All Chapters of The Playboy Next Door: Chapter 11 - Chapter 20
23 Chapters
Chapter 11
PAGBALIK ni Kit sa condo unit niya ay napasandal na lamang siya sa pintuan habang binabatukan ang sarili. Pinilit niyang alalahanin kung talaga bang may nangyari sa kanilang dalawa ni Aiden kagabi, pero parang wala siyang mapipiga sa utak niya. Sinubukan niya nang untugin ang sarili para lang may matandaan, but to no avail. “Bakit pa ba kasi ako uminom eh!” Sumalampak na lamang siya sa sahig sa sobrang frustration. Hindi naman siya naniniwala na may nangyari sa kanila ni Aiden. Pero ang pagiging malandi niya kapag lasing at ang pagiging natural na malandi ni Aiden ay talaga namang isang masamang kombinasyon, lalo na kapag nilagay mo ito sa isang kwarto sa isang malamig na gabi. Parang maiiyak na napatitig si Kit sa kisame habang iniisip na maari talagang may nangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi eh. Imposible naman yun. Kasi wala naman akong nararamdaman na iba sa katawan ko… Tama, imposible talagang may naganap sa pagitan n
Read more
Chapter 12
PAGKATAPOS niyang maligo ay agad niyang chineck ang phone para makita kung may tumawag at nagtext sa kanya. Doon niya na napansin na kailangan niya nang mag-charge, kaya agad niyang hinanap ang bag kung saan nakalagay ang charger ng phone. Hinanap niya na ang bag sa buong unit niya, pero wala talaga. Nafufrustrate at naiinis na rin siya dahil ayaw na ayaw niya talagang namimisplace ang mga gamit niya. Sumilip siya sa ilalim ng sofa, “Asan na ba yung bag ko…” Natigilan siya nang mapagtantong dala niya ang bag na iyon kagabi, at may malaking chance na naiwan niya iyon sa condo unit ni Aiden. Nasapo niya na lamang ang noo nang marealize ang kapalpakan niyang iyon. “Bwisit naman… Paano ko naman kukunin yun?” Napaupo na lamang siya sa sofa at napaisip. Nakakahiya kung babalik siya doon para kunin ang bag niya. Baka kasi asarin lamang siya ni Aiden, o kaya ay ipaalala na naman sa kanya ang fact na posibleng may nangya
Read more
Chapter 13
SINADYA talaga ni Kit na umalis nang maaga para hindi niya makasabay sa elevator si Aiden. Buong weekend niya itong iniwasan, at ang huling pagkikita nila ay noong mahuli siya ng binata sa loob ng condo unit nito. Subalit ngayong araw ay hindi nila maiiwasan ang magkita, dahil may schedule sila ng photoshoot sa Tagaytay. ‘Di bale. Ilang oras lang naman ‘to. Tiis-tiis lang, Kristina. Nasa kalagitnaan ng pagmamaneho si Kit nang bigla na lamang tumirik ang sasakyan niya. Bumaba siya ng sasakyan at napamura dahil sa inis. “Sa lahat naman talaga ng araw, ngayon mo pa piniling magloko!” sigaw ng dalaga bago sinipa ang gulong ng sasakyan. Napabuntong-hininga na lamang siya at napatingin sa kanyang wristwatch. Kung ipapaayos niya pa iyon ay matatagalan siya, at paniguradong late na siyang dadating sa location ng photoshoot sa araw na iyon. Napakamot na lamang siya sa sobrang frustration. “Bwisit naman eh. Bakit ba kasi – “ “Anong nangyari?” Nilingon ni Kit ang pinanggalingan ng tinig, at
Read more
Chapter 14
THE PHOTOSHOOT for that day went well. Naging maayos naman ang kinalabasan ng mga larawan, and as usual, Aiden is always professional. Hindi siya nito binuwisit o biniro throughout the shoot, kaya naman madaling nakaraos sa araw na iyon si Kit. Nagsimula lamang ang kalbaryo ng dalaga pagkatapos ng photoshoot. Pinagtulungan kasi siya ng mga kasamahan dahil sa pagpapasimuno ng bestfriend niyang si Mikka.   Ayaw naman sanang sumabay ni Kit kay Aiden, pero walang sinuman sa iba niyang mga katrabaho ang pumayag na isabay siya pauwi, all because of Mikka’s schemes. Alam niyang pinagkaisahan siya ng lahat, kaya wala na siyang nagawa at sumabay na lamang sa kapitbahay. In the end, sabay ngang bumalik sa condominium sina Kit at Aiden, gaya ng sinabi ng huli na ihahatid siya nito.   Ginawan na rin ni Aiden ng paraan ang tungkol sa sasakyan ni Kit, kaya naka-park na ito sa parking area ng condominium building. Dahil doon kaya medyo nakahinga na nang ma
Read more
Chapter 15
Napaupong muli si Kit sa tabi ng binata. “Yun naman pala eh. So ano nga, bakit ka naging playboy?” “Frankly, hindi ko rin alam…” pagsisimula ni Aiden, “But it all started when I was in my last year in high school, nung iniwan kami ng Mommy ko. Nung panahong iyon, hindi pa maayos ang financial status namin kasi hindi pa okay ang business ng tatay ko. Dahil hindi maibigay ni Daddy ang mga gusto niya, iniwan siya ng magaling kong nanay para sa ibang lalaki. “Hindi na ako bata para hindi maintindihan ang mga nangyari noong mga panahong iyon. Nagalit ako sa nanay ko. I hated her because she left us for some man na naibibigay ang mga luho niya. Pinabayaan niya kami nina Daddy at ni Aivi para lang sa sarili niyang kagustuhan…” napansin ni Kit ang pagkuyom ng mga kamao ni Aiden. “Dahil sa kanya kaya isinubsob na lamang ni Daddy ang sarili niya sa trabaho. It was hard for us… For ou
Read more
Chapter 16
NAPANGITI na lamang si Aiden habang naaalala ang itsura ni Kit nang sabihin niyang kamahal-mahal ito. All his words are sincere, at alam niyang naapektuhan din ang dalaga sa mga sinabi niya. Aminado siyang gusto niya ang dalaga, kung kaya kahit pa lagi siyang tinatarayan nito ay okay lang sa kanya. Hindi siya sanay na tinatrato nang ganoon ng mga babae, pero kung si Kit ang gagawa ay okay lang. Handa siyang magpakamasokista, at kakayanin niyang tiisin ang mga pagsusungit ng kapitbahay, masilayan lamang ito. Halos umabot na sa tenga ang ngiti ni Aiden habang nakatingin sa kisame at nakahiga sa malambot niyang kama. Yakap niya ang unan na ginamit ni Kit noong matulog ito sa unit niya. Para siyang timang na inaamoy ito, lalo na’t naiwan doon ang mabangong amoy ng buhok ni Kit. How he wished he could smell that straight from her soft-looking hair. Somehow, ipinagpasalamat rin ni Aiden na nasiraan ng sasakyan ang dalaga nang madatnan niya i
Read more
Chapter 17
NASA kalagitnaan sila ng photoshoot noong mga oras na iyon nang biglang sumugod ang head ng modelling agency ni Aiden na si Miss Amelia Tiu sa studio. Mukha itong nagpupuyos sa galit nang makita ito ni Kit na pumasok doon.               Lumapit si Mikka kay Kit, “Bes, break daw muna. Kailangan lang kausapin ni Miss Tiu si Aiden.”               Aangal sana si Kit dahil gusto niya nang matapos ang photoshoot, pero mukhang importante ang pag-uusapan nito at ni Aiden, kaya hinayaan niya na lang.               “Guys, break muna tayo,” ani Kit bago uminom ng tubig, “Aiden, kakausapin ka ata ng manager mo pati ng head ng agency ninyo.”        &nb
Read more
Chapter 18
              HULING LINGGO na ng shoot para sa photobook ni Aiden, kaya tumungo sina Kit sa huling location na kailangan nilang puntahan – ang Talisayin Cove sa Zambales, na ilang oras ang layo mula sa Metro Manila. Nauna nang pumunta doon si Aiden, kaya nakalusot si Kit sa pangungulit ng binata at sa pambubuyo ng mga kasamahan nila. Iyon nga lang, nakaramdam ng disappointment ang dalaga dahil hindi niya nakita ang binata paglabas niya ng condo unit, pero ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon.               Ilang oras din ang naging byahe nila bago nakarating sa location ng huling photoshoot. Nagdesisyon silang magcheck-in muna sa isang hotel, bago magtungo sa mismong cove. Wala silang balak magtagal doon, lalo na’t minamadali ng agency ni Aiden ang pag-produce ng photoshoot. &n
Read more
Chapter 19
AFTER NG PHOTOSHOOT ay nagkaroon ng party ang mga kasamahan ni Kit sa hotel kinagabihan, para naman i-celebrate ang ilang linggong paghihirap nila para sa photobook ni Aiden. Sumaglit lamang doon si Kit, at agad ding umalis sa party. Hindi kasi niya hilig iyon. Kung hindi lang nature ng trabaho niya ang makipag-interact sa napakaraming klase ng nilalang ay talagang magkukulong lamang siya sa unit niya buong araw. Para makatakas sa ingay ng party, pumunta si Kit sa beach kung saan nila kinunan ang photoshoot. Mas gusto niyang tumambay doon dahil tahimik at walang mang-iistorbo. Nang makarating siya doon ay laking gulat niya nang madatnan niya si Aiden na nakaupo sa buhangin habang umiinom mula sa isang lata ng beer. Hindi mapigilang mapangiti ni Kit dahil sa nakita. Kanina lamang kasi ay nakita niya ang binata sa party, kaya talagang nagtataka siya kung paano ito nakarating doon. “Bakit andito ka?” tanong ni K
Read more
Chapter 20
              MAGMULA noong magtapat siya ng nararamdaman para kay Kit, pakiramdam ni Aiden ay mas nagkaroon ng direksyon ang buhay niya. Kung dati ay panay ang pakikipag-flirt niya sa kung sinu-sinong babae, ngayon ay kay Kit na lamang nakatuon ang kanyang oras at atensyon.               At dahil espesyal si Kit sa lahat ng mga babaeng nakilala niya, sa kauna-unahang pagkakataon ay talagang naghirap at nag-effort ang isang Aiden Lazaro para sa isang babae. Dagdag challenge pa ang fact na si Kit ang babaeng iyon, at hindi ito kagaya ng ibang mga babae na nakilala niya, that is why she deserves special attention.               Pero para maging kumpleto na ang pagseseryoso niya sa babae, kailangan niya nang baguhin ang lifestyle na meron siya. Magmula
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status