로그인Seira Anthonette's P. O. V.Magkasama si Wayne at Jairus sa paglalakad papasok sa isang sikat na fast food chain. Isinakay kami ni Jairus sa kaniyang kotse."Seira, upo na kayo. Ako nang oorder," ani Jairus at ibinigay sa akin ang kamay ni Wayne.Napatitig ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay ganoon pa rin siya, kung ano ang pakikitungo niya sa akin. Walang nagbago, pero hindi sila kinasal si Vinalyn? Buong akala ko masaya na siyang bumuo ng pamilya kasama si Vinalyn."Let's seat there," ani ko sabay turo sa bandang dulo na four seaters.Naupo sa tabi ko si Wayne. Nilabas ko ang cellphone ko para mag-reply sa mga messages sa aming group chat ni Dorothy at Iverson. Nangangamusta ang dalawa sa lagay ni Mama."Hintayin na lang natin ang order natin," biglang sumulpot si Jairus kaya binaba ko ang cellphone ko."Kaya pa ba hintayin ng gutom mo, anak?" tanong ko kay Wayne at sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri ko."Yes, Mama.""Seira." Nagulat ako nang hawakan ni Jairus ang kamay kong n
Jairus Gael's P. O. V.Maligaya akong pumasok sa aking opisina. Sinalubong ako ng mga empleyado na kasalukuyang naghihintay sa akin para sa ipapasa nilang report. Nakatayo silang lahat sa harapan ko nang maupo ako sa swivel chair."Sir Jairus, all of the sales, profit and demands are finished for the month of December. We are team 1 of accounting department--""Alam ko, akin na lahat 'yan. Ibigay niyo na sa akin lahat ng trabaho na kailangan ko gawin," ani ko at ngumiti.Kinuha ni Philip ang mga hawak nilang folders at inilagay sa desk ko."Sir, ang dami niyo pong pending na trabaho, lahat ba talaga gagawin niyo?" bulong ni Philip.Tinignan ko siya ng masama. Wala ba siyang bilib sa akin? Although wala naman akong deadline, ako ang CEO."Oo, i-open mo yung laptop ko. Gagawin ko lahat. Pipirmahan ko lahat. Ilagay mo lang sa desk ko." Tumingin ako sa mga empleyadong nakatayo pa rin sa harap ko. "Oh? Back to work na, alis na kayo," pagtataboy ko sa kanila.Sabay-sabay silang yumuko at lu
Seira Anthonette's P. O. V.Puno ng kaba at takot ang puso ko gayong nagkita na pala ang mag-ama. Ito ang una nilang pagkikita, at walang kamalay-malay ang dalawa na mayroon silang kuneksyon sa isa't isa."BUDDY!" nanlaki ang mga mata ko nang tumakbo si Jairus papalapit sa akin at iwanan si Wayne mag-isa sa kinatatayuan nito.Nakatingin lang ako kay Wayne nang yakapin ako ni Jairus ng sobrang higpit. Bakas naman sa mukha ng anak ko ang pagkagulat, hindi ko alam kung ano na bang nangyare sa kanilang dalawa. May napag-usapan kaya sila?"Seira, na-miss kita..." bulong ni Jairus sa tenga ko.Rinig ko ang tibok ng puso naming dalawa sa lakas ng kabog nito. Yayakapin ko sana siya pabalik dahil sa totoo lang ay na-miss ko rin siya, pero nagising din ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Wayne."Mama!" sigaw ni Wayne.Agad kong tinulak si Jairus. Hindi na dapat ako magpadala sa kaniya, limang taon na ang lumipas. Natuto na ako."Anak, I've been looking for you! I thought I'd lost you already.
Seira Anthonette's P. O. V.Pagdating namin sa bahay ni Mama. Ang dati kong tirahan. Tulog na tulog si Wayne sa balikat ko. Alas-nuebe na ng gabi at sinabi ni Kuya na siya na ang magbabantay kay Mama. Babalik na lang kami bukas doon para kami naman ang magbantay kay Mama."Seventy na po ang pamasahe ngayon ng trycicle," ani ng driver nang mag-abot ako sa kaniya ng singkwenta."Ang mahal naman, Kuya. Dati fifty lang," reklamo ko at kumuha ng bente sa wallet."Pamahal ng pamahal ang lahat ngayon, Miss. Pati gasulina." Ibinaba ng driver ang maleta kong dala."Salamat, Kuya." Binuhat ko si Wayne na mahimbing ang tulog.Kinuha ko ang aking wallet para hanapin ang dati kong duplicate na susi ng bahay. Sana lang hindi napalitan ang doorknob nito, kundi kawawa kami. Napatingin naman ako sa kabilang bahay kung saan nakatira sina Jairus. Bukas ang ilaw sa sala nila. Sana hindi na kami magkita pa.Sinipa ko ang maleta papasok ng gate. Bigat na bigat na ako kay Wayne kaya inuna kong buksan ang pi
Seira Anthonette's P. O. V.4 years laterHawak ko ang isang basket na laruan ni Wayne. Kakauwi ko lang galing sa trabaho at hindi pa rin natatapos ang trabaho ko pagdating sa bahay dahil gagapanan ko naman ang pagiging Ina ko. Sobrang likot na ni Wayne, hindi ko na siya masaway tuwing nagkakalat siya. Palibhasa ay bata pa, tapos hindi ako kasama buong araw, dahil sa trabaho ko. Naiiwan siya kala Tita at Tito."Seira, do you want some cotton candy?"Napalingon ako sa pinto. Nakatayo doon si Iverson habang may hawak na cotton candy sa isang stick. Napangiti ako, matanda na ako pero pakiramdam ko nagiging bata ako kapag nakakakita ako ng cotton candy."Of course, that's my favorite," ani ko at lumapit sa kaniya."I know, it's also Wayne's favorite. Maybe he inherited it from you," biro niya."It runs in the blood," natatawa kong sabi at kinain ang cotton candy."Dada, make one again. Come, Dada!" Napatigil ako sa pagkain nang sumigaw si Wayne.Napasapo ako sa noo ko. Ilang beses ko na t
Seira Anthonette's P. O. V."Mapayapa, ibig sabihin sa english ay?""Peace!" sagot ni Iverson.Napangiti ako, gumagaling na siya sa mga tagalog words. Kahit magtagalog kami ni Dorothy ay minsan naiintindihan na niya. Kung noon, clueless siya, ngayon umaalam na."What about hambog, I saw it on the internet.""It's arrogant in english." Kinuha ko ang ballpen saka isinulat ang spelling ng hambog.Nakaupo ako sa sofa habang ang dalawa kong paa ay nakapatong sa lamesa. Sobrang laki na kasi ng tiyan ko kaya mas nahihirapan ako kumilos. Parang buong araw gusto ko na lang mahiga, pero dahil kabuwanan ko na ay sinabi ng doktor na maglakad-lakad ako."Mahalaga na ikaw ay pahinga."Nanlaki ang mga mata ko sa binuong sentence ni Iverson. Mahina akong natawa dahil hindi ito perfect grammar pero naiintindihan naman."Root word yung pahinga, there's other term for it, like magpahinga, for future tense, nagpapahinga for present tense and nagpahinga for past tense. Did you get it?"Tumango siya at ngu
Seira Anthonette's P. O. V.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Amoy ko ang bango ng alcohol sa paligid, noon ko napagtanto na nasa loob ako ng hospital. Nakita ko si Dorothy na nasa tabi ko at nakayuko."D-Dorothy..." bulong ko.Napaangat siya ng tingin sa akin, bakas ang pagkadismaya sa kaniya
Seira Anthonette's P. O. V.Hawak ko ng mahigpit ang cellphone ko. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Jairus posted a photo of him with Vinalyn sa mall. The caption was..."Official." Binitawan ko ang cellphone ko at bumagsak ito sa kama. Bakas ang saya sa mga mata ni Jairus
Seira Anthonette P.O.V.Sinarado ko ang libro ko sa accounting nang makita ang wall clock, o
SeiraAnthonette'sP.O.VDala







