Jairus Gael's P. O. V."I can't believe this! Unang araw mo pa lang ng pagiging CEO, ipinahiya mo na ang sarili mo. Jairus, have you lost your mind!?" sigaw ni Papa.Napayuko ako, dahan-dahan akong naupo sa swivel chair dito sa loob ng aking bagong opisina. Ramdam ko ang kirot ng ulo ko."Pa, alam niyo namang ayoko maging CEO--""But you have to!"Biglang bumukas ang pinto, niluwa nito si Mama. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha habang papalapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko."Jairus, anak. Anong nangyare sa 'yo, bakit ka naman sumuka sa meeting?" tanong ni Mama.Nilayo ko ang mukha ko, alam kong magagalit din siya kapag nalaman niya ang dahilan."Hon, ang magaling mong anak. Galing pala sa inuman. Gabi-gabi naglalasing ka, Jairus. You're already graduated, dapat alam mo na ang tama sa mali and be responsible!" sigaw niya."Anak, alam mong haharap ka sa madaming tao ngayon and it's a big day for you. Bakit mo naman nagawang maglasing? Is this because of Seira? It's been t
Read more