi ako makapagsalita! Am I dead? Pero bakit—’ natigilan siya nung maalalang may dumukot nga pala sa kaniya nung nasa sementeryo na siya.‘Pero saan nila ako dinala? One thing I know, is I'm not dead yet. Dahil kung patay na ako, hindi ko mararamdaman ang sakit ng ulo at katawan ko.’ Nagpalingon-lingon siya. Wala talaga siyang makita na kahit katiting na ilaw man lang o liwanag.Nahihirapan na din siyang huminga. Parang sinasakal ang kaniyang leeg o masyado lang siyang nagpapanic ng
Read more
PREV
1
...
101112131415
DMCA.com Protection Status